webnovel

Wildest Dreams (Charles De Witt's Obsession)

Charleston De Witt or better known as Charles De Witt was a poet, singer and composer. He has no choice when it comes to women. For him, women are just a pastime when he is bored and needs someone to make him happy But he met Mackenzie San Jose who was a famous model in the industry like him and also a very popular actress. They both do not know each other — they are like dogs and cats when they are together Which of the two would be the first to fall in love, Charles being so immodest? Or Mackenzie who is so mean to everyone in the world? Come read this story! Wildest Dreams: Charles De Witt's Obsession

Saki_Meager · Urban
Not enough ratings
33 Chs

Obsession 14

NAIHAMPAS na lang ni Charles ang parker pen na gamit sa mesa ng hindi niya magawang makapagconcentrate sa ginagawang pagsulat ng panibagong tula. Kailangan niya itong matapos ngayong gabi dahil bukas na bukas din ay ipapublish na ito sa pinagkakatiwalaan niyang publisher

Nasa kalagitnaan siya ng pagsusulat ng biglang pumasok si Mackenzie sa kanyang isipan habang ang boyfriend nitong si Giovanni ay nakaakbay sa babaeng pinagnanasaan niya, bigla siyang nastuck sa pangalawa at pinakauna na talata.

Wala na siyang ibang maisip at wala na siyang mapipiga dahil puro si Mackenzie na lang ang laman ng kanyang isipan

He wore his words like a loaded gun—

"Fuck!" Malutong na mura ni Charles ng hanggang doon na lang ang kaya niyang isulat

Pinaghahampas niya ang sariling sentido baka sakaling makatulong iyon para maalis si Mackenzie sa sistema niya. Pero umabot na lang sa punto na sumakit na ang ulo niya kakahampas doon ay hindi talaga nawala sa isipan niya ang magandang mukha ng dalaga

"Stop it Charleston! She already have her boyfriend—so stop the fuck up!" Kastigo niya sa kanyang sarili at nagpunta sa sariling mini bar ng kanyang condo

Gusto niyang isipin na baka kapatid lang iyon ni Mackenzie o hindi kaya ay malapit na kaibigan, pero meron bang ganoon na sa sobrang kasweetan ay halos hindi na nito maiwan iwan ang girlfriend na lumaki sa industriya?

Napapailing na binuksan ni Charles ang vodka habang ito ay isinasalin niya sa basong madalas niyang gamitin kapag siya ay naglalasing na mag-isa

"Babawiin kita sa kanya Mackenzie, hindi ko hahayaang masaya kayo habang ako ay nakatanaw sa malayo na pinagmamasdan kayo ng boyfriend mo" pagsasalita niya ng mag-isa at inisang lagok lang ang inuming alak na halos mangalahati na sa kanyang baso

"GOD! Mackenzie, alam mo ba kung gaano kasama ang tingin ni Charles sa'kin kanina? Parang anytime ay gusto niya akong patayin o hindi kaya ay lunukin ng buhay!" Paglilitanya ng manager habang ito ay pabalik balik na naglalakad sa kanyang harapan

Wala siya sa tamang katinuan para sabayan sa tupak nito. Heto siya at nakaupo sa malaking sofa habang nakatingin sa sahig at hawak hawak ang unan na nasa kanyang kandungan

"Hoy! Nakikinig ka ba?!" Pakinig niyang tanong ni Giovanni sa kanya at umupo sa tabi niya

"Bakit parang iba ang nararamdaman ko kapag malapit siya sa'kin Giovanni?" Tanong niya sa kanyang manager na hindi man lang ito tinitingnan

Ramdam niyang umayos ng upo si Giovanni at ihinarap ang sarili sa kanya habang ang kanang siko nito ay ipinatong sa headrest ng sofa at ang kaliwang paa nito ay itinago sa ilalim ng hita na parang inupuan din nito

"What do you mean, na iba ang nararamdaman mo towards him?" Balik tanong nito sa kanya

Hindi niya alam kung paano iyon ipaliwanag mismo kay Giovanni. It feels like she can't peacefully fall asleep without telling this to anyone

"Iba talaga kapag malapit si Charles sa'kin, parang ayoko ng lumayo siya sa'kin Giovanni. At the same time ay naiilang ako sa kanya pero nangingibabaw pa din ang emosyon kong ayaw kong malayo sa kanya—" pagkukuwento niya sa manager

Nakita niya sa gilid ng mga mata niya kung paano nagreact si Giovanni. Napasinghap ito sa kanyang kinuwento ngayon ngayon lang

"Are you for real Mackenzie?! It looks like you cursed him to death tapos ito pala ang nararamdaman mo sa kanya? My God, I can't believe this" napapailing na asik nito habang hawak hawak ang noo

"Crush mo nga si Charles pero kapag inaasar ka niya gusto mo siyang lunurin sa baldeng puno ng tubig dahil sa galit at inis na nararamdaman mo tungkol sa kanya; and now it suddenly turned into this?" Dagdag pa nito

Maski siya ay hindi alam kung ano ang nirereact ng kanyang sarili, hindi niya pa lubusang kilala si Charles pero heto ang katawan niya't hinahanap ang lalaki—she can't just deny this emotion; the part of her wants Charles

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito Giovanni?" Umaasang tanong niya sa kanyang manager

"Sorry Bellisa, but I'm not a love expert. Hindi ko masagot ang tanong mo kasi hindi ko pa din naman naranasan iyan simula no'ng nagkaboyfriend ako" anas nito

Akala niya ay malalaman na niya kung ano ang ibig sabihin nitong nararamdaman niya pero hindi pala

"Why don't you try to talk to him sa susunod na magkikita kayo, baka makumpirma mo kung ano iyan—o hindi kaya ay landiin mo na lang." Pagbibiro nito na seneryoso niya

"Giovanni! I can't believe you, gusto mo ba talaga maissue ang alaga mo ano?! Akala ko ba ay ayaw mo na akong masangkot sa gulo pero heto ka't pinupush mo pa ako papalapit kay Charles; remember nasa status na tayo ng pagiging sweet na fake boyfriend and girlfriend" nanlilisik ang mga matang aniya

Hindi niya akalaing pati manager niya ay kaya siyang ilaglag mapalapit lang siya kay Charles

"Okay, sige. Let's end this para masagot na iyang katanungan mo." Putol nito sa kanya at tumayo pero bigla niyang nahawakan ang kamay nito

"No. Let's continue this freaking relationship kahit nakakainis kang kasama" pigil niya at hinila ito para makabalik sa pag-upo sa sofa

NAPAPATAWA na lang si Charles sa mga nakikita niya sa Instagram account niya, puro kasi iyon throwback pictures nilang magkakaibigan no'ng sila pa ay nasa college. Grabe; lahat ay nagbago maging siya—kung dati ay payatot pa siya dahil hindi mahilig kumain ng gulay ngayon ay malaki na ang pinagbago niya

Narealized niya kasing ang pangit pa lang tingnan kung hindi naaalagan ang sariling katawan dahil napapabayaan na. Kahit ayaw niya sa mga veggies ay sinubukan niyang kumain at mahalin ang mga ito para naman masanay na siya at gaganahang kumain ng iba't-ibang masustansiyang pagkain

Tinodo na ni Charles ang pag-scroll na halos hindi na niya makita ang ibang pictures dahil sa sobrang bilis ng takbo ng mga ito pababa, ngunit natigil si Charles ng may mahagilap siyang nakaagaw sa kanyang atensiyon

Agad siyang nagscroll up at tiningnan ang iilang pictures ni Mackenzie sa isang fan account nito na mackenstagram26, lima lahat ang pictures ni Mackenzie na may kasamang lalaki na kasing tangkad niya din

Nakaakbay ito sa babae at nakangiti ng malaki habang nakatingin sa camera, random lang ang pag-upload nito dahil halatang hindi na inarrange.

Napakunot ang kanyang noo ng mabasa ang caption nito, so sila na nga talaga? Hindi na ito prank?

Kahit na may pagkatipsy na siya ay naturang luminaw ang kanyang paningin ng makita ang account na ito kahit hindi niya finollow. Dumadalawa na ang kanyang paningin pero nakakabasa pa siya ng mga maliliit na letra sa cellphone niya

Now trending! Mackenzie San Jose and Giovanni Pialago are now officially dating!!

Napaismid si Charles—

Mas better pa siyang maging boyfriend ni Mackenzie, kitang-kita kasi niya na hindi marunong mag-alaga ng babae itong si Giovanni; inaamin na niyang jinujudge niya ang isang tao kahit hindi niya ito kilala pero iyon ang nakikita niya sa so called boyfriend ni Mackenzie

Para nga itong bading kung kumilos

"Sa lahat ba naman ng pipiliin mo sa mundong ito ay binabae pa talaga? Hindi ka marunong pumili ng kapareha Mackenzie—" napapailing niyang bumulong bulong at mas piniling tumungga sa bote