1 Polusyon ng Problemang Walang Solusyon

Parehong hubog, parehong suot;

Pag-iisa ay dapat manuot.

Lalangoy tayo sa parehong baha,

Sasakay tayo sa iisang bangka.

Nakakapagtakang ako lang ang kagaya nila.

Ang kanilang damit na kulay rosas,

Subalit hindi ang pabigat na naka-posas.

Nakakapagselos, gusto ko rin ng gano'n!

Tinuro sa isang estranghero at umiyak,

Mukha nito'y 'di malaman kung maaawa o hahalakhak.

Gusto ko rin kasi ng kakaibang bola,

Bilog, at hindi magaan tulad ng iba.

Ibinigay ang layaw,

Sa sobrang tuwa ako'y napasayaw.

Ngunit biglang sumalubsob sa lupa.

Ay, ako pala'y 'di na malaya.

Nais ko lang namang maramdaman ang kanilang emosyon,

Kung paano nila ito nalalagyan ng solusyon,

Ngunit lahat lang pala ng problema'y isang imahinasyon.

Ang kawalan ng pagkakaisa ay siyang polusyon.

avataravatar
Next chapter