webnovel

Worth of Billions (Filipino Novel)

As a prodigal heiress, masaya na si Eramor sa simpleng buhay, not until she met the Mayor's Bodyguard— Galen Salazar, everything she knows was actually false. Everything she thought she built on her own crumbled like a house of cards. Ang kwento na walang lugar ang pag-ibig, pero pinipilit pasukin at hamakin ng pagmamahalang mabubuo sa gitna ng labanan. This is NOT a full-packed romantic-action novel. This is all about the woman who had found the love and life from a man, chased by his dark and regretful past. If not mentally prepared or matured enough to delve into violence, psychological distress and sexuality, please reconsider reading this novel.

Peri_Camarino · Urban
Not enough ratings
3 Chs

Scream!

Mga mahihinang bulungan sa kadiliman ng silid na iyon ang nakapagpagising kay Eramor. Pero ano nga ba ang ipinagkaiba... Imulat man niya ang mga mata at hindi ay nananatiling madilim ang paligid.

Naaamoy na naman niya ang masangsang na amoy na tila ba sumasaksak sa kanyang lalamunan. Nakakasulasok at nakakasuka. Nanunuot sa kanyang ilong, pakiramdam niya'y hinding-hindi niya malilimutan ang amoy na iyon.

Sa loob ng dalawang araw niyang pananatili sa kasuklam-suklam na lugar ay hindi niya magawang sanayin ang sarili. Sinong masasanay sa malamig na impyernong iyon? Ang mainit lamang sa lugar na iyon ay ang luha niya, ang mga hagupit sa likod at sa iba't ibang parte ng katawan niya.

Nananakit ang kanyang likod, tila nararamdaman pa rin niya ang tubo na lumapat sa likod niya kanina. Nanunuot hanggang balikat ang sakit. Tila nilalapa ng aso ang sakit nito. Iyon ang dahilan kung bakit ang antok niya ay hindi nagtatagal.

Pumasok na naman sa isipan niya ang nangyari sa kaniya kanina lamang. Nang dahil lamang kulang ng tatlong piso ang nalimos ng isang bata at sinubukan niyang ipagtanggol ay ginarote na sila ng tubo. Garote na sana ikinamatay na lang niya.

Nasaan na ba si Viera? Bakit wala pa ring tulong na dumadating mula sa kaniya? Nahahabag siya sa sarili at sa mga kasama niyang babae at mga bata sa selda. Paninda siya, paninda ang mga babae at tagalimos ang mga bata. Minomolestiya nila ang bawat babae sa tuwing nakakahanap ang mga tagabantay na lalaki ng pagkakataon, lalo na siya. Sa kabutihang palad, kung maituturing man, hindi pa siya nagagalaw ng mga ito. Ni hindi niya alam kung dapat bang ipagpasalamat iyon kung gusto na rin lang naman niyang mamatay. Ilang beses na niyang sinubukan patayin ang sarili, pero hindi lagi nangyayari.

Kung kailan siya tatalon sa tulay na nag-uugnay sa 12th district at 13th district bg Manila, ay may tumawag sa kaniya, isa sa mga kasama niya sa selda, ay nanghingi ng piso. Binalak na rin niyang uminom ng lason, ngunit napansin niyang nakatingin sa kaniya ang isang paslit.

Sa pagpipigil na huwag umiyak ay nasinok siya dahil sa kakulangan ng hangin. Mabilis niyang tinakluban ang bibig upang maimpit ang boses. Ngunit tila yata wala iyong epekto at nakatatling sunod sunid oa siyang sinok at hindi niya sinasadyang mapasinghot.

"Potangina! Sino ba ang singhot ng singhot diyan?! Yayabugin ko ang makita kong sumisinghot!" sigaw ng kaisa-isang lalaki na nagbabantay sa kanila.

