webnovel

Pagtakas sa Heaven’s End Cliff (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi pinalad si Qiao Chu at ang kanyang mga kasama. Sila ay nagtipon at nagsama-sama upang gamutin pansamantala ang kanilang mga sugat gamit ang mga elixir, buong loob silang nagpatuloy sa paghahanap kahit pagal na ang kanilang mga katawan, lubos ang pag-aalala para sa nawawala nilang kasamahan.

Siniyasat maigi ni Jun Wu Xie ang kondisyon ng kanyang mga kasama at napanatag ng makitang hindi sila nagtamo ng malalang pinsala at kailangan lamang ang sapat na pahinga para gumaling.

"Hindi tayo maaring manatili rito sa Heaven's End Cliff. Kailangan natin bumalik." saad ni Fan Zhou na mariing nakatingin sa kanyang brasong binalot ni Jun Wu Xie ng benda.

Lubusan na nilang alam ang mga naka ambang panganib sa kanilang paglalakbay sa Heaven's End Cliff at kanilang napagtanto na kung wala ang buong mapa ay hindi nila matutunton ang eksaktong lokasyon ng puntod ng Dark Emperor dahil na rin sa kapal ng hamog, eto ay imposible.

Nang makita ng kanilang mga magulang noon ang puntod ng Dark Emperor ay mayroon silang mga kasamang pumunta sa Heaven's End Cliff. Walo silang lahat at nagmula ang pito sa iba't ibang kaharian na naka buo ng pitong grupo. Ngunit ang bilang ng mga tao na nakahanap sa libingan ay walong katao lamang,

Ang pinakamagagaling na mandirigma na mayroon ang Twelve Palaces ang napili. Subalit kahit na pinadala ng Twelve Palaces ang pinakamahuhusay nilang mandirigma, ang mga eto ay hindi nakaligtas. Maliban lamang sa walo mula sa pitong iba't ibang kaharian ang nakarating sa libingan, ang limang grupo ay tuluyang nalipul.

Si Qiao Chu at ang iba pa na tinuturing na pinaka malakas sa Lower Realm ay biglang nawalan ng halaga ng kanilang harapin ang mga patibong na ginawa ng Dark Regime.

Tumango si Jun Wu Xie.

Ang malaman pa ng lubusan kung ano ang nakapaloob sa Heaven's End Cliff ay kanilang nakamit. Nasisiguro nila sa kanilang mga sarili na imposibleng marating nila ang huling destinasyon mula sa puntong iyon at wala na silang intensyon na ituloy pa eto.

Si Fan Zhou at ang iba pa ay kinalma ang kanilang mga damdamin at ipinahinga ang kanilang katawan upang maghanda sa pag-alis sa Heaven's End Cliff.

Nagdesisyon ang grupo na lumisan na sa impyernong lugar na iyon kaya sila ay nagpahinga ng tatlong araw sa bahay na bato at kanilang kinunsumo ang rasyon at imbak na tubig hanggang sa kahuli-hulihang patak.

Karga ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh nang humakbang sya palabas at nilingon sa huling sandali ang bahay na bato. Tahimik nyang iniabot si Lord Meh Meh kay Ye Sha at muli ay tinignan ang bahay kung saan ay marami syang alaala.

Si Qiao Chu at ang iba pa ay mariing nakatingin kay Jun Wu Xie at ang lahat ay may pagtataka nang may lumitaw na isang pilak na singsing sa kanyang kamay. Napayuko si Jun Wu Xie ng kanyang tignan ang luma at hindi pa gamit na singsing. Ang singsing na iyon ay natagpuan sa isang sulok ng pader at inakalang iyon ay sa naunang nagmay-ari ng tirahan. Nang ang may-ari ay pumanaw, ang ring spirit ay humiwalay at ang naturang singsing ngayon ay isa na lamang ordinaryong singsing na walang spirit power.

Pinahid ni Jun Wu Xie ang makintab na ibabaw ng singsing, wala syang imik ng ilang sandali ng bigla nyang isuot ang singsing sa kanyang daliri.

Siya ay biglang lumuhod sa lupa ng sumunod na sandali!

"Hindi ko nalalaman ang iyong pangalan, ngunit ika'y nagkaloob ng karunungan sa akin at ngayon ay kinilala bilang isang iginagalang na Master ni Jun Wu Xie. At kahit na wala ka na sa mundong ito, nais ko pa ring ialis ka saa Heaven's End Cliff tulad na lamang ng iyong kahilingan." Taimtim ang boses ni Jun Wu Xie, makikita ang talim at determinasyon sa kanyang mata.

Maiksing linya lamang eto ngunit ito ay nagbigay sa kanya ng isang napaka importanteng kakayahan. Gaano man katagal na ang lalaki ay pumanaw na, eto pa rin ang kanyang Master habang-buhay.

Binalot ng katahimikan at itinago sa makapal na hamog, si Qiao Chu at ang mga kasama ay matiyagang naghihintay habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Matapos nilang marinig ang kanyang tinuran, ngiti ang bumalatay sa kanilang mga mukha.

Nang tangayin ang boses ni Jun Wu Xie sa kawalan, ang bahay na bato na walang nakakaalam kung kailan pa nakatayo roon at nagsilbing tirahan nila Jun Wu Xie ng mga nakaraan na araw ay biglang nayanig at gumuho!

Ang bloke ng mga bato ay nahulog at nadurog sa sunog at maitim na lupa, dahilan upang isang malaking ulap ng alikabok ay umangat.

Sa ulap ng alikabok, inakala ni Jun Wu Xie na mayroon syang naaninag na matayog na pigura ng isang lalaki, para bang eto ay nakangiti, isang ilusyon at malabong panaginip. Gayunpaman, ang mga alikabok ay mabilis na nahulog at ang pigura ay mabilis na naglaho sa kawalan.

Nächstes Kapitel