webnovel

Wildest Dreams (Charles De Witt's Obsession)

Charleston De Witt or better known as Charles De Witt was a poet, singer and composer. He has no choice when it comes to women. For him, women are just a pastime when he is bored and needs someone to make him happy But he met Mackenzie San Jose who was a famous model in the industry like him and also a very popular actress. They both do not know each other — they are like dogs and cats when they are together Which of the two would be the first to fall in love, Charles being so immodest? Or Mackenzie who is so mean to everyone in the world? Come read this story! Wildest Dreams: Charles De Witt's Obsession

Saki_Meager · Urban
Not enough ratings
33 Chs

Obsession 10

MANGIYAK ngiyak na isinalampak ni Mackenzie ang sarili sa kanyang kama habang ang dalawa niyang mata ay nakapikit. Hindi niya subok akalain na totoo ang hinala niya, na girlfriend talaga iyon ni Charles si Aqueela; hindi maiwasan ng kanyang isipan at puso na magtalo

Ang kanyang isipan ang nagsabi na nobya nga talaga iyon ng long time crush niya, habang ang kanyang puso naman ay pilit na nagdedebate na kapatid lang iyon ni Charles sa salitang ginamit na Kuya—

Oo nga't crush niya si Charles hanggang ngayon pero hindi lang niya pinapahalata na may feelings siya dito baka asarin lang siya or worst ay pagtawanan pa. Nang malaman niyang ganoon pala ang pag-uugali ni Charles sa likod ng camera ay naturang naturn off siya dito. Akala niya ay mabait talaga ito—pero kabaliktaran naman ang nakikita niya sa imahe ng lalaki

Kapag nagkikita sila o hindi kaya ay magkasama sa set ay palagi siya nitong inaasar, iyong tipong hindi siya nito tatantanan hanggang sa hindi siya nagagalit. Hindi siya katulad ng ibang mga babae na gustong gustong asarin para mas lumapit pa ang mga taong gusto nila

"Hello!" Pasigaw niyang bungad sa caller na hindi man lang tinitingnan ang cellphone

"Mackenzie—" halos malaglag ang panga niya ng marinig niya ang boses ni Charles sa kabilang linya

"Ba't ka tumawag? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na tantanan mo na ako?!" Naiinis na naman niyang binulyawan ito

Sa halip na asarin na naman siya nito ay nagulat si Mackenzie sa sinabi ni Charles

"May tanong ako sa'yo at gusto kong sagutin mo ito ng hindi ka nagsisinungaling sa'kin—" asik nito na ikinanginig ng kanyang dalawang kamay

Dahil sa kaba ay inilayo niya muna ang cellphone sa kanyang sarili at bumuga ng hangin. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito—pati mga labi niya ay nanginginig sa sobrang kaba

"S-sige, ano bang klaseng tanong 'yan." Pagpayag niya at ipinikit ang mga mata

"I know that it's you Mackenzie, nandoon ka sa cafeteria hindi ba? Anong ginagawa mo do'n?" Panimula nito

Sinasabi na nga ba niya, nakita siya nito; paano siya nakilala ni Charles?

"A-anong ako? Hey, it's not me okay! At nandito ako ngayon sa condo ko—ano namang gagawin ko do'n sa loob ng cafeteria!" Defensive niyang sagot

Pero mukhang obvious ang kanyang ginawang pagsisinungaling dahil pinapahiwatig niya mismo iyon kay Charles na siya nga mismo ang babaeng 'yun

"Really, Mackenzie? I hope you're telling the truth." Sabay baba ng telepono nito

Nang masiguradong ibinaba na nga ni Charles ang cellphone nito ay napatalon talon siya sa kapalpakan. Hindi pwedeng malaman ni Charles na siya 'yun. At kapag nakompirma nito na siya iyong nakasuot ng halter ay tiyak na hindi siya nito tatantanan

Bigla siyang napatigil sa pagtatalon ng may pumasok sa kanyang isipan, brilliant idea! Kailangan niya ng tulong ni Giovanni. I'm sure papayag iyon sa gusto niyang maging fake boyfriend

"Hello, Giovanni. This is Mackenzie. I need your help—right now." Maawtoridad na anas niya at hindi na hinintay na makasagot si Giovanni

"Mackenzie, naman eh. Bakit mo ba ako pinapunta dito sa condo mo." Pagmamaktol ni Giovanni ng mabuksan na niya ang pintuan

"Come in—" bulalas niya at hinila ang kamay nito bago inilock ang pintuan

"Ano ba kasing klaseng tulong ang kailangan mo sa'kin—matutulog na sana ako dahil pagod ako pero bigla ka na lang tumawag!" Reklamo nito at umupo sa sofa habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa sariling didbib nito

"Listen, Giovanni. Kailangan ko ng tulong mo ngayon din." Pagpapakalma niya dito at tumabi ng upo sa manager

"Gusto kong maging boyfriend kita sa harap ng camera maging sa off cam; naiintindihan mo ba ako?" Parang gurong tinanong niya ito at hinawakan ang mukha ni Giovanni

Ilang beses na ikinurap ng manager ang mga mata nito at pagkatapos ay tinanggal ang kanyang mga kamay na nakahawak sa magkabilang pisnge nito

"Are you out of your mind, Mackenzie?! Nakakadiri ka naman ghorl, hindi tayo talo okay? Lalaki ang gusto ko lalaki!" May diin sa bawat salita na sagot ni Giovanni

Akala niya ay maiintindihan siya ng sariling manager pero hindi pala, akala niya ay tutulungan siya nitong hindi mabuking ni Charles

"Help nga 'di ba?! Don't worry, hindi naman talaga kita jojowain in person, at saka hindi ako pumapatol sa mga binabaeng katulad mo; all I want you to do is to help me settle this down!" Pagpapaintindi niya dito

"Ano ba kasing nagawa mo at bakit ganyan ka na lang magreact sa harapan ko. Bakit may na involved na boyfriend kung anong kaechosan itong naiisip mo—loka loka ka!" Sagot naman nito sa kanyang sinabi

Alam niyang kayang kaya na gampanan ni Giovanni ang pagiging fake boyfriend nito para sa kanya. At kapag dumating na ang araw na iyon nakakatiyak siyang lulubayan na siya ni Charles

"Wala akong nagawang masama okay? Natatandaan mo pa ba ang nangyari kanina? You know, iniwan kita sa restaurant at pumasok ako sa cafeteria katapat ng kinainan natin dahil nakita ko si Charles, at hindi nga ako nagkamali dahil siya nga iyon! May kasama siyang babae Giovanni at girlfriend niya!" Sumbong niya na ikinasinghap ni Giovanni

"Hala! Paano na 'yan? Taken na pala ang crush mo—" aniya at hinagod hagod ang kanyang likuran

Sinamaan naman niya ito ng tingin at itinulak

"Kaya nga kailangan ko ang tulong mo dahil nakita niya ako sa loob ng cafe, tinawagan niya ako kanina at tinanong ako kung ako nga ba 'yun pero nagsinungaling ako sa kanya! Ayokong malaman niya na ako nga 'yun, please Giovanni help me—just this time! At kapag natapos na ito hindi na kita bibigyan ng problema. Just please be my fake boyfriend!" Pagmamakaawa niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nito

Tiningnan lang siya ni Giovanni at tinaasan ng kilay

"Sure ka ba diyan Mackenzie? Kilala kitang bruha ka, at alam kung damay na ako sa gulong papasukin mo ngayon dahil sabi mo nga? Magiging boyfriend mo na ako? I'm sure magugulantang ang mga press at paparazzi kapag nagkasama tayo together with our corny relationship." Anas nito at tumayo

"At paano na ang boyfriend mo Mackenzie? I love him and he loves me too. Kapag nalaman niya ito siguradong hihiwalayan na ako no'n—" dagdag pa nito

"Don't worry Giovanni, magpapaliwanag ako kay Marco. I'm one hundred percent sure that he'll understand" sagot naman niya para hindi na ito mabahala pa