webnovel

Win Over Mr. Perfect - Tagalog

Dahil sa kahirapan, nagsusumikap at nagtatiyaga si Sonny na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi siya susuko kahit pa marami sa kaniyang mga kaklase ang binubully siya dahil sa estado ng kaniyang buhay. One time, ininsulto siya ng anak ng principal ng William University na si Ken. Sinabihan siya nito na hindi siya bagay sa paaralang iyon. Ken challenged her, kung matatalo niya si Ken sa academics aaminin nito na nagkamali siya at magso-sorry ito sa kaniya. Ngunit, kapag si Ken ang nanalo ay kusa siyang aalis sa William University at aaminin niya na hindi talaga siya bagay sa paaralan. Will she win or not? Magawa niya kayang matalo si Ken Krizian D. William na isang perpekto dahil sa taglay nitong kayamanan, kagwapuhan at higit sa lahat ay katalinuhan? O matatalo siya at kusang aalis sa sikat na paaralan?

Teacher_Anny · Urban
Not enough ratings
9 Chs

Bullied

Tumunog ang huling bell hudyat na uwian na. Nagpaalam ang huli naming professor sa English subject.

Pagkalabas na pagkalabas ni Sir Dan ay nagsimulang magtayuan ang ilan sa mga kaklase ko. May mga nagaayos, naglalagay ng pulbos, nagsusuklay at nagsasalamin. Ang ilan naman sa mga lalaki kong kaklase ay abala sa pakikipagkuwentuhan at pakikipagkilala sa ilan sa mga babae kong kaklase. Isa sa madalas lapitan ng mga kaklase kong lalaki ay si Ishiah Nica. Maganda si Ishiah. Maputi, balingkinitan, mahaba ang medyo curly na buhok. Unang tingin pa lamang sa kaniya ay magagandahan na ang makakakita. Bulag na lang siguro ang hindi makakapansin sa taglay nitong kariktan.

Inalis ko ang tingin kay Ishiah at binalik ang atensiyon sa maliit na paper bag na dala. Ballpen at notebook lang pala ang dala ko ngayong araw. Kahit gustuhin ko mang mag-ayos ay wala naman akong dala. Nag-iisa lang kasi ang suklay at salamin namin sa bahay. Kung dadalhin ko iyon ay walang magagamit si mama at papa. Hindi rin ako nagpupulbo dahil hindi naman ako sanay na may inilalagay sa aking mukha.

Magkakakilala na ang iilan sa mga kaklase ko kaya palagay na loob nila sa isa't isa. Narinig ko kanina habang nag-uusap ang mga ito na galing sila sa iisang school noong highschool, malapit lang iyon dito sa William University.

Tumayo ako at nilibot muli ang mga mata sa mga abalang kaklase. Uumpisahan ko na sanang maglakad ng may magsalita.

"San ka umuuwi?"

Nilingon ko ang nagtanong.

"A-ako? Ah...eh...sa San Isidro pa."

"Ang layo naman, Sean nga pala." Nilahad ni Sean ang kanang palad sa harap ko.

Tiningnan ko iyon pagkatapos ay nahihiyang nakipagkamay sa kaniya.

"Sonny."

"Sun, pinangalan ka pala sa araw," biro ni Sean habang nagkakamot ng ulo.

"Hindi Sonny, S-O-N-N-Y," paglilinaw ko.

"Ah hindi pala Araw kundi Anak, Son...Sun plus Son is equal to Anak-Araw." Hinawakan ako sa balikat ni Sean habang tumatawa.

"Biro lang, Tara sabay na tayong lumabas."

Gusto ko sanang tanggihan si Sean ngunit wala na akong magawa dahil hinawakan niya na ako sa kamay at hinila palabas ng silid.

Sumunod na lamang ako sa kaniya.

Habang naglalakad ay hawak pa rin ni Sean ang kamay ko. Niyuko ko ang aking ulo dahil pinagtitinginan na kaming dalawa. Umiiwas ako ng tingin sa mga estudyanteng nakakasalubong namin. Sa tuwing may makakasalubong kasi kaming estudyante ay sinusuyod nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tumingin ako muli sa kamay ni Sean na nakahawak sa akin. Na-realize ko na hindi ko pala dala ang paper bag ko.

"S-Sean sandali." Huminto ako sa paglakad kaya napahinto rin siya.

"Bakit?"

"Naiwan ko kasi ang gamit ko. Babalikan ko sa taas. Mauna ko na."

"Te-teka..."

Nagmadali ako sa paglalakad upang makalayo agad kay Sean. Baka sumama pa siya sa akin.

Tinakbo ko ang pag-akyat sa hagdan upang makarating agad. Nang matanaw ko na ang pinto sa aming silid ay saka pa lamang ako naglakad ng marahan. Hingal na hingal akong pumasok sa loob.

Pagpasok, nakita ko ang paper bag ko na hawak-hawak ng isa kong kaklaseng babae. Akmang itatapon na niya iyon sa basurahan.

"Sandali! Akin 'yan!"

Napahinto ang kaklase kong may hawak ng paper bag.

Nagtinginan sa akin ang iba ko pang kaklase na naroroon din dahil sa pagsigaw ko.

"Sa'yo 'tong basura na 'to?"

"Hi-hindi 'yan basura, gamit ko 'yan."

"Eh di hindi, mukha kasing basura eh." Hinagis ng kaklase ko ang paper bag ko na hawak niya.

Sinalo ko iyon.

Tiningnan ko ang paper bag. Ballpen na lang ang laman noon. Nasaan ang notebook ko?

"Nasaan 'yung notebook ko?" mahinahong tanong ko.

"Hindi ko alam, iyan lang ang nakita ko."

Lumapit ako sa basurahan at nakita ko doon ang notebook ko na sira-sira na. Nagkalasan na ang string nito at pilas-pilas na ang bawat pahina. Nagkalat sa loob ng basurahan ang pira-pirasong crumpled paper.

Binalik ko ang tingin ko sa mga kaklase. Nagtitinginan sila at nagbubulung-bulungan sa isa't isa.

"Si-sino ang gumawa nito?"

Tanong ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagbagsak. Oo, mura lang ang notebook na iyon pero mahalaga iyon sa akin. Kahit mabibili lang iyon ng sampung piso, galing pa rin iyon sa perang pinaghirapang kitain ni mama at papa sa pagtatanim at paglalako ng gulay. Mahalaga iyon sa akin dahil galing iyon kanila Mama at Papa.

"Hindi namin alam...tara na nga, umalis na tayo rito."

Nagsilabasan ang mga kaklase ko. Mula dito sa loob ay maririnig ang malakas nilang tawanan.

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi at saka tumingin sa sira-sira kong notebook sa basurahan. Kinuha ko iyon pati na rin ang mga piraso ng crumpled paper na karugtong ng napunit na pahina.

'Okay lang Sonny, maaayos mo 'to. Huwag ka ng malungkot.'

Huminga ako ng malalim.

Sinimulan kong buklatin ang crumpled paper. Tatanggalin ko na lang muna ang gusot nito tapos bibili na lang ako ng glue o kaya tape sa tindahan ng school supplies. Hindi puwedeng makita nina Mama at Papa ang notebook nang ganito. Tiyak na malulungkot ang mga iyon. Mauungkat lang din ang mga nangyari dahil paniguradong magtatanong sila kung bakit nasira ang notebook.

Mabuti na sigurong wala silang alam.

"If you let them bully you, they will do it again and again. Kung hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mo, better leave now, habang maaga pa. Mag-transfer ka na sa ibang school. Di ka bagay dito kung mahina ka."

Lumingon ako sa nagsalita. Si Ken pala.

"K-Ken?"

"Bakit mo hinayaang gawin nila 'yon?"

"May kasalanan din naman ako, kinalimutan ko ang gamit ko...napagkamalan tuloy nilang basura." Pilit akong ngumiti sa harap ni Ken. Kahit na ang totoo ay naiiyak na ako sa nangyari sa akin.

"Tss, idiot. Naniwala ka naman. Umalis ka na lang dito. You're not belong here."

Lumapit ako sa kaniya. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya sa akin. Hindi ako belong dito? Bakit? Pa'no niya nasabi? Dahil ba mahirap lang ako at mayaman silang lahat? Katulad lang siya ng iba!

"Sino ka para sabihin sa'kin 'yan? Kung pagsalitaan mo ako hindi ka na rin iba sa kanila. Tulad ka lang nila na iniisulto ang pagkatao ko. Hindi ako belong dito? Bakit? Dahil mahirap ako? Katulad ng sabi ko kanina hindi hadlang ang kahirapan upang makapag-aral. Magsisikap ako at magtatapos kahit ano pang sabihin niyo. Kahit hindi niyo pa ako gusto dito. Wala akong pakialam basta mag-aaral ako ng mabuti. Ipapakita ko sa inyong lahat na, social status doesn't matter."

Lumakad si Ken palapit sa akin. Pumuwesto siya sa harap ko. Unti-unti niyang binaba ang kaniyang mukha malapit sa mukha ko kaya napaatras ako ng bahagya. Almost six inches na lang ang pagitan namin sa isa't isa which is really awkward para sa akin. I can clearly smell his manly perfume dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Anong gagawin niya?

"Then show it! Ipakita mo sa aming lahat na tama ka. Lamangan mo ako in academics. I dare you. If you win, I'll apologize and accept that I am wrong about you. But, if you lose...kusa kang aalis dito. At aaminin mong hindi ka bagay dito."

"Deal! Tatalunin kita!"

"Good, that's the spirit I am looking for. Pero mukhang hindi mangyayari 'yon."

Tinalikuran ako ni Ken. Kitang-kita sa likod niya ang tindig na parang sigurado siya na hindi ako mananalo sa kaniya. Naglakad siya palabas ng silid.

Nang makalabas siya ay napaupo na lamang ako sa sahig. Niyakap ko ang aking mga tuhod. Napagisip-isip ko ang mga sinabi ko.

Tama ba na pumayag ako sa hamon nito? Masiyado ata akong naging padalos-dalos. Paano kung matalo ako? Aalis ako ng kusa rito? Pero hindi ko hahayaang mangyari iyon. Tatalunin ko siya sa academics. Ipapa-realize ko sa kaniya na mali siya nang sabihin niyang hindi ako bagay sa Universidad na ito.

I will win over him!