webnovel

Chapter 139 Please Stay...

Miss Claire."

Paglingon ko yung inutusan kong katulong...

"Ok na po ba 'to?"

Inalis niya yung supot...

At napangiti ako...

Yung picture namin ni Zhio...

"Perfect timing lang yung dating... Tara isabit natin yan...sa silid namin."

Nang mailagay namin...dumating si Zhio.

"Ok ba?"  tanong ko sa kanya.

" hahaha. Ang gwapo ko talaga no?"

Napangiwi ako.

Nagtanong ako kung ayos lang...tapos nagbuhat na naman ng sariling silya.

"Puri mo sa sarili mo...sagad."

Niyakap niya ako sa likuran ko.

" First Picture natin... Parang magkabarkada lang...dapat siguro Daring.."

"Upakan kita dyan!"

"Haha. Kaw talaga... Balang araw gusto ko makitang nakasabit dyan... Our wedding picture."

"Yun...kung may oras ka pa."

"To talaga, nagtatampo na sa akin."

"Hindi ah."

"Busy talaga ako ngayon.."

"Narinig ko na yan."

Kaya hinigpitan ni Zhio ang yakap niya sa akin...

"At ngayon...aalis na naman ako Claire."

"Ano pa ba ang asahan mo."

"At pag-uwi ko...makakapiling na naman kita."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter