webnovel

CHAPTER 4: SHE WHO MATTER'S MORE

LIGHT'S heart skipped a bit.

Sa lahat kasi ng pwede nitong sabihin, iyon pa talaga ang namutawi sa bibig nito. Alam naman niyang tulog ang binata at baka nananaginip lang pero hindi niya inaasahan iyon. Kaagad niyang sinuway ang puso na mabilis sa pagtibok bago nagmamadali pero tahimik pa rin na lumabas ng silid upang hindi ito maistorbo.

Pilit niyang ipinapasok sa isip na tulog lang ito kaya nasabi nito ang mga salitang iyon. Pero hindi pa rin mawala sa isipan niya ang katotohanang, unconsciously, ganoon ang nasa isip ni Grim patungkol sa kaniya.

Napahinga na lang ng malalim ang dalaga bago isinara ang pintuan ng opisina ni Grim pagkatapos ay nagdesisyon ng umuwi muna sandali.

Kaya lang, pag-ikot niya ay nagulat siya ng makita ang isang babae na nakasandal sa hamba ng pintuan palabas ng hallway papunta sa Bar.

Kung tama siya ng pagkakaalala, ito si Flavor-of-the-week; 'yung bago. Kaagad niyang isinuot ang 'work mask' niya dahil kung hindi baka mahalata nito ang inis niya dito. Medyo mayabang kasi ang babae kumpara sa ibang nakasama na ni Grim. At ayaw niya sa babae, personally.

"Yes, Mam? What can I do for you?" Bati ni Light sa babae katulad ng dati. At tulad din ng dati, matalim pa rin ang tingin nito sa kaniya. Ganoon ito umasta kapag wala pa sa paligid si Grim.

"Nandiyan si Grim?" Tanong nito sabay nguso sa kwartong pinanggalingan niya.

"Yes, Mam."

"I see." Mataray nitong sabi pagkatapos ay ibinagsak ang sigarilyo nito sa lapag bago inapakan. Lalong nadagdagan ang inis niya dito.

Nakikini-kinita na niya ang magiging reaksyon ni Grim kapag nakita nito iyon. Hindi pa man din madaling maalis ang mantya ng sigarilyo sa carpet lalo na at nag-iwan ito doon ng burn mark. Isa pa ay ayaw na ayaw pa man din ng kaniyang boss na madumi ang paligid ng bar maliban sa lounge area kasi talagang makalat doon at wala na itong magagawa. Pero ang back-of-the-house, pantry, crew room, bar counter, hallway at offices, gusto nito na palaging malinis.

Maya-maya ay dahan-dahang lumapit si flavor-of-the-week sa kaniya na parang ineenspeksyon ang buong pagkatao niya. Pilit inaalala ni Light ang pangalan nito ngunit sadyang makakalimutin siya sa mga hindi importanteng tao. Ang hilig din kasi nitong mangmata ng tao lalo na kapag kasama si Grim ngunit hindi nito magawa iyon sa kaniya dahil hamak na mas matangkad siya ng 2 inches dito ng walang heels.

"I think I'll surprise him." Saad nito pagkatapos ay nilampasan siya. Ngunit bago pa nito mahawakan ang door knob ay nagawa na itong pigilan ni Light.

Hindi naman makakalimutin si Gin sa mga importanteng patakaran sa bar dahil nakasalalay doon ang trabaho nito kaya sigurado siya na pinabasa nito ang notice sa pintuan papasok ng hallway kung saan nakasulat ang mga lugar na hindi maaaring puntahan ng babae. Malakas ang kutob niya na hindi ito nakinig kay Gin.

"I'm sorry, Mam but this place is for authorized personnel only." She calmly reminded her putting emphasis on the word AUTHORIZED. Instead, the lady harshly pulled her right arm away from Light and lifted her chin as if mocking the bartender.

"So your saying that, you…" sabay duro kay Light, "Just a bartender, can just barge in his office anytime you want and his girlfriend can't?"

"Yes, Mam. Because I am an AUTHORIZED personnel. I'm sorry, Mam but I'm just following instructions. If you would like, you can wait at the bar counter and I will just inform Sir Grim that you are here." Light said as calm as possible and waited for her to turn around and leave but unfortunately she's not moving.

"Remember this, you little slut. You're just a bartender. Know your place." The lady hissed then walked out.

Napahinga na lang ng malalim si Light. Sanay na siyang tingnan ng masama ng kahit sinong lumalapit kay Grim pero ibang usapan na kapag pagkatao na niya ang tinitira. Hahabulin na sana niya ang kinaiinisang babaeng ng maramdaman niyang may humawak sa braso niya. Noon lang niya napansin na nandoon si Grim.

"Don't stoop down to her level. She's not worth it." Sabi nito na parang masama ang gising.

"Kanina ka pa diyan?" Medyo inis pa din na tanong ng dalaga.

"Long enough to hear what she just said."

"Grim, just a little advice, don't pick up someone with just body and face. Sorry ha? Your worth is more than that. You deserve a better girl kahit pangrampa mo lang." Naiinis na saad ni Light. Akala niya ay nagalit na si Grim sa sinabi niya ng naramdaman niya ang pagbitaw nito sa kaniyang kamay. Nabigla na lamang siya ng magaan nitong ginulo ang buhok niya.

"Opening ka 'di ba? Sige na. Umuwi ka muna para fully charge ka mamaya pagbalik." Sabi nito habang nakangiting itinataboy si Light. Nalusaw na ng tuluyan ang inis na nararamdaman ng babae.

"Copy, Sir." Sagot ng dalaga at tinahak na nga ang hallway papunta sa pantry.

Nang masiguro ni Grim na nakalabas na nga ng bar si Light, kaagad niyang pinuntahan si Lila sa bar counter na pinanggalingan ng kaniyang bartender. Siguro ay binigyan muna ni Light ng maiinom si Lila kahit pa halata naman dito na asar na asar na ito sa babae. Nakaupo lang si Lila doon habang naninigarilyo. Hindi na niya binalak lumapit ngunit naramdaman siguro nitong hindi na ito nag-iisa sa lugar na iyon kaya napatingin ito sa direksyon niya. Kaagad itong tumayo, lumapit at yumakap sa kaniya.

"Hi babe."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sabi mo lalabas tayo ngayon kaya sinundo kita. Atribida lang kasi 'yung bartender mo eh." Nagtatampong sabi nito sabay irap pagkabanggit ng tatlong huling kataga. Kaagad na uminit ang ulo ni Grim.

"Everything she did is according to my instruction." Madiin na sabi niya. Naningkit kaagad ang mga mata ng babae.

"So it is true? That I am not allowed at your office?"

"Yes. Didn't the manager tell you the first time I brought you here?" He reminded her.

"Oh. I think he did. Should have I read it? I thought he was joking with me that time. I'll read it later." She said then puts her arms around his neck again. He moved away quickly. "Ano bang problema mo?" dagdag nito

"I heard everything." He said pinning every word to her head.

"And so? Huwag mong sabihing nagkakaganyan ka dahil sa kaniya?"

"You insulted MY employee who is just following MY instruction. This is not about her. This is about YOU who assumed that you have the same power over her just because you are with ME." He said as he looked at her as cold as ice. Hindi na nakaimik ang babae. Sa halip ay kinuha nito ang gamit at nilisan ang lugar.

Pumasok na lang sa cellar si Grim, kumuha ng isang bote ng Jack Daniels at ininom iyon mula sa bote. Naiinis lang siya dahil naalala niya bigla si Oval. Hindi man ito katulad ni Lila na mapangmata sa kapwa pero ginamit pa rin siya nito dahil sa pangalan at pera niya.

Paglabas niya ng cellar ay nadatnan niya doon si Light. Nadagdagan ang inis niya hindi dahil sa babae kundi dahil lagi na lamang nitong nakikita ang ganitong pagkakataon na nawawalan siya ng pasensiya at inuubos ang laman ng isang bote ng Jack Daniels ng isang inuman lang. Matalim na lamang niyang tiningnan ang dalaga.

"Sinabi kong umuwi ka na, 'di ba? Ano pang ginagawa mo dito?"

"Naiwan ko 'yung susi ng bahay sa locker ko tapos nakita ko 'yung fling mo na lumabas ng umiiyak kaya nag-alala ako." Sagot nito sabay lapit sa kaniya para kunin ang bote mula sa kaniyang kamay.

"Ang dami na niyang masamang sinabi sa'yo tapos nag-aalala ka pa? napakabait mo naman yata?" sarkastiko niyang sabi dito.

"Hindi ako sa kaniya nag-aalala. Sa'yo."

"Sa akin?"

Hindi sumagot si Light, sa halip ay tuluyan na ngang kinuha ang bote ng alak na iniinom niya pagkatapos ay tinakpan at itinabi sa isang side ng sink. Hindi na lamang siya umalma at pinanood na lamang ang bawat galaw ng dalaga. Isa pa, alam niyang isang galaw lang niya, tutumba siya.

"Lagi na lang ito ang pinagdidiskitahan mo kapag may nagagawa kang hindi mo naman talaga gustong gawin. Malulugi tayo niyan eh."

"Ako lang ang malulugi. Hindi ka kasama."

"Yeah right. Halika na at baka dito ka pa bumagsak. Hindi pa naman kita kayang buhatin. Iinum-inom kasi, hindi naman high-tolerated." Pasaring ni Light sa binata. Parang batang sumimangot si Grim pagkatapos ay inakbayan ang babae.

"Lead the way, Miss Knight-In-Shining Armor."

Wala ng nagawa si Light kundi tingnan ng masama ang kaniyang boss pagkatapos ay inalalayan ito patungo sa kwarto nito sa second floor. Tulad ng inaasahan, pabagsak ngang humiga sa kama nito ang binata at kamuntikan pa nitong mahila siya kung hindi kaagad nito nabitawan ang balikat niya. Umiiling-iling naman si Light habang inaayos ito sa pagkakahiga.

"Kung wala pa ako paggising mo, huwag kang tatayo. Wait for me, okay?" bilin ni Light kay Grim na tinanguan lang ng binata bago ito hinila ng antok. Nang masiguro na ni Light na maayos na itong natutulog ay iniwan na niya ito at tuluyan na ngang umuwi.

