webnovel

Chapter One

KINAKABAHAN si First Nicholas ngunit ayaw niya iyong ipakita. Lalaki siya at walang lalaking duwag. He tried to keep a brave face while watching his mother fill up a form. Ang sabi ng nurse na nakausap nila, consent form daw iyon. Kung hindi raw iyon pipirmahan ng kanyang mama ay hindi siya tutuliin ng doktor.

Yes, he would undergo circumcision. He was nine years old. Alam niyang may mga kaklase siya sa eskuwelahan na magpapatuli na rin. At ayaw niyang maging tampulan ng tukso dahil lamang hindi pa siya tuli.

Noong sabihin niya sa kanyang mama na nais na niyang magpatuli ay paulit-ulit siyang tinanong nito kung sigurado siya. Puwede pa naman daw silang maghintay nang isa pang taon, tutal ay bata pa siya. Iginiit niyang handa na siya.

He was nervous—very, very nervous. It was one of those few times he wished his father was there to support him. His mother was very supportive, but she was a girl. Hindi nito alam at hindi nito naiintindihan ang nadarama niya.

As a man, he had to be brave. Ganoon daw dapat ang mga lalaki. Kahit ano raw ang harapin niya, dapat ay maging matapang siya.

Lahat ng lalaki ay dumaraan sa pagpapatuli. It was a part of puberty. It was not a big deal. Pero aminin man niya o hindi, kinakabahan siya.

Napalingon siya nang may tumabi sa kanya na isang batang babae. Sa palagay niya ay kaedad niya ito. May kalung-kalong itong isang kahon ng tissue paper. Namumula ang mukha nito at naluluha ang mga mata. Panay ang punas nito sa ilong.

Umisod siya nang kaunti palayo rito. Ayaw niyang mahawa ng sipon at lagnat. After all, it was summer, the most fun season of the year. Istupido lang ang batang nagkakasakit tuwing summer.

Ngunit hindi pa rin niya maiwasang sulyapan ang batang babae. She was cute. Maganda ang mahaba at itim na itim na buhok nito. Medyo may-kapayatan ito.

Napatingin ito sa kanya. Her watery eyes were like those of a puppy. They were lovely.

"You are staring," puna nito.

Her voice was lovely, too. He cleared his throat before speaking. "Are you sick?" he asked the obvious.

Suminga muna ito sa tissue paper bago sumagot. "Obviously."

"Who gets sick on summer?" hindi niya napigilang sabihin. Nagkakasakit siya tuwing tag-ulan lang.

"Me. I didn't ask for this, okay? It's not like I wanted to be sick during summer. Nagkataon lang na dinapuan ako," mataray na sagot nito.

Bago pa man siya makatugon ay may nakangiting nurse na lumapit sa kanila. Nilagyan ng nurse ng thermometer sa kilikili ang batang babae, pagkatapos ay inabutan naman siya ng medicine cup na may isang tableta at isang drinking cup na may tubig.

"What's that?" tanong niya sa nurse habang nakatingin sa tableta.

Tinabihan siya ng nurse. "Gamot para sa pain. Inumin mo para hindi masakit mamaya."

"You will not use an anesthesia? Iyong itinutusok tulad ng sa dentist?" nag-aalangang tanong niya. Ang sabi ng mga kaibigan niyang tuli na ay may ini-inject pang anesthesia bago gupitin ang balat ng "bird" niya. His mother explained that the doctor would not totally cut the thing off. The doctor would just cut the skin, and then stitch it. He asked his mother why it was necessary. She said it was more hygienic.

"May anesthesia talagang ituturok bago ka tuliin. Mamaya pa tatalab itong iinumin mo. Iinumin mo na ngayon para kapag lipas na ang effect ng anesthesia ay may panlaban ka na agad sa pain."

Ininom na niya ang tabletang ibinibigay nito. Ang batang babae ay inakay na ng nurse patungo sa isang silid. Siya ay dinala sa ibang silid.

Isang matandang lalaking may maaliwalas na mukha ang nakita niya roon. Napansin niyang may maliit na kama roon na napapalibutan ng mga berdeng kurtina.

Napalunok siya. Doon ba siya hihiga at tutuliin?

Binati ng kanyang mama ang doktor.

"Good morning, First," bati ng doktor sa kanya. His voice was as pleasant as his face. "Are you ready?"

"Good morning, Doctor," bati rin niya. "Please call me 'Nick.'" Iyon ang tawag sa kanya ng lahat. Mangilan-ngilan lang ang tumatawag sa kanya ng "First," his father being one of them.

"I will call you 'Nick' then. Are you ready to be a man?"

Tumango siya. Inakay na siya ng nurse patungo sa banyo. Pinahubad nito sa kanya ang shorts niya. Sinunod niya ito.

Mayamaya pa ay nakahiga na siya sa maliit na kama. Nakita niyang naghahanda na ang doktor at ang nurse.

Napalunok siya nang sunud-sunod nang mapatingin sa mga instrumentong gagamitin ng mga ito. They looked scary and deadly. Pakiramdam niya ay namutla siya nang makitang inihanda ng doktor ang syringe.

