💜💜💜
SINIPAT MULI ni Carila ang sarili sa salamin ng bath room. Tiningnan niya kung may gusot ba ang damit na suot niya. Nang masigurado na wala kahit anong gusot o mansa ang suot na damit ay lumabas siya ng bath room para tahakin ang kanyang mesa. Siya ang executive secretary ng Vice-President ng Mei De Hau Group of Companies. Dati siyang accounting staff bago siya kinuha ng Vice-president ng kompanya para maging secretary nito. Parang kailan lang ay sobrang nahihirapan siya sa buhay pero ngayon ay magaan at maayos ang buhay niya at ng kanyang pamilya. Kung hindi siya kinuha na secretary ay hindi niya matatamasa iyon. Malaki kasi ang sahod niya bilang executive secretary kaysa sa accounting staff. Aabutin siya ng ilang taon bago niya marating ang sahod ngayon kung accounting staff pa rin siya. Kung nakapasa siya ng board para maging CPA ay baka may pag-asa pa pero nawalan na siya ng pagkakataon dahil busy na sa trabaho at nawalan na siya ng ganang kumuha ng exam.
Inaayos ni Carila ang mga papeles na pipirmahan ng Vice-President ng dumating ito. Agad siyang tumayo kasama na din ang mga staff na naruruon sa floor na iyon. Magalang nilang binati ang binata. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Carila kay Shilo Chauzo Wang, ang Vice President ng Mei De Hau Group of Companies.
"Good morning, Sir Shilo." Bati niya ng dumaan ito sa harap niya.
"Good morning, Carila. Bring me a coffee. Please." Isang magandang ngiti din ang iginanti sa kanya ng binata.
"Right away, Sir." Aniya.
Hinintay niya muna makapasok sa opisina nito si Shilo bago ginawa ang inuutos ng binata. Isang kape na walang asuka ang ginawa niya, iyon kasi ang gusto ni Shilo. Napansin niyang noon pa na hindi ito mahilig sa matamis kaya ng maging sekretarya siya ay halos alam na niya ang gusto nito. Naging madali sa kanya ang mag-adjust para dito dahil naging magkaibigan sila sa dating department. Pagpasok niya sa loob ng opisina ni Shilo ay agad na binalot ang kanyang pang-amoy ng pabango nito. Napangiti siya dahil nanuot sa kanyang ilong ang matapang na amoy nito. Kakaiba din ang dating noon sa kanya. Inilapag niya ang dalang kape sa harap nito.
"Thank you, Carila." Tumingin sa kanyang mga mata si Shilo.
Ngumiti siya dito ngunit hindi sinalubong ang mga mata nito. Bumilis kasi bigla ang tibok ng kanyang puso. Hindi siya makapag-isip ng maayos kapag ganoon tumingin sa kanya ang binata. Para kasing tumatagos sa kaloob-looban niya. Iyong mga tingin nito na siyang dahilan kung bakit nagwawala ang puso niya ng mga sandaling iyon. Umayos siya ng tayo at kinalma ang sarili.
"May kailangan pa kayo, Sir Shilo." Tanong niya.
"Wala na, Carila. Pakibigay na lang agad sa akin ang mga papeles na kailangan kong permahan ngayong araw." Bumalik na ang tingin ni Shilo sa mga papeles na nasa mesa nito.
Saka lang siya tumingin sa binata. "Yes, Sir Shilo." Yumuko siya.
Nais pa sana niya manatili sa loob at pagmasdan kahit saglit lang ang binata ay hindi niya ginawa. Kailangan niya pa rin magpaka-professional. Ano nga ulit ang motto niya?
'Work before love'
Pamilya niya muna bago ang sariling kaligayahan. Pinapaaral pa niya ang dalawang kapatid at iyon dapat ang pagtuunan niya ng pansin. Siya ang panganay kaya sa kanya ang lahat ng responsibilidad sa buhay. Parehong high school student palang ang mga kapatid. Next year ay papasok na sa kolehiyo ang kapatid niyang lalaki habang ang bunso nila ay nasa second year high school palang. Hindi na kayang paaralin ng kanyang mga magulang kaya siya ngayon ang kayod kalabaw sa kanila. May sakit ang kanyang ina, asthmatic ito kaya hindi ito pwedeng magpagod habang ang ama niya ay na stroke noong nakaraang taon lang. Kailangang-kailangan niya ang trabaho niyang iyon.
Scholar din ng kompanya ang mga kapatid niya kaya malaking bagay ang pagtatrabaho niya sa pamilya Wang. Dahil sa mga ito kaya kahit papaano ay maayos ang buhay niya. Hindi siya hirap sa monthly check up ng mga magulang dahil sagot iyon ng kompanya. Maraming priviledge ang kagaya niyang nasa mataas na posisyon. Ang sabi nga nila ay napakaswerte niya dahil agad siyang nakapasok doon at tumaas agad ang posisyon.
Pero mas maswerte siya sa naging boss niya. Mabait kasi si Shilo sa lahat. Wala siyang masabi sa kanyang boss. Marunong itong makibagay sa lahat. Kaya hindi siya nahirapan maging kaibigan ito.
"DAD, WHAT ARE YOU DOING HERE?" tanong ni Shan sa ama.
Ibinaba niya ang dalang bag sa sofa. Nasa isahang sofa ang ama at walang emosyon ang mukha. Umupo siya sa katapat nitong upuan. Kagagaling lang ni Shan sa isang bar. Marami siyang tinapos na trabaho ng araw na iyon tapos lumabas pa sila ng kanyang kaibigan. Kaya maghahating gabi na iyon. Hindi niya din inaasahan na nasa bansa ang ama. Akala niya ay busy ito sa kompanya nila sa Pilipinas.
May ibinato na brown envelop ang kanyang ama sa mesa. Nagsalubong ang kilay niya at tinitigan ang hinagis na lang nito doon.
"What is it, dad?" tanong niya.
"Pick it up." Walang emosyong utos ng kanyang ama.
"Dapat na ba akong matakot?" pabiro niyang tanong.
Kinuha niya ang envelop at kinuha ang laman noon. Nanlaki ang mga mata niya ng bumungad sa kanya ang mga larawan na pamilyar sa kanya. Mga larawan iyon kung saan kasama niya ang kung sino-sinong babae. Kung ganoon ay nakarating sa kanyang ama ang tungkol sa ginagawa niya dito sa China.
"Akala mo ba ay matatago mo sa akin ang mga kalukuhan mo, Shan?" parang kulog na tanong ng kanyang ama.
May bahid ng galit ang boses nito. Tumaas siya ng tingin at binigyan ng mapaglarong ngiti ang ama.
"Dad, I'm just having fun."depensa niya
Sumama ang mukha ng kanyang ama. "Hindi ka ba talaga titino?"
Lalo siyang nasayahan sa tanong ng kanyang ama. Nawala ang pagiging kalmado nito. Alam niyang galit na ang ama pero hindi siya natatakot. He is Shan Jammiel Wang. Kailan ba siya natakot sa kanyang ama?
"Dad, you know me. Hindi na ako magbabago pa. I love the way I am." Sumandal siya sa sofa.
Umiling ang kanyang ama. "Bakit ba kasi hindi ka naging kagaya ni Shilo?"
Nawala ang mapaglarung ngiti sa labi niya ng marinig ang tanong nito. Napakuyom ang dalawang kamay niya. Alam niyang napansin ng kanyang ama ang pagbabago sa kanyang mukha kaya umayos ito ng upo.
"Sana pala ay hindi na ako pumunta dito. Hinayaan na lang sana kita sa mga ginagawa mo. Tutal maayos naman ang pamamahala mo sa kompanya natin dito sa China. Mali talaga na umasa akong magbabago iyang ugali mo. Mula noon at hanggang ngayon ay mas magaling pa rin ang kapatid mo kaysa sa'yo." Tumayo ang kanyang ama.
Namula ang kanyang mukha sa sinabi nito. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib. Hanggang kailan ba siya ikukumpara ng kanyang ama sa nakakabatang kapatid. Mula pa noon ay ang kapatid na talaga ang pinapaboran nito. Sinasabing mas magaling at maasahan ang kapatid. Ang kapatid na lang niya lagi ang tama sa paningin ng ama at ina. Kahit na siya ang panganay ay hindi siya pinagkakatiwalaan nito. Hindi lang iyon, pinatapon pa siya nito ng China para lang mas matutukan nito si Shilo. Alam naman niyang mas magaling si Shilo kaysa sa kanya. Matalino at mabait ito. Bata palang sila ay mas pinagmamalaki na ito ng kanyang mga magulang habang siya ay isang sakit sa ulo ang tingin.
"Pumunta ka lang ba dito para sabihin ang mga bagay na iyan. Dahil kung Oo ay maari ka ng umalis sa pamamahay ko." Hindi niya maitago ang galit dito.
Kung noon paman ay black sheep na ang tingin ng ama sa kanya ay talagang pinanindigan niya iyon. He plays around like the way he wanted. Ilang beses man siyang pinagsabihan ng ina na wag maging mapaglaro ay hindi niya pinansin. He loves what he doing and no one can stop him even his family.
Lumingon sa kanya ang ama. "Anong karapatan mong paalisin ako sa pamamahay ko, Shan? Anak lang kita. Bahay ko pa rin ito." Umaapoy sa galit ang kanyang ama.
"Bahay mo, dad? Baka nakakalimutan mo na sa akin pinamana ni Lolo ang bahay na ito. Sa Pilipinas ang bahay mo. Kaya sinasabi ko sa iyo, umalis kayo sa bahay ko kung wala ka ng kailangan sa akin." Itinuro niya ang pinto.
Wala siyang paki-alam kung ama niya ito. He doesn't care because he doesn't care of him.
"Gusto mong malaman kung anong kailangan ko sa iyo." Nakipagtitigan ang kanyang ama.
Hindi siya nag-iwas ng tingin. Nakipagsukatan siya ng tingin sa ama.
"I want you to be the President of MDHGC but I change my mind now. Akala ko pa naman kasi ay nagbago ka na dahil maayos ang pamamalakad mo sa Mei Hau Shoe Company. Kung--"
"You want me to manage your company? Why?" putol niya sa iba pangsasabihin ng ama. Nagulat siya sa sinabi nito.
"Yes. Dahil ikaw pa rin ang panganay kong anak. Ikaw ang gusto ng board na maging President ng MDHGC. Nakita nila ang galing mo sa pamamahala ng MHSC."
"Paano si Shilo?" naalala niya ang kapatid. Alam niyang hinahangad ng kapatid ang posisyon na iyon. Hindi iyon lingid sa kaalaman nilang lahat.
"Shilo is the Vice-President of MDHGC but the board is not impressed with his management skill. Matalino siya pero kulang siya sa leadership. Nakikita nilang hindi pa handa si Shilo na maging President ng MDHGC pero ikaw ay handang-handa na."
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Akalain niya ba naman, may ikinalamang din pala siya sa kapatid niyang iyon. "Kaya mo ako pinuntahan dito. Alam ba ito ng magaling kong kapatid?"
Hindi sumagot ang kanyang ama. Tumawa siya ng mahina. Kahit hindi sagutin ng kanyang ama, alam na agad niya ang sagot.
"Hindi mo sinabi kasi alam mong magagalit ang paborito mong anak. Iniisip mo ba na tatanggi ako para iyon ang sabihin mo sa board at pumayag sila na si Shilo ang maging Presidente ng kompanya. Sorry dad but sad to say. I accept the offer." Lumapit siya sa ama na napansin niyang gumalaw ang panga. "I will be the very amazing President of MDHGC. Sisiguraduhin ko na hindi mapupunta kay Shilo ang pinapangarap niyang posisyon."
Binigyan niya ng nakaka-insultong ngiti ang ama. Hindi niya bibigyan ng satisfaction ito. Sisiguraduhin niya na pagsisihan nito na pinaramdaman sa kanya na hindi siya nito anak at ang ginawa nito ilang taon na din ang lumipas. Hanggang ngayon, naka-ukit pa sa puso niya ang ginawa nito.
"CARILA, pumasok ka." Narinig niyang sinabi ni Shilo.
Mabilis ang bawat hakbang nito papasok sa loob ng opisina. Nataranta naman na dinampot ni Carila ang planner at sumunod kay Shilo. Pagkapasok niya sa opisina ng boss ay napansin niyang hindi ito mapalagay. Mabagal siyang lumapit dito.
"Sir, may problema po ba?" tanong niya.
Umangat ng tingin si Shilo. "Dad is retiring."
Her mouth forms into 'O'. Nagulat siya sa narinig. Sinong mag-aakala na magreretired ng maaga ang matandang Wang? Ang alam niya ay hindi pa ganoon katanda ang big boss ng kompanya at lalong hindi pa ito mahina. Sinabi sa kanya ni Shilo na matagal pa bago lisanin ng ama ang position nito.
"Bakit daw po?"
"Mom wants him to retired early. Gusto niya daw makasama si Daddy sa plano nitong world tour. You know my father, pagbibigyan niya si Mommy sa kahit anong hilingin nito." Napahawak sa batok si Shilo.
"Kung ganoon ay mababakante ang posisyon niya. May ipapalit na ba?" nag-aalala niya din tanong.
Marahas na huminga si Shilo. "Wala pa akong idea. Kaya nga may emergency meeting na mangyayari mamaya. Pag-uusapan kung sino ang magiging bagong CEO ng kompanya."
Napatungo siya. Kaya ba ganoon ang kinikilos ni Shilo ng mga sandaling iyon. Nag-aalala ba ito sa magiging desisyon ng board. Alam nilang dalawa na hindi maganda ang tingin ng board kay Shilo. Hindi sila ganoon ka-impress pero kung sakaling magbotohan mamaya sa CEO posisyon nasisigurado niyang malaki ang laban ni Shilo.
"Tita Aliya is not in the country." Narinig niyang sabi ni Shilo.
Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi nito. Ang tanging pag-asa nila makuha ni Shilo ang posisyon ay wala sa bansa. Ito ang isa sa major stock holder ng kompanya. "Itutuloy nila ang meeting kahit na wala si Ma'am Aliya."
Tumungo si Shilo. "Masyado silang nagmamadali. Hindi maganda ang kutob ko sa mangyayari mamaya."
Ganoon din siya. Ngayon palang ay nag-aalala na din siya dito. Matagal ng pangarap ni Shilo na hawakan ang kompanya. Kakapasok pa lang nito ay iyon agad ang nalaman niyang pangarap nito. He work hard for it. Nagsimula ito sa baba hanggang sa makuha ang posisyon nito ngayon. May mga bagay din itong sinakripisyo para lang makuha ang posisyon ng ama.
Magsasalita na sana siya ng may kumatok. Sumigaw si Shilo at similip mula sa labas ang sekretarya ng ama ni Shilo.
"Sir Wang, your father asks you to come to the conference room. Magsisimula na po ang meeting."
Tumingin si Shilo sa relong pambisig nito. "This early?"
"Yes, Sir." Yumuko ang babae bago lumabas ng opisina ni Shilo.
Naiwan silang dalawa ni Shilo sa loob ng opisina. Nakita niyang ilang beses nagtaas-baba ang dibdib ng binata. Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito.
"Sir Shilo, wag po kayong mag-alala. Siguro naman po na hindi kayo pababayaan ng Daddy niyo. Alam naman po niya na noon niyo pa gusto maging CEO ng kompanya. At saka, ilang taon niyo na rin pinatunayan sa mga board ang galing niyo. Sa dami ng mga sinara niyong deal at ginawa para sa kompanya. Siguro naman ay kinokonsidera nila iyon." Pangpalakas niya ng loob nito.
Biglang nagbago ang bukas ng mukha ni Shilo. Mukhang nagustuhan nito ang sinabi niya. Ngumiti ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya na ikinagulat.
"Salamat, Carila. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala ka."
May nabuhay na kilig sa puso niya dahil sa sinabi nito. Naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi kaya agad niyang ibinawi ang kamay at yumuko. Ayaw niyang ipakita kay Shilo ang nararamdaman ng mga sandaling iyon, baka kasi iba ang isipin nito.
"Let's go to the conference room, Carila." Narinig niyang sabi ni Shilo.
Saka lang siya nag-angat ng tingin. Naglalakad na si Shilo palabas ng opisina nito kaya agad siyang sumunod. Hinihintay nila ang elevator ng magsalita si Shilo.
"Can we go out later, Carila?" tanong ni Shilo.
Napatingin siya sa binata. "Wala ka bang ibang gagawin mamaya?"
Umiling si Shilo. "Gusto ko lang mawala ang stress ko ngayon." Sumulyap sa kanya si Shilo. Ngumiti ang binata sa kanya. "I want to unwind with you later."
Napangiti naman siya. "Sige. Saan mo ba balak pumunta mamaya?"
Alam na niya kung anong ibig sabihin nito ng unwind. It means food trip. Kakain sila ng kung anong nais nilang kainin. Mga pagkain na hindi pa nila natitikman. Ganoon ang stress reliever nila ni Shilo noon pa. Food trip hanggang sa hindi na kayanin ng tiyan nila. Masaya siya kapag ganoon ang ginagawa nila ni Shilo. Para kasing walang boundary sa pagitan nila. Kapag nasa labas sila ng opisina ay magkaibigan silang dalawa. Walang boss at walang sekretarya. At dahil doon ay hindi niya napigilan ang puso na mahulog dito. Nakita niya kasi kay Shilo ang mga katangian na hindi niya nakikita sa kahit na sinong lalaki. Mayaman ito pero kaya nitong makisabay sa katulad niyang mahirap.
"May nakita akong bagong bukas na restaurant sa Cubao. Puntahan natin mamaya."
"Okay. Basta ba libre mo at walang inuman." Pabiro niyang sabi.
"Kailan pa tayo lumabas na may kasamang inuman, Carila?" natatawang tanong ni Shilo.
Hindi siya sumagot at umiling na lang. Mula noon at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakatikim ng alak kaya hindi niya alam kung anong lasa noon. Pinagbabawalan siya ng ama at wala siyang balak suwayin iyon.
Tumigil sila sa pakwekwentuhan ni Shilo ng marating nila ang conference room. May nakita silang ilang share holder doon. Nakita din nila ang ama ni Shilo na si Sir Shawn. Lumapit si Shilo dito.
"Dad." Tawag ni Shilo sa ama.
Ngumiti si Sir Shawn kay Shilo at hinawakan ito sa balikat. "Handa ka na ba para mamaya?" pabulong na tanong ng ama nito ngunit umabot sa kanyang pantinig dahil malapit siya sa mag-ama.
"I'm ready, dad." Sagot ni Shilo kahit iba ang nakikita sa mukha nito.
Kahit tuloy siya ay kinakabahan na rin sa magiging resulta ng mangyayaring meeting. Isa-isang pumasok ang mga share holder ng kompanya sa loob ng conference room. Pumasok din siya at umupo sa upuan ng mga sekretarya. Lahat ay naruruon maliban kay Ma'am Aliya. Nakakalungkot na wala ito. Tumayo sa harap ang sekretarya ng ama ni Shilo.
"We are now going to start the meeting." Panimula nito.
"Wait!" pigil ng isang share holder. Tumaas ang kamay ni Zhel Wang, ang nag-iisang Tito ni Shilo.
Lahat ng tao doon ay napatingin dito. Ngumiti ang matanda bago tumungin kay Sir Shawn. "May kulang pa tayo, Ms. Santaigo."
Nagtaka siya sa sinabi nito. At bago pa may magtanong ang isa sa mga naroroon ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Lahat sila ay dito nabaling ang atensyon. May mga napasinghap pa ng makita ito kahit siya ay ganoon din ang naging reaksyon. The guy who enters the conference room is the most handsome man she ever saw. May pagkahawig ito kay Shilo pero mas nakaka-angat ang kagwapuhan nito. Maputi ang lalaki at may pang-akit na ngiti sa labi. Mapula ang mga labi nito, matangos ang ilong, hindi kakapalan ang kilay, at maliit ang mga mata. Malago ang buhok nito pero hindi iyon magulo. Bagay na bagay dito ang suot na three pieces office suit. At kahit napakalayo niya dito ay amoy na amoy niya ang pabango nito. The guy smells like chocolate and peach. He smells sexy and the same time sweet. Napatingin siya sa mga kasama niyang sekretarya. Kagaya niya ay nakatulala ang mga ito habang nakatingin sa lalaki. Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata nila. Kahit si Ms. Santaigo ay natigilan dito.
Naglakad ang lalaki papunta sa gitna. He walks with so much confident. It's like he owns the building. At ng humarap ito sa lahat ay makikita ang kakaibang aura na nagmumula dito. Hindi niya masabi kung mayabang ba ang lalaki o sadyang malakas lang talaga ang dating nito.
"Good morning. I know some of you already know who I am but---- I still going to introduce myself." Umikot ang paningin ng lalaki sa loob ng conference room hanggang sa huminto iyon sa kay Shilo. Isang ngisi ang ibinigay nito sa boss niya. "I'm Shan Jammiel Wang, CEO of Mei De Hau Shoe Company and also one of the candidates for the CEO position of MDHGC."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Napatingin siya kay Shilo. Nakita niya kung paano nandilim ang mukha ng kanyang boss.
💜💜💜
HanjMie
Hope you will love Carila and Shan love story. For those who going to read this, I suggest read 'The Runaway Groom' first.