Sa palagay ni Zhao Feng ang unang tatlong lebel ay hindi magiging mahirap para sa kaniya. Matapos ang lahat, naabot niya na ang rurok ng Wind Lightning Inheritance sa kanyang nakaraang buhay. Ginamit ng Five Elemental Wind Lightning Technique ang kapangyarihan ng Wind Lightning bilang batayang pundasyon, kaya't napaka importante ng Wind Lightning.
Apat na oras ang ginugol ni Zhao Feng sa pag-unawa at pag-aaral ng unang tatlong lebel. Masasabi niyang mayabong na esensya at perpektong bersyon ito ng Purple Destruction Wind Lightning.
"Ang perpektong bersyon ay talagang matindi. Unang yugto pa lamang ito at mas matindi na agad ito kaysa sa Wind Lightning Inheritance," hindi maiwasang humanga ni Zhao Feng.
Mangyari pa, unang yugto pa lamang ito, hindi kalakihan ang pinagkaiba ng dalawang kapangyarihan. Ang kalamangan lamang nito ay mayroon itong mas mataas na potensyal, gumagamit ng mas mababang enerhiya, at mas nakababawi ng mabilis. Gayunpaman, sa tulad ni Zhao Feng, na mayroong Emperor Intent, ang nakapagpahanga sa kaniya ay ang taglay nitong potensyal.
Maaari ko nang icultivate ang unang tatlong lebel, sa isip-isip ni Zhao Feng, ngunit hindi siya agarang nagsimula. Mayroon pa siyang mga kinakailangang gawin bago ang lahat ng ito.
Sumipsip si Zhao Feng ng Immortal Springs Wine mula sa ancient metal ring. May kakayahan ang Immortal Springs Wine na makapagpahaba ng buhay ng isang tao sa loob ng isang libong taon at palakasin ang estado nito. Pinaka mahalaga sa lahat, ang Immortal Springs Wine ay sobrang banayad, at maaaring humalo sa dugo ng sinoman. Kahit mortal ang uminom ng Immortal Springs Wine, makakayanang itong sipsipin ng katawan, ngunit iba ang sitwasyon ni Zhao Feng dahil hindi ganoon kabagal ang pagsipsip ng kanyang katawan.
Agaran niyang pinadaloy ang kanyang Intent at True Yuan upang kumalat ang Immortal Springs Wine sa kanyang katawan. Ang katawan niya ay may mataas na potensyal, kaya't makasisipsip na ito ng maraming Immortal Springs Wine.
Makalipas ang tatlong araw, ang lifeforce at pundasyon ni Zhao Feng ay lubhang lumakas, at ang imoralidad ay naglabasan. Kung sa tuntunin ng lifeforce, higit na mas malakas si Zhao Feng sa mga True Lord Ranks at papalapit na Origin Core Realm, at siya'y nananatiling nasa Heaven of the True Spirit Realm - ang True Human Rank. Sa lahat ng ito, kaunti pa lamang ang nasisipsip niyang Immortal Springs Wine.
"Hindi na masama. Sapagka't ako ay muling nagkucultivate, kailangan kong mas palakasin ang aking pundasyon," tumango si Zhao Feng at nagsimulang icultivate ang Five Elemental Wind Lightning Technique.
Ang unang tatlong lebel ay hindi kahirapan kay Zhao Feng. Ang kanyang Intent ay tumutugma sa Langit at Lupa habang dumadaloy ang Wind Lightning sa kanyang katawan. Ang kanyang Intent ay matindi, ang pagkadalisay ni Zhao Feng sa Wind Lightning ay lubhang busilak. Hindi maitatangging kahit sa kanyang nakaraang buhay, makakayanan niyang lagpasan ang tatlong lebel.
May mga pambihirang Lightning Crystal Stone ang nasa kanyang ancient metal ring, pati na rin maliit na halaga ng iba't ibang bagay na maaari niyang magamit.
Sa loob ng isang oras, nagsimulang mabuo ang True Force of Wind Lightning sa kanyang katawan. Ang kalidad nito ay nalampasan ang Fire True Force sa loob ng kanyang dantian. Nagcultivate ang orihinal na may-ari ng katawan ng Dao of Fire, ngunit ang pundasyon o ang kapangyarihan nito ay hindi buo o kalakasan, kaya't hindi ito nakaapekto ng malaki kay Zhao Feng.
Sa paglipas ng oras, nagsimulang humalo ang Wind Lightning True Force sa kanyang dantian at inalis ang Fire True Force. Ang datian ng isang Void God Realm ay maaaring bumuo ng isang True Yuan Dimension at hindi ito nangyari. Upang makabuo ng ganoong uri ng bagay, kailangan niya muling magcultivate.
Tila ba isa itong gusali; mas matatag ang istraktura sa baba, mas madaling bumuo sa taas nito at mas mataas ang mararating nito, ngunit hindi pa nakayanan ng orihinal na katawan na bumuo ng Root of Laws.
Sa loob lamang ng tatlong araw, nacultivate na ni Zhao Feng ang unang lebel ng Five Elemental Wind Lightning Technique.
Makalipas ang kalahating buwan, matagumpay na nakapasok si Zhao Feng sa ikalawang lebel. Sa mga oras na ito, nasa siyamnapu't siyam na porsyento ng Fire True Force ang nalinis. Ang kanyang Source of True Force ay puno ng malinaw at lusaw na Wind Lightning na patuloy na dumadaloy sa kanyang katawan.
"Ang aking cultivation ay maihahalintulad sa rurok ng True Human Rank, ngunit hindi ko na kailangan ang Root of Laws," bulong ni Zhao Feng.
Ilang beses na mas malalim ang King at Emperor Intent kaysa sa Root of Laws, at sa oras na ito, unti-unting pinagbubuti ni Zhao Feng ang kanyang Intent pati na ang pagtaas ng kanyang cultivation. Nang siya'y makabawi mula sa Void God Realm, ang Emperor Intent niya ay higit na magiging dalisay at mayabong. Sa kabuuan, ang daang ito ay ginawang mas malawak ang hinaharap ni Zhao Feng.
Sa isang kisap mata, si Zhao Feng ay dalawang buwan na palang nagkulong. Sa puntong ito, naabot na niya ang rurok ng ikalawang lebel, at naabot na niya ang True Mystic Rank.
Ang True Spirit Realm ay nahati sa tatlong Langit: ang True Human Rank, True Mystic Rank, at ang True Lord Rank. Ang mga normal na henyo ay kailangan ng sampung taon upang maabot ang True Mystic Rank, at kinakailangang unawain ang Root of Laws. Kung ang abilidad ng isa ay hindi sapat, mananatili sila sa True Human Rank habang buhay. Gayunpaman, dalawang buwan lamang ang kinailangan ni Zhao Feng upang maabot ang True Mystic Rank.
"Ang cultivation ko ay mas mabagal kaysa sa pagkabuhay mula sa dugo ng Demigod Kun Yun."
Hindi maitatanggi ni Zhao Feng na ang pagkabuhay mula sa dugo ay makabubuo ng katawan na katulad sa nakaraang buhay, at ang Demigod Kun Yun ay ginamit ang esensya ng kanyang dugo. Isang patak lamang ng dugo mula sa isang Demigod ay higit na mas malakas sa pundasyon ni Zhao Feng, ngunit ang batang Demigod ay dadaan lamang muli sa kaparehong daang tinahak niya sa kanyang nakaraang buhay.
"Pinagcultivate ko ang Golden Kun Sacred Lightning Body at ang Five Elemental Wind Lightning Technique, na parehong mas matindi kaysa sa Demigod Kun Yun."
Alam din ni Zhao Feng ang pakinabang at kawalan nito sa kaniya. Nawala ang Cursed Words of Death, ngunit nawala rin niya ang Mystic Ice Scaled Race bloodline niya.
Matapos ang dalawang buwan na pag-iisa, huminto na rin sa pagcultivate si Zhao Feng. Kung kaya lamang niya, pipiliin niyang magpatuloy sa loob ng kalahating taon at abutin ang Origin Core Realm, ngunit ito'y magiging lubhang kagulat-gulat. Kahit gaano pa niya kagustong lumakas, mayroon itong limitasyon.
May isa pang dahilan kung bakit siya huminto; Kailangan rin icultivate ni Zhao Feng ang Golden Kun Sacred Lightning Body, hindi naman malayo ang pinagkaiba ng dalawa, ngunit ang Golden Kun Sacred Lightning Body ay isang pampalakas ng katawan na teknik at nangangailangan ng ilang partikular na materyales na wala si Zhao Feng.
Sa katotohanan, maaaring icultivate na lamang ni Zhao Feng ang Five Elemental Wind Lightning Technique, ngunit hindi niya mapigilan ang temptasyon ng Golden Kun Sacred Lightning Body. Sa oras na maabot ng Sacred Lightning Body ang huling yugto nito, ito'y magtataglay ng imoralidad, at makakayanan niya nang mabuhay mula sa dugo tulad ng Demigod Kun Yun.
Ang kahigtan nito ay kung paano tatapatan ng Sacred Lightning Body ang God Tribulation sa hinaharap. Ang God Tribulation ay malaking hadlang kung sinusubukang abutin ang Heavenly Divine Realm.
Sa sandaling macultivate niya ang Golden Kun Sacred Lightning Body, tataas ang tyansa na malampasan ni Zhao Feng ang God Tribulation sa limampung porsyento, at maaari niya pang magamit ang kidlat upang dalisayin ang kanyang katawan.
Bagama't ang karamihan sa mga bagay na ito ay malayo, hindi ibig sabihin na hindi na niya naiisip ang mga ito.
Matapos magkulong ni Zhao Feng, napakaraming bisita ang nasa labas ng kanyang lugar. Mayroon pang dalawang Origin Core Realm.
"Zhao Feng, narinig kong nakapagpaamo ka ng isang Yinming Bird. Handa ka bang ipagbili ito?" Tanong ng isang lalaking nasa huling yugto ng Small Origin Core Realm.
"Patawad, hindi ko ipinagbibili ang Yinming Bird," umiiling si Zhao Feng bilang pagtanggi, ngunit may mga tao na pursigidong makuha ang Yinming Bird.
"Zhao Feng, ang master ko ang Deputy Hall Lord ng Mystic Arcane Hall, at isa siyang half-step King na may potensyal maging Hari. Kung ipagbibili mo ang Yinming Bird, ito'y magiging kapaki-pakinabang sa iyong hinaharap," matapang na saad ng isang matabang binata.
Kilala ni Zhao Feng ang binatang ito. Isa na namang Central disciple na tinatawag na Wang Yuan.
Sa taglay na talento ng tunay na Zhao Feng, maraming Great Origin Core Realm Sovereign lord at kahit half-step King ang gustong kunin siya bilang disipulo, ngunit nais ni Zhao Feng na maghintay pa ng ilang taon at maging disipulo ng Hari. Ito rin ang kagustuhan ng
pamilya ng Yunling Zhao. Mayroon ng mga Great Origin Core Realm Sovereign Lord ang pamilya ng Yunling Zhao; ang pagiging disipulo ng Hari na lamang ang makakapagpabago ng kapalaran ni Zhao Feng at pamilya ng Zhao.
"Alis, alis, alis… hindi ko ito ipagbibili kahit pa sa Hari," walang pasensyang iwinagayway ni Zhao Feng ang kanyang kamay.
Napasimangot ang lahat sa sinabi ni Zhao Feng.
"Isang maliit na True Spirit Realm ang umaasta ng ganito!?" Sigaw ng galit na matandang Small Origin Core Realm, malamig na ngumisi lamang si Zhao Feng at pinalabas ang nag-aapoy na ibon.
Napaatras ang lahat dahil sa aura ng Yinming Bird. Nagngalit ang kanilang mga ngipin at nagsimulang sumpain ang Zhao Feng na nakaupo sa Yinming Bird at umalis.
Hindi pa gaanong nakakalayo si Zhao Feng nang dumating si Senior Martial Brother Guang at naglakad papalapit sa matabang binatang Wang Yuan.
"Ang batang iyon ay mas mayabang pa sa aking inakala," gulat na saad ni Wang Yuan.
Zhe zhe, mahina talaga ang kukote ng pilyong batang iyon at napakadami niyang ginalit na mga tao nang sabay-sabay; sa kaniyang ugali, kahit mayroon siyang middle-tier na pamilya, hindi siya magtatagal sa Ten Thousand Sacred Clan, tila ba nanonood ng palabas si Senior Martial Brother Guang.
Siya ang nagpakalat na mayroong Yinming Bird si Zhao Feng. Ipinangako sa kaniya ito ng pamilyang Yin, sa kahit anong paraan mamatay si Zhao Feng, makatatanggap siya ng malaking gantimpala. Isa pa, mukhang nakatanggap ng swerte si Zhao Feng na pinalakas ang kanyang cultivation at pinahintulutan siyang paamuhin ang Yinming Bird, na nagdulot ng pagkaselos ng Senior Martial Brother Guang.
Whoosh!
Isang dalawampung yardang nag-aapoy na ibon ang bumaba sa pamilihan ng Ten Thousand Sacred Clan. Ang teritoryo ng Ten Thousand Sacred Clan ay napaka laki; na ang laki palang ng lugar ay sinlaki na ng Cloud Country. Samakatwid, halos lahat ng mga kinakailangan niya ay nasa lugar lamang kaya hindi na niya kinakailangan pang umalis.
Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit pinili ni Zhao Feng na maglagi sa Ten Thousand Sacred Clan. Pagkatapos niyang tuparin ang hiling ng binata at umabot sa lebel ng half-step King, pupunta na siya sa Lord Dynasty na nasa continent zone.
Ang kastilyo sa harap ay ilang dosenang lawak, at katulad sa small Void Ocean Spiritual Palace, ngunit para lamang ito sa palitan ng mga miyembro ng angkan.
Itinago ni Zhao Feng ang Yinming Bird habang ang munting kuting na magnanakaw ay nasa kanyang balikat, at umikot ang mata nito.
Sa loob ng kalahating araw, nahanap na ni Zhao Feng ang ilan sa mga kinakailangan niyang resources habang ibinenta naman niya ang mga bagay na hindi niya kailangan. Mangyari pa, hindi siya nagbenta ng mga bibihirang resources, sapagka't makakaakit lamang siya ng mga half-step King o mas mataas pa, kaya't hindi niya binenta ang mga iyon.
"Zhao Feng, sandali lamang!"
Napahinto ng grupo ng mga tao si Zhao Feng habang papalabas ng kastilyo. Ang grupo ng mga taong ito ay mga Central disciple, at isa sa mga ito ang matabang si Wang Yuan. Mayroon ding dalawang Core disciple, na ikinagulat ni Zhao Feng.