webnovel

YOU&ME (2WORLD) TAGALOG NOVEL

Paano kung pag tagpuin ang Nakaraan at Kasalukuyan??? anu kayang tadhana ang nag hihintay para sa dalawang taong pilit na susuungin ang pag kakaiba ng kanilang mundo? Pag-ibig kaya o Kapahamakan ang kahahantungan ng kapalarang kanilang pilit na ipaglalaban?

PurpleTears_6201 · History
Not enough ratings
2 Chs

PANAGINIP

"Buhat pa, Pambihira wala ka bang lakas huh!!?"

Ang naiinis kong utos sa tagapag bantay na ngayon ay pasan-pasan ako habang pilit na inaabot ang durungawang yari sa tabla upang kahit saglit ay matanaw man lang ang Mahal na Bai.

"Ginoong Agi, pagagalitan tayo ng pinunong Datu kapag nalaman nyang inaabala natin ang mahal na Bai"

Ang nanginginig at takot na tugon ng tagapag bantay

"Huwag ka ngang maingay sumunod ka nalang, Baka nakakalimutan mong inilaglag mo ako sa Mahal na prinsipe

Puno ko pa habang nag palingon lingon sa paligid upang matiyak na wala ngang makakapansin sa amin. Samantala batid ko naman ang bigat ng sarili kong katawan dahil narin sa tagapag bantay na nuoy nag pagewang gewang habang pilit akong pinapasan ng kanyang buong lakas.

"Paumanhin Ginoo, hindi ko naman batid na kailangan ko pa lang mag sinungaling sanay kinausap nyo muna ako bago kayo gumawa ng ganung pakana."

Pagdadahilan naman nuon ng tagapag bantay kaya naman sa inis ay lalo pa akong nagpabigat.

"Aba!!!! hoy!!! alamo bang napag buhat ako ng dambunging trigo papunta ng kabisera at pabalik dito huh!"

----------"Tama!!! ang tagapag bantay nga ng prinsipe ang syang mismong pinagbuhat ko ngayon sa akin, at isa sa dahilan ko ay ang mga nangyari kaya naman pinahihirapan ko sya ngayon."--------

"AGI!!!!!!!!!"

Ang malakas at maigting na pag tawag nuon sa aking pangalan na syang ikinabaling ng aking tingin na nuoy nasa kaliwa ko lamang at habang nakapasan parin sa tagapag bantay ay nakita ko ang isang matipunong lalaki na nuoy naka kunot ng noo at bahagyang naka taas ang kaliwang bahagi ng kanyang kilay atsaka tuwirang nakatingin sa akin.

"Ka-kamahalan!!!"

Pabigla kong tugon na syang ikinataranta naman ng tagapag bantay kung saan ay naging dahilan ng aming pagka bagsak. Ngunit mabuti nalamang at napaka rami ng mga damong ligaw sa paligid kaya naman hindi gaanong masaklap ang aming natamo sa kabila nun ay nakapasan ako sa tagapag bantay kaya naman sya ang lubusang napuruhan. Samantala wala namang kurap ang reaksyon ng prinsipe habang nakatingin lamang sa akin kaya naman bahagya akong tumayo at nag kunwaring nasaktan.

"Ah---aray!!!! Pambihira humiwalay ata ang aking tadyang"

pabungad kong salita habang hawak-hawak ko pa nuon ang aking bewang, sa kabilang banda naman ay tuwirang tumayo ang tagapag bantay saka yumuko at nag bigay ng pag galang sa prinsipe.

"Makakaalis kana,"

Ang seryosong utos ng prinsipe sa kanyang tagapag bantay.

"Masusunod po!!,"

Tipid namang tugon ng tagapag bantay saka tuluyang umalis. Ilan pang sandali kung saan ay tuluyan ng makaalis ang tagapag bantay sa aming kinaroroonan ay itinuon naman ng prinsipe ang kanyang tingin sa akin bago nag salita.