Tatlong oras pa bago ang opening pero bumalik na kaagad si Light sa bar. Katulad kasi ng dati, sinisuguro niyang nandoon na siya bago pa magsidatingan ang mga tao kapag ganoon na nakainom si Grim. Minsan na kasing nangyari iyon noong unang beses niyang nalaman na hindi pwedeng magpakita si Grim sa mga tao kapag may hang-over ito dahil ibang iba ito sa nakasanayan nila. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon na nasa harap sila ng maraming tao pero nasapak niya ang kaniyang boss.

Tulad ng inaasahan niya ay nasa bar counter na nga si Grim pagdating niya at sapo nito ang ulo. Napahinga na lang ng malalim si Light, nagbihis sandali bago pinuntahan ang binata at pinagtimpla ng kape.

"Sabi ko, huwag kang tatayo paggising mo." Kastigo niya sa binata.

"Ang tagal mo eh. Kaya nauna na ako dito."

"Buti hindi masyadong malakas ang tama sa'yo at nagawa mo pang bumaba dito?"

"Hindi ko naman nakalahati 'yun bago mo inagaw sa akin."

"Pero ang lakas pa rin ng tama sa'yo."

"Anyway Light, why is it that your lips is kind off inviting me to kiss it?"

Heto na nga at nagsimula na itong lantarang manglandi. Bumalik tuloy sa alaala niya ang halik na binigay nito noong unang beses na nakita niya ito kung paano malasing; iyon din ang unang beses na nasapak niya ang binata sa harap ng maraming tao. Nginisihan na lang niya ito.

"Feeling mo lang."

"Ayaw mo ba? Magaling akong humalik. Turuan kita." Panghihikayat pa nito sa kaniya.

"Kape ka na lang."

"Come on, Light. Kiss me." Nakanguso nitong saad.

"Hay naku, Grim. Tigilan mo ako. Inumin mo na 'yang kape mo bago lumamig."

"Bad." Parang bata nitong bulong pagkatapos ay humigop kaunti sa kape. Pinili na lamang ni Light na tahimik na ihanda ang lahat ng gagamitin niya mamaya. Akala niya ay sumuko na si Grim pero hindi pa pala. Tinawag siya nitong muli.

"Light, please." Nakanguso nitong pakiusap na parang ang hinihingi nito ay candy lamang ngunit hindi.

Huminga na lamang ng malalim si Light at bahagyang inilapit ang mukha kay Grim na para bang pumapayag na sa gusto nito. Seryoso namang inilapit din ni Grim ang mukha sa dalaga at akmang hahalikan ng hinarangan ito ni Light ng malamig na ice sa labi.

"Ubusin mo na 'yang kape mo." Turo ng babae sa baso sabay layo at talikod. Alam niyang hindi basta makakatayo si Grim sa kinauupuan kaya sigurado siyang ligtas siya hangga't nasa loob siya ng bar counter.

"LIGHT!"

Kahit pa naiinis ay inubos pa rin ng binata ang kape na ginawa niya. Ilang minuto lamang siyang pinanood nito sa ginagawa pagkatapos ay nakatulog na itong muli habang nakayukyok sa bar counter. Nang sigurado na siyang hindi na ito magigising hanggang mamaya ay pinaghirapan niyang muli na iakyat ang binata sa silid nito dahil hindi naman siya pwedeng magpatulong sa iba.

Ayaw kasi ni Grim na may nakakapasok sa private space nito maliban sa tagalinis ng bahay nito at sa kaniya. Babalikan na lamang niya ang binata mamaya kapag break na niya. Iyon ang sabi niya sa sarili ngunit hindi na niya ito nagawang balikan.

Dahil nakatutok si Light sa ginagawang inumin ng isang costumer ay hindi niya napansin na umupo sa may tapat niya si Grim. Nang maibigay niya ang inumin ay tsaka lang niya napansin ang binata. Naka-hood kasi ito kaya hindi rin siguro nakilala ni Gin na kasama niya sa counter ng mga oras na iyon.

"Okay ka na ba? Bakit ka bumaba?" may pag-aalalang tanong niya dito.

"I need some air."

"Then go outside." Sagot ni Light. Blangko lamang siyang tiningnan ni Grim.

"Anyway, Apollo called. I have to go to his clinic. I'll leave you in-charge of the bar." Pagbibigay alam nito.

"Okay, Sir."

"If anything happens, call me."

"Yes, Sir."

"And don't let Zean set foot on this club." Grim instructed emphasizing every word. Dahan-dahan lang na tumango si Light.

Maya-maya ay dumating si Lucifer para sunduin si Grim. Ilang minuto pa lang ang lumipas mula ng umalis ang kaniyang boss ng biglang may umupo sa sa bakanteng pwesto sa harap niya. Si Zean.

"Paano ka nakapasok?" She asked him.

"Because I said that I won't stay long. That is if you will come with me." He answered. When she looked at him with suspicion, he added, "You don't want anything to happen with Grim, don't you?"

____TO BE CONTINUED____