webnovel

Ang Paglalakbay Pabalik (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa puntong iyon hindi makaramdam si Jun Wu Xie nang kahit koting panghihina ng loob dahil sa mga nangyari sa kanila

ang gusto lamang niya ay makita ang ulap at maramdaman ang mainit na sikat ng araw.

Yumuko si Jun Wu Xie nang maramdamang masakit na sa mata ang liwanag at binaling ang kanyang tingin sa pilak na

singsing na kanyang sinuot.

Masasalamin sa singsing na iyon ang matiding sikat ng araw.

Nang muli silang sumakay sa karwahe pakiramdam nila ay para bang ilang taon na ang lumipas nang huli nila itong

masakyan.

Sumandal silang lahat sa loob ng karwahe at mahimbing na nakatulog. Ang lahat ay payapang nakatulog at hindi

nakakaramdam nang kahit na anong takot o panganib.

Ang walang tigil na pag-uga kahit ang mga pagtagtag ng karwahe sa mga lubak ay hindi nakagambala sa pagpapahinga

nang buong grupo sila ay nanatiling mahimbing.

Sa mga sumunod na araw ay napahtagumpayan ni Jun Wu Xie na pataasin ang kanyang spirit level sa purple spirit level

sa pamamagitan ng paggabay ni Qiao Chu at mga kasama nila.

Mayroon lamang isang problema, kahit magawa na ni Jun Wu Xie na pataasin ang kanyang spirit level gamit ang lakas ng

purle spirit ang pagtagal sa estadong iyon ay sadyang napakaiksi lamang.

Upang mapataas ang antas ng kanyang purple spirit kailangan niyang sunugin lahat ng spirit level na mayroon sya sa

pinakamabilis na paraan, hamunin ang spirit power upang madaling mapagtagumpayan ang iba't ibang antas nang mga

hadlang. Subalit ang resulta nito ay nakakaubos lakas at hindi niya kakayanin nang ganoon katagal.

Ang pagtagal nang isang tao na pansamatalang itaas ang kanyang sirit powers sa purple spirit level ay nakabatay sa

orihinal na dami ng kaniyang spirit power. Kung siya ay isang red spirit at magawang itaas ito ay magtatagal lamang iyon

nang isang minuto. Ang isang tao na gumagamit nang indigo spirit na gustong itaas ito sa purple level ay mas madali at

mas magtatagal.

Sa sitwasyon ni Qiao Chu at nang kanyang mga kasama sila ay nasa rehiyon ng blue spirit at kaya nilang manatili ng

kuwarenta minuto sa kanilang purple spirit na estado. Si Jun Wu Xie ay nasa yellow spirit level lamang at kaya lamang

niya iyon patagalin ng sampung minuto.

Ang sampung minuto ay sadyang napakaiksi lamang. Ngunit kung ito ay mapag -iibayo pang maigi maari nitong maiba

ang nakasanayan na!

Masasabi na hangga't hindi makakatagpo nang kalaban si Jun Wu Xie na taga Middle Realm ay magagawa niyang

magwagi kahit na iyon pa ay gumagamit ng indigo spirit!

Sa kabuuan nang paglalakbay ang lahat ay mas naging kahanga-hanga na kumpara nang una silang dumating. Si Fei Yan

ay madalas magbalangkas at gumuhit nang mapa ng Heaven's End Cliff. Wala man siyang larawan ng buong lugar,

nagawa pa rin niyang markahan ang mga nadaanan nila base sa kanyang memorya.

Si Rong Ruo ay nakatalaga na alisin ang mga pagdududa ni Jun Wu Xie sa kanyang sarili na hindi nito kakayanin na itaas

ang spirit powers habang si Fan Zhou ay hindi pinapabayaan si Lord Meh Meh na paminsan-minsan ay nawawalan ng

ulirat.

Pagkatapos magtamo ng malubhang mga sugat ni Lord Meh Meh ay nawala siya sa kondisyon. Mabuti na lamang at

hindi naging makasarili si Jun Wu Xie na ibahagi ang mga naipon nyang elixir dahil kung hindi malamang ay wala na si

Lord Meh Meh ngayon.

Subalit kahit ganun pa man ay hindi pa rin nakakahikayat na siya ay makita. Dahil sa matinding panghihina ay hindi

makapagsalita at makatindig ng maayos si Lord Meh Meh. Ang nasunog na balat niya ay nanigas na at anumang galaw ay

magdudulot ng pagkapunit nito. Si Jun Wu Xie ay naging matiyaga sa pagpahid ng gamot na ginawa nya para lamang kay

Lord Meh Meh pero ang lubusang mapagaling iyon ay nangangailangan ng mga halamang-gamot na doon lamang

makukuha sa kakahuyan upang makagawa pa nang ibang mga gamot.

At dahil hindi pa makatayo nang kusa si Lord Meh Meh ay araw-araw siyang inaalalayan siya ni Jun Wu Xie palabas sa

karwahe upang manginain sa damuhan.

Ang sakim na si Lord Meh Meh ngayon ay hindi na magawa na itaas ang kanyang spirits habang ang mga ito ay

nanginginain sa damuhan. Dahil sa pagkasunog ng buong katawan nito ultimo ang pag-nguya ay isang malaking pahirap.

Ang may kalakihang pagbuka ng bibig ay magdudulot ng pagkapunit sa balat kaya kahit ang pagkain ay napakahirap.

Nasaksihan lahat iyon ni Jun Wu Xie at masakit na makita nya ang pinagdadaanan ni Lord Meh Meh. Sa wakas, ang

Drunk Lotus ay nakagawa nang sariwang dahoon ng lotus at ito ay kanyang pinunit sa maliliit na piraso at dahan-dahan

ay sinubo niya sa bibig ni Lord Meh Meh.

Nächstes Kapitel