webnovel

Ysla Paraiso Part 1

"Ysla Paraiso" Part 1.

Jiro

Habang lumalangoy sa swimming pool ng cruise ship ay hindi matanggal ang paningin ko sa naka-bikining si Ysla Paraiso, isang artista.

Napakaganda ng korte ng katawan niya, malulusog ang dibdib, makinis na balat, matambok na puwetan, at maliit na baywang.

Ramdam na ramdam ko ang kakaibang sensyasong idinudulot niya sa aking katawan habang siya ay aking pinagmamasdan.

Maya-maya pa ay humigop ito ng drinks sa straw ng bukong nasa lamesa sa tabi niya.

Napalunok naman ako dahil napaka sexy niyang tignan habang ginagawa iyon. Sa bawat lunok na ginagawa niya ay pinagpapawisan ako kahit pa nakalubog sa tubig ang aking katawan.

Doon ko napansing hindi lamang pala ako ang nakatitig kay Ms. Ysla Paraiso dahil halos lahat ng lalaki kabilang na ay mayroong mga asawa ay nakatitig na rin sa hubog ng kaniyang katawan. Tila ba hinuhubaran siya sa lagkit ng mga pagtitinginan.

Si Ysla naman ay patuloy lamang dinadama ang init ng araw at ibinabalandra ang kaniyang kaseksihan.

Gusto ko mang sulitin ang panonood sa kaniya, ay hindi na ako makapigil. Kailangan ko nang magparaos kaagad.

Umahon ako sa pool at naghanap ng malapit na palikuran.

Ngunit habang naglalakad ako ay may nadirinig akong mga ingay mula sa mga kababaihan.

"Whoaa"

"Ang laki ah."

"Sheesh, daks naman ni Kuya."

At doon ko lamang napansin kung gaano na katigas at kalaki ang umbok sa aking shorts, dahil sa nagwawalang kalalakihan ko!

Nakaramdam ako ng hiya at pagkailang, binilisan ko pa ang paglalakad dahil kitang-kita kung paanong halos maglaway ang mga babae sa kakatitig sa pang-ibabang bahagi ko.

"Hey boy, wanna help me with something here?"

Ngunit natigilan ako bigla dahil sa malambing, sexy, at nakakaakit na boses na iyon. Isang boses na noon ay naririnig ko lamang sa telebisyon.

Si Ysla Paraiso, hindi ako nagkakamaling boses niya nga iyon at nang lumingon ako ay sa kaniya nga nanggaling ang nakakaakit na tinig.

"A little help please? Come here." Anyaya ni Ms. Ysla.