Biglang nabalot ng katahimikan ang buong elevator hanggang sa makarating
sila sa pinaka mataas na palapag.
Tahimik lang na nakatayo si Lu Jinnian na para bang may malalim na iniisip.
Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita, "Kung maari lang, sana wag ka ng
magpapakita sa akin ulit."
Hindi niya na hinintay na makasagot si Qiao Anhao at bigla siyang naglakad
palabas ng elevator habang hila ang kanyang maleta.
Nakatulala lang si Qiao Anhao habang tinitignan si Lu Jinnian na maglakad
papalayo.
Sinabi niya na na'ospital siya kaya hindi siya nakapunta, pero hindi ito naniwala
sakanya…. Isa pa, sinabi nito sakanya na ayaw na nitong magkaroon pa ng
kahit anong ugnayan sakanya at ayaw na siyang makita nito….Dahil sa mga
nangyari, bigla siyang nawalan ng lakas ng loob.
Nandilim ang kanyang mga paningin kaya yumuko nalang siya at itinikom ang
kanyang mga labi.
Muli lang siyang nahimasmasan noong magsasara na ang elevator. Dahan
dahan siyang naglakad palabas at pagkaliko niya, nakita niya si Lu Jinnian na
nakatayo sa dulo ng corridor na mukhang may kausap sa phone.
Sinilip niya ang kanyang hotel card para tignan ang room number niya at
walang pagdadalawang isip siyang naglakad papunta sakanyang kwarto. Noong
malapit na siya kay Lu Jinnian, doon niya lang nalaman na magkatapat pala sila
ng kwarto.
Tinignan lang siya nito, at wala pa rin itong ka'emo-emosyon. Base sa narinig
niya, sinabi ni Lu Jinnian sa kausap nito ng dire-diretsong English, "See You
Tonight." Hindi nagtagal, ibinaba ni Lu Jinnian ang phone nito at nagdire-
diretsong pumasok sa kwarto nito ng hindi manlang siya pinapansin.
-
Nakatulog si Qiao Anhao sa eroplano, pero inaantok pa rin siya dahil hindi
masyadong komportable ang posisyon niya. Pagkatapos niyang maligo, humiga
siya sa kama at walang ibang tumatakbo sakanyang isip kundi ang mga sinabi
sakanya ni Lu Jinnian.
Mukha talagang determinado na itong putulin ang lahat ng namamagitan
sakanila.
Kung mabibigyan sila ng pagkakataon na mag'sama ng dalawa lang sila, siguro
naman hindi na imposibleng muli itong mapalapit sakanya….Hindi kaya ang
ideya na talaga ni Zhao Meng ang nagiisang solusyon?
Dali daling bumangon si Qiao Anhao para puntahan ang pill box na ibinigay
sakanya ni Zhao Meng sa airport. Ilang sandali niya rin itong tinitigan hanggang
sa makabuo siya ng isang magandang plano.
Kahit anong mangyari, kailangan niyang makahanap ng paraan para may
'mangyari' sakanila.
Kagaya ng sinabi ni Zhao Meng, kung hindi man siya patawarin nito hanggang
dulo, pwede niya namang gamitin ang magiging anak nila para makuha ito.
Pagkatapos niyang magdesisyon, magdamag na siyang gising at sumandal
nalang sa pintuan para pakinggan ang galaw ng taong nasa katapat na kwarto.
Mukhang nagpapahinga si Lu Jinnian dahil sa jet lag dahil hindi ito lumabas ng
buong umaga, pero pag sapit ng ala una ng tanghali, may isang waiter na
pumasok sa kwarto nito para magdala ng pagkain.
Alas sinco na ng hapon noong lumabas si Lu Jinnian sa kwarto. Nakasuot siya
ng isang malinis na suit, at kagaya ng nakasanayan, wala pa ring papantay sa
kagwapuhan niya. Bago siya tuluyang umalis, sinilip niya muna ang pintuan ng
kwarto ni Qiao Anhao nang mapansin niyang nakasilip ito sakanya.
Dali daling tumakbo si Qiao Anhao pabalik sa loob ng kanyang kwarto para
kunin ang kanyang wallet, phone at ang pill box bago niya sundan si Lu Jinnian.
Napalakas ang pagkakasara niya sa pintuan kaya biglang napatingin si Lu
Jinnian, na kasalukuyang naglalakad.
Habang iniisip niya kung paano niya gagawin ang madumi niyang plano, hindi
niya mapigilang makonsensya kaya yumuko nalang siya.
Pagkapasok nila ni Lu Jinnian sa elevator, may nakasabay silang
magkasintahan na mukhang mga French.