Napasigaw siya nang itusok nito iyon sa bandang puson niya.

NAPAPATINGIN si Michelle sa bahay sa tapat ng bahay nila habang naglalaro siya sa hardin. May mga lalaking nagbababa ng mga gamit mula sa truck at ipinapasok ang mga iyon sa loob ng bahay.

May bago na silang kapitbahay.

Hiniling niyang sana ay may anak na batang babae ang bagong may-ari ng bahay. Wala kasi siyang kalaro sa lugar nila. Wala rin siyang matalik na kaibigan.

Hindi nagtagal ay may dumating na itim na kotse. Umibis mula roon ang isang ginang na sa tantiya niya ay kaedad ng mommy niya. Mayamaya ay isang batang lalaki naman ang bumaba mula sa kotse.

Nadismaya siya. Boy ang kapitbahay nila. May kapatid kaya itong girl?

Bigla siyang napasimangot nang mapagmasdan nang maigi ang batang lalaki. He looked familiar. Mayamaya ay naalala niya kung saan niya ito nakita. Ito ang batang lalaking nakasama niya sa waiting area ng isang clinic noong isang linggo. Hindi niya ito makakalimutan. Kung magsalita kasi ito ay parang napakaistupida niya dahil nagkasakit siya sa panahon ng summer. Kasalanan ba niya kung dinapuan siya ng sakit?

"Michie?" narinig niyang tawag ng kanyang ina.

"Po?" sagot kaagad niya. Paglingon niya ay nakita niyang palapit na ang mama niya sa kanya.

Napadako rin ang tingin nito sa katapat na bahay. "Mayroon na pala tayong bagong neighbor, baby. `Lika, makipagkilala tayo."

Nais niyang tumutol ngunit likas sa kanya ang pagiging masunuring anak. Hawak-hawak ng mommy niya ang kanyang kamay na tumawid sila sa kabilang kalye. Kaagad na nginitian sila ng ginang. Mukha naman itong mabait. Ang batang lalaki ay tila hindi komportable. He looked like he was in pain.

"Hello," bati ng kanyang ina. "I'm Marjorie and this is my daughter Michelle Colleen. Kami ang nakatira diyan sa tapat ninyo."

"Hi," ganting bati ng ginang. "I'm Miriam and this is my son First Nicholas. It's nice to meet you."

"Welcome to our village," anang kanyang ina. "Tahimik dito sa atin. Mababait ang lahat ng mga tao."

"That's what I've heard."

Habang nagkukuwentuhan ang kanilang mga ina ay nakatuon ang tingin niya sa batang lalaki. He was looking at her, too. She smiled at him. Ayaw na niyang isipin ang nangyari sa kanila sa clinic. He looked nice.

He smiled back. Natuwa siya nang husto. Baka ito na ang hinihiling niya kay Papa Jesus na best friend. Eh, ano kung boy ito? Puwede namang maging best friend ang boy.

"MICHICO!"

Nakaupo sa isang bench si Michelle sa ilalim ng punong-acacia sa loob ng campus at nagbabasa ng kanyang leksiyon. Kahit hindi siya lumingon, alam na niya kung sino ang tumawag sa kanya. Iisang tao lamang naman ang tumatawag sa kanya sa palayaw na iyon.

"First," she acknowledged him when he sat beside her. Pagkatapos ay ibinalik niya ang pansin sa binabasa kahit alam niyang wala na roon ang konsentrasyon niya. Ang bangu-bango ng katabi niya.

"Nick" talaga ang palayaw ni First Nicholas ngunit nais niyang tawagin itong "First." Dati ay ayaw na ayaw nito na tinatawag ito ng "First" sa kadahilanang ayaw naman nitong sabihin sa kanya noong una. Noon ay malaking palaisipan sa kanya kung bakit ayaw nito sa unang pangalan. Kahit nang malaman niya ang dahilan ay hindi pa rin niya maiwasang tawagin ito ng "First." He was her First.

Naging malapit silang magkaibigan mula nang lumipat si First at ang ina nito sa village nila. Magkasundung-magkasundo sila kahit magkaiba ang mga personalidad nila. Nasa ikalawang taon na sila sa kolehiyo at magkaibigan pa rin.

"Wala ka yatang kasamang girlfriend," kaswal na puna niya. Inayos niya ang salamin sa mga mata kahit hindi naman iyon nawala sa puwesto.

Sumandal ito sa upuan. "Si Dahlia? Wala na kami."

Napabuntong-hininga siya. "Kailan ka ba magseseryoso sa babae? Maawa ka naman sa mga kabaro ko." Ang totoo, maligayang-maligaya siya sa nalaman. Ganoon siya tuwing malalaman niyang nakipaghiwalay na si First sa girlfriend nito.

Oo, may lihim na pagsinta siya sa kanyang kaibigan.

Likas na habulin ng mga babae si First Nicholas. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil mas guwapo pa ito sa salitang guwapo. Sa unibersidad nila ay para itong celebrity. Lahat yata ng mga babae at may pusong babae ay may lihim na pagsinta rito.

