5 Years Later...
"We are very fortunate tonight, mga kaibigan, that one of the hottest names in the showbiz industry is joining us tonight!" the host excitedly announced. The audience in the studio went wild, panay ang malakas na hiyawan ang maririnig galing sa mga manonood, ang iba ay mayroon pang hawak na taurpaulin with her name on it.
"Naku eh huwag na nating bitinin pa ang mga tao!" kumento ng bading na co-host ng talk show na iyon "tawagin na natin ang guest na pinaka aabangan ng lahat..." Lalong tumindi ang tilian ng mga taong naghihintay sa paglabas ng artista.
"Ladies and gentlemen, please welcome Ms. Luna Montecillo!" sabay na anunsyo ng dalawa. Tumayo ang mga ito upang salubungin siya at halikan sa magkabilang pisngi.
"Kalma lang ho tayo, please" tumatawang biro ng baklang host.
"Good evening po sa lahat" bati ni Beatrix sa mga ito. She smiled and waived at them, praktisado na ang ngiting iyon.
Isang taon taon pa lamang simula ng pasukin niya ang showbiz ngunit marahil ay tinamaan siya ng suwerte dahil magbuhat noon ay kaliwa't kanan ang mga projects na kumatok sa kanyang pintuan.
Hindi naman niya pinlano kahit kailan ang mag artista, it all sort of just happened. When she left the Philippines 5 years ago, she continued her studies in the UK where she was spotted by an agent and pursued her to try modelling. Sa kabila ng taas niyang 5'6" lamang ay naging matagumpay ang kanyang karera sa pagmomodelo, representing some luxury brands like Prada and Valentino. Being one of the few Filipinas who became famous in the modelling business outside the Philippines, naging matunog din ang pangalan niya sa Pilipinas, dahilan upang mapasok siya sa pag aartista last year when she decided to come home for good.
"Thank you for joining us tonight, Luna" panimula ng host.
Beatrix gracefully sat at the designated seat for her, crossing her long, perfectly shaped legs. She is wearing a peach chiffon dress na lumampas lamang ng bahagya sa tuhod ang haba. Long sleeved ang damit na ang baywang ay naadornohan ng isang manipis na black belt, emphasizing her narrow waist. She paired it with a very simple one strap sandals na apat na pulgada ang taas.
Nakalugay ang mahabang buhok niya na bahagyang binigyan ng alon ng kanyang stylist.
"Thank you for having me here!" masayang bati niya
"Now Luna, marami ang nagtatanong kung screen name mo lang daw ba ang Luna o tunay mong pangalan?"
Inilapit niya ang mikropono sa bibig "it's a part of my real name, tito Andy" sagot niya "My real name is Beatrix Luna"
"I see" nakangiting tango ng mga ito
"ano naman ang masasabi mo sa kumakalat na balitang nagkakamabutihan na raw kayo ng sikat na modelong si Daniel Adams?" tanong ng babaeng host sa kanya. Malakas na nagtilian ang mga fans ng marinig ang tanong.
Daniel Adams is a famous male model who's half Filipino and half British. Nagkatrabaho sila nito 2 years ago sa isang fashion show sa Paris and since then they became close friends. Daniel is a very nice person, isa ito sa pinagkakatiwalaan niya sa industriya. Kahit sa Pilipinas ito naka base noon ay parati siya nitong dinadalaw sa UK at nito ngang umuwi na siya ng Pilipinas ay higit pa silang nagkalapit.
"Daniel and I worked on a project before in Paris, but we're just friends" she replied
Tumawa ang mga hosts "naku, friends lang talaga ha! kung nandirito siya ngayon, at tatanungin ka niya kung pwede kang maging nobya...ano ang magiging sagot mo?"
She gave out a laugh and decided to go along sa obvious na panunukso ng mga hosts to coax the audience more. "I don't know. Wala naman siya dito eh"
"wala nga ba?" inosenteng tanong ng bading na host na si Andy
Dumagundong ang nakabibinging tilian at palakpakan ng mga fans ng mula sa backstage ay umibis si Daniel, looking like a model straight out from a magazine cover. Naka terno ito ng dark blue Armani suit at may bitbit na isang malaking bouquet ng bulaklak sa mga kamay.
Her jaw dropped as she looked at him walking towards them, tinakpan niya ng dalawang kamay ang bibig sa pagkabigla.
Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, at pagkatapos ay iniabot sa kanya ang hawak na bulaklak. "you look lovely" bulong nito sa kanya.
Daniel sat by her side. Ang mga tao sa studio ay patuloy ang hiyawan at panunukso.
"you speak tagalog, Daniel, right?" tanong ni Amy, ang babaeng host ng show
"Not very fluent, but yes" Daniel asnwered. Maging ang boses nito ay matatawag na 'guwapo'.
"so earlier, we asked Luna kung ano ang magiging sagot niya sa iyo if you're here and asked her if she can be your girlfriend" nakangising saad ni Amy "ngayong nandito ka... do you have anything you want to ask her?"
"uhmm... of course meron po" medyo slang na pagtatagalog nito. Hinawakan nito ang kamay niya sa lalong pagka kilig ng mga manonood "Bea...I mean Luna..." he paused "sorry I call her Bea po kasi" he boyishly smiled, lumabas ang magkabilang biloy nito sa pisngi.
She remained staring at Daniel, lihim na kinabahan sa tinatakbo ng mga pangyayari. Yes, they had been close the past couple of years at hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na may damdamin ito para sa kanya, yuon nga lamang ay hindi niya sigurado ang damdamin para rito. In her lifetime, she's only loved one man....
Saglit na gumuhit sa kanyang isipan ang anyo ng lalaking minsa'y nagpaikot ng kanyang mundo. Disimulado niyang ipinilig ang ulo upang alisin ang imaheng iyon sa kanyang utak.
"I've known you for 2 years now and you know how much I care for you..." simula ni Daniel while holding one of her hands in his "and you know how I feel about you ever since I met you" he sweetly smiled at her.
Bahagyang nandilat ang mga mata ni Beatrix sa sinabi ni Daniel. He doesn't plan on proposing in public, does he?
He slowly knelt in front of her at marahang may hinugot mula sa bulsa ng suot na blazer.
"I love you, Bea...all of you... will you...marry me?" seryosong tanong nito. Binuksan nito ang kahitang hawak, exposing a solitaire diamond ring.
Be gasped. Marriage? Agad?! Ni hindi nga niya ito nobyo?!
The crowd roared, maging ang mga hosts ng show ay nabigla sa mga pangyayari. The camera zoomed in on Beatrix. She was dumbfounded at hindi alam ang sasabihin. The worst she thought was Daniel's gonna ask her to be his girlfriend, but marriage? Alam ng binata ang sitwasyon niya, na hindi siya maaaring magpakasal dahil sa mata ng batas ay may asawa pa siya.
Beatrix eyes searched for Andrea, ang isa sa matalik niyang kaibigan simula highschool at ngayon ay manager niya.
Nakita niya itong nakatayo sa di kalayuan at hanggang tainga ang ngiti, giving her the nod of approval.
Daniel put down the microphone at mahinang umusal "I've never loved anyone as much as I love you, Bea...I know you've been through a lot of pain, I know you've been burnt before but... give me a chance and trust me. I will never do anything to hurt you"
Beatrix felt anxious, hindi malaman ang gagawin. The audience went silent, ang lahat ay naghihintay sa kanyang sagot.
Daniel remained kneeling, hawak pa rin sa mga kamay ang singsing.
Damn it!
She cares for Daniel at ayaw din niyang maka apekto sa career ng binata kung ipapahiya niya ito ngayon sa harap ng buong Pilipinas. Kung hindi niya ito kilala ay iisipin niyang ginagawa lamang ito ng lalaki for publicity, but she knows him at hindi ito ganoong klase ng tao.
Bahala na! Maaari naman siguro silang gumawa ng alibi after a few months or so to break up the 'engagement', after all, they both have famtastic managers and PR teams.
She swallowed bago dinala ang mic sa tapat ng bibig. She inhaled and exhaled a few times bago nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot "y-yes?" it sounded more like a question than a definite answer but that was good enough for everyone dahil nagpalakpakan ang lahat at masayang nagsigawan.
Daniel placed the ring on her finger. Makinang iyon sa ilalim ng ilaw ng studio. He stood up at niyakap siya "you will never regret it Bea" he whispered "I will be the best husband to you and the best dad to Mico..."
****
Marahas na pinatay ni Xander ang telebisyon sabay hagis ng remote control niyon sa mesa. Inisang tungga niya ang lamang scotch ng basong tangan. Gumuhit ang tapang ng alak na iyon sa kanyang lalamunan, but not enough to numb the pain that's slowly rising from his chest. Humigpit ang tangan niya sa baso, kung maaari lamang ay basagin niya iyon sa kanyang kamay.
Masokista nga siguro siya dahil paulit-ulit man siyang nasasaktan sa tuwing mapapanood sa telebisyon si Beatrix ay palagian pa rin niyang ginagawa, following her every show, her every appearance on television. Kulang na lamang siguro ay puntahan niya ito at maging stalker.
Marriage huh? I will not let you do that, Beatrix. You are still my wife...You're still mine!
Muli siyang nagsalin ng alak sa baso at uminom. Hell will have to freeze over bago niya hayaang makasal sa iba ang babae. Sumandal siya sa kinauupuan at mariing ipinikit ang mga mata. tila tuksong paulit ulit niyang nakikita sa balintataw ang pagsagot ng dalaga ng "yes" sa tanong ng lalaki at ang mahigpit na pagyakap nito kay Beatrix.
Fuck! He needs to do something! He has to do something! Limang taon na simula ng umalis ito ng walang paalam at walang paliwanag, na para bang isa lamang siya sa mga gamit na pinagsawaan nito. At ngayon nga ay nagbalik ito na parang walang nangyari at magbabalak magpakasal sa iba?
Hell no!
"See you soon, Beatrix" he muttered. A sinister smile slowly crossed his lips.