"At ikaw naman Agi, Anu ba sa tingin mong ginagawa mo huh!?"

Ang pagalit na bungad ng prinsipe. Samantala habang nag-uusap ay may bahagya namang sumilip sa durungawan ng dampa.

"Sangko(brother) Ayte, ah--- Agi!!!"

Ang tawag nuon ng binukot sa kanyang kapatid habang bahagyang naka dungaw.

"Bai Min-hee, isara mo ang iyong durungawan."

Pag-uutos ng prinsipe, kaya naman kahit na mag pumilit ang Mahal na Bai ay sinunod na lamang nya ang kanyang nakakatandang kapatid.

"Agi, Sumunod ka sa akin."

pabalik na tuon uli sakin ng prinsipe saka nag simula sa kanyang pag lalakad samantala ako naman ay sumunod din sa kanya habang bahagyang naka yuko.

-------"Paniguradong parusa na naman ang aabutin ko!!!"--------

Makalipas pa ang ilang sandali ng pag lalakad ay natuntun naman namin ng Mahal na prinsipe ang silid aklatan ng banwa, ang aklatang ito ay binubuo ng ilang bahagi sa kasaysayan ng puod at mga batas na nuoy inilathala ng pinunong Datu para sa lalawigan ng Apayao.

"Kamahalan, bakit po tayo tumungo dito!?"

Nag tataka kong bungad sa prinsipe habang nag palingon lingon sa mga aklat na nuoy nakahanay sa salansanang yari sa tabla at yantok. Samantala habang hindi mawari at nagugulumihanan ay napansin ko namang tumungo ang prinsipe sa salansanan na nuoy nasa kaliwang bahagi ko lamang kung saan ay nakita kong kumuha siya ng ilang pirasong aklat na nuoy yari sa pinaghabing mga kawayan saka inilapag sa lamesa.

"Agi, Nais kong basahin mo ang mga aklat na Ito"

Utos ng prinsipe

"Kamahalan, pag babasahin nyo ako?? kahit na alam ninyong hindi ko hilig ang mag basa ng mga aklat!?, Iba na lamang ang ipa gawa nyo Mahal na prinsipe dahil sa malamang ay mababagot lamang akong mag basa ng mga yan."

Pagrereklamo ko namang tugon habang nagkakamot sa aking ulo.

"Hindi ako nakikipag lukohan Agi!!! nais kong basahin mo ang mga aklat na iyan upang maalala mo ang mga alintuntunin dito sa ating puod."

Ang tugon ng prinsipe na kahit hindi ko siya tignan ay batid ko parin na galit siya dahil narin sa pagtaas ng kanyang boses habang walang kurap na nakatuon sa akin na nuoy nakaupo lamang sa tabureteng malapit sa pintuan, at dahil batid kong tila hindi nga ito nasisiyahan sa aking ginawa kaya naman sumunod na lamang ako upang hindi na siya lalong magalit pa sa akin.

Makalipas ang ilang sandali habang akoy nag babasa ay napapansin ko rin nuon ang pag ka bigat ng talukap ng aking mga mata kung saan ay dahan dahan na itong pumipikit at sa di katagalan ay bahagya nga akong napahimbing.

+++++

"Hoy!!!! Anu ba!! nakikinig ka ba huh!?, nakakaloka tong isang to. are you deaf or something!?"

Isang binibini na nuoy tila kumakausap sa akin. Nakasuot siya ng hindi pang karaniwang kasuotan, isang kasuotan na tila nakulangan sa tela sapagkat ang kanyang kasuotang salawal ay hindi gaya ng aming pambalabal na abot hanggang sakong, gayunpaman ay pansin ko paring may kakaiba dahil narin sa napaka ikli ng kanyang salawal na nuoy hanggang kalahati lamang ng kanyang binti.

Ang kanyang pang itaas naman na kasuotan ay batid kong yari sa telang seda, habang ang kulyar(collar) nitoy yari naman sa enkahe. Ang manggas ng kasuotan niyay napakaiksi na halos makita ang maputi niyang balat sa braso.

