webnovel

Wildest Dreams (Charles De Witt's Obsession)

Charleston De Witt or better known as Charles De Witt was a poet, singer and composer. He has no choice when it comes to women. For him, women are just a pastime when he is bored and needs someone to make him happy But he met Mackenzie San Jose who was a famous model in the industry like him and also a very popular actress. They both do not know each other — they are like dogs and cats when they are together Which of the two would be the first to fall in love, Charles being so immodest? Or Mackenzie who is so mean to everyone in the world? Come read this story! Wildest Dreams: Charles De Witt's Obsession

Saki_Meager · Urban
Not enough ratings
33 Chs

Obsession 12

"ROBBIE? Bakit ka napatawa—" biglang naputol ang dapat na sasabihin ni Charles ng bigla siyang inunahan ni Robbie

"Ano ka ba naman pare! Nakailang tawag na ako sa'yo pero hindi ka sumasagot, nasaan ka na ba?!" Malakas ang boses na tanong nito sa kanya

Hindi maiwasang kumunot ang noo ni Charles, hindi naman tatawag itong si Robbie kung wala itong importanteng sasabihin sa kanya

"I'm here in my unit, why?" Naguguluhan naman niyang sagot

"Fuck—" sagot ni Robbie sa kabilang linya

"Anong fuck ang sinasabi mo diyan pare, nandito ako sa condo ko kakatapos ko lang maligo" nagpapahid sa medyo may kahabang buhok na anas niya habang hinihintay ang sagot ni Robbie

"Hindi ka naman siguro makakalimutin Charles ano? May photoshoot tayong gaganapin ngayon, nandito na ang lahat—sina Mackenzie, ang mga staff at ang bago nating model na si Luke Illot!" Pagpapa-alala nito sa kanya

Hindi siya sumagot sa halip ay inalala niya ang araw na kailan ito nagsabi ng eksaktong araw para sila ay magtipon tipon ng muli

"Holy shit! I'm so sorry bro—papunta na ako. I'll be there in just five minutes" sagot niya ng maalala na niya ang lahat lahat

"Nandito na ako!" Humihingal pa na pang-iimporma ni Charles habang napahawak sa dalawang tuhod na dahil sa sobrang pagod niya kakatakbo marating lang ang studio na ito

Ginamit niya ang kanyang sasakyan papunta sa kompanya ni Robbie pero medyo natagalan lang siya ng kaunti dahil sa magulo doon sa parking lot. Sira pa ang elevator kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang maghagdan hanggang sa makaabot siya dito sa pinakahuling floor

"Jesus Charles! Kanina pa naghihintay ang mga model natin. Mabuti na lang talaga at hindi mga reklamador ang mga napili kung modelo maliban na lang kay Mackenzie na naiinip kakahintay sa'yo kung kailan ka raw darating!" Anas ni Robbie at hinagisan siya ng bottled water

Hindi nakalagpas sa pandinig niya ang pagka-inip na sinasabi ng kaibigan. Really? Si Mackenzie San Jose hinintay siya? Weh, 'di nga?!

Agad siyang napangisi ng lumingon si Mackenzie sa gawi niya at inirapan siya

"Okay guys, ready! Magsisimula na tayo!" Pag-agaw ni Robbie ng atensiyon ng kanyang mga katrabaho na kaagad naman ikinakilos ng mga ito

Siya naman ay pumunta na sa kanyang pwesto at tiningnan ang camera na gagamitin. Pumwesto naman si Mackenzie sa kanyang harapan na ilang metro ang layo sa kanya at inayusan ng make-up artist

Hindi niya mapigilang sulyapan ang dalaga, napakaganda talaga nito at hindi niya mapigilang hindi sawayin ang sarili

Masyado na siyang nahihipnotismo sa gandang taglay ni Mackenzie saan ba ito nagmana at parang kamukha nito si Mama Mary

Tumikhim siya at ibinalik ang atensiyon sa pagkalikot ng camera pero kitang kita naman niya sa gilid ng kanyang mata si Mackenzie. Nakangiti ito habang may kausap na isang lalaki na ngayon lang niya nakita. That's supposed to be the new model

"Sige na guys, we're running out of time! Pumwesto na kayo!" Palakpak ng tatlong beses na sigaw ni Robbie at umupo sa upuan kaharap ang desktop

Siya naman ay tumayo ng maayos at sumilip na sa view finder eyepiece. Kitang kita niya ang pasimpleng pagtampal ni Mackenzie sa hita ng lalaki habang ito ay dahan-dahang umupo sa nakabuka nitong mga hita

Hindi niya mapigilang mainis, bakit kailangan niya pa itong masaksihan!

"On the count of three, pose!" Sigaw niya at iwinaksi sa isipan na baka may namamagitan kina Mackenzie at kay Luke

Sumandal si Mackenzie sa dibdib ni Luke at sinadyang ipinapapungay ang mga mata sa harap ng camera

Mackenzie is professional when it comes to this, parang hindi nito inalintana na kung sino sinong mga lalaki ang hahawak sa katawan nito

"Okay, good. Isa pa—" asik niya at pumunta sa gilid dahilan para mapatingin din ito sa gawi niya

Parang nakuha naman kaagad ni Mackenzie ang dapat na gusto niyang pose nito dahil bigla na lang itong patagilid na umupo sa sofa at isinandal ang ulo sa dibdib ni Luke na nakasuot lang ng white long sleeves habang hindi nakaayos ang neck tie nito. Tumingin si Mackenzie sa camera at ipinuwesto ang kaliwang kamay para hawakan ang dibdib ni Luke

Ang kanyang kapareha naman ay prenteng nakasandal lang sa sofa habang nakatungo sa ulo niya at parang inaamoy ang buhok ni Mackenzie

Hindi na ito tungkol sa pag-eendorse ng mga bagong labas na items. Sina Mackenzie at Luke ang inatasan na maging isang model para sa isang cover ng nobela

Kung matatapos nila ito ay posible na itong ipadala sa website ng isang sikat na editor na nasa bansang America nakatira. Minensahe nito si Robbie na maghanap ng mga modelong hindi masyadong kilala sa lipunan maging sa ibang bansa kaya napili nito sina Luke at Mackenzie

Hindi naman sa hindi sila kilala, pero wala ng ibang mahahanap si Robbie kundi ang dalawang propesyonal na modelong ito ang gawing pabalat sa kung sino man ang editor ng mga gumagawa ng nobela

"Good job guys, sige na bihisan niyo na sila—bilis!" Utos ni Robbie na kaagad namang nilapitan ng mga staff nito

Kaagad na tumayo si Mackenzie at pumasok sa lady's room, inabutan ito ng isang staff ng dirty white tee shirt at wide denim jeans

Hindi maiwasan ni Charles na huminga ng malalim

Kailangan niyang magconcentrate dahil siya ang mananagot kapag mali ang nagawa niyang pagkuha ng litrato

HALOS lumabas na ang puso ni Mackenzie dahil sa kabang nararamdaman. Hindi siya sigurado sa kung anong nasaksihan niya kanina tungkol kay Charles. Pansin niyang tutok na tutok ito sa trabaho at hindi man lang siya binigyan ng pansin kanina matapos siya nitong ngisihan ng lumingon siya sa gawi ng lalaki

Halos mapasigaw si Mackenzie ng biglang pumasok si Charles sa lady's room kung saan siya nagbibihis. Nahubad na niya ang suot na manipis na gown na sinuot niya kanina at tanging panty lang suot niya

Hindi naman kasi niya inaasahan na may foam pala sa loob ng gown na sinuot niya kanina kaya hindi na siya nag-abalang magsuot pa ng bra

Kaagad niyang tinabunan ng tuwalya ang katawan ng mapalingon si Charles sa gawi niya

Inilock pa nito ang pintuan bago ito lumapit sa kanya

"Charles! Anong ginagawa mo dito. Nasa maling room ka! Umalis ka dito, alis!" Taboy niya sa binata at dahan-dahang umatras sa pagkakatayo

Pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa tuwalyang nagsisilbing damit ng kanyang hubad na katawan habang napapasandal sa malamig na sementong dingding

Mabilis pa sa alas kwatrong iniwas niya kaagad ang tingin habang si Charles ay dahan-dahang inilagay ang dalawang braso sa dingding dahilan para siya ay makulong sa mga bisig nito

"Mackenzie—"

"Hindi ako 'yun okay? Kung 'yun ang isyu mo kung bakit ka pumasok dito—sasabihin ko na sa'yo ng harap harapan na hindi nga ako 'yun." Mariin niyang putol dito

Napapikit na lang si Mackenzie ng maramdaman niyang tumama ang hintuturo ni Charles sa kanyang leeg habang sinusuklay nito ang magulo niyang buhok at isinukbit ang iilang grano ng kanyang buhok sa kanyang tenga

"Charles—"

"Alam kong ikaw talaga 'yun Mackenzie. Bakit ayaw mo pang umamin sa'kin" ito naman ang pumutol sa kanya

Tumayo ang mga balahibo niya sa batok ng maramdaman niya ang malambot na labi ni Charles sa kanyang kaliwang pisnge

Maingat siya nitong hinalikan habang ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang baba at unti-unti siyang pinaharap dito

Nang magtama ang kanilang mga mata ay halos mahigit niya ang kanyang sariling hininga. Sobrang lapit ng mukha ni Charles sa kanya at halos maduling na siya kakatingin sa mga kulay kayumangging mga mata nito

Nang magsasalita na sana siya ay bigla na lang siya nitong hinalikan ng marubdob. Maingat siya nitong hinalikan na parang alagang alaga siya nito

Umawang ang kanyang makipot na bibig ng bahagyang kagatin ni Charles ang kanyang pang-ibabang labi. Eksperto ito sa ginawang paghalik sa kanya habang siya ay hindi magawang sabayan ang mainit nitong halik

She don't know how to kiss, kasi wala pa namang lalaking nakahalik sa kanya. Aaminin niyang madami na siyang naging nobyo pero kahit ni isa sa mga 'yun ay hindi niya pinayagang halikan siya

Pero pagdating kay Charles? Kusang sumang-ayon ang kanyang katawan ng lumapat ang mga labi nito sa kanyang walang karahasan sa paghalik niyang labi

"You didn't kiss me back—" anas nito habang yakap yakap siya

Hindi niya magawang yakapin din ito pabalik. Nakatuon pa din ang kanyang mga kamay sa tuwalyang halos mabitawan na niya dala ng emosyong pinapakita ni Charles sa kanya

"I-I don't know how to k-kiss," pagsasabi niya ng totoo habang nakatitig sa kawalan

Narinig niyang tumawa ng magaan si Charles sa kanyang sagot

"Hindi ko akalaing wala ka pang karahasan sa mga ganitong bagay-bagay." Kinuha nito ang kanyang tee shirt at denim jeans saka siya inalalayan papasok sa cr

"Magbihis ka na, hihintayin kita dito—" huling tugon ni Charles sa kanya bago isinara ang pinto