webnovel

KABANATA TWO

Masaya si Misha na makita ang mga taong humahanga sa kanya. "Ate your so pretty I want to be like you someday." sabi ng bata kay Misha..

"Pasensya kana sa alaga ko gustong gusto ka nya talaga makita." sabi ng yaya ng bata na si manang Sully.

"Its okay." sabi ni Misha at niyakap ang bata at binigyan ito ng autograph..

Tuwang tuwa ang bata ng bigyan sya ni Misha ng autograph at candy. "Thank you ate I love you." masayang sabi ng bata at humalik pa sa pisngi ni Misha bago ito nagpaalam.

"Grabe talaga beauty mo pak na pak." natatawang sabi ni Cye.

Ngumiti na lang si Misha at nagtungo sa gym para kausapin ang tito nyang coach ng basketball team. "Pupuntahan mo ba si tito Mehiko?" tanong ni Cye.

"Oo....

Papunta naman sila Akagi at Kogure sa gym para kausapin ang coach na si coach Mehiko. "Matanggap kaya tayo sa team?" tanong ni Kogure habang naglalakad sila ni Akagi.

"Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo." seryosong sabi ni Akagi.

Pag dating nila sa gym nakita nila Kogure at Akagi yung babaeng maganda na pinagkakaguluhan kanina ng mga lalaki. "Hindi ba sya yung artista. Ang ganda naman pala talaga." sabi ni Kogure at natulala sa ganda ni Misha.

"Modelo hindi artista." pagtatama ni Akagi at tinignan si Misha.

"Oo nga pala modelo sya kaya naman pala ubod ng ganda." sabi ni Kogure.

Wala naman reaksyon si Akagi dahil para sa kanya di naman ganun ka ganda si Misha. "Tito okay lang ba dito muna ako habang hinihintay ko yung driver." sabi ni Misha sa tito nya.

"Sige dyan lang kayo ng kaibigan mo. Kayong dalawa sino kayo." tanong ni coach Mehiko kay Akagi at Kogure.

"Akagi tayo ata ang tinatanong ni coach Mehiko." bulong ni Kogure.

Lumapit si Akagi at Kogure kay coach Mehiko at nagpakilala ito. "Hellow po balak po sana namin sumali sa team nyo ako po si Tekenori Akagi." pagpapakilala ni Akagi.

"Ang tangkad nya." sabi ni Misha kay Cye.

"Grabe para syang tikbalang." sabi naman ni Cye.

"Ako naman po si Kiminobu Kogure." nahihiyang sabi ni Kogure.

"Anong posisyon nyong dalawa?" tanong ni coach Mehiko.

"Center po ako." sagot ni Akagi.

"Ikaw?" tanong nito kay Kogure.

"Small forward po." sagot ni Kogure.

"Okay pumunta kayo dito bukas ng 10:00 am para makita ko ang laro nyo." sabi ni coach Mehiko kay Akagi at Kogure...

"Thank you po coach." sabay na sabi ng dalawa.

Nagpaalam na sila kay coach Mehiko at bago lumabas ng gym ngumiti si Misha kay Akagi. Hindi naman ngumiti si Akagi at diretso lang na naglakad kasama si Kogure.

"Ang seryoso naman nya." sabi ni Misha sa sarili.

"Ilan taon na kaya sila? yung isa parang tatay na late na kaya sya nag aral? may anak na siguro yun." sabi ni Cye na ang tinutukoy ay si Akagi.

"Hindi naman siguro." sabi ni Misha.

"Akagi." tawag ni Kiko ang baklang classmate ni Akagi na may gusto sa kanya.

"Bakit?" tanong ni Akagi.

"Dinalan kita ng sandwich. Ano sabi sa inyo ni coach Mehiko tanggap naba kayo?" tanong nito sabay kindat kay Akagi.

"Hindi pa bukas pa lang namin malalaman." sagot ni Akagi.

"Ganun ba for sure ako tanggap na kayo basta Akagi manonood ako ng laro mo hah." sabi ni Kiko.

Wala naman say si Akagi at iniwan lang si Kiko. "Dedma lage si fafa Akagi sakin huhuhu." maarteng sabi ni Kiko kaya naman natawa si Kogure at sinundan si Akagi.

"Nga pala birthday ni Nikay pupunta kaba?" tanong ni Kogure kay Akagi.

"Ikaw na lang mag aaral pa ako." sagot ni Akagi at iniwan na si Kogure.

Pag uwi ni Akagi sinalubong sya ng kapatid nyang si Haruko. "Hi kuya kumain kana ba?" tanong ni Haruko at kinuha ang bag ni Akagi.

"Ahhm kuya pupunta ako sa birthday ni Nikay sama ka." tanong ni Haruko.

"Ikaw na lang madami akong gagawin mag pasundo ka kay Rukawa basta wag ka masyadong magpagabi." sabi ni Akagi at dumiretso na sa kwarto.

"Thank you kuya." ngiting sabi ni Haruko.

Nagsimulang mag aral si Akagi habang iniisip kung anong mangyayare bukas. "Matanggap kaya kami sa team? Gusto ko ulit mag laro." sabi ni Akagi sa sarili.

Dumating naman ang driver ni Misha kaya sumabay na si Cye. "Tingin mo tatanggapin kaya ng tito mo yung dalawa?" tanong ni Cye kay Misha.

"Oo mukha naman silang magaling mag laro lalo na si...

"Ayieh ikaw hah sabi ko na iba tingin mo sa naka salamin eh." tukso ni Cye.

"Ano kaba hindi hah curious lang ako kay Akagi." sabi ni Misha.

"You mean yung tikbalang ang type mo shocks Misha wala kang taste." maarteng sabi ni Cye.

"Your so mean Cye. Hindi naman nakikita sa itsura yan tska mukha silang mabait dalawa." sabi ni Misha.

"Sabagay kaso mukhang masungit yung Akagi nakita mo naman nginitian mo dedma lang." sabi ni Cye.

"Oo nga eh seryoso siguro sya sa buhay ni hindi ngumingiti di tulad ni Kogure." sabi ni Misha at nagtawanan sila ni Cye.

Hindi na rin pumunta si Kogure sa birthday ni Nikay at nag aral na lang ito katulad ni Akagi. "Sana makapasok kami sa team." sabi ni Kogure sa sarili habang nakatingin sa langit.