webnovel

Wonder and Wander

When Liv's life made a 180° turn, her pride quickly took over her. She lives as if something is missing and so many things were lost. She feels empty yet she continues to live hoping she'll feel alive again. Then she stumbled upon Ken, another broken soul. It's hard to smile and laugh in front of everyone to hide the fact that you are hurting deeply inside. It's a lot harder too that we get to be left alone with our thoughts and our demons. When can we say what we truly feel? Will we ever find the courage to find the words at least? This is a story about healing. How two wandering souls try to help each other and wonder if life will get better from where they are and more importantly, this is a story of how they help themselves, how they found out that the choice of healing and the steps towards growth has always been theirs.

pattiecdg · Realistic
Not enough ratings
5 Chs

Chapter 3

Ken's POV

Naka-bili na kami ng buko at umupo sa lamesa. Tahimik lang kaming dalawa ni Liv until I decided to break the silence.

"Sa tingin mo mahahanap mo sarili mo dito?" tanong ko.

Napatingin sya sakin tahimik lang sya at nagkibit balikat lang.

"Sa totoo lang, ewan ko. Di ko naman talaga alam kung saan ko 'mahahanap sarili ko' eh. Sadyang gusto ko lang din pumunta sa lugar na malayo sa mga kakilala ko. Ang hirap kasi pag yung mga kasama mo didiktahan ka kung ano gagawin mo tapos pag di mo sila sinunod at ginawa mo gusto mo, may sasabihin silang kung ano ano." sagot niya.

"So parang pumunta ka ng malayo para magkaroon ka ng opportunity na makapag decide naman for yourself?" follow up question ko.

"Actually, I don't remember what it feels like to have my own choice. Masyado akong napa-depende sa choice ng ibang tao para sakin kaya nakalimutan ko na kung paano pumili for myself to the point na pag ako na mag dedecide, wala akong tiwala sa mga magiging decisions ko. So I guess yung pag punta ko dito, part nga sya ng pag hahanap ko sa sarili ko kasi I'm taking small steps para bumalik yung tiwala ko sa sarili ko at di ba bumabalik lang naman ang bagay na nawala pag nag tiwala na sya ulit sa tao? Kaya pag may tiwala na ako ulit sa sarili ko baka sakiling bumalik yung parte ng identity ko na nawala." dagdag nya.

"Bakit kinakaya mo mag open up ng ganyan kadali?" tanong ko sa kanya.

"Anong madali dito? Ang hirap kaya himayin ng nararamdaman ko para lang makwento sa iba. Tsaka nakakapag open up ako kasi naisip ko, wala naman mawawala sakin kasi nawala na lahat ng pwedeng mawala." sagot nya.

"Daldal mo pala." comment ko na lang sa kanya kasi di ko na alam sasabihin ko. Natawa na lang sya.

"Di mo ba ako tatanungin?" tanong ko sa kanya after a few minutes of silence.

"Hahaha, sorry naman. Malay ko ba kung comfortable ka mag kwento or not. Anyway, sige. Tingin mo ba makakayanan mong iwanan emotional baggage mo dito?" natatawa nyang tanong.

Napatigil ako, nag isip akong mabuti.

"Bat pa ba ako nagpatanong eh di ko naman alam yung sagot? Hehehe pero hopefully, sana. Sana makayanan ko, sana magawa ko pero di ko rin sure." sagot ko sa kanya.

"Haha, oks lang yan kung di mo alam sagot. Wala naman nag sasabi na dapat alam mo na yung sagot sa mga tanong mo at this moment eh. It takes time ika nga." sabi nya sakin in an encouraging manner.

"Pano kung wala na akong time?" tanong ko.

"Anong walang time? Ilang taon ka na ba? I'm assuming around my age ka. 21?" she asked and I shook my head no. "22?" I nod my head yes.

"See? You're young pa!" bwelta nya.

"I don't know. Parang ang dami ko lang nasayang na oras na sana dati nagawa ko gusto ko, umattend sana ako ng parties, naka-meet ng ibang tao pero parang ngayon di ko na magagawa yun. Puro na lang trabaho inaatupag ko. Wala na akong time para magawa yung ibang gusto ko kaya pakiramdam ko ito na lang talaga buhay ko." rant ko sa kanya.

"Maybe you just need to do something aside from work? Find a hobby? Do something you're passionate about ganun." suggestion nya.

"But I don't have time. Di ko kayang gawin lahat yan ngayon." sagot ko.

"Sino ba nag sabi na ngayon mo na dapat gawin yan? You can do anything that you want no matter how young or how old you are. Di mo dapat madaliin ang mga bagay kasi nga as I said kanina, it takes time.", may isisingit sana ako pero pingilan nya ako magsalita at nagpatuloy sya. "And, don't use the argument na "wala na akong time". Ang daming tao na ang tanda tanda na pero dun palang nila nagawa gusto nila and it proves that it is never too late for everyone and in case you didn't know, 'everyone' includes you."

Natahimik na lang ako at napaisip. Nginitian ko na lang sya kasi alam kong may point sya.

Bigla naman dumating yung mga driver ng habal habal. Binilinan nga pala namin sila bumalik after 1hr and 30mins.

Tumayo na kami ni Liv at pumunta sa mga motor. Sinundan ko sya para i-check.

"Ano? Okay ka dyan sa motor?" tanong ko sa kanya at nakikita ko na shineshake nya kamay nya.

"Oo naman no." sagot nya at ngayon minamasahe nya mga kamay nya. Nakatingin lang ako sa ginagawa nya.

"Wag mo ko intindihin, kaya ko to." sabi nya nung napansin nyang nakatingin ako sa kamay nya.

"Nga pala Ken." tawag nya sakin. "Di ko pala nasabi kanina haha."

"Ano yun??" tanong ko.

"Wag ka sana manghinayang sa mga di mo nagawa." sinabi nya sakin at ngumiti. "The chances that you didn't take don't matter anymore kasi you have 'right now' so make good use of it." sumakay na sya ng motor pero di parin sya tapos mag salita. "Ken, you still have your whole life ahead of you and it's never too late to start anew."