(Monina POV's)
Napamulat ako…
Agad na may pumunas ng luha sa aking mga pisngi. Si Cedrick.
"Nanaginip ka." marahan akong tumango. "Anong klaseng panaginip?" na merong ngiti sa kanyang mga labi. "Kasi para kang baliw, tumatawa ka tapos… umiyak ka bigla? Ano yun?"
"Si Inay." na siyang inalalayan na ako nito makaupo. "At yung mga chanak napanaginipan ko. Masaya sila para sa akin."
"Mabuti at di ka nadala nila."
"Huh?"
"Tumaas kanina yung blood pressure mo. At dahil magaling ako makipag-agawan kay kamatayan, andito parin ang nanay ng mga anak ko."
"Cedrick?" kaya pala nandito kami ngayon sa isang ICU na nakaabang ang mga health machine in case nga na merong mangyari sa akin.
At napatitig ako kay Rhoa na nakasuot din ito ng lab gown. Tumango siya sa akin.
"Yung kapatid mo dapat aalis siya ngayon ng bansa, natigilan dahil ikaw na lang ang natitirang pamilya niya Monina."
"Kapatid?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com