webnovel

Sacred Lightning Body

Redakteur: LiberReverieGroup

Karamihan sa mga Core disciple ng Ten Thousand Sacred Clan ay mga disipulo ng mga Hari, at ang estado nila ay mas mataas sa mga normal na Central disciple.

Kilala ni Zhao Feng ang dalawang Core disciple na ito. Ang isa sa mga ito ay pinuno ng grupo noon, si Senior Martial Guang Tian, at ang isa nama'y isang payat na lalaki na may mapupungay na mata na mayroong matalim na aura, at ang cultivation nito ay naabot na ang half-step Origin Core Realm.

"Senior Martial Brother Huang Yunhu, siya ang pilyong bata na nilapastangan ang mga Hari," saad ng may katabaang binatang si Wang Yuan.

Noon, ang sinabi lamang ni Zhao Feng ay hindi niya ipagbibili ang Yinming Bird kahit pa sa Hari. Dinagdagan lamang ni Wang Yuan ang kwento, tulad ng, "Ni hindi man lang niya pinansin ang mga Hari."

Huang Yunhu, isang Core disciple at ang disipulo ng Hari na si Lu Yun. Ang taong ito ay bumabase lamang sa itsura at mayabang, dagliang pumasok sa isip ni Zhao Feng ang mga impormasyon tungkol sa kaniya. Bagama't kalahating taon pa lamang namamalagi si Zhao Feng sa Ten Thousand Sacred Clan, may kaunti siyang nalalaman sa mga kilalang Core disciple.

"Ikaw ang Zhao Feng na iyon? Hindi ka ba natatakot na maputol ang dila mo? Sino ka para pagsalitaan ng ganoon ang isang Hari?" malamig na saad ni Huang Yunhu.

Normal lamang ang pagtatalo ng mga disipulo sa Ten Thousand Sacred Clan, at pinanunuod lamang ito ng mga tao. Hangga't walang namamatay, ayos lamang ito. Makatutulong din naman ito sa kagalingan ng mga disipulo.

"Zhao Feng, humingi ka na lamang tawad kay Senior Martial Brother Huang at Junior Martial Brother Wang Yuan. Alam mo naman ang ugali ni Senior Brother Huang…." humarang si Senior Martial Brother Guang sa gitna ng dalawa at umastang nag-aalala habang hinihimok si Zhao Feng na humingi ng tawad.

"Ganito na lamang, Zhao Feng… kung luluhod ka at hihingi ng tawad, hahayaan ko na lamang ang paglapastangan mo sa mga Hari," saad ni Huang Yunhu at pinagkrus ang braso.

Umasta siyang tila makatarungan at ipinasikat ang kanyang estado bilang disipulo ng Hari. Alam ni Zhao Feng na paraan lamang nila ito para mang-api ng iba pang disipulo. Kung karaniwang disipulo lamang ito, gagamit ang mga ito ng lohika at pangangatwiran, na mawawalan din ng saysay sa dulo. Ang hindi nagpapapigil na si Zhao Feng naman ay malinaw na hindi magpapadaig.

"Hmph, dalawang hangal na Core disciple. 

Hindi ba kayo natatakot na walang mukhang maihaharap sa mga master niyo?" nanunuyang saad ni Zhao Feng.

Lahat ay natahimik sa narinig, at ang mga Central disciple ay pinagpapawisan sa kaba para kay Zhao Feng. Tunay ngang hindi kalakasan si Huang Yunhu at ang mga kasama nito kaysa sa ibang mga Core disciple, ngunit mas mataas pa rin sila sa mga Central disciple.

"Pilyo…! Sino ka para lapastanganin ang mga Core disciple!?" maging si Senior Martial Brother Guang ay nakaramdam ng hiya.

Galit na galit si Huang Yunhu; Isang disipulong kalahating taon palang namamalagi rito ay napakababa ng tingin sa mga Core disciple. Nagsimula siyang padaluyin ang half-step True Yuan niya at naglabas ng scarlet-brown na ilaw na nagpabigat sa mga malalapit na lugar.

