Bea
Galit na galit akong pumasok saking kwarto. Parang isang Halo halo ang aking dinaramdam ngayon. Gusto kong magalit pa sa kanila ngunit parang wala ng boses ang gustong lumabas saking bibig
Parang lahat ng aking lakas ay natuyo bigla. Saan ako kukuha ng pera ngayon? Next week na yung exam namin
Napasalpak ako sa sahig sa tuwing inaalala na yung perang nilaan ni papa para sakin nawala na parang bula sa isang iglap. Hagulhol ako sa tuwing naiisip ko yun, hindi ko alam saan ako kukuha ng twenty one thousand sa loob ng anim na araw?
"Pang, asan ako kukuha ng pera ngayon?" I face palmed myself thinking manghihiram nalang ako ng pera ngayon kay Mathew
I called Mathew for several times bago niya sagutin yung tawag ko
"Bakla bat napatawag ka?" Tanong nito sakin sa kabilang linya
"Bakla pwede bang jan muna ako mag stay sa inyo?" Tanong ko sa kanya
"Huh? Wait, susunduin kita sa inyo. Hintayin mo ko" saad nito bago ibaba yung tawag
"Sawang sawa na ako, palagi nalang ako yung nag-aadjust sa kanila. Bat hindi ko naisip tumalon dun sa building? Nakakawalang gana isipin sariling pamilya mo ang uubos sayo" I said in between on my sobs
I cried and buried my head on my knees. Mga ilang minuto ren ang lumipas bago makatanggap ulit ako ng tawag galing kay Mathew
"Bakla andito na ako sa labas" punong pag-alala sa boses nito
I packed my things and left my room. Gulat napatingin yung pamilya ko sakin
"Nak...saan ka pupunta ng ganitong oras" nag-alalang tanong sakin ni mama
But instead of answering, I only gave them a cold glanced bago sila nilagpasan
Ng makalabas ako sa bahay I saw Mathew waving at me, dala nito ang kanyang motor. I cried ng makalapit ako sa kanya
"Shh, sa bahay nalang natin to pag-usapan" he said
Tumango naman ako. Inalalayan niya akong makasampa sa kanyang motor and he started the engine
Ng makarating kami sa bahay niya, bukal sa loob ng kanyang pamilya na pinapasok ako sa kanilang tahanan
"Ma, pwede bang dito muna tumuloy si Bea ng mga ilang araw?" Tanong ni Mathew sa kanyang pamilya
Nilingon ko naman si Mathew "pasensya na ho sa abala. Kahit mga ilang araw lang, tita. Aalis ako agad if makakahanap na ako ng pwede kong mapapasukan na trabaho" I pressed my lips waiting for their answers
Imbis na magalit sakin yung pamilya niya sa pang-iistorbo ko sa ganitong oras, nginitian lamang ako nito ng tipid gayundin ang kanyang ama
"Oo, naman bakit hindi? Tsaka hindi kana bago samin, Bea. Pwede kang manatili dito ng mga ilang araw, base sa itsura mo parang may nangyaring hindi maganda sa bahay niyo" sagot ng mama ni Mathew
"Oh, Sha. Tulungan mo si Bea, Mathew dalhin itong mga gamit niya sa kwarto mo" utos ng kanyang ama
"Really? Sa room ko pa talaga?" Reklamo naman ni Mathew. Ewan ko kung bukal ba sa loob nitong tulungan ako or hindi. Sarap sapakin, kung maka sagot sa magulang parang kaibigan lang ah
"At saan mo naman papatulugin tong kaibigan mo, Aber?" Nakapameywang sabi ng kanyang Ina as her feet were tapping the floor
"Si mama naman hindi mabiro, syempre sabi ko nga i-aakyat ko na sa kwarto ang mga gamit ni Bea" irap na sabi ni Mathew. Talagang bakla to, sarap batukan minsan
"Tita, pasensya na talaga sa istorbo po. Wala na po kasi akong alam kung sinong tatakbuhan ko sa ganitong sitwasyon. Tanging naisip ko lamang ho ay si Mathew" pagpapaumanhin ko kay sa mama ni Mathew
"Ano kaba, hija. Madalas kang sinasama ni Mathew dito sa bahay, kaya hindi kana bago samin. Kaibigan ka ni Mathew, kaya normal lang samin na papasukin ka ng bukal sa loob namin dito sa pamamahay. Kaya wag mong iisipin na istorbo ka samin" paliwanag ng ama ni Mathew
I feel like those thorns na nafefeel ko kanina parang nawala bigla ng marinig ko yun. Hindi ko alam kung maluluha ba ako or ngingiti sa kanila