webnovel

Ysla Paraiso Part 178

"Ysla Paraiso" Part 178 - Madilim na mga hakbang

Saglit na napatitig ang dalawang lalaki sa aking katawan, bukod kasi sa hapit ang suot kong nightgown ay napakanipis rin nito na kulay puti at talagang kitang-kita ang bathing suit sa ilalim niyon na nagpapakita ng malulusog kong mga laman.

"Ah, eh, nag-iinuman po kami doon kasama si Sarhento Yatco." Turo ng isang lalaki.

"Ah, ganun ba~ pwedeng samahan niyo naman ako~" Pang-aakit ko sa mga ito.

"Sige sure Ma'am Fiña~ ang sexy mo naman po ngayong gabi~" Sagot ng kasamahan niya.

"Hmm~ tara~ samahan niyo ako ah~" Ani ko bago ipatong ang pareho nilang mga kamay sa magkabilang balikat ko.

"Uuy, sige~ tara na Ma'am sexy Fiña~" Ani ng mga ito.

Alam kong sila'y nalilibugan na at mayroong binabalak dahil mga nakainom na, ngunit parte ito ng aking plano at wala akong dapat na ipangamba.

Habang naglalakad kami ay panay ang paghimas ng mga ito sa magkabilang mg balikat ko pati na rin sa aking likuran. Dumidikit rin ng paunti-unti sa akin ang kanilang mga katawan.

"Ms. Fiña~ shot ka naman muna oh~" Alok sa akin ng isa sa mga lalaki habang hawak ang bote ng alak na hawak-hawak niya.

"Sige ba~ lalaklakin ko yan~" Sabay agaw ko sa bote ng alak at ininom kaagad ito.

Habang nainom naman ako sa bote ng alak ay nadama kong bumaba sa aking mga bewang ang paghawak nila.

"Sige inom lang Ma'am Fiña~ mahaba pa ang gabi~" Manyak na pagkakasabi ng mga ito.

Saglit kong itinigil ang pangtungga sa bote ng alak dahil may katapangan nga ito at nakaramdaman ako ng pagkalula.

Nahpatuloy kami sa paglalakad at nagsimulang gumewang-gewang ang paanan ko.

"Ayos ka lang ba~ Ma'am Fiña~" Siyasat ng isa sa mga lalaki.

"Ahh~ hehe~ oo naman~" Uminom ako at inubos ang alak sa bote.

Habang ginagawa ko iyon ay naramdaman ko nang bumaba ang isa sa kanilang mga kamay sa puwetan ko at pinipisil-pisil iyon.