Hindi si First ang tipo ng lalaking palaging nakangiti. May aura of mystery na nakabalot sa buong pagkatao nito. Nakadagdag siguro iyon upang lalo itong hangarin ng mga kabaro niya. Everyone wanted to uncover the mystery. Para itong malaking challenge.

Madalas, ang akala ng mga nagiging girlfriends ni First ay na-unveil na nila ang mystery ng binata kapag napunta na sa kanila si First Nicholas. Pero naririnig niyang lalo lamang daw naging mysterious ang binata.

"How are you, Michico?"

Napatingin siya kay First. He was looking at her. His eyes were gentle and soft. Noong una, hindi niya alam kung bakit "Michico" ang tawag nito sa kanya. She figured he combined her two names. Hindi niya hinahayaan ang ibang tao na tawagin siya ng ganoon. Ang nais niya ay si First lamang ang tumatawag sa kanya ng "Michico."

"Okay lang," tugon niya. "Ikaw?"

Natawa ito. "Parang ang tagal nating hindi nagkita, ah. Magkapitbahay lang tayo."

Lumabi siya. "Naging busy ka kasi masyado sa girlfriend mo." Ang huling naging girlfriend nito ay isang cheerleader. Ang balita niya ay napaka-demanding ng girl.

First Nicholas was part of the university's basketball varsity team. Napakatangkad nito at magaling talagang maglaro sa court. Kahit sophomore pa lang, palagi itong kasama sa first five tuwing lalaban ang eskuwelahan nila sa mga major basketball leagues.

"Ikaw ang kusang umiiwas sa akin, Michico, kapag may kasama akong girlfriend. I told you not to do that."

Bahagya siyang napangiwi. Totoo iyon. Kapag nalalaman niyang may girlfriend ito ay siya ang kusang umiiwas. "I'm not one of them, First. Nakakairita dahil lantaran nilang ipinapakita na mababa ang tingin nila sa akin."

Pinindot nito ang tungki ng kanyang ilong. "Wala kang pakialam sa tingin ng iba sa `yo. You love being you."

Totoo rin iyon. Geek ang tingin ng lahat sa kanya. Mula noon hanggang ngayon, paborito siyang asarin ng mga bully sa school. Kahit kasi ang porma niya ay pang-nerd. Ang totoo, masaya siya sa kanyang pagkatao. Komportable siya sa porma niya. Ayaw niyang makiuso kung sa tingin niya ay hindi naman bagay sa pagkatao niya ang mga bagay na uso sa mga kabataan. Hindi rin niya kasalanan kung likas na masipag siyang mag-aral.

She was happy being the nerdy geeky girl, paniwalaan man iyon ng lahat o hindi. Hindi siya katulad ng ibang mga kabataan na sinisikap maging standout sa karamihan.

Ang totoo, nasasaktan siya tuwing nakikita si First Nicholas na may kasamang girlfriend. Hindi niya maiwasan kahit pigilin niya. Para kasing sumisipa ang realidad sa kanya na magkaibigan lamang sila at hindi sila kailanman lalampas sa linyang niyon.

Gayunman, ayaw niyang pilitin ang sarili na tumigil sa pangangarap na balang-araw ay magkakatuluyan sila ni First. Masarap mangarap. Masarap magpantasya na darating ang araw na mamahalin din siya nito.

"I've missed you," anito sa mahina ngunit sinserong tinig.

"Ikaw, eh. Hindi ka na lumilipat sa bahay."

"Alam ko kasing busy ka sa pag-aaral dahil examination week. Mamaya, lilipat ako sa inyo. Nagtatampo ako kay Mama, eh."

"`You wanna talk about it?" Alam na niya ang dahilan ng tampuhan ng mag-ina. Naging matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina mula nang lumipat ang mag-inang Miriam at First Nicholas sa village nila. Nabanggit na ng kanyang ina sa kanya na may tampuhan nga ang mag-ina.

Nagkibit-balikat si First. "Same old story." Bumuntong-hininga ito. "I hate him, Michico." Ang tinutukoy ng binata ay ang ama nito.

She reached for his hand. Iyon palagi ang paraan niya upang i-comfort ito. Minsan, naaawa na siya kay First dahil sa bigat ng dinadalang galit para sa sariling ama.

Mahigpit na hinawakan nito ang kanyang kamay. He took several deep breaths. Mayamaya pa ay nakangiti na ito. "Kain tayo," yaya nito. "My treat."

Napangiti na rin siya at tumango.

Hinila siya nito patayo. Hindi naghiwalay ang mga kamay nila. May ilang estudyante na napapatingin sa kanila. Hindi na niya pinansin ang pagtaas ng kilay ng mga ito. Karamihan sa mga ito ay hindi naniniwala na magkaibigan talaga sila ni First. He was Mr. Fun and she was Miss Boring, ayon sa ilan. Hindi siya apektado. Wala namang alam ang mga ito sa totoong relasyon nila ni First.