webnovel

Win Over Mr. Perfect - Tagalog

Dahil sa kahirapan, nagsusumikap at nagtatiyaga si Sonny na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi siya susuko kahit pa marami sa kaniyang mga kaklase ang binubully siya dahil sa estado ng kaniyang buhay. One time, ininsulto siya ng anak ng principal ng William University na si Ken. Sinabihan siya nito na hindi siya bagay sa paaralang iyon. Ken challenged her, kung matatalo niya si Ken sa academics aaminin nito na nagkamali siya at magso-sorry ito sa kaniya. Ngunit, kapag si Ken ang nanalo ay kusa siyang aalis sa William University at aaminin niya na hindi talaga siya bagay sa paaralan. Will she win or not? Magawa niya kayang matalo si Ken Krizian D. William na isang perpekto dahil sa taglay nitong kayamanan, kagwapuhan at higit sa lahat ay katalinuhan? O matatalo siya at kusang aalis sa sikat na paaralan?

Teacher_Anny · Urban
Not enough ratings
9 Chs

Sean

Napatingin ako sa paruparong dumapo sa palad ko. Kulay dilaw ang mga pakpak nito at may batik-batik na kulay itim. Nakatungo ako at nakasilip lamang sa paruparong iyon na animo'y hinahalikan ang palad ko.

Umayos ako nang upo dahilan upang lumipad ito palayo. Dumapo iyon sa gladiolus flower na nakatanim sa garden ng school.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng bigat sa dibdib nang makita ko si Sean at si Ishiah na magkasama. Nakita ng dalawang mata ko kung paano sila sweet sa isa't isa. Kitang-kita ng aking mata kung paano sila magyakapan. Ano ang relasyon nina Sean at Ishiah? Ano ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa?

Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang tagpong nakita ko kanina ngunit patuloy pa rin iyong nagpapabigat sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. May parte ng utak ko ang nagsasabi na sana 'wala lang ang nakita ko kanina' at sana 'walang sila.'

Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa Bermuda grass nang mapansin ko ang anino sa aking harap. Tumingala ako upang makita kung kaninong anino iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sean. Tumayo ako saka pinagpag ang alikabok na napunta sa aking palda.

"Ah eh...kasi..."

"Hindi ka rin um-attend sa huling subject natin."

Tumango-tango na lang ako sa kaniya.

"Idol mo talaga ako ah. Lagi mo akong ginagaya," pagbibiro niya sa akin.

"H-hindi ah," pagtanggi ko. Napayuko na lamang ako matapos kong sabihin iyon.

"Tara na nga."

Hinawakan ni Sean ang aking kamay. Hinila niya ako at pilit na sinasama sa kaniya. Wala na akong nagawa kundi ang magpatangay na lamang sa kaniya kahit na hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Lumabas kami ni Sean sa gate. Napansin ko pa ang pagtingin sa amin ng dalawang guwardiya roon. Nakatuon ang mata ng mga guwardiyang iyon sa magkahawak naming kamay ni Sean. Kahit hindi nila sabihin ay alam ko kung ano ang pumapasok sa mga utak nila. Babawiin ko sana ang kamay ko na hawak ni Sean ngunit mas lalo niya iyong hinawakan nang mahigpit.

Lumingon lamang si Sean sa akin at nginitian ako.

"S-sa'n tayo pupunta?" tanong ko nang tuluyan na naming malampasan ang Gate ng William University.

"Magde-date tayo."

Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon sa sinabi nito dahil baka mamaya ay binibiro lang pala ako nito. Baka katulad lang iyon ng ginawa ni Ken noong nasa garden kami. Iyong niloko ako ni Ken at nagkunyari siyang may gusto sa akin. Baka pinagti-trip-an lang din ako ni Sean.

Sinubukan kong mag-angat ng tingin at tinitigan si Sean nang mata sa mata. Gusto kong malaman kung seryoso ba ito sa sinasabi nito.

"Ayaw mo ba?" tanong niya.

"Ah...eh. Seryoso ka ba?" nag-aalinlangan kong tanong. Mahirap nang maniwala agad. Mas mabuti nang sigurado.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Tumawa si Sean nang malakas habang napapakamot sa ulo.

Dinala ako ni Sean sa isang fast food restaurant. Umorder siya roon ng napakaraming pagkain. Halos mapuno ang table namin dahil sa dami ng binili niya. Mayroon apat na fries, apat na rice, isang bucket ng fried chicken, apat na burger, dalawang plato ng spaghetti at dalawang baso ng soft drinks. Kahit hindi pa kami nagsisimulang kumain, pakiramdam ko ay busog na ako. Marahil nabusog na ang aking mata sa pagtingin pa lang dito at ganoon din ang aking ilong sa amoy pa lang ng mga pagkain.

"Ang dami nito, baka 'di natin maubos."

Nilagyan ako ni Sean ng dalawang kanin at dalawang manok sa plato.

"Anong hindi? Kailangan mong ubusin 'yan para tumaba ka. Ang payat-payat mo oh. Kumakain ka ba?"

Napatingin ako sa braso ko. Sobra naman si Sean sa salitang 'payat'. Ngunit inaamin ko na payat nga ako. Wala naman akong magagawa dahil ganito na talaga ang katawan ko. Hindi naman ako mahina kumain, hindi lang talaga siguro ako tabain.

"Kainin mo 'yan. Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo nauubos 'yan," pabirong pananakot niya.

Nagsimula nang sumubo si Sean ng Fried Chicken. Wala itong arte sa paghawak ng manok. Hindi siya gumamit ng kahit anong utensils sa pagkain ng manok, tanging kamay niya lamang ang gamit niya.

Nakakatuwang kasama si Sean. Hindi kasi siya tulad ng ibang mayayaman na classy kung kumilos. Kung gumalaw ito ay aakalain mong katulad ko lamang na galing sa simpleng pamilya.

Binaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Ginaya ko siya sa paraan ng pagkain. Kinuha ko gamit ang kamay ang hita ng pritong manok at kumagat nang malaki roon.

Nagkatinginan kami ni Sean at nagkatawanan na lang kami sa isa't isa dahil sa kalokohang ginawa namin.

Nilagyan ni Sean ng spaghetti ang loob ng burger niya. Pagkatapos ay pinalamanan niya rin iyon ng fries.

Natawa ako sa ginawa nito.

"Hala, anong ginawa mo?"

"Ang sarap kaya. Try mo," pang-aalok nito. Kumuha ito ng fries at nilagay sa burger ko. Nilagyan niya rin iyon ng unting spaghetti pagkatapos ay inabot sa akin.

Kinuha ko naman iyon at tinikman. Tama nga si Sean. Okay naman ang lasa noon.

"Oh diba?"

"Grabe kung ano-anong ginagawa mo sa pagkain," natatawang sabi ko.

Marami pang ginawa si Sean. Kakaiba rin ang trip nito sa pagkain. Sinawsaw niya ang fries sa soft drinks, pinalaman niya ang fried chicken sa tinapay at inulam ang spaghetti sa kanin. Natatawa na lang ako sa ginagawa nito at maging ako ay natatawa na rin sa sarili ko dahil ginagaya ko rin ang kalokohan niya.

Hindi na ako nakaramdam ng hiya sa oras na ito. Kahit alam kong pinagtitinginan na kami ng mga customer doon ay nagpatuloy pa rin ako sa pagsakay sa kalokohan ni Sean.

Ngayon lang naman ito. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon. At isa pa, kasama ko naman si Sean kaya wala akong dapat ipag-alala.

Sa huli ay hindi rin namin naubos ang pagkain. Nanghinayang ako kaya pinatake-out na lang namin iyon para naman hindi masayang.

Maraming mga tao ngayon ang nagugutom dahil wala silang pambili ng pagkain samantalang ang iba na nakakakain o may pambili ng pagkain ay sinasayang lamang iyon. Mahirap kumita ng pera kaya hindi ko rin gusto ang nagsasayang ng blessings na binigay lamang sa atin ng nasa itaas.

"S-sa'n na tayo pupunta?"

Tumingin ako sa langit. Madilim at nangingitim na ang kalangitan. Kung hindi pa ako makakauwi ngayon ay baka abutan ako ng malakas na ulan.

Nakarating kaming dalawa sa isang malaking bahay. Kailangan ko pang tumingala upang makita ang kabuuhan ng bahay na iyon. Hindi pala bahay kundi isang palasyo dahil sa disenyo nitong parang tirahan ng hari at reyna.

Napakalaki ng Mansion na iyon at mukhang hindi bagay ang isang tulad ko na umapak doon.

"Dito ako nakatira."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Sean. Napakalaki noon. Ngayon ay sigurado na ako na nagmula si Sean sa hindi pangkaraniwang pamilya. Isa ba itong prinsipe at hindi niya lang pinapaalam sa akin? Pero wala namang prinsipe rito sa bansa kaya malabong mangyari ang naiisip ko.

"Sir, andiyan po pala kayo," sabi ng guwardiya roon.

Kasabay nang paglapit sa amin ng guwardiya ay ang awtomatikong pagbukas ng mataas na gate.

"Bakit ngayon lang po kayo bumisita sir?" tanong ng guwardiya.

"Ahhh...naging busy lang po."

Pumasok kami sa loob matapos makipagbiruan sandali ni Sean sa mga guwardiya roon.

Pagpasok sa loob ay makikita agad ang mga bonsai at iba't ibang uri ng mga bulaklak. Ang mga lupa naman ay natatakpan ng berdeng-berde na Bermuda grass. Maganda ang buong landscape sa loob.

Lumapit ako sa fountain na nadaanan namin. Kitang-kita ko ang iba't ibang uri ng mga bato sa ilalim ng tubig. May iilang barya rin akong nakita roon.

Nilubog ko ang aking kamay sa tubig at pagkatapos ay kinampay ko iyon ng paulit-ulit. Dinama ko ang malamig na tubig mula sa fountain. Bibihira lang ako makakita ng ganito. Sa lugar kasi namin ay batis na may lumot lamang ang mayroon. Hindi pa iyon kasing linaw ng tubig sa fountain dahil paunti-unti na ring narurumihan ang batis doon dahil sa mga duming tinatapon ng mga taong nakatira malapit sa amin. Nakakalungkot lang isipin na paunti-unti nang nasisira ang likas na yaman ng bansa dahil na rin sa kagagawan ng mga tao.

"Sean! Buti dumalaw ka!"

Mabilis kong inalis ang aking kamay sa tubig at napalingon sa may-ari ng boses na tumawag kay Sean.

May magandang babae ang kumakaway mula sa pinto. Magiliw ang pagkakangiti nito na para bang sabik siyang nakita si Sean. Mahaba ang buhok nito na hanggang bewang, maganda ang hubog ng katawan at may katamtamang tambok ng dibdib at puwetan. Lalo pa itong naging sexy tingnan dahil sa suot na fitted dress.

"Kailan ka pa umuwi? Akala ko nasa Korea ka?" tanong ni Sean.

"Kahapon lang ako umuwi. Te-teka sino 'tong babaeng kasama mo?"

Nagawi ang tingin ng babae sa akin kaya napayuko ako. Mapanukat ang tinging pinupukol nito sa akin. Pinisil-pisil ko na lamang ang aking kamay dahil sa nararamdamang pagkailang sa mga titig ng babae. Alam kong sinusukat ako nito mula ulo hanggang paa.

Lumapit ang babae sa akin at nagtaas ng kilay.

"Sino ka? Ba't nandito ka?"

Napaatras ako at napalunok. Pigil-pigil ko ang aking hininga. Parang gusto ko nang tumakbo agad nang mabilis palayo sa lugar na ito. Pero paano? Nakasarado ang gate at ayoko naman na basta na lang iwan si Sean.

Pakiramdam ko kinakain ako ng buhay ng babaeng nakatitig sa akin kaya lalo pa akong napa-atras. Sa pag-atras ko ay nakalimutan kong nasa likod ko lang pala ang fountain kaya sumagi ang paa ko sa batong nagsisilbing harang niyon at unti-unting nawalan ng balanse. Sinubukan ko pang i-ayos ang sarili, ngunit huli na.

"Sean!" sigaw ko bago ko naramdaman ang malamig na buhos ng tubig sa aking katawan.