webnovel

ZERO : Digits Are Everything

Genre/s: Romance, Action, Sci-Fi Language used: English, Tagalog Alanis Ridge lives in a wealthy family. She has everything everyone's been wanting to have. She has eleven digits on her arm and still counting, sole heiress of the Ridge's family. She's smart, beautiful and yeah, good family. Until she happened to hear her parents talking. She heard the secret about their money that changed her perception in life. Will she able to pass her problem? Especially in this year that zero is everything. ㅡ JOYOUSMELODY

JoyousMelody · Sci-fi
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 5

Ilang minuto ang lumipas pagtapos ng pag-uusap nila ni Blue ay biglang sumulpot si Catriona na nag-aaya ng umuwi. Bigla daw kasing sumama ang pakiramdam nya.

Since two seater lang ang dala dalang kotse ni Xenon. Ipinaubaya niya na kay Catriona ang upuan. Umangal pa si Xenon pero sabi niya ay magpapasundo na lang siya sa kaniyang butler.

Ipinagsabi nya pa ang babae kay Blue kahit wala syang tiwala rito. Pero mas wala raw syang tiwala sa mga kasama nila, kaya kay Blue na lang sya nagsabi.

Kaya ngayon ay nasa sasakyan na siya ni Blue. Gusto nita sanang umupo sa likod ay pinagbawalan siya nito dahil magmumukha raw syang driver ng babae.

"Alanis, galit ka ba?" Tanong ni Blue habang nakatingin sa daanan.

"Iuuwi naman kita agad, Alanis. Just come with me for the mean time." Aniya at sumulyap sa dalaga.

Hindi niya alam kung saan sila pupunta dahil noong una ay akala niya ay diretso na siya nitong ihahatid ngunit nagtaka siya nang kumabila ito ng daan.

Nagsabi na siya sa kaniyang butler na hindi siya uuwi sa kanilang masyon at nagpadala naman siya ng mensahe kay Xenon na nakauwi na siya.

"We're here." Napalingon si Alanis sa kanya at sa labas.

"What are we doing here?" Tanong niya at tsaka nagmamadaling lumabas.

Nasa bukana pa lang sila nang itigil ni Blue ang kotse malapit sa isang puno.

"Ano ang nasa isip mo at dinala mo ako dito sa Kafagway?" She look at him with disbelief.

Kafagway is one of her travel list. Dahil sa maganda nitong kapaligiran.

She heard him chuckled. "What?" Inosente niyang tanong sa kanya.

"You really don't get it, yeah?" Kunot noong napalingon si Alanis sa binata.

Ano ang di niya maintindihan?

"Alanis?"

"Hmm"

"Nakapunta ka na ba sa Daehan Minguk?"

Tumango siya nang marinig ang tanong nito.

Nakapagbakasyon na siya sa Daehan Minguk kasama ang kaniyang magulang. Hindi niya naisip na iyon na pala ang huling bakasyon na mararanasan niya. Hindi sa wala ng buhay ang kaniyang magulang kung hindi dahil sa kawalan nito ng oras sa kaniya.

"Kapagㅡ" Lumingon si Blue kay Alanis at itinuloy ang pangungusap, "Kapag kasama mo raw ang gusto mong tao sa unang buhos ng nyebe..."

Blue paused when he saw Alanis slowly raising her right hand. Para bang may sinusubukan itong abutin sa langit.

"Mamahalin nyo raw ang isa't isa."

Dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay at binuksan ito. A flake of snow.

"Alanis..." Napapikit siya nang magsimula ng bumagsak ang sunod sunod na nyebe.

Hindi pwede.

Hindi talaga pwede.

Gusto sya ni Catriona.

He's for Catriona.

She's none in the picture.

Alam niyang meron siyang nararamdaman para sa lalaki pero hindi pwede. Hindi niya alam kung kailan at saan pero hindi na ito mahalaga.

She shook her head and look at him.

"Until when will you understand that Catriona likes you, Blue?" Hindi niya alam kung bakit nanunubig ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. She's not supposed to feel this.

"Alanis naman," Namamaos nitong sabi.

Bakit ang sakit?

She looked away. "Alanis, please," umiling si Alanis. Goodness.

"Alanis, look at me please." Hinawakan nya ang mga pisnge ng dalga at pwersang iniharap ang mukha nito sa kanya.

Kita ng babae ang lungkot sa mga mata ni Blue. Katulad sa kaniya... para lang siyang nakikipag-titigan sa sarili niyang repleksyon.

Ilang segundo ang lumipas at naramdaman niya ang mga labi nitong nakalapat sa kaniya. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero naging isa siyanv masunurin at hinayaan syang lumusong sa malalalim nitong halik.

Sa puntong iyon, doon niya nakalimutan ang plano niya pagpa-paalis sa buhay nila ng kaniyang kaibigan.

Sa mga segundong lumipas ay para bang nalunod siya pero hindi sakit ang pumasok sa sarili niya kundi kagaanan.

Sino ka ba talaga Blue Marquez?

Walang sumubok na sirain ang katahimikan hanggang sa makauwi sila galing sa Kafagway.

Kapwa silang ingat sa pagsasalita ganon na rin ang pag-iingat nila na hindi magtama ang mga mata.

Hindi siya nagpahatid sa kanilang mansion. Hindi niya gustong malaman kung saan siya nakatira. Wala siyang balak ipaalam. Sa may bukana ng isang park siya nagpa-iwan. Hindi naman sya umangal at nagsimula nang umalis.

Naghihintay na lang siya sa pagdating ni Xenon. Sinabi niya na may emergency kung kaya ay nasa park siya at kung pwede ba na sunduin siya nito sa park.

Naging mabilis na rin ang paghingi niya ng pabor dahil nag-aalala raw sya sa babae dahil mag-isa lang ito sa gitna ng dilim.

Nang makarating sila sa mansyon ay saka niya lang napansin ang dala nitong damit.

"Bakitㅡ" nakaturo niyang sabi sa dala ng lalaki.

"I'm going to sleep here since we still have our classes bukas and you cut my sleep?" Itinaas taas nya pa ang kilay nya para mapapayag si Alanis.

"Four," sabi niya at agad naman itong pumunta sa room number four. Pero bago pa man siya makapasok ay inilabas nya uli ang ulo nya at tinawag ang babae.

"Alanis?" Lumingon siya sa kanya.

"Ah. Wala," pambawi nito tsaka isinara uli ang pinto.

Huminga siya nang malalim bago pumasok sa kwarto. She lazily pushed herself to bed. Tanging pintig na nga lang ng kaniyang puso ang naririnig. Hilaw siyang napangiti habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

"Blue," wala sa sariling banggit nito.

JOYOUSMELODY