May tangan(hold) din siyang maliit at kulay itim na kustal(bag) kung saan ay nakasabit sa kanyang kanang balikat.

Isang bagay pa nuon ang aking napansin tila may dalawang bilog na nakasuot sa kanyang mga mata. "Anu nga kayang tawag sa bagay na yon na tila hinaharangan ang kanyang paningin!?"

+++++

"AGI!!!!!!!"

"AGI!!!!"

Nung mga sandaling iyon ay bahagya akong nagising sa malabong imahe ng isang tao kaya naman bahagya kong kinusot-kusot ang aking mga mata saka muling iminulat, saka lamang luminaw ang aking paningin kung saan ang unang tumban sa aking tingin nuong akoy magising ay walang iba kundi ang Mahal na prinsipe na nuoy bahagya akong inuuga habang ginigising.

"Ka-kamahalan!!!"

Pabigla Kong tugon saka nag palingon lingon sa paligid

--------Nawala na ang kakaibang mga sasakyan, nawala din ang binibining aking kausap. At ang tanging naririto ay ako na lamang at ang Mahal na Prinsipe....."Tila dinalaw na naman ako ng isang panaginip"------------

"Anong nangyayari sayo Agi!?"

nakakunot at naguguluhang tugon ng prinsipe.

"Kamahalan, dinalaw uli ako ng isang panaginip"

tugon ko naman habang ramdam ang pinagpapawisan kong mga kamay.

"Ang iniutos koy mag basa ka hindi ang matulog ka riyan. Sandali ano bang nakita mo sa iyong panaginip at tila ba pinag papawisan ka??"

Tugon uli Ng prinsipe saka bumalik sa kanyang taburete.

"Kamahalan may iba pa bang mundo maliban sa atin!?"

seryo kong tugon sa mahal na prinsipe

"Huh!!?"

Tanging tugon nya sa akin kasabay ng bahagyang pagtawa.

"Mahal na prinsipe seryoso po ako, ang totoo nyan ilang ulit ko na itong napapanaginipan, kaya lang kamahalan tila ba totoong totoo ang mga nakikita ko."

Masidhi kong tugon sa prinsipe

"Alamo Agi, malaki ang pag kakaiba ng panaginip sa totoong buhay, kaya malamang bunga lang yan ng pag kabagot mo sa pagbabasa.

tugon ng prinsipe na paki wari koy hindi naniniwala sa aking mga sinabi.

"Totoo ang sinasabi ko kamahalan, pero Kung ayaw nyong maniwala ay hindi ko kayo pipilitin."

"Agi, sya nga pala nais ni Ama na sa ikatlong araw mula ngayon ay ikaw na ang syang mamamahala sa kabisera."

"Sandali kamahalan yon ba ang dahilan kung bakit nyo ako pinapunta dito sa aklatan at pinabasa ng mga Ito!?"

tugon ko sabay hawi sa mga kawayang aklat.

"Kung ganun mas nais mo bang parusahan kita huh!?"

Pananakot naman ng prinsipe

"Maiba ako Mahal na prinsipe, hindi bat bukas na ang pista ng anihan duon sa kabilang lalawigan? nais mo bang tumungo tayo duon upang Makita narin natin ang binukot na si Bai mayang!!?"

Nakangiti kong tugon sa Mahal na prinsipe habang ipinalipat lipat ang pahina ng aklat.

"Tumigil ka!!!, idadamay mo pa ako sa kalokohan mo. Bilisan mo na dyan napaka rami mong sinasabi"

tugon ng prinsipe saka tumayo at lumabas ng silid.

------------Ayaw nyo edi ako nalang mag-isa. mas mainam nga yon ng saganun wala akong dapat na intindihin-----------

bulong ko nuon sa aking sarili.

-------------to be continued---------------

thanks for reading

PurpleTears_6201creators' thoughts