"Luhod!" Pinakawalan ni Huang Yunhu ang kanyang half-step Origin Core Realm cultivation. Higit pa ito sa kinakailangan para harapin ang isang True Mystic Rank. Naniniwala siyang kaya niyang pataubin agad ang pilyong ito.

Gayunpaman, mapanghamak na tumawa ang binata sa kanyang harapan at marahan na iwinagayway ang kanyang kamay. Isang maitim na transparent na ibon ang lumitaw sa likod niya at tumalon kay Hiang Yunhu. Namutla ang mukha at nanginig si Huang Yunhu at ang mga kasama nito dahil sa makapangyarihang aura ng Yinming Bird.

"Junior Martial Brother Zhao! Ito ay away sa gitna ng mga disipulo. Sino ka para gamitin ang iyong spiritual pet?" sigaw ni Senior Brother Guang.

Boom! Boom! Boom!

Napasigaw si Huang Yunhu ng matamaan siya ng isang maitim na apoy at dinala siya sa ilang dosenang yardang layo. Ilan sa mga Central disciple ay bahagyang nasugatan.

Alam ng sinoman na ang Yingming Bird ay sinanay sa elemento ng Kamatayan at Kaluluwa. Ang mga atake nito ay nagtataglay ng soul attacks at may kakayahaang pumatay.

Butil-butil ng pawis ang makikita sa noo ni Huang Yunhu na nakahiga sa sahig.

"Ito pala ang taglay na lakas ng isang Core disciple?" mapanghamak na tanong ni Zhao Feng.

"Zhao Feng, ginamit mo lamang ang iyong spiritual pet! Kung matapang ka, labanan mo ako ng mag-isa," nakayanang tumayo ng Huang Yunhu. Makikita sa mukha niya ang galit.

Nagsalita si Senior Martial Brother Guang sa istriktong tono, "Zhao Feng, nasaktan ng spiritual pet mo ang isang Core disciple, hindi ka ba natatakot na maparusahan ng Hari?"

Nang marinig iyon, bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng. Siguradong gagamitin ni Senior Martial Brother Guang at ng kanyang mga kasama ang insidenteng ito para makuha ang kanyang alaga. Kung nakasakit ang disipulo ng kapwa disipulo, pagtatalo lamang ito ng mga disipulo, ngunit kung ang kanilang spiritual peta ay nakasakit ng kapwa disipulo, ibang usapan iyon.

"Ganoon ba?" dinilaan ni Zhao Feng ang kanyang labi at naglakad papalapit kay Huang Yunhu, kasunod nito ay ang pagsipa niya sa kanang binti nito.

"Arghh!" Napasigaw si Huang Yunhu ng makarinig siya ng pagkabali. Nabali ang kanyang binti.

Mahirap isipin na si Zhao Feng, isang True Mystic Rank disciple, at mayroong ganoon kalakas na katawan. Nanlamig ang mga Central disciple sa malapit.

"Hinamon ako ni Huang Yunhu, at nabali ko ang kanyang binti. May hindi ba sumasang-ayon?" Inikot ni Zhao Feng ang kaniyang mata sa paligid, at ang mga disipulo ay umubo at umiwas ng tingin.

"Hahaha…!" Malakas na tawa ni Zhao Feng na sumakay sa Yinming bird at umalis. Hindi maipinta ang mukha ng mga Central disciple.

"Walang hiya! Umaasa lamang ang Zhao Feng na iyon sa kanyang spiritual pet."

Napamura ang lahat, ngunit wala silang magawa.

"Kung hindi lamang dahil sa Yinming Bird, kahit ako ay kayang talunin si Zhao Feng," galit na saad ng isang lalaki na nasa rurok ng True Mystic Rank at isang Central disciple.

Nung araw din na iyon, kumalat na ang balitang ginamit ni Zhao Feng ang kanyang spiritual pet upang saktan ang isang Core disciple. Gabi nung araw na iyon, pumunta ang may pinsalang Huang Yunhu sa kanyang master.

"...hindi na mahalaga ang pinsalang natamo ko, ngunit nagtangkang lapastanganin ng Zhao Feng na iyon ang mga Hari at ipinahiya ako Master…!" iyak ni Huang Yunhu. Isa siyang disipulo ng Hari at isang Core disciple, at ipinahiya lamang siya ng isang binatang kakapasok lamang sa clan. Hindi mawala ang pagkamuhi sa kanyang puso.

"Hmph, tingin mo ba ay may mukha ka pang maihaharap?" saad ng King Lu Yun na nakabalot sa puting roba at ngumisi.

Si King Lu Yun ay isa sa labimpitong Hari ng Ten Thousand Sacred Clan.

Bahagyang kumunot ang kilay ng King Lu Yun; alam niyang mag-iiwan ito ng impresyon sa kanyang disipulo, ngunit bilang isang Hari, malinaw na hindi siya maaaring pumatol sa isang disipulo.

"Ganito na lamang… pahihintulutan kitang hiramin ang Sovereign Lord Rank Two-Headed Lightning Bird, at matutulungan ka nitong kalabanin ang Yinming Bird," iwinagayway ni King Lu Yun ang kanyang kamay, at isang espesyal na token ang lumabas sa kanyang kamay. Pinadaloy niya ang kanyang Intent at nag-iwan ito ng isang simbolo sa token.

"Salamat, Master!" galak na galak si Huang Yunhu. Hindi man ang Two-Headed Lightning Bird ang pinaka malakas na alaga ng kanyang master, ngunit sapat na ito para talunin ang normal na mga Sovereign Lord.

"Kailangan mong matalo ang pilyong iyon gamit ang iyong lakas, ngunit hindi mo siya pwedeng patayin," utos ni King Lu Yun. Ipinahiram na niya ang kanyang alaga, nangangahulugang nais niyang protektahan ang kanyang disipulo. Kung mapapatay ni Huang Yunhu si Zhao Feng, malaking gulo ito. Ang Regulations Elder ng Ten Thousand Sacred Clan ay isang Emperor, at siya ay labis na makatarungan.

"Naiintindihan iyon ng disipulong ito. Lulumpuhin ko lamang siya ngunit hahayaan ko siyang mabuhay," sobrang saya ni Huang Yunhu.

Kinain niya ang spiritual pill na binigay ng kanyang master, at gumaling ang kanyang binti sa tulong ng Magnificent Power. Sa ikalawang araw, ang pinsalang natamo ni Huang Yunhu ay ganap nang magaling, at desperado niyang hinanap si Zhao Feng. Gayunpaman, bukas ang protective array ni Zhao Feng at sinasabing siya'y nasa seklusyon.

"Hindi man lang naglakas-loob na lumabas ang tusong bastardong ito…!" Galit na galit si Huang Yunhu.

"Walang hiya talaga ang Zhao Feng na iyon at pumasok sa seklusyon."

Ang mga disipulong naghihintay sa magandang palabas ay nadismaya.

"Senior Martial Brother Huang, hindi mo kailangang mag-alala," lumabas sa lipumpon ng tao si Senior Martial Brother Guang at ngumiti.

"Junior Martial Brother Guang, ano ang ibig mong sabihin?" napatingin si Huang Yunhu.

Si Guang Tian ay isa ring disipulo ng Hari, ngunit sa pangalan lamang siya disipulo, nangangahulugang bahagya lamang ang estado niya bilang Core disciple.

"Hehe, ayon sa patakaran ng clan, ang bawat disipulo ay kailangang makatapos ng misyon kada isang buwan at hindi maaaring pumalya ng sunod sunod na tatlong buwan. Hindi pa nakakatapos ng misyon ang Zhao Feng na iyan sa loob ng dalawang buwan," ngumiti si Guang Tian.

Naintindihan na ng mga disipulo nang marinig ito.

"Ganoon pala iyon. Kung hindi siya gagawa ng mga misyon sa loob ng tatlong buwan, bibigyan siya ng babala ng clan. Kung hindi siya gagawa ng kahit ano sa loob ng kalahating taon, siya'y mapaparusahan."

Alam na alam ng mga disipulo ang mga patakaran ng clan.

"Haha… Zhao Feng, ikaw bata ka, hahayaan kitang magtago ng isang buwan," tumawa si Huang Yunhu.

Siguradong magpapadala ng tao ang clan pagkatapos ng isang buwan para bantaan si Zhao Feng. Ibig sabihin nito'y maaantala si Zhao Feng sa loob ng isang buwan.

"Tara. Ang Divine Illusion Dimension ay magbubukas sa loob ng kalahating taon."

"Kung ang isa ay makayanang pumasok sa Divine Illusion Dimension at makakuha ng resources mula sa Ancient o Immemorial Era, ito'y makatutulong sa pagcultivate nito."

Umalis na ang mga Central disciple at nagkasundong babalik na lamang pagkatapos ng isang buwan at parusahan si Zhao Feng.

Sa loob ng patyo, nasa ilalim si Zhao Feng ng ilang patong ng likido habang sumisirit ang Wind Lightning na dinadalisay ang kanyang katawan.

"Ang Golden Kun Sacred Lightning Body ay nahati sa walong lebel. Ang ikapitong lebel ay kayang mag-anyo ng Demigod Lightning Body, at matapos magdadag ng kapangyarihan ng limang elemento, kaya nitong harangin ang God Tribulation. Ang bawat lebel bago ang ikapitong lebel ay kaugnay ng isang major cultivation rank."

Kasalukuyang nagkucultivate sa unang lebel ng Sacred Lightning Body si Zhao Feng.

Ang orihinal na Golden Kun Sacred Body ay mayroong istriktong pamantayan, habang ang perpektong bersyon - ang Golden Kun Sacred Lightning Body - ay may kakayahang gamitin ang kidlat para padalisayin ang katawan ng isang tao. Kung magkucultivate ang isang tao ng Five Elemental Ten Thousand Technique o Five Elemental Wind Lightning Technique, na kayang pababain ang mga pamantayan at angkop din ito.

Naabot na ni Zhao Feng ang ikatlong lebel ng Five Elemental Wind Lightning Technique at ngayon ay may kakayahan nang gamitin ang kapangyarihan ng Wind Lightning upang mapalakas ang kanyang katawan. Kung paghahambingin, ang mga body-strengthening technique ay may mahabang progreso, ngunit uminom si Zhao Feng ng Immortal Springs Wine at binago ang pag-iral ng kanyang katawan. Sa lahat ng ito, may mga pambihirang resources siyang makakatulong sa kaniya.

Makalipas ang tatlong araw, naabot na ni Zhao Feng ang rurok ng unang lebel ng Golden Kun Sacred Lightning Body. Makalipas ang kalahating buwan, naabot na ng kanyang Sacred Lightning Body ang huling yugto ng ikalawang lebel.

May malamlam na ginintuang kinang sa kanyang balat at sa mga oras na ito kasing lamlam ng kanyang Wind Lightning True Force, at isang hindi makitang physical pressure ang namanaag sa kaniya.

Crack!

Isang upuan sa malapit ang pinira-piraso ng kaniyang kapangyarihan.

Ang limitadong oras ng isang buwan ay natapos na. Naabot na ni Zhao Feng ang rurok ng ikalawang lebel ng Sacred Lightning Body, at ang mga kalamnan niya ay naglalaman ng nangingibabaw na pwersa. Ang Pisikal na lakas ay isa lamang sa mga aspeto nito; napalakas din ng Sacred Lightning Body ang depensa ni Zhao Feng, na binibigyan siya ng abilidad na higupin ang kidlat pati na rin ang katatagan laban sa mga elemental na atake.

Nächstes Kapitel