webnovel

Wild Heart

Beatrix Luna Montecillo grew up as a privileged girl. Being the second child and only daughter of successful business tycoons, Bea is used to getting everything that she wants, with just a snap of her fingers. Sa kasamaang palad, Xander de Silva, whom she had a crush on since she was 10, is not someone she can get with just a flick of her fingers, dahil ang bestfriend ng nakatatandang kapatid niya simula pagkabata ay tila manhid at bulag sa kagandahan at charms niya. For the longest time, Bea was contented to have Xander around kahit pa isang nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. She kept her feelings for him secret until she learned that Xander was engaged to be married to Frances, ang girlfriend nito of 2 years. Frustrated and heartbroken by the news of Xander's engagement, she devised a childish and reckless plan upang maangkin ang binatang matagal na niyang minamahal: pipikutin niya ang binata bago pa nito mapakasalan si Frances! But will Xander ever learn to love her, let alone forgive her? Paano kung kailan siya na ang sumusuko sa pangarap na ibigin nito ay saka naman tila hindi siya gustong pakawalan ng binata? Will she be able to tame his wild heart?

aprilgraciawriter · Urban
Not enough ratings
48 Chs

Chapter Three

Calm down. Don't do anything stupid. Paalala niya sa sarili habang palapit sa kinaroroonan ng binata.

"Hi!" Bati niya paglapit sa kinauupuan ng mga ito. The greeