@International_Pen
@International_Pen ((( MISSAMY ))) Yan sayaw lang, lapit pa ng unti Missamy, magagawa mo yan. Medyo nahihilo na ako dahil nakainom din ng unti. Ngunit naka target lock na talaga ang Bracelet na yun. Kailangan ko makuha, at ngayon na yun. Kita naman na walang balak si Jeff na tulungan ako. Kasalanan ko bang ipahiram niya ang alahas sa akin ng Mama niya. Maganda na ako kahit walang kaek-ekan. Di ako sinanay ni Kuya sa mga ganyang klaseng bagay. Aanihin ko ang mga batong yan, kung sinisira nila sila Mother Earth. Kakayanin Missamy. Heto na nga, kunting sayawan ikot, ikot kay Jessamin na parang close. Nakikipag-ngitian siya sa akin hangang sa huling ngiti na snatch ko na yung bracelet. Kaya lang di ako professional na magnanakaw. "hey!" sigaw ni Jessamin. At nagsilingunan nga ang mga tao sa akin. "She's a thief!" ((( JEFF )))Support your favorite authors and translators in webnovel.com