webnovel

Chapter 44 He is In Denial

>>Deo>>>>>

Minsan magtataka ka talaga sa pagkatao ni Zhio. Ayaw niya sa mga babae ... Kaya nga inakala ko na " Silahis" itong si Zhio.

Pero hindi. Lalo na yung araw na simulang lihim na pinapatrabaho niya sa akin ang tungkol sa Project Rose.

...at alam ko... Kahit di pa ni Zhio kinukumpirma na nagugustuhan niya Si Claire... Darating din yung oras na marerealize niya yun.

Siguro magaling lang talaga magtago ng tunay na nararamdaman si Zhio. At Siguro di nagpakilala si Zhio kung sino talaga siya kay Claire sa kadahilanan na ayaw niya malaman na nakikisama lang ito dahil sa katayuan niya.

Mahirap makapag-hanap ng tunay na pagmamahal ang mga mayayaman. Kahit pagmamahal ng pamilya ay ipinagkait din kay Zhio.

Di ko nga maintindihan ang mga tao kung bakit sinasabi nila na napakaswerte ni Zhio sa kabila na kapos siya ng pagmamahal. Ang tanging alam niya. Kapag nagmahal siya... Darating ang oras na iiwan din naman siya. Kaya kahit kailan hindi hinuhulog ni Zhio ang sarili magmahal... Pwera sa kanyang magulang... Na iniwan din naman siya. Sa ngayon... Iniingatan parin niya ang sarili magmahal lalo na para kay Claire. Saka gusto niyang iiwas si Claire sa gulo.

Tama. Napakagulo ng buhay ni Zhio.

Marami ang nagtatangka sa buhay niya.

Marami ang nangigil na patayin siya.

Dahil marami ang humahangad ng pera ng pamilya niya.

Si Dr. Eriez at Atty. Wenziel... Ay matapat na naglilingkod sa pamilya niya... And of course me too... Malaki ang utang na loob ko sa kanya.Dahil kung wala siya... Wala rin ako sa kinakatayuan kong 'to.

Napangiti ako.

Dahil sa mga oras na 'to...

Alam ko nagsisimula na umikot ang mundo ni Sir Zhio...

Lumalablyf kung baga...

Pagdating ko sa kompanya.

Nagkalat ang bodyguard ni Zhio sa hallway.

" Si Sir Zhio."

"... Nasa loob at agad niya kayo pinapapapunta sa loob."

Pumasok ako...

Nakakaluskos ang sleeve niya. May nangyari na naman siguro.

" Nagkalat yata Sir sa labas ang tauhan mo."

" Ano pa nga ba. Kanina kasi kamuntik ng may sumaksak sa akin... "

" Isa sa mga humingi ng appointment ko Deo. At kasalanan mo yun."

" Sino?"

" Tss... Mr. Fung. Ang kinabanga kong negosyante... "

" I'm sorry Sir. Sinabi niyang nais niya kayo makausap upang pormal na ipagbili niya sa inyo yung properties niya."

" Tss... Kamusta ang paghatid mo sa kanya."

" Yun, naabutan namin nasa bahay nila si Derick. "

' Si Claire anong exspression niya."

" Hindi siya makatingin ng Diretso kay Derick.

" Muli ba siyang natakot? "

" Nanlamig siguro .."

" ..."

" Humihingi kasi ng sorry 'tong si Derick Sir."

" Tapos..."

Napabuntong hininga ako. Alam kong di ito magugustuhan ni Zhio.

" Pinatawad naman ni Miss Claire."

Biglang nabitiwan ni Zhio ang hawak na ballpen.

"Hindi na siya nadala..!"

Sinasabi ko na nga ba. Hindi niya yun magugustuhan.

>>> Zhio >>>>>>>>>>>>>>>>

" Ngunit Sir. Halatang wala namang nararamdaman si Miss Claire kay Derick... Kaya nga agad niya itong napatawad. Saka inaalala niya siguro na may kailangan siyang gawin para masuklian niya ang pagtulong nito sa pamilya niya."

" Sabihin mo ang tanga niya."

"... Sir, Para sa kaayusan ng lahat... Bakit di niyo na lang sabihin kay Miss Claire ang totoo ng lumaya siya sa maling pinagbabayaran niya ng " utang na loob"."

" Then... Makikilala niya din ako. Tss.. No way."

" Sir. Habang hindi pa huli ang lahat lalo na wala pang masamang nangyayaru kay Miss Claire... Siguro kailangan niyo ng sabihin yun."

Iniwan ako ni Deo.

Tss... Kailangan nga siguro... Para sa kaligtasan ng tangang babaeng yun.

Naglalakad ako sa hallway ng...

" Excuse me Mr.President ."

Nang lingunin ko...

Ang pagmumukha ng gago...

Sino pa... Si Derick.

" ... Can I talk to you for a while."

" tss... Provoke it now."

" .. We want you to be the special guest sa kaarawan ng aking ama. Your Dad and my Father is a good friend... At gusto ka niyang makita...Inabot na siguro ni Dr. Eriez ang inbitasyon... "

" Yun lang ba. I'll decide kung pupunta ako do'n o hindi."

Tinalikuran ko na siya.

" Pumunta ka Mr. President. Baka magkaroon ka ng di malilimutang araw. I want you to know my wife to be.."

Naglakad na ako.

Tss..tignan natin kung sino ang magkakaroon ng di malilimutang araw.

May plano ang Master Zhio natin. He'll going to fight back... I guess so?

International_Pencreators' thoughts
Next chapter