webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

S E V E N T E E N

 

     Arlyn's POV

     "Excuse me?," nagulat ako dahil may isang lalaki ang lumapit sa akin habang nasa waiting area ako. Base sa uniform na suot niya ay malamang na isa siya sa mga kusinero.

  "Bakit?," takang tanong ko.

  "Nakita mo ba si She?," tanong nito sa akin. Sa totoo lang kung hindi niya nabanggit si She ay hindi ko siya papansinin. Inilibot ko sa paligid ang paningin.

  "Hindi eh," sagot ko sabay tingin sa kanya.

  "Diba nasa kusina siya kasama ninyo?,"

  "Kanina pa kasi siya wala eh,kanina pa namin siya hinahanap," sa narinig ay agad akong nagtungo sa locker room para tignan kung nandon ang mga gamit niya at dahil hindi maingat si She ay hindi na naman niya nailock ang locker niya kaya madali ko itong nabuksan. Kompleto naman ang mga gamit niya at pati ang cellphone niya ay nasa bag kaya malabong umuwi siya.

  "Nandito ang mga gamit niya," pagbibigay alam ko sa lalaki na ang pangalan ay Michael dahil nakita ko sa name plate niya. So siya pala si Michael.

  "Saan kaya siya nagpunta?," tanong nito.

  "Kasama ninyo hindi nyo alam kung saan nagpunta?," nakataas ang isang kilay na balik tanong ko.

  "Sino ba ang huling nakausap niya?,"

  Sandali itong nag-isip at ng maalala ay napatingin ito sa akin.

  "Tinawag siya ni Geraldine,"

  Napakunot noo ako dahil sa narinig.

  "Lintek!," sambit ko sabay labas sa locker room para hanapin si Geraldine dahil sigurado akong may masama siyang ginawa kay She. Nang makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan.

  "Pwede ba tayong mag-usap?," tanong ko ng makalapit na ako sa kanya.

  "Hind--," hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng bigla ko siyang hablutin at hatakin patungo sa comfort room.

  "Bitawan mo nga ako!," sabi nito habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko pero mas malakas ako sa kanya. Wala akong paki-alam kahit pinagtitinginan kami at lalong wala akong pakialam kahit matanggal ako sa trabaho na ito. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kalagayan ni She at kapag nalaman kong may ginawa siyang masama kay Sheyi ay baka kung ano ang magawa ko sa babaeng ito.

Nang makapasok kami sa comfort room ay agad kong inilock ang pinto.

  "Ano bang problema mo?," matatalim ang tinging tanong sa akin ni Geraldine habang hinihimas ang kamay niyang hawak ko kanina. Humalukipkip ako at tinitigan din siya ng masama.

  "Nasaan si She?," tanong ko sa kanya.  Napairap siya bago sumagot.

  "Tanungan ba ako ng nawawalang tao?,"

  "Wag mong subukan ang pasensya ko Geraldine, alam nating pareho na may lihim kang galit kay She," sambit ko habang nakatitig pa din sa kanya.

  "Wag ka ngang hibang. Porque ako ang alam mong may galit sa kanya ako agad ang pagbibintangan mo?," nakataas ang isang kilay na sambit nito.

  "Malay natin, baka naglalandi na naman ang kaibigan mo,"

  Agad akong lumapit sa kanya. Saglit siyang natigilan ng hawakan ko ang kanyang leeg.

  "Kung ako sayo ay babawasan ko ang katabilan ng dila ko," mahina ngunit may diing turan ko sa kanya.

  "Ngayon, sasabihin mo sa akin kung nasaan si She dahil kung hindi--, "

  "Dahil kung hindi ano? Sasaktan mo ako at ipapakita sa lahat kung gaano ka ka-war freak?," sambit niya. Kahit na pilitin niyang maging matigas ay kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Napangisi ako bago siya tuluyang bitawan.

  "Hindi, ipapakita ko lang naman kung gaano ka nag-enjoy sa kandungan ni Mr. Chen para kumita ng mas malaking pera at para maging isang kahera," napangiti ako lalo ng makitang natigilan siya. Si Mr. Chen ang may-ari ng restaurant na ito.

  "Paano mo.." itinigil niya ang sasabihin at napailing.

  "Sa tingin mo may maniniwala sa iyo?"

  "Hindi ako gagawa ng banta na walang kasiguraduhan," sabi ko sabay labas ng cellphone at ipinakita ang nakuhanan kong video kamakailan lang.

  "Makikita ng lahat kung sino ang totoong malandi,"

Napatigil siya at hindi malaman ang gagawin maya-maya ay napatiim bagang siya at sumugod sa akin upang agawin ang cellphone na hawak ko, pero mas mabilis ako sa kanya. Nahawakan ko siya sa buhok at idinukdok sa inidoro.

  "Kung ayaw mong gawin kong brush ng bowl ang mukha mo, sabihin mo kung nasaan si She," sambit ko sa kanya. Pilit siyang nagpupumiglas pero mas idinidiin ko pa ang pagkakadikit ng mukha niya sa bowl kaya ilang sandali lang ay nagsalita na siya.

  "Nasa storage siya,at kung gusto mo pa siyang makitang buhay bitawan mo na ako," sabi nito. Agad ko siyang binitawan at agad na binuksan ang pinto. Nagulat ako dahil sa dami ng tao sa labas. Hinawi ko sila at agad na nagtungo sa kusina para pumunta sa storage. Nakasalubong ko si Lorraine na nagtatanong kung ano ang nangyari. Sinabi kong mamaya ko na ipapaliwanag at sa ngayon ay kumuha muna siya ng makapal na tela.

  "Nakita mo na ba si She?," tanong ni Michael ng makapasok ako sa kusina. Nakita kong napalingon din si Cj sa gawi ko.

  "Asan ang storage?," nagmamadaling tanong ko. Nang marinig ni Cj ang sinabi ko ay agad itong tumakbo at natungo sa kung saan. Kunot noong  itinuro ni Michael ang lugar na pinuntahan ni Cj. Nang mapagtanto ang nangyayari ay nanlaki ang mga mata nito bago mabilis ding tumakbo sa pinuntahan ni Cj.

  Naabutan ko silang pilit na binubuksan ang pintuan ng storage room. Kagat ko ang kuko habang pinapanuod sila sa ginagawa.

  Please sana naman walang masamang nangyari kay She.

  Saktong dumating si Lorraine ay nabuksan na nila ang pinto. Agad na pumasok si Cj sa loob at agad din kaming sumunod. Nakita namin si She na nakaupo sa gilid at yakap ang sarili habang nanginginig ng sobra. Maputla ang mga labi nito at hirap na sa paghinga. Nang makalapit sa kanya si Cj ay napangiti siya at napayakap dito bago tuluyang mawalan ng malay.

Ibinalot namin sa kanya ang mga telang hawak ni Lorraine bago idala sa ospital. Nang makarating ay agad namin siyang ibinaba sa stretcher para obserbahan na ng mga doctor at malapatan ng sapat na gamot. Ilang minuto kaming naghintay sa labas bago dumating ang doctor at sabihing ayos na ang lagay ni She at bumabalik na daw sa normal ang temperatura nito. Hihintayin nalang naming magising siya.

  ***