@International_Pen
@International_Pen ((( JEFF ))) Agad akong sumunod sa pagbaba ni Missamy. Ngunit nang nasa porch na ako. Dumating na yung mga sasakyan. "Jeff, una na ako." Paalam niya sa akin at pumasok na sa sasakyan ni Dexs. Alam niyang di siya maaring sumabay sa akin. She's smart na maari ngang mag-cause ng di pagkaunawaan namin ni Ivy kung yayain kong sumabay siya sa akin. Alam niya ang gagawin, habang ako, nagkakamali na nga sa iniisip ko. Haist. Pumasok na ako sa sasakyan na pinagbuksan ni Jay. At sa tingin ko nga makakahinga ako kapag umalis ng na pamamahay ko. ((( MISSAMY ))) Whoooo! Nakahinga din! At binuksan ko nga ang bintana ng sasakyan. Saka inilabas ko ang aking kamay, dinaramdam ang hamog ng umaga. Ang adik ko talaga. "Miss Missamy, mabuti at di ka nagpapadala sa sindak ni Miss Ivy.""Bakit ko naman yun gagawin? Sa pareho din naman ang pangalan namin na merong "Y" Saka isa lang pangalan niya habang ako may dalawa pang backup.""Good Miss Missamy."Support your favorite authors and translators in webnovel.com