Mga babae ang nangunguna sa parteng ito ng sindikato, dahil sila ang nangongolekta ng tinatawag na goods, sa loob ng tatlong araw dadalhin ang mga goods, at isa siya roon, sa mga kalalakihan para ibenta sa mga kliyentwng naghahanap ng sex toys or sex slaves.

Mas diniinan niya ang pagtatakip sa bibig gamit ng dalawa niyang kamay. At kahit masakit ang likuran ay bumaluktot pa siya at pilit na inilapat ang mukha sa tuhod.

Pumikit siya ng mariin nang biglang gumakaw ang inuupuan monobloc ng lalaki, lalo na ng marinig ang pagdampot sa bakal na tubo.

Nagsabayan ang mga mahihinang singhap. Binabalot sila ng kaba. Nanginginig sa takot na baka sila damputin at pagyayabugin ng walang awa na para bang isang sako ng buhangin.

Hindi lamang siya ang nilalamon ng takot at kaba. Nararamdaman niya ang mga hakbang na papalapit. Mas lumakas ang agos ng kaniyang mga luha, dahil siguradong masasaktan siya.

"Ikaw palang punyeta ka ang maingay!" mariin siyang pumikit at naghintay kung bigla na lamang siyang hihilahin.

"Hindi po! Hindi po ako!" bigla siyang nagmulat ng mga mata nang marinig niyang nagmamakaawang bata "Maawa po kayo. Hindi po ako— Aaaah!" pumalakat ang batang babae nang hambalusin siya sa tagiliran ng tubo.

Agad siyang umupo at nilingon ang batang babae na nasa likuran niya. Umiiyak at nagmamakaawa. Kinakaladkad na ito ng kanilang bantay papalabas ng kanilang kulungan. Lalong bumilis ang agos ng mga luha niya.

"Tama na po! Tama na!" masblumalakas ang iyak nito sa sobrang sakit. "Ayoko na po!"

"Manahimik ka!" isa na namang malakas na hampas ang natamo ng payat at maliit na batang babae. Pinipilit ng bata na hawakan ang tubo upang hindi ito lumapat sa kaniya.

Gusto niyang isigaw na siya ang umiiyak at sumisinghot, pero walang boses ang lumabas sa bibig niya. Pinilit niyang makagapang papunta sa gate ng selda, ngunit ang mga tuhod niya ay literal na nanigas at hindi na makagalaw.

Nilingon niya ang paligid at gaya niya ay umiiyak rin ang mga kasama niya. Walang makaimik para pigilan ang paghagupit sa bata.

"Mananahimik ka o papatayin na kita?!"

"Tatahimik na po, tatahimik na... " niyayakap ng bata ang paa ng lalaki, pero tumilapon lamang ito nang sipain na para bang bola.

"Umiyak ka pa at patatahimikin na kita, kingina mo" umupo ang lalaki at inihagis ang tubo pinaglalagyan nito kanina.

Ibinalya nito ang gate ng selda. Bumalik ito sa pagsecellphone na para bang walang nangyari.

Pinilit na gumapang ng bata pabalik sa selda, pero dahil sa sakit ng katawan ay hindi na siya makaalis pa sa pwesto kung saan siya tumalsik ng sipain. Nakadapa ito, lupaypay, habang tumutulo ang luha ng walang ingay na ginagawa

Pinilit ni Eramor na makatayo, gusto niyang tulungan ang bata. Gusto niyang akayin sa kanilang selda at doon mahiga ng ayos. Kahit papaano ay may karton silang hinihigaan.

Pinilit niyang makagapang papalapit sa bata. Nang maiupo niya ito ay nagsunod-sunod na naman ang mga luha niya. Sinisisi ni Eramor ang sarili. Hinawakan niya ang dalawa nitong pisngi paibaba sa nga balikat ng bata.

"Sorry" pinilit niyang bumulong kahit na malat na malat ang boses niya. Ni hindi niya sigurado kung malinaw nga ba ang pagkakasabi niya. Gusto na niyang makaalis! Ayaw na niya dito! Nakakadiri, nakakarimarim. Kahit sa saeili niya ay nandidiri siya dahil makailang beses na siyang minolestsa.

Gusto man ni Eramor na buhatin ang bata, ay maski siya ay hindi kaya. Dalawang araw na siyang hindi kumakain. Ni hindi niya alam kung paano siya kakain. Sa umagahan ay hindi man lamang siya makapagmumog o makainom man lamang ng tubig. Sa tanghali ay hindi siya makakain, dahil kailangang makaisang daang piso muna sila bago kumain, at ngayong hapunan, ay hindi siya pinakain dahil kulang ng tatlong piso ang kaniyang quota.

Nang akayin niya ay tinulungan din siya ng mga kasama nila sa selda. Nang sila ay makapasok, bigla na lamang tumunog ang cellphone ng nagbabantay sa kanila.

Sabay na naglingunan ang mga kasama niya, ramdam niya ang takot ng mga ito sa mga mata.

"Tumawag na..." maluha luhang usal ng katabi nila.

Wala siyang ideya sa kung anong ibig sabihin nito, pero nararamdaman niyang masama ang ibig sabihin ng pagtunog na iyon ng cellphone ng tagabantay nila.

Nang maihiga nila ng ayos ang bata ay hindi siya nagdalawang isip na haeakan ang braso ng tumulong sa kaniya.

"Boss, bakit ho? Napatawag ka" ani lalaki at tumayo ito. Parepareho silang naghihintay at nagaabang. Lalo siyang kinakabahan.

"Dalawa?" mabilis siyang napalingon sa lalaki, umangat ang kilabot sa kanyang batok. Nakatingin ito sa gawi nila. Hindi niya makontrol ang tamang paghinga. Tila kinakapos siya sa bawat segundong lumilipas.

Pinanindigan siya ng balahibo ng makita niya kung paano ngumiti ang lalaki. Tama nga ang hinuha niya... Sa kaniya ito nakatingin! Sigurado siya!

"Sige boss, bukas. Alas nueve sa compound"

Tila pinanlalamigan si Eramor habang namumuo ang mga butil butil na pawis sa noo niya. Hindi na niya namalayan na humihigpit pala ang paghawak niya sa braso ng kasama. Mabilis siyang napabitaw ngunit ang paghingi ng paumanhin sa babae ay nabitin sa lalamunan niya.

"Maganda tong isa, boss parang pusa. Magkaiba ang kulay ng mata" natawa ang lalaki, habang kinikilabutan siya sa takot. "Oo nga, berde sa kanan, asul sa kaliwa" lalo pa itong humagalpak. Naririnig din nila ang pagtawa ng kausao nito.

Nanginginig ang buo niyang katawan, tila sumisikip ang selda para sa kaniya. Hindi niya mawari kung itutuon ba ang mga palad sa sahig upang makaupo ng ayos o mananatili siyang nakaupo at nakakurba. "Sige boss, bukas na lang"

Namumuo ang mga luha niya. Wala ng ibang nasa isip niya kundi ang sumuko.

"Hoy, babaeng pusa, umayos ka" ngumisi ito at kinikilabutan siya "May nagorder na sa iyo" pagkasabi nito sa kanya ay naramadaman niya ang pagbalot ng takot sa kabuuan ng pagkatao niya.

"Haaay, dapat pala matikman muna kita" pinanindigan siya ng balahibo kasabay ang panlalambot ng mga tuhod at kalamnan niya. Nanlilisik ang mga mata ng lalaki habang punong puno ng pagnanasa sa kaniya.

"Oo nga. Kahit mabilis lang" ani lalaki at dali-daling tinanggal ang sintron. "Kayong mga nandiyan sa loob" duro nito sa mga kasama ni Eramor, "manood kayo, at gagawin nyo rin to" pumasok siya sa selda habang hinuhubo ang pantalon nito.

Walang tigil ang pag-iling ni Eramor, ni walang boses ang lumalabas sa bibig niya para magprotesta. Nandidiri siya!

Napasinghap na lamang siya nang higitin ng lalaki ang binti niya papalapit sa kanya. Panay ang pag-iling niya. Pinipilit niyang sumigaw, pero walang boses. Kinakapa niya ang maruming sahig, ngunit wala man lang makapitan.

Pumipiglas siya, pero hindi iyon sapat para makawala siya sa tila mga bakal na kamay ng lalaki. Magpapadyak man siya ay balewala rin.

"Huwag... Pakiusap.. Huwag" malat ang boses niya at kahit pilitin niyang sumigaw ay hindi niya magawa.

Humihilhil ang lalaki, sabik na sabik itong gahasain siya, kahit sa harapan ng mga bata at ibang babae. Walang tigil ang mga luha niya sa pag-agos. She prayed desperately to be saved.

Pumaibabaw ang lalaki at inumpisahan nitong ibaba ang sira at mauling niyang short. Nagpupumiglas siya at pinipilit na itulak ang lalaki, pero ang lakas ng lalaki ay hindi niya mapantayan.

Tuluyan nang naibaba ng lalaki ang kaniyang short, sinunod nito ang sariling brief. Nararamdaman niya ang pagkalalaki nito, na lalo niyang ikinatakot. Kinikilabutan siya at narurumihan sa mga halinghing nito. "Tignan ninyo ha" ani lalaki sa mga nanonood. "ibubuka ninyo ang inyong mga hita para mabilis kaming nakakapasok" humalakhak ito "intindi nin—"

Biglang napahiga ang lalaki papalayo kay Eramo. Pinanlakihan siya ng mga mata habang hinahabol ang sariling hininga.

"Bilis! Tumayo ka na!" hindi agad nagrehistro sa isip ni Eramor ang mga nangyayari, kaya naman ang babaeng humambas sa ulo ng lalaki ang humila sa kaniya patayo.

"Ayusin mo ang sarili mo, tatakas tayo, okay?" ani ng babaeng magulo ang buhok na nakabob-cut, habang itinatayo ang ilan pang kasama sa selda.

"Tanginang... Ar—ay..." ani lalaki at iyon ang nakapagpabalik kay Eramor sa katotohanan.

"Bilis! Tumakbo ang makakatakbo!" sigaw nito at bago pa man makatayo ang lalaki ay hinampas itong muli sa mukha at bumaliktad ito. Humantad ang pagkalalaki nito, nakita iyon ni Eramor kaya lalo itong kinilabutan at nandiri.

Mabilis na nagsitayuan ang mga nasa loob ng selda, tumakbo sila palabas kahit ang ilan ay iika ika at pilay.

"Alis na!" napaiktad si Eramor sa sigaw ng babae, at napatingin sa lalaking gagahasa sa kaniya.

Wala sa loob niya na kunin ang tubong hawak ng babae, at bago pa man ito makaangal sa kanya ay ubod ng lakas niyang inihampas ang tubo sa pagkalalaki ng taong manggagasaha sa kaniya. Bumayukyok ang lalaki habang hinahalit ang lalamunan sa pagsigaw. Ibinigay ni Eramor ang tubo pabalik sa babae.

"Salamat" mangiyak-ngiyak si Eramor, pero hinawakan siya ng babae sa balikat.

"Saka ka na umiyak kapag buhay pa rin tayo mamaya" tinanguan nila ang isa't isa at lumabas ng selda kasama ang iba, habang umiiyak at namamaluktot ang lalaki sa sakit. Inakay nila ang isa't isa at nagmadaling makalabas ng palapag na iyon. Ngunit ang lalaking naiwan sa kanilang selda ay may nakakwintas na pito para sa emergency, dahil hindi nila pupwedeng patayin ang kanilang mga paninda, lalo na ang tinatawag ni Tody na babaeng pusa. Pinilit nitong dukutin ang pito sa loob ng tshirt, saka hinipan.