webnovel

WITH U (U SERIES 1)

A new life and a new begining. Moving from one place to another to forget the hurtful memories that reminds me of you. Meeting new people and doing the the things that's new to me. I haven't done anything like this. The feeling, the place and the experience are all new. The fun that I never expected is happier than I thought it would be. In every step that I take, every hour, minute, and seconds, I never thought the new path that I'm taking is on my way to you. On my way to the journey, With U.

Aniasthesia · Teen
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 1

LIAM POV

Hindi ko inaasahan na maiisip ko bigla na mag-aral sa probinsya, bigla nalang itong pumasok sa isip ko. Nasobrahan na ata ako sa pagiging independent ko kaya naisip ko na subukang mag-aral sa probinsya.

Until now, hindi ko parin nasasabi kila mom na balak kong mag-aral sa probinsya, I'm sure na hindi ako nun papayagan. Baka nga pabalikin na ako nun sa bahay. Eh, ayaw ko doon, hawak nila buhay ko kapag andun

Nextweek na ang start ng klase, nakapag-enroll na ako through online. Bukas ang byahe ko papuntang Bicol, hahanap pa ako ng rerentahang bahay dun na malapit lang sa school.

Hindi siya ganun kasikat na University dito sa Manila pero pagdating sa lugar nila ay pinipilahan ito ng mga studyante na gustong makapag-college dahil sa scholarship na ino-offer nito especially sa mga mayroong matataas na grades kahit mga studyanteng galing private ay pinapangarap na makapag-aral sa school na 'to. Walang bias na schools, qualified ka kahit galing ka pa sa private or sa public as long na nakapasa ka sa examination ng school.

Meron rin ibang school do'n pero mas na-challege ako sa school na ito kaya napagdesisyonan ko na do'n na lamang pumasok para ma experience ang mga hindi ko na-experience sa mga Universities dito sa Manila.

"Anong oras ba ang alis mo bukas?" Tanong sa 'kin ni Ryan. Roommates ko dito sa condo. Kaibigan ko rin.

"Gabi ata, first class kasi kinuha ko kaya medyo late night na rin ang alis ko." Sagot ko sakanya habang inaayos ang mga dadalhin ko.

"Magpapahatid ka pa ba?" Tanong niya ulit sa 'kin habang pinanunuod niya akong ayusin ang aking gamit.

"Syempre ihahatid mo ako alangan naman magcommute ako mas lalo lang akong matatagalan kasi kahit magpabook ka ng taxi nalelate parin sa oras na pinagusapan n'yo sasabayan pa ng traffic," sagot ko sakanya.

"Ang dami mong sinabi, tinatanong lang naman kita kung magpapahatid ka, oo o hindi lang naman."

"Sinagot ko naman ba't nagrereklamo ka pa d'yan sa mga sinabi ko at tsaka totoo naman ang sinabi ko, eh kahit ikaw alam mo yan kaya h'wag kang pa-inosente d'yan na never ka ring nagreklamo na katulad ko." Sarkastiko kong sagot sakanya.

"Oo na, sabi ko nga ako maghahatid sayo kaya manahimik kana d'yan." Sambit niya at tuluyan nang umalis ng kwarto.

Tumawa lang ako dahil nabara ko na naman ang loko, napakarami kasing tanong, kahapon ko pa siya sinabihan na ihatid ako. Gurang na rin ata siya katulad ni Sedrix, makakalimutin.

Matapos kong mag-ayos ng gamit, kumain na rin kami ni Ryan.

"Saan nga pala mag-aaral ng college si Sedrix? Hindi na nagpakita sa 'kin simula no'ng umuwi ng probinsya ng mom niya," tanong ko kay Ryan habang kumakain.

"Hindi ko alam pero ang sabi niya sa akin, kung saan daw ako papasok do'n din siya pero hindi ako sure. Alam mo naman yun, baliktad utak no'n paiba iba ng desisyon." Sagot ni Ryan sabay subo ng pagkain.

Tumango lang ako at kumain nalang.

Pagkatapos kong kumain bigla niya akong tinanong.

"By the way, alam na ba nila tita na hindi ka dito sa Manila magka-college?" Tanong niya sa 'kin.

"Hindi pa, sasabihin ko nalang kapag ando'n na ako sa Bicol. I'm sure na hindi yun papayag, kilala mo naman yun." Sagot ko sakanya, tumayo na ako at iniwan siya sa lamesa.

Humiga nalang ako at kinuha ang cellphone ko, katulad ng dati ay panay lang ang scroll ko sa instagram upang tignan ang mga latest post ng mga kaibigan ko hanggang sa makita ko ang post ni Leslie na kasama ko. Matagal na 'yon ngunit nagagawa ko pa ring makita dahil hindi ko mapigilang i-stalk siya.

Napapangiti ako sa t'wing nakikita ko ang pictures namin ni Leslie, pakiramdam ko ay kasama ko siya.

Malakas ang kutob ko na napilitan siya ng gagong Kevin na yun, hindi niya ako kayang iwan ng dahil sa simpleng rason lang. Kilalang-kilala ko siya pagdating sa gugustuhin niyang lalaki at never kong nakita ang personality na gusto niya sa lalaking 'yon.

Hinayaan ko nalang itong maging masaya but until now, I'm still waiting for her, almost 2 years na rin kaming hiwalay ngunit wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko.

Ipinahinga ko nalang ang 'king sarili at natulog dahil mahaba-habang byahe na naman 'to bukas.

-

"Bro, mag-iingat ka ha? Inform mo ako kung kamusta ang school do'n kapag challenging susundan kita." Biro niya sa 'kin.

"Akala mo naman talaga susunod. Puro ka biro, pa'no kung maniwala ako na susundan mo talaga ako? H'wag kang talkshit bro. Masusuntok talaga kita." Biro ko rin sakanya.

"Oo naman, at tsaka sabihin mo rin kung mas maraming sexy girls dun. Ay! Susunod talaga ako sayo, isasama ko na rin si Sedrix." Biro ulit ng gago.

"Ay ewan ko sayo! Napakababaero mo talaga hindi kana nakontento kay Angeline at kahit sa school na papasukan ko magpapahanap ka parin sa 'kin." Sambit ko sakanya.

"Bro, hindi kana nasanay sa 'kin at tsaka alam mo naman na laro laro lang ang relasyon namin nun ni Angeline para lang paselosin 'yong chaka niyang ex." Paliwanag niya sa 'kin.

Kahit kailan talaga napakaplayboy ng mga kaibigan ko, mabuti nalang hindi ako natulad sakanila.

Nagpaalam na ako dito at iniwan na sila. Pumasok na ako sa loob ng bus para hanapin ang upuan ko. Hindi pa ganun kadami ang tao kaya hindi siksikan sa loob.

Nakaupo na ako sa may bintana, pangatlong upuan sa kaliwa.

Mga ilang minuto rin ay umalis na ito, nakatingin lang ako sa labas habang naka earphone at kumakain. Wala akong katabi kaya inilagay ko na muna ang bag ko sa 'king tabi. Tinanong ko rin ang konduktor kung may nakareserve sa tabi ko ngunit umiling ito.

Matapos kong kumain, nakatulog na rin ako agad dahil na rin sa music na aking pinapakinggan.

.

.

.

.

.

I woke up when suddenly someone touched me.

"Excuse me, uupo ako kaso 'yong bag mo nakalagay, wala ng bakanteng upuan." Sambit ng babae sa 'kin na parang kasing edad ko, nagawa pa nitong lumingon lingon sa loob upang kompirmahin talagang wala ng bakanteng upuan. Seryoso ang mukha nito na aakalain mong walang reaksyon.

"Eh, wala namang nakareserve d'yan at tsaka bayad 'yang bag ko kaya nakaupo rin yan. Meron pa d'yang ibang vacant chairs," aniko sa babae at ibabalik na sana ang earphone sa aking tainga ng biglang magsalita siya.

"Sir, excuse me. Totoo po bang binayaran n'ya itong bag niya para makau–" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng babae ng alisin ko na ang bag ko at ipinatong sa 'king hita.

Pasimple siyang ngumisi at naupo sa tabi ko.

"Aalisin mo rin naman pala hinintay mo pa talagang tanungin ko ang konduktor kung totoo ba talaga pinagsasabi mo d'yan." Bulong-bulong niya habang may hinahanap sa kanyang bag.

Itinuon ko nalang sa labas ang atensyon ko at ibinalik sa tainga ang earphone.

NP: Crashing

🎶 It's 2 AM but I'm still here, awake

🎶 Your beautiful face keeps flashing on my mind

🎶 I hear your voice and the way you say my name

🎶 It's like reality and make-believe combined

🎶 I recall the time when I sat right beside you

🎶And you talked about how good your life has been

🎶 When your eyes met mine, my voice and hands started shaking

🎶 And everything I am starts caving in

Nabigla ako ng maramdaman ko ang pagbagsak ng ulo ng babaeng katabi ko sa 'king balikat.

Nainis ako dahil mukhang nananadya siya, sinubukan kong alisin siya by shaking my shoulder, pero nang makita ko ito, mahimbing siyang natutulog.

Tinitigan ko siya dahil napaka-amo ng kanyang mukha ngunit sa t'wing tulog lang, hinayaan ko nalang siya na mahiga sa balikat ko.

Itinuon ko nalang ang atensyon sa labas kahit wala akong nakikita dahil sa dilim.

Nakaramdam na rin ako ng antok at agad na nakatulog ulit.

.

.

.

.

.

Nagising ako dahil sa tulak at palo ng babae habang sumisigaw, hindi ko naman siya maintindihan.

"What the... Ano ba miss! Nakakasakit kana! O-ouch!" Sambit ko sakanya habang hinaharang ang braso sa bawat palo niya sa 'kin.

"Kunwari ka pang walang alam! Alam ko naman na sinadya mo akong mahiga diyan sa balikat mo at isandal yang ulo mo sa ulo ko! Pervert!" Pasigaw niyang sagot at walang tigil pa rin ang pamamalo sa 'kin.

"Are you out of your mind miss?! You're the one who lay your head on my shoulder! At hindi ako pervert! okay?! Nakatulog lang ako kaya hindi ko namalayan na naipatong ko sa ulo mo ang ulo ko!" Sagot ko naman sakanya, ako pa talaga ang nag-explain sa sarili niyang kagagawan at hindi ko naman sinasadya.

"Kahit na! Dapat ginising mo nalang ako kaysa hinayaan mo akong mahiga sayo!"

"I didn't wake you up because you're sleeping peacefully so I let you! Wala namang masama do'n 'di ba?!" Aniko.

Tumigil siya at naupo nalang dahil napansin niya rin na nagising niya ang mga taong natutulog sa loob ng bus at nakatingin sila sa 'min.

Narinig ko din ang bulong-bulongan ng mga tao at ang iba ay nagalit dahil naistorbo ang pagtulog nila.

Siya ang napahiya at hindi ako, nanahimik nalang siya at naupo sa 'king tabi.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin, napahiya tuloy ako," pabulong niyang ani sa 'kin habang nakatingin sa unahan.

"Pa'no ako magsasalita kung panay ang palo mo sa 'kin kanina at hindi mo agad ako hinayaang magpaliwanag, harrasment ang ginawa mo dahil bigla bigla ka nalang nananakit, alam mo yun."Asik ko, tinignan ko siya at ibinalik sa labas ang atensyon. Badtrip.

"I-I'm sorry." Paumanhin niya sa 'kin.

Hindi ko na siya sinagot pa at nanahimik nalang, iniinis ako ng babaeng ito.

Hindi na siya umimik pa, pati na rin ako. Nakinig na lamang ulit ako ng music at nakatulog ulit dahil gabi pa rin.

Nagising ako dahil sa sigaw ng konduktor, siguro may bababa.

Tinignan ko ang katabi ko at nakita kong gising na siya.

Natulog kaya ito? O hindi? Tatag naman niya, ayaw na atang mapahiya ulit. Madali nalang pala siyang matuto eh.

Kalahating oras rin ay nakarating na kami sa terminal, maliwanag na rin. Nauna siyang bumaba, tumingin muna sa 'kin at umirap. Nabigla ako sa pag-irap niya sa 'kin, para siyang tigre na mangangain.

Pinauna ko nalang munang bumaba ang mga nakasakay bago ako sumunod para hindi na makipagsiksikan pa.

Nang makababa na ako ng bus tinawagan ko si tito Henry dahil dito nakatira ang pamilya ng kanyang asawa na si tita Grace.

Ibinigay nito ang contact number nang pamilya ni tita Grace at naipaalam narin ako nito na do'n muna ako dederetso habang naghahanap pa ako ng rerentahang bahay.

Sumakay ako ng tricycle at sinabi ang address na binigay sa 'kin ni tito.

Hindi ganon kalayo at nakarating na ako sa labasan ng bahay nina tita Grace. Nakita ko si tito Bryan, kapatid ni tita.

"Tito Bryan," tawag ko sakanya at lumapit siya sa 'kin, dinala niya ang isa kong bag.

"Oh Liam, ba't napadpad ka dito? Nagtatravel kana ba?" Tanong niya sa 'kin habang naglalakad kami papunta sakanila.

"Hindi po, napagdesisyonan ko na dito ako mag-aaral ng college," sagot ko sakanya at ngumiti.

"Oh? Wow! Ang layo naman ata, napakaraming magagandang school sa Manila ba't dito pa? At saang school ba dito?" Tanong niya sa 'kin.

"Sa CNSC po, gusto ko lang po ma-challenge kaya dito ako mag-aaral, hindi kasi ito katulad ng Universities sa Manila. Magtatry lang ako dito tignan ko pagkakaiba ng mga students dito at do'n," sambit ko sakanya.

"Aba, mukhang nakakuha ka nga ng challenging na school, napakaraming matatalino sa school na 'yon. Do'n kami grumaduate ng Grace kaya I'm sure na marami kang matutuhan do'n," aniya.

Nakarating na kami ng kanilang bahay, simple lang ito pero napakalinis ng loob.

"Goodmorning po." Bati ko sakanila.

"Goodmorning rin ijo."

"Mukhang malayo ang nadayuhang mong school. Dito pa talaga sa amin, napakarami namang magaganda at magagaling na school sa Manila." Sambit ng nanay nina tita Grace.

"Yan na rin ang sabi ko sakanya kaso nakakita daw siya dito na kakaiba, na machachallege siya dahil hindi daw ito katulad ng Universities sa Manila." Sambit naman ni tito Bryan.

"Opo, nakakasawa na rin po sa Manila. Napakarami rin pong tarantado, mukha lang pong mababait ang mga studyante do'n." Sagot ko naman sakanila, tumawa lamang sila sa isinagot ko.

"Oh kumain kana muna bago ka maghanap ng matutuluyan mo, sasamahan na rin kita." Alok naman sa 'kin ni tito Bryan ng pagkain.

Kinuha ko ito at kumain na rin dahil sa gutom na rin ako.

"Ano palang kurso ng kukunin mo?" Tanong sa akin ng nanay nila.

"Civil Engineering po." Sagot ko sakanila.

"Ow, good choice bro."

"Yun din ang gusto ni dad, buti nalang gusto ko rin kaya yun na rin ang kinuha ko. Alam ko naman na kaya ko eh." Kampante kong sagot sakanila, ngumiti ako sakanila.

Nagusap usap lang kami, nagtawanan na rin.

Mga kunting oras rin ay inaya na ako ni tito Bryan na humanap ng rerentahang bahay.

"Gusto mo bang malapit lang sa school n'yo para hindi kana mahirapan?" Tanong niya sa 'kin habang nakasakay kami sa tricycle, hindi ko ito masyadong maintindihan dahil sa ingay ng tricycle.

Tumango nalang ako dahil alam kong tinatanong niya ako.

Pumunta kami sa parang looban at do'n bumaba.

Kinausap namin ang owner ng rerentahan kong bahay at dahil maganda naman at malinis, umoo agad ako.

"What do you think, Liam?" Tanong niya sa 'kin.

"Hmm. It's okay but, excuse me ma'am, okay po ba ang power dito at ang daloy ng tubig?" Tanong ko sa owner dahil ayaw ko ng madalas ang pagkakaroon ng power interruption at ang pawala walang tubig.

"Yes sir, pero kapag nagkakaro'n po ng power interruption dito at mahigit 6 to 8 hours nawawalan." Sagot niya sa 'kin.

It can't be. Ayaw ko ng ganun, ang boring but let's try, naalala ko probinsya pala 'to hindi 'to katulad ng Manila.

Tumango nalang ako at nakipagkasundo sa owner, magpapaiwan na rin ako dito dahil dala ko na rin ang aking gamit.

Ang kailangan ko nalang gawin ay linisin ito mamaya.

"Thankyou tito. Pakiramdam ko naman magiging komportable ako dito." Pasalamat ko sakanya dahil hindi kami ganun nahirapang maghanap ng rerentahan.

"Wala 'yon. Kapag wala akong trabaho ay may free time ako bibisita nalang ako dito alam ko na maboboring ka dito." Sambit niya sa 'kin.

Nagpaalam na rin siya. Inayos ko na ang mga gamit ko at chineck ang appliances, wala namang problema.

Nagpahinga na muna ako dahil nakaramdam na rin ako ng pagod siguro dahil sa byahe, medyo kulang ang tulog ko dahil sa babaeng 'yon.

Taga saan kaya yun? Ano kayang pangalan nun? Malapit lang ba yun dito sakin? Saan kaya siya mag-aaral?

"Ba't ba iniisip ko ang malditang babaeng yun? At parang interesadong-interesado. Tsk. Matutulog na nga lang ako, sisirain na naman niya ang mood ko."