(Aby Sena POV's)
"Anong sa tingin mo Sena?"
"Lost." sabay akbay ko sa kanya… na napapa-cringe ako kapag nakikita ko ang sinira nilang Photo Album ng Zendeo my labs. "Sabi ko sayo mas maganda na personal mong ibigay yan sa kanya."
"Di naman niya pinapansin. Sige, siguro lagay ko na lang ito sa locker niya." Isang baunan… pagkain na naman. Pagkain na para kay Zendeo. Napatango na lang ako.
Naiwan ako na napasabunot sa sarili ko ng matapos nga niya akong talikuran. Ang pinaghirapan kong Photo Album. Huhuhu. Sabagay Sena, kapag may nawala, ibig lang daw sabihin may magandang darating. Saka may softcopy ka naman ng mga stolen shot mo kay Zendeo. Impossibleng wala.
Sinabi kanina ni Lost diba na maari pa akong makipagsiksikan? Pero ayoko ngang makipagsiksikan. Sadyang… trauma lang ako sa ilang pangyayari sa buhay ko. Ayoko. Ngunit… try ko parin. maghanap ng pwesto.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com