webnovel

Chapter Eight

NAGPASALAMAT si Jillian dahil alas-otso pa lang ay pauwi na siya sa kanyang unit. Pagod siya at nais na niyang magpahinga nang maaga. Iniisip niya kung kailan siya maaaring makahingi ng mahabang pahinga kay Tita Angie. Nagsunod-sunod kasi ang mga proyektong ginawa niya.

Napasinghap siya nang malakas pagbukas na pagbukas niya ng ilaw ng unit niya. Lumabas uli siya at tiningnan niya ang numero ng pinto. Tama naman ang unit na pinasok niya.

Muli siyang pumasok sa loob. What the hell happened to her unit?

"Welcome home."

Marahas na napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Kumunot ang kanyang noo. It was Enteng.

"What are you doing here? Paano ka nakapasok?"

"Hiniram ko kay Tita Angie ang susi. I hope you don't mind. I cooked dinner. Nakahanda na ang mesa." Nilapitan siya nito. Kinuha nito ang mga dala-dala niya at inilapag ang mga iyon sa sofa.

Iniikot niya ang paningin sa buong sala. "Ano'ng ginawa mo sa bahay ko?"

Nginitian siya nito. "Ayaw mo ba?"

"I..." Lumunok muna siya bago niya dinugtungan ang kanyang sinasabi. "Love it. But why?"

Punong-puno ng bulaklak ang bahay niya. Daig pa niyon ang flower shop. Everything was pink—all shades of pink. It was her favorite color. Ang sahig ay punong-puno ng tila petals na pink din.

Yumuko siya at dumampot ng ilang piraso. It was sakura or cherry blossoms. Manghang napatingin siya rito.

"How did you get this?" manghang tanong niya. Hindi niya alam na may nabibiling cherry blossoms sa Pilipinas. Noong minsang magtungo silang dalawa sa Japan noon ay tuwang-tuwa siya sa mga cherry blossoms.

"Ano ang okasyon?" tanong niya habang pilit na inaalala kung may nakalimutan siyang isang mahalagang okasyon.

Naglakad siya patungo sa malalaking rosas na pink. Sinamyo niya ang mga iyon. She was so overwhelmed. Noon lang nangyari sa kanya ang bagay na iyon sa totoong buhay.

"Walang okasyon," tugon nito. "I just want this night to be special for you. For us."

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito. "Ha? Hindi kita maintindihan."

Hinila siya nito patungo sa dining area. Muli siyang napasinghap nang makita ang ayos doon. Enteng really turned her house upside-down. Marami pa ring mga nagkalat na Sakura sa sahig at mesa. May mga pink scented candle din. Mga paborito niyang pagkain ang nakahanda. May magandang flower arrangements sa gitna. All the flowers were pink.

Inalalayan siya nitong umupo. "I first wanted to do this in a restaurant but I want everything to be private. Mahirap na kung may mga makakaamoy na press. Ayoko munang haluan ng showbiz ang lahat."

Lalo siyang nagtataka habang lumilipas ang bawat sandali. Why was he doing that? Sa mga palabas lang sa telebisyon nangyayari ang ganoong bagay. Sa mga palabas, indikasyon iyon na magtatapat na ng pag-ibig ang lalaki sa isang babae.

Napalunok siya. Magtatapat na ba si Enteng sa kanya?

"Let's eat," anito na hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi. "Masarap itong lahat. Espesyal para sa `yo."

Tango lang ang nagawa niya. Hindi na niya magawang magsalita. Pakiramdam niya ay isang panaginip lamang ang lahat at masisira iyon kung magsasalita siya. Hindi rin niya alam kung ano ang nais niyang sabihin. Punong-puno ng tanong ang isip niya at hindi niya alam kung ano ang unang itatanong niya rito. It was like Enteng had turned into someone else.

Tahimik siya sa buong durasyon ng hapunan. Ito ang nagsalita nang nagsalita. He talked about his day. Ngiti, tango, at iling lang ang naging sagot niya palagi.

Pagkatapos nilang kumain ay dinala siya nito sa sala. He turned her CD player on. Pumailanlang ang isang malamyos na musika. Then he took her in his arms. They danced. Napangiti siya. Tiningala niya ito. Akmang tatanungin niya kung ano ba talaga ang ginagawa nito nang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya.

She closed her eyes. Tumugon siya nang buong puso. Pumaikot sa leeg nito ang mga braso niya. Lalo siya nitong hinapit palapit dito.

"I love you, Jilli," he murmured against her lips.

Natigilan siya. Nanlaki ang mga mata niya. Tama ba ang narinig niya o imahinasyon lamang niya iyon? Marahan niya itong itinulak. Pinakawalan naman siya nito.

"What did you say?" tanong niya upang maka-siguro.

Masuyo itong ngumiti. "I said I love you."

"As what?"

He chuckled. "As a sister? Does a brother kiss his sister like that? As a friend? Naghahalikan ba nang ganoon ang magkaibigan?"

"Then you love me as what?" naiinis na tanong uli niya. Bakit hindi na lang siya nito sagutin nang matino bago pa siya mabaliw sa kaiisip?

Dinampian nito ng mabining halik ang mga labi niya. "I love you so much, Jillian. I love you as a woman. I love you the way a man loves a woman. Malinaw na?"

Ilang libong beses na ba niyang pinangarap na marinig ang mga salitang iyon? Ilang taon ba siyang naghintay para matutuhan siya nitong mahalin? Kahit ninais na niyang sukuan ito ay hindi niya magawa. Finally, her ultimate dream came true. And she couldn't speak. Nakatanga lang siya rito.

"Say something, please," pakiusap nito nang lumipas na ang maraming sandali na hindi pa rin siya nagbibigay ng reaksiyon.

"Y-you l-love me? Seriously?" she said when she finally found her voice.

Tumango ito. "I'm willing to do everything for you. Liligawan kita nang husto. We're great as friends, I know, but we'll be greater as a couple. Huwag nating panghinayangan ang magandang pagkakaibigan natin. Hindi naman masasayang iyon. I believe that our friendship would be a good foundation to a strong romantic relationship."

Nakaawang ang mga labi niyang muli siyang napatanga rito. Sa mga sandaling ini-imagine niya itong nagtatapat sa kanya, desidido siyang sagutin agad ito. Wala nang arte-arte o pagpapakipot. Sasagot na kaagad siya ng "oo" at "I love you, too."

Ngunit manliligaw raw ito sa kanya. Nakikiliti ang imahinasyon niya sa mga maaari nitong gawin upang mapasagot siya. Hindi pa man ay kilig na kilig na siya. Nais din naman niyang maranasan kung paano ang maligawan nito. Pakonsuwelo na sa mahabang paghihintay niya rito.

"Papayagan mo ba akong umakyat ng ligaw sa `yo?"

Tumango siya.

Lumapad ang ngiti nito. "Hindi ka magsisisi."

Alam niyang hindi siya magsisisi. Kung anuman ang nangyari dito at bigla na lang itong nag-iba ay hindi na siya interesadong malaman. Ang mahalaga sa ngayon ay mahal na siya nito. Natupad na ang matagal niyang minimithi.

HALOS araw-araw ay kasama ni Jillian si Enteng kahit saan man siya magpunta. Marami ang mga nagtataka ngunit hindi na lang niya pinapansin ang mga iyon. Hindi na rin siya nag-aabalang sagutin ang mga nagtatanong kung bakit palaging nakabuntot si Enteng sa kanya. Nais din niyang maging pribado sa kanila ni Enteng ang pagbabago ng relasyon nila hanggang maaari. Ayaw niyang mabahiran iyon ng intriga. Baka maudlot pa ang katuparan ng mga pangarap niya.

Masayang-masaya siya. Enteng was showering her with flowers and gifts. Not expensive gifts but little cute things. Marami na itong naibibigay sa kanyang Hello Kitty collectibles. Puwede na rin yata siyang magtayo ng museum niya ng teddy bears. Alam na alam nito kung ano ang mga bagay na gusto niya. Mas gusto niya ng Hello Kitty at teddy bears kaysa mga mamahaling alahas, sapatos, o bags.

Dumating ang araw ng showing ng indie film niya. Kabadong-kabado siya. Hindi niya alam kung tatangkilikin pa rin siya ng mga tao pagkatapos maipalabas sa mga piling sinehan ang pelikula. Mabuti na lang at naroon si Enteng upang suportahan siya palagi.

Sa premiere night, dumalo ang mga kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz. It was not glamorous compared to her other movies' premiere nights, but that certain movie was very dear to her. It was her first movie that was out of the box. She worked hard for it. Sana ay ma-appreciate iyon ng mga tao.

Hindi naman niya hinihiling na maging box office hit iyon tulad ng ibang mga naging pelikula niya. Hindi rin siya naghahangad ng best actress awards mula roon. Ang nais lang niya ay makapulutan ng aral ang pelikula. Iyong kahit paano ay mahaplos ng pelikula ang damdamin ng mga manonood. Nais din niyang malaman ng iba na maraming mukha at uri ang pag-ibig.

Katabi niya sina Direk Simon at Enteng sa sinehan. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Enteng nang magsimula na ang pelikula. He kissed her hand then smiled at her tenderly. It was more than enough assurance for her. Nararamdaman niyang kahit ano ang mangyari pagkatapos ng lahat ay naroon pa rin ito sa kanyang tabi. Hindi ito mawawala.

Tahimik sila habang nanonood. Habang pinanonood niya ang bawat eksena niya ay napapangiti siya. She was very proud of herself. She was very proud of the movie. Ang galing-galing niya roon. Bigla ay nais niyang magyabang sa lahat.

"How's the movie?" bulong niya kay Enteng nang palabas sila ng sinehan. Nasa tinig niya ang matinding excitement. "Is it good?"

He rolled his eyes. "You know it's very beautiful. It's art. A very beautiful art." Inilapit nito ang bibig sa tainga niya. "Your sexy dance is arousing," bulong nito.

Nag-init ang kanyang mga pisngi. Hinampas niya ito sa dibdib. Natatawang hinuli nito ang kamay niya at hinagkan iyon. Biglang nasilaw siya sa mga flash ng camera ng ilang mga press at fans. Akmang hihilahin niya ang kamay niyang hawak nito ngunit hindi nito binitiwan iyon. He even intwined her fingers with his.

Nakangiting hinarap niya ang lahat. Wala siyang pakialam sa iisipin ng lahat. Basta napakasaya niya nang mga sandaling iyon. It was like everything was perfect with her life. The love of her life loved her back. Her movie was great. Wala na siyang mahihiling pang iba.

NAPAPANGITI si Enteng habang nagbabasa ng ilang reviews tungkol sa indie film ni Jillian sa Internet. Lahat ay magagandang review. Hindi naman kasi mahalay ang pelikula. Wala ring parte ng katawan ni Jillian ang nabastos. Like what he told her after watching the film, it was a very beautiful art.

Hindi nangibabaw ang prostitusyon sa pelikula. It was a love story. A very different love story. Mararamdaman ang pagmamahalan ng dalawang bida. The gay and lesbian communities were very thankful for it. They were endlessly praising the director and the actors.

Marami rin ang pumuri sa pagganap ni Jillian. She finally went outside the box, anang ilan. One also said that it was Jillian's best performance ever. Nawalan na raw ito ng inhibitions sa katawan.

He was very happy for her. She deserved all the praises she was receiving from everyone. He was glad she didn't listen to him and to everyone that said that the film was a bad move for her career.

May ilang intriga pa ring lumalabas na nag-uugnay sa kanila. Palagi kasi siyang nakikita na kasama si Jillian. Hindi naman niya kinukuha rito ang limelight. Tahimik lamang siyang nakasuporta rito.

May ilang nagsasabi na gimik lamang iyon dahil malapit nang ipalabas ang two-part episode nila sa isang drama anthology. Ayaw na niyang patulan ang mga iyon. Basta alam nito ang layunin ng pagiging malapit niya rito. Wala siyang pakialam sa iisipin ng iba.

He was happy wooing her. Nag-e-enjoy siya sa bawat panunuyo niya rito. Kung maaari lang ay iaalay niya ang buong mundo sa paanan nito. He grinned. He was so corny and cheesy.

Ayaw niyang madaliin ang sagot nito. He wanted her to enjoy every minute of the courtship. Pero may pagkakataon na nais na niya itong daanin sa bilis. Nais niyang maging opisyal na ang lahat sa pagitan nila. Minsan, sadyang napakahirap magpigil ng sarili. Tila sa bawat araw na lumilipas ay lalo itong gumaganda. At mula nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula nito, dumami bigla ang mga tagahanga nitong mga lalaki.

He wanted to announce to everyone that she was not available anymore. He wanted to tell every man that she was his.

Inabot niya ang kanyang cell phone nang tumunog iyon. Agad na sinagot niya iyon nang makitang si Jillian ang tumatawag sa kanya.

"Hello, lovely," bungad niya.

She giggled. He loved the sound of it. "Hello to you, too, gorgeous. Guess what." May excitement siyang nabakas sa tinig nito.

"What?" he indulged.

"I got offers to be on the covers of FHM, Maxim, and Playboy. Hindi mo paniniwalaan kung magkano ang handa nilang ibayad mag-pose lang ako ng sexy. Wala raw lalabas na private parts. Basta sexy lang daw."

Hindi niya alam kung ano ang kanyang mara-ramdaman. Dapat ay alam na niyang makakatanggap ito ng mga ganoong offer. She was very sexy on her indie film. Her sexiness was coupled with classy sophistication. Ngunit parang hindi pa siya handang dumami pang lalo ang mga tagahanga nitong lalaki.

"D-do you wanna do it?" nag-aalangang tanong niya.

Nais niyang sabihin dito na huwag na lamang nitong tanggapin ang mga offer na mag-pose nang sexy. Ayaw niya. Ngunit ayaw rin naman niyang ipagkait dito ang mga bagay na nais nitong gawin. Baka isipin nito na wala pa man silang opisyal na relasyon ay dinidiktahan na niya ito. Baka hindi pa man sila nag-uumpisa ay masakal na ito sa kanya.

"I think it's fun. Parang gusto kong i-try. Pero sabi ni Tita Angie, baka isipin ng lahat na nagpapa-sexy na ako nang tuluyan. Gusto pa rin daw niyang i-maintain ang dating image ko. What do you think?"

"I'll support you in whatever that would make you happy," aniya. Totoo naman iyon. Kahit pa labag ang kalooban niya, kung magiging masaya ito roon, susuportahan pa rin niya ito.

"Salamat, Enteng," anito sa napakalambing na tinig. "What are you doing?"

"Thinking of you."

She giggled again. "Liar."

"I'm not. I'm really busy thinking of you. I'm always busy thinking of you."

"Hanggang ngayon, hirap pa rin akong maniwala na nangyayari ito sa akin. We were good friends and now—"

"I'm courting you," pagtatapos niya sa sinasabi nito. "Hindi naman imposibleng ma-in love sa isang kaibigan, `di ba? Maybe I fell in love with you years ago. I was not just aware of it."

"Sometimes, it feels weird, you know."

"I don't feel weird at all. I'm so in love I can't feel anything else."

"My God, you are so corny. And baduy."

Alam niya iyon ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Nais niyang palaging ipaalam dito na mahal na mahal niya ito. Ayaw niyang magduda ito kahit kaunti.

"It's getting late. Magpahinga ka na. Alam kong napagod ka nang husto ngayong araw."

"Sing for me."

Hindi na nito kinailangang ulitin ang hiling. Kinantahan niya ito hanggang sa makatulog ito. Hanggang sa pagtulog ay nakangiti pa rin siya.