Ang isang tao na nakakulong ng ilang taon sa ibaba ng talampas, naninirahan sa kapaligiran na hindi naaayon para sa tao, ngayon ay mamamatay na puno ng pang hihinayang sa lugar na iyon, hindi makawala sa impyernong iyon na umangkin sa kanya. Ang tanging hiling lamang niya ng walang hanggang humpay ay ang makatakas sa kakila-kilabot na kulungang iyon.
Si Jun Wu Xie ay lagging naniniwala na ang spirit ng tao ay nananatili kahit sya ay pumanaw na.
Ang panandaliang ilusyon ng anyong iyon ay maaring isang kathang-isip lamang, o maaari na ang matiding hiling ng taong iyon sa wakas ay natupad na at ang kanyaang kaluluwa ay malaya na.
Ngunit kahit ano pa man iyon, totoo man o hindi, dadalhin nya ang pilak na singsing palayo sa lugar na iyon, ang huling bakas ng taong iyon na naiwan sa mundong ito malayo sa sinumpang impyerno, upang tuparin ang matagal ng hinahangad na paglaya ng kanyang kaluluwa mula sa pagkakatali sa mga kadena, na sya ay payapa ng magpahinga.
Marahang tumayo umikot si Jun Wu Xie, kalmado ang mukha habang naglakad palapit kila Qiao Chu at sa kanilang mga kasamahan.
Ang mga tipak ng bato na nakakalat sa sunog at maitim na lupa ay dahan-dahang natatakpan ng makapal na hamog. Maaaring sa paglipas ng ilang siglo o ng milenyo ang mga ito ay tuluyang maglalaho sa mundo at walang makakaalam na minsan ay may nakatayong bahay doon.
Ang paglalakbay pabalik ay mas madali kaysa noong papunta sila doon na tinahak ang mga daan nab ago at hindi kabisado.
Kahit na may nakapaligid na makapal na hamog sa kanila, nagawa pa rin ni Fei Yan na maituro ng maayos ang direksyon na kanilang tinahak pati ang mga lugar na ligtas tapakan ng sila ay dumaan sa maburak na latian.
Ang grupo ay naglakbay nang dahan-dahan sa gitna ng makapal na ulap pabalik sa lugar kung saan sila unang tumapak, sa ibaba ng Heaven's End Cliff.
Nang kanilang makita na naroon pa ang mga lubid sa talampas lahat sila ay nagalak.
"Sa wakas! Lilisanin na natin ang sinumpang lugar na ito!" saad ni Qiao Chu at nilingon ang makapal na ulap. Ang paglalakbay na iyon ay mananatili sa kanilang mga alaala kailanman.
Sila ay lilisan ngunit darating ang panahon na sila ay muling magbabalik sa lugar na iyon.
Susuong muli sa makapal na hamog upang mahanap ang kayamanan ng Dark Emperor!
Bago umakyat sa mga lubid si Jun Wu Xie at lahat ng kanyang kasama ay gumamit ng spirit powers upang tiyakin ang kundisyon ng mga lubid. Nang kanilang masiguro na ang mga ito ay matibay at kaya ang kanilang mga bigat isa isa na silang umakyat sa mga lubid.
Ang impyernong nagbigay sa kanila ng walang katapusan na paghihirap at dahilan ng mga hindi mabilang na balakid ay unti-unti ng nilalamon ng makapal na ulap na naging dahilan upang iyon ay mawala sa kanilang paningin.
Alam nila sa kaibuturan ng kanilang mga puso na lahat ng nakakubli sa makapal na hamog ay naroroon pa rin eto man ay nasa kasalukuyan o hinaharap ang lahat ng iyon ay patuloy na nabubuhay!
Ang impyernong lugar na ito ay hindi kailanman maglalaho!
Dahil sa mga pangyayaring naranasan ng grupo sa una nilang paglusong sa lugar na iyon silla ay mas maaasahan na at ngayon ay alam na nila ang haharapin nilang panganib habang sila ay nalalapit na sa ibaba. Binilisan nila ang kanilang paggalaw para sila ay mas mapabilis.
Nilagpasan nila ang malakas na bugso ng hangin, nagbaybay sa nagyeyelong ambon at sa itaas ay kanila ng natatanaw ang bakas ng liwanag sa gitna ng makapal na ulap.
Ang liwanag na iyon ay hindi na mula sa mga spirit stones bagkus eto ay nagmumula na sa mainit na liwanag ng araw!
Sila ay sinalubong ng liwanag at mainit na sikat ng araw pagtapak nila sa taas ng Heaven's End Cliff pakiramdam nila lahat ng nangyari sa kanila sa ilalim ng talampas na iyon ay isa lamang panaginip.
"Sa wakas nagawa tayo ay narito na sa itaas…" saad ni Fan Zhou ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha ay nagbibigay sa kanyang puso ng kapayapaan na binalot ng pangamba noon.
"Young Master Jun! Kayong lahat ay nagbalik na sa wakas!" masayang tumakbo si Mu Qian Fan ng masilayan nya ang grupo ni Jun Wu Xie na matagal nyang hinintay sa itaas ng Heaven's End Cliff. Ang kanyang mga sugat ay naghilom na at wala na rin ang mga benda sa kanyang mukha. Isang malaking ngiti ang nasilayan sa kanyang mukha na kababakasan ng di mabilang na pilat.
Hindi nagsalita si Jun Wu Xie. Nakataas ang ulong tinignan nya ang liwanag ng haring araw at kanyang naisip na talaga nga namang napaka liwanag ng sikat niyon.