webnovel

Chapter 147 What will Happen Next?

Karen>>>

"Karen, di tama 'toh."

"Tama ang gagawin natin Reymond."

"Bakit natin siya tutulungan?"

"Narinig mo naman kung bakit."

"Karen, boss ko ang makakalaban ko dito. Bakit hindi na lang natin siya ihatid, upang mapag-usapan nila ang problema nila. Di natin kailangan maipit sa issue nila."

"Makinig ka Reymond... Pasasalamat lang itong gagawin natin... Dahil nilubayan na tayo ng mga magulang ko. At ngayon, dumating siya...at sa dinami-daming tao sa atin siya dumating. Narinig mo...kailangan niya ng tulong... Kailangan natin siya tulungan."

Saka ko iniwan ang asawa ko.

Bumalik ako do'n sa babae dala ang hapunan nito.

Zhio>>>

Pangalawang sulat na nabasa ko mula kay Claire.

Pangalawang papel na pinunit ko.

Lalo ako nakaramdam ng galit ng mabasa ko ang laman niyon...

Wala ba siyang tiwala sa akin!

Parang ibinasura lang niya ang pagmamahal ko sa kanya... Ang sakit.

Ang sakit sa pakiramdam...

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter