webnovel

Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (21)

Redakteur: LiberReverieGroup

Bumaba si Qiao Anhao ng hagdanan para puntahan si Lu Jinnian. Tinignan niya muna ito bago siya pumasok sa loob sasakyan at nang ikakabit niya na ang seatbelt, bigla siyang inunahan ni Lu Jinnian na gawin ito para sakanya.

Pagkapasok ni Lu Jinnian ng kanyang sasakyan, agad rin siyang nagkabit ng seatbelt at tinanong si Qiao Anhao ng address ni Zhao Meng. Habang tinatype niya ito sa GPS, sobrang nanginginig ang kanyang mga daliri pero ginawa niya pa rin ang lahat para magpatuloy. Nang matapos na siya, agad niyang binuksan ang makina ng kanyang sasakyan at sa hindi malaman na kadahilanan, bigla niya nalang naapakan ang preno kaya napahinto siya ng ilang sandali bago siya unti-unting mahimasmasan at tuluyan ng nagmaniobra palabas ng Mian Xiu Garden.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan, at isang beses lang nagsalita si Qiao Anhao noong nagpadala siya ng voice message kay Zhao Meng para paalalahanan ito na parating na siya sa loob ng kalahating oras.

Malapit na sila sa bahay ni Zhao Meng pero hindi nagmenor si Lu Jinnian at nahimasmasan lang siya noong pinaalalahan siya ni Qiao Anhao kaya bigla niyang inapakan ang preno. Tumingin siya sa bintana at napansin niya na lumampas na sila ng halos dalawang daang metro mula sa bahay ni Zhao Meng. "Magmamaniobra ako."

"Ayos lang, hindi naman masyadong malayo. Maglalakad nalang ako." Nakangiting sabi ni Qiao Anhao.

Hindi makagalaw ang panga ni Lu Jinnian at diretso lang sa harap ang kanyang tingin. Matapos ang ilang sandaling pananahimik, sumagot siya, "Okay."

May dinukot na susi si Qiao Anhao sa loob ng kanyang bag na agad din niyang inabot kay Lu Jinnian. "Ito ang susi sa Mian Xiu Garden."

Hindi kinuha ni Lu Jinnian ang susi na inaabot niya kaya ipinatong niya nalang ito sa compartment at dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag. "Mauuna na ako."

"Okay," sagot ni Lu Jinnian na para siyang isang robot. Matapos ang ilang sandali, bigla siyang nahimasmasan at naintindihan ang gustong mangyari ni Qiao Anhao kaya dali-dali siyang lumabas ng sasakyan para tulungan itong ibaba ang maleta nito.

"Salamat." Inabot ni Qiao Anhao ang kanyang maleta pero nang mahawakan niya na ito, naramdaman niya na biglang humigpit ang kapit ni Lu Jinnian.

"Qiao Qiao.." 

Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo para tignan si Lu Jinnian.

Ibinuka ni Lu Jinnian ang kanyang bibig at bigla siyang napatitig kay Qiao Anhao. Matapos ang ilang sandali, muli siyang nagsalita, "Paalam."

Pinilit ni Qiao Anhao na ngumiti at sumagot, "Paalam."

Lalo pang humigpit ang hawak ni Lu Jinnian sa maleta bago unti-unting lumuwag ang kanyang pagkakakapit, ngunit hindi nagtagal, muli niya nanaman itong hinawakan ng mahigpit pero bandang huli, pinakawalan niya rin ito. 

Hinila ni Qiao Anhao ang maleta papunta sa tabi niya at sa pinaka huling pagkakataon, muli niyang nginitian si Lu Jinnian. Pagkatalikod niya, hindi niya na mapigilan ang kanyang mga luha at tuluyan na itong tumulo.

Paalam, Lu Jinnian.

Wala akong ideya kung hanggang kailan kita mamahalin, pero mula ngayon, hindi na ako magpapakamanhid na maghintay na mahalin mo ako pabalik.

Kahit na sinisisi kita sa pagkamatay ng anak natin, gusto ko pa ring magpasalamat sa walong buwan na ibinigay mo sa akin. Salamat dahil pinaintindi mo sa akin na hindi mo talaga ako kayang mahalin. 

Paalam, aking kabataan, paalam, aking mahal.

Paalam, sa labintatlong taon ng masasaya ngunit masasakit na alaala.

Hindi makagalaw si Lu Jinnian. Pinagmasdan niya lang si Qiao Anhao na naglalakad papalayo habang hila-hila ang maleta nito. Wala siyang kahit anong balak na umalis sa kinatatayuan niya kahit na tuluyan na itong nawala sa kanyang pangin hanggang sap unto na may biglang lumapit sakanya na isang traffic police para sitahin siya. Humingi siya ng tawad at agad na umalis.

Habang nagmamaneho, gulong-gulo ang isipan niya at hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Nächstes Kapitel