webnovel

LIVING TOGETHER WHILE RECOVERING pt. 2

It's her mom calling..

"Mom.."

"Happy Birthday my baby!! " Salubong kaagad nito sa kanya ng sagutin niya ang tawag nito.

"Thank you!" Sagot niya sa Ina.

Tumambay muna siya sa isang tabi habang kausap ito.

"Kumusta ang resort ni Lucas? Mabuti naman pumayag siya na mag-stay ka d'yan ng ilang araw." Masaya ang tono ng boses ng mama niya. "Oh! Your Dad also wants to talk to you, but of course it's my moment first." Napa-chuckle pa ang babae sa kabilang linya.

"You're teasing him again." Natatawang sagot niya dito.

How cute, kahit maedad na ang mga magulang ay nanatiling sweet pa rin ang dalawa sa isa't-isa. Minsan tuloy napapa-isip siya. Kung sakaling mag-aasawa man siya, she wants a man who likes his father.

"You're mom is too much, Hindi na nga kita naka-usap kahapon, itatago ka pa rin ngayon." Boses ng Daddy niya.

Marahil ay na-agaw na nito ang cellphone sa asawa. Napa-iling na lang si Elaine.

"Forgive her already, I know you still love her even she's like that." She teased.

"Ugh! Right! You're on her side." Pakunwaring nasaktan pa ito. Narinig din niya ang tawa ng Ina sa background. "Happy Birthday, my Princess." Maya ay wika ng kanyang Ama.

Lihim na nakagat ni Elaine ang ibabang labi. Ngayon, namimis niya tuloy ang dalawa.

"Come back soon.. I miss you both." She voiced it out.

Natahimik sandali ang dalawa at ilang sandali pa ay muling nag-salita.

"Alright, we have to buy your pasalubong now so take care in there! We love you!" Tinig ng Mama niya ang narinig niya.

For sure, naging emotional nanaman ang dalawa dahil sa sinabi niya. Napilitan na rin siyang mag paalam dito.

"En.. Bye-bye! Love you both.." Wika niya bago tuluyang pinutol ang linya.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nag-umpisang mamili. Nag-simula siya sa ready to cook foods, fruits, medicine and finally, her cake.

Pag-balik niya sa resort, naabutan niya ang lalake na naka-upo sa sofa hawak ang isang libro na nakuha siguro nito sa book shelf sa tapat ng sofa. Napansin marahil siya nito kaya iniangat nito ang paningin.

"You've arrived." Sabi nito. Habang tinutupi ang aklat na hawak.

"En. How's you're feeling?" Tanong niya dito.

"Great. Did you buy fruits?" Tingin nito sa bitbit niya.

Paborito siguro nito ang prutas kaya panay banggit nito ng prutas.

"Yup!" Naka-ngiting sagot niya habang itinataas ang plastic bag na may lamang prutas.

"Very good." He said.

Tch! What a bossy personality! Sigaw ng utak ni Elaine.

"Anyway, how old are you? Should I call you kuya?" Lingon niya dito.

Dumiritso siya sa kusina at inilagay doon sa lamesa ang pinamili.

"26.. " sagot nito.

Natigilan si Elaine.. But he looks much older tho? Akala nga niya sa 30 na ito. Masyado kasing matured ang aura at kilos ng lalake, lalo na ang pananalita.

"Then, I will call you Kuya.." She said. "Kuya! " tawag niya dito.

Lumingon naman ang lalake sa kanya. Ahh.. So handsome!

"Bumili ako ng cake, let's eat." Alok niya dito.

Tumayo naman ang lalake at tahimik na lumapit sa mesa. Tanging ang kanang kamay lang nito ang nagagamit.

"Lit up the candle." Utos nito sa kanya.

"Oh! Oo nga pla! Naka-limutan ko." Napa-palatak na tugon niya sa ka hinanap ang lighter na nabili niya rin. "Here it is!" Naka-ngiting sabi niya.

Nang masindihan ang maliit ng kandila ay sa ka niya pinag-daop ang palad para mag wish. Pero bago yun, nilingon niya muna ang kaharap sa mesa na si Dane.

"I think you should sing my birthday song first before I make my wish." Aniya dito.

Natigilan naman ang lalake. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa cake.

"But I don't sing.. " sagot nito maya-maya.

"Oh come on! It's just a birthday song, Kuya. Sing!" Pangungulit niya pa dito.

Tinitigan lang siya nito. Hindi niya Alam kung nagdadalawang isip ba ito oh ano.

"Please?" Nag-puppy eyes pa si Elaine. "I'm celebrating my birthday alone.. And I even saved your--

" alright, stop. I'll sing." Nasapo pa nito ang noo bago humugot ng buntong hininga.

And the handsome man started singing.. Natulala naman si Elaine. Wait, he said he don't know how to sing.. Is this how the so called don't know how to sing, sing? Ang boses ng lalake malamig sa pandinig na may halong sweetness.

"Done, now make a wish. " anito na nagpa-balik sa naglalakbay niyang diwa.

Yun na yun? Tapos na? Ngayon lang ata siya nabitin sa kantang "happy birthday to you".

" oh! " she reacted and finally close her eyes and wish. Pagkatapos ay inihipan ang kandila.

Masayang kinuha niya ang cake cutter at dalawang platito at tinidor. Inabutan niya ang kaharap ng cake bago siya umupo sa upuan at magka-harap na kumain ng cake.

"Kuya, Anong gagawin mo kapag gumaling kana?" Tanong niya dito habang kumakain ng cake.

"Obviously, I'll leave this place of course." Sagot nito.

So cold! Ice king ba ito sa pamilya?

"Paano yung mga tanong gustong pumatay sayo?" She tilted her head.

Tinitigan siya nito bago nag salita.

"They will be dead for sure.." He said before eating the cake on the fork while still staring at her

Ack! Bakit biglang naging mainit ang pakiramdan ni Elaine? Napa-yuko siya at kunwari ay napa-tango.

"I see.." She said..

"How about you?" Tanong naman nito sa kanya.

"Me? I'll be going back to Manila, of course. I told you, it's not my family's resort."

"I see.." Tipid din na sagot nito.

"Then, how could I meet you again once we left?

I will be posting some shout out soon.. So don't forget to comment! And make sure to add this on your library.

Fire_QUEENcreators' thoughts