webnovel

Ysla Paraiso Part 200

"Ysla Paraiso" Part 200 - Diyosa sa Paraiso

Sean's P.O.V.

Bumagsak ang first class na eroplanong sinasakyan namin sa karagatan sa hindi ko pa malamang dahilan, buti na lamang at natunugan ko kaagad ito at mabilis akong nakapag-parachute bago pa man bumagsak ang eroplano.

Swerte namang sa sa mabababaw na tubig ng isang isla ako napadpad, tinanggal ko kaagad ang pagkakasuot ng parachute sa likuran ko at nagsimulang lumangoy tungo sa Isla.

"TULONG!!! MAY TAO BA DIYAN!!! TULONG!!!" Buong lakas kong pagsigaw, nagbabaka-sakaling mayroong nga tao sa isla na makadirinig sa aking saklolo.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay walang ni-isang anino ang nagpakita sa akin.

Doon ko lamang napansin ang tumutulong dugo mula sa aking tiyan, nang itaas ko ang tela ng aking damit ay mayroon palang maliit na sugat iyon siguro'y dahil sa aking pagmamadali kanina na makaalis ng eroplano.

"Ahh!" Napasigaw ako sa kirot noon dahil nang tignan ko ito ng mabuti ay mayroon palang isang matulis na bakal ang nakabaon doon.

Bigla na lamang akong nawalan ng malay at natumbang nakahiga sa dalampasigan ng islang ito.

Nang unti-unti nang bumabalik ang aking wisyo ay naramdaman ko ang pagbuhat sa akin ng isang hindi kilalang tao, pasan-pasan ako nito sa kaniyang balikat bago ilapag muli sa buhanginan nang mapansing nakadilat na ako.

"Sino ka? Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ng taong iyon, na isa palang napakagandang babae.

Nakasuot siya ng bikini na mukhang mayroon nang kalumaan at talagang napakasexy ng katawan niya at mala-diyosa ang pagmumukha.

"Ako po si Sean Guinto, bumagsak ang eroplano namin kanina lang." Paliwanag ko.

"Sean, may nahanap rin akong bangkaykanina lang. Mukhang galing fin sa eroplano na sinakyan mo. May tama ng bala sa leeg niya, kaya't nakasisiguro akong hindi basta-basta ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano niyo. Sumama ka sakin, ikwento mo sakin ang buong kuwento." Ani ng napakagandang babaeng iyon.

"Sandali." Sabi ko nang akmang lalakad na siya papalayo.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" Pakiusap ko sa magandang babaeng ito.

"Ysla, Ysla Paraiso." Sagot niya.

Sinubukan kong tandaan ang kaniyang pangalan kung saan ko ba ito nadinig.

"Ysla Paraiso..."ngunit bigla nanamang sumama ang pakiramdam ko at muling natumba papunta sa direksyon niya.

At bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman kong natumba ako papaharap sa napakalulusog na nga suso ng babaeng nagngangalang si Ysla Paraiso.

Damang-dama ko ang kakaibang init at lambot ng mga suso niyang iyon ngunit tuluyan nang nawala ang malay ko.

Napangisi na lamang ako habang nakasubsob at pinilit na makadila ng isa sa kaniyang naggagandahang mga dibdib.

"Ysla Paraiso, sinisiguro kong matitikman kita sa oras na magising ako." Ani ko sa aking isipan.