webnovel

Wildest Dreams (Charles De Witt's Obsession)

Charleston De Witt or better known as Charles De Witt was a poet, singer and composer. He has no choice when it comes to women. For him, women are just a pastime when he is bored and needs someone to make him happy But he met Mackenzie San Jose who was a famous model in the industry like him and also a very popular actress. They both do not know each other — they are like dogs and cats when they are together Which of the two would be the first to fall in love, Charles being so immodest? Or Mackenzie who is so mean to everyone in the world? Come read this story! Wildest Dreams: Charles De Witt's Obsession

Saki_Meager · Urban
Not enough ratings
33 Chs

Obsession 13

DAHAN-DAHANG sumandal si Mackenzie sa likod ni Luke habang ang dalawang daliri sa kamay nito ay nakasuksok sa dalawang bulsa ng kanyang denim jeans. Nang dahil sa nangyari kanina sa lady's room ay hindi na niya magawang tumingin pa kay Charles ng mata sa mata

"Wait! Mackenzie, pansin kung kanina ka pa hindi nakikipagcooperate sa partner mo. May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Robbie sa kanya at tumayo pa sa pagkakaupo sa upuan

"W-wala," sagot naman niya at pasimpleng huminga ng malalim

Hindi kasi maalis sa isipan niyang hinalikan siya ni Charles kanina; akala niya ay isa lang iyong panaginip pero nagkakamali siya dahil lahat ng nangyayari ngayon sa kanyang kapaligiran ay totoo—

"Are you sure?" Paninigurado ni Robbie

Tumango lang siya bilang sagot

"Look, Mackenzie. You need to focus on this one okay? Last na 'to at makakapagpahinga ka na. I know that you are stress—" may bahid ng pag-aalala sa boses ni Luke na bumulong ito sa kanyang tenga

"Okay lang ako Luke, hindi kasi ako komportable kay Charles" sagot naman niya at pasimpleng hinagod pababa at pataas ang kanyang mga braso na nagsisitayuan ang mga balahibo

Ganito siya kapag kinakabahan o hindi kaya ay naiilang sa isang tao. Hindi siya sanay sa mga ganito

Kaagad namang lumapit si Charles sa kanya at ipinatong ang black leather jacket sa kanyang magkabilang balikat

"I know that you are cold, wear my jacket; babagay iyan sa suot mong tee shirt." Walang kaemo-emosyong singit nito habang tinapunan ng masamang tingin si Luke

What's with this guy?

"T-thanks." Nauutal niyang pagpapasalamat sa lalaki at umayos ng tayo

"On the count of three—pose!" Sigaw ni Charles na ngayon ay nakatutok na sa camerang ginagamit

Napapikit pa siya ng bahagya ng umilaw ang flash nito: wala na talaga siya sa mood ngayon, parang biglang nadrain lahat ang kanyang energy

"Good job guys, nagawa niyo ng tama ang mga trabaho niyo at sa susunod na linggo. Pupunta tayo sa isa sa mga pinakasikat na beach resort dito sa Pilipinas—doon natin isoshoot ang huling photoshoot na gagawin natin, naiintindihan niyo ba ako?" Anas ni Robbie na ikinatango ng lahat maliban sa kanya

"And as for you Mackenzie, take a break first o hindi kaya ay magbakasyon ka muna. Obvious na obvious sa'kin na stress ka sa mga panahong ito; madami kang trabaho right?" Tanong sa kanya ni Robbie

Hindi siya sumagot sa halip ay tumango na lang siya

Nilapitan siya nito at inakbayan

"Aww, my poor little baby. What's your problem ba ha? Baka sakaling matulungan kita—kami ni Charles" nang sabihin nito ang pangalan ng binata ay awtomatikong napatingin siya dito

At gayon din si Charles, nakatingin din ito sa kanya na halata sa mukha ang sobrang pag-aalala

"I don't have any problems, napagod lang siguro ako nitong mga nakaraang araw and you know; industry is stressing me out." Palusot niya

Aminadong stress nga siya, pero hindi dahil sa trabaho kundi kay Charles mismo! Hindi niya lubos maisip kung bakit siya nito hinalikan, may motibo ba ang binata para gawin iyon sa kanya?

"Can I go now? Kailangan ko kasing magpahinga—" hinging permiso niya sa kaibigan na kaagad naman pumayag sa kanyang kagustuhan

"Okay, take care of yourself Mackenzie. God knows how I don't want you to be sick" malambing na sagot naman ni Robbie at tinulungan pa siyang buhatin ang mga paper bags na ang mga laman ay mga regalo galing sa kanyang mga loyal fans

"Mag-ingat ka Mackenzie, tawagan mo ako kung naka-uwi ka na sa condo mo—" huling bilin sa kanya ni Robbie at inayos ang kanyang buhok

Walang ibang ipinakita si Robbie sa kanya kundi puro kabaitan, naging boyfriend niya ito nang siya ay nasa highschool pa lang at ito ay nasa college degree na

Pero hindi din nagtagal ang kanilang relasyon, naghiwalay din kaagad sila dahil kailangan nitong pumunta ng Scotland para doon ipagpatuloy ang pag-aaral at para makapagpatayo na din ng sariling negosyo

"Thank you for always caring about me Robbie, sobrang bait mo sa'kin kahit na palagi kitang inaaway noon maging sa ngayon." At binuntutan pa ito ng maagang tawa

Napangiti naman si Robbie at naiilang na napakamot sa batok nito—kitang kita niya pa kung paano namula ang magkabilaang pisnge nito

"Ano ka ba wala 'yun," nahihiyang tugon nito at nag-iwas ng tingin

Ang kaninang nakangiti na si Mackenzie ay napalitan ng pagkalungkot na aura. Ano kaya kung hindi sila naghiwalay ni Robbie, sila pa kaya hanggang ngayon? Siguro ay masaya silang dalawa at maroon ng mga anak. Sabi nga sa kanta; pinagtagpo ngunit hindi tinadhana

"Ikamusta mo na lang ako sa mga anak mo Robbie, sabihin mo dadalawin ko sila—" bilin niya at inayos ang jacket na pinahiram sa kanya ni Charles

Nakalimutan niya palang isa-uli ito

"Makakarating—" maikling sagot nito at bahagyang umatras

"Sige, pasok na ako sa loob. Kailangan pa kasi ako do'n eh" bulalas nito habang ang isang kamay nito ay nakataas at ang hinlalaki ay nakaturo sa likuran

Tumango lang siya bilang sagot na pumayag siyang magpa-iwan na dito sa labas. Nandito na din naman si Giovanni na kasama niya sa pag-uwi

Pagkatalikod niya ay may bigla namang humawak sa kanang siko niya—alam ni Mackenzie kung sino ang pumigil sa kanya dahil kilala at pamilyar sa kanya kung paano ito humawak gaanon din sa amoy nito

"Hatid na kita sa condo mo, masyadong delikado na dito sa labas." Ani Charles na ikinaharap niya dito

Tiningnan niya ito mata sa mata at pagkatapos ay bumaba ang kanyang mga mata sa kamay nitong nakahawak pa din sa kanyang siko. Dahan-dahan niyang inilayo ito na kaagad namang binitawan ni Charles

"No need, nandito naman ang boyfriend ko at ihahatid niya ako sa condo ko—Giovanni!" Tawag niya sa manager na sinabutahi niyang maging fake boyfriend

"Nandito na ako!" Sagot naman nito na hinihingal pa

Napatingin naman si Charles kay Giovanni at hindi nito magawang ialis ang tingin sa manager, ang kaninang emosyon na nakita niya kung paano nito tingnan si Luke ay ganoon din ang ibinato kay Giovanni—walang kaemo-emosyon ang mga mata nito

"Siya ba ang boyfriend mo?" Tanong nito na parang naninigurado

"Oo, pare. Bakit may problema ba?" Sagot naman ni Giovanni at inakbayan ang alaga

Hindi na bago kay Mackenzie na minsan lang marinig ang boses lalaki ni Giovanni; gaya ng sinabi niya ay binabae ito at pilit na iniiba ang boses para maging isang babae

Hindi sumagot si Charles sa halip ay isinilid nito ang isang kamay sa suot nitong tattered black jeans. Bumaba ang kanyang paningin ng biglang may inilahad si Charles sa kanyang harapan

"Nakalimutan mo," anas nito na hindi man lang ibinaba ang kamay

Nanginginig naman na tinanggap niya ang isang hindi kalakihang paper bag, maingat niyang kinuha ito mula kay Charles na hindi sumasagi ang mga daliri sa medyo nakakuyom nitong kamay

Pero sadyang malaki talaga ang kamay ni Charles at hindi niya maiwasang madaanan iyon ng kanyang malambot at maliit na kamay. Nang mahawakan na niya ang paper bag ay kaagad naman iyong binitawan ni Charles at isinilid ang isang kamay nito sa isang bulsa

"Ingat sa pag-uwi." Anas nito at tinalikuran na sila

Nang mawala sa paningin niya si Charles ay hindi pa din niya magawang igalaw ang katawan sa sariling kinatatayuan para siyang naestatwa sa tugon nito

"Hoy Mackenzie, tara na nangangalay na ang paa ko kakatayo oh!" Kalabit ni Giovanni na mahina siyang sinigawan

Doon lang siya natauhan ng marinig niya ang ungot ng sariling manager. Hindi man lang siya nagsalita sa halip ay nilampasan niya lang ito habang siya ay nakatulala at hindi alam kung saan siya dadalhin ng sarili niyang mga paa