webnovel

Chapter 101 Dra. Edifuna

Claire>>>>

Birthday bukas ni Zhio.

Yun ang usap-usapan na narinig ko.

Nakilala ko na ang OB na tinutukoy ni Zhio. Isang ginang na may pagkamataas ang kilay. Ang sungit nga niya sa kanyang assistant. Pero ang ikinagulat ko...parang naging mabusisi ang mga tanong niya sa akin. Masakit yung ilang tanong kaya nanahimik ako. Buti wala sa mga oras na yun si Zhio... Kung hindi.. Haist. Kasalanan naman niya kung bakit ako naririto at naiipit sa buhay niya. Pero ang malalang sinabi ni Dr. Edifuna...

"Fiancé ka ni Derick di'ba? Ang galing mas pinili mo si Zhio kaysa sa kanya. Oo nga naman kung ako ang nasa posisyon mo mas pipiliin ko nga ang mas mayaman... Di'ba Claire?"

Di na ako sumagot.

Inilayo ko ang titig ko sa kanya...

Di niya alam ang pinagsasabi niya.

At buti na lang bukas ako naisipan ipa-ultrasound para daw makasama si Zhio.

Isumbong ko kaya 'to...

Kaso ayoko manira ng tao...

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter