webnovel

Chapter 35 Take breath and Relax

Atty. Wenziel>>>>>>>>

Nasa loob kami ng prisinto.

Mabuti na lang dumating kaagad kami kung hindi sira ang image ng binatang 'to.

" Mga walang kwenta. Hinayaan niyo lang saktan nila si Zhio!" Bulyaw ni Dr. Eriez sa mga tauhan niya.

At si Zhio naman... Tulog na tulog sa sofa ng police station na yun.

" Atty. Wenziel di ko inaasahan na bibisita ng prisinto ang nag-iisang Zel Cantheliz."

" Magulo yata ang isipan ng binatang yan."

Naupo si Dr. Eriez sa kabilang upuan.

" ... Naayos mo na ba ang gulo ni Zhio sa Bar."

" Oo. Inaayos na ng mga abogado ng Zel Cantheliz."

" Hindi ako makapaniwala na papasok si Zhio sa gulong ito."

" Ang totoo niyan. Hindi daw gagawa ng skandalo siZhio kung hindi siya ginulo ng isang babae. Kilala mo na siya... Wala siyang respeto sa mga babaeng walang respeto sa sarili."

" Lalo na mainit ang ulo ni Zhio."

" Chief. Mauna na kami. Isipin niyo na lang walang nangyari ngayong gabi."

" Ingatan niyo.. Ang binatang yan."

Bago kami makarating sa Mansion. Unti-unti nang nagigising si Zhio. Hindi siya umimik at wala rin sa aming dalawa ni Dr.Eriez na nagsalita. Nang bumaba sa sasakyan, pinaakay namin siya sa isang bodyguard, paakyat ng silid nito.

" Siguro, bukas na natin ito pag-usapan."

Na ikinatango ni Dr. Eriez...

Napakarami nang nangyari sa araw na ito.

>>>> Zhio>>>>>

Masakit ang bou kong katawan ng magising ako. Hilong-hilo pa ako.

Pumasok si Sya.

" Alam kong gising ka na. Makakabuti itong mainit na pagkain at inumin sa hangover mo."

Hangover...

TamA... Yung tungkol kagabi.

Inilapag ni Sya sa mesa ang dala niyA.

Binuksan ang mga bintana at terrace...

Pumasok ang sariwang hangin at sinag ng araw.

Naalala ko ang lahat... Mula sa pagsuntok ko kay Dr. Eriez at kaguluhan sa Bar.

" Si Dr. Eriez at Atty. Wenziel?."

Tanong kay Sya... Na bigla niyang ikinalingon sa akin.

" Hinihintay talaga nila na magising ka. Nasa Lanai sila... Kaya mo pa bang maglakad Master Zhio."

Ngumisi na lang ako at bumangon.

Humarap ako sa salamin...

Napabuntong hininga ako..

Namamaga ang pagmumukha ko.

Isinuot ko ang robe ko... At lumabas ng silid.

Tinungo ang Lanai...

Naroon nga sila.

Unang nakakita sa paglapit ko si Atty. Wenziel.

Naupo ako sa isang upuan.

Agad naman ako pinagsilbihan ng tsaa ng mga katulong.

" Pasensya na kagabi." Yun ang naisambit ko.

Bigla akong tinapik sa balikat ni Dr. Eriez.

" Sa wakas bumalik ang Zhio'ng kilala namin."

" Tss. Naayos niyo ba ang gulong ginawa ko kagabi."

" Natural... Anong balak mo ngayon gawin Zhio."

" Mamaya papasok ako ng kompanya."

" Nagbibiro ka ba. Tignan mo nga ang sarili mo."

" Tss.. Anong gusto niyong gawin ko... Ang magmukmok."

" May bagay tayong dapat pag-usapan."

Na-ikinahigop ni Atty. Wenziel ng Tsaa niya.

Yep. Inhale and exhale. Relaxs! Ok ???

International_Pencreators' thoughts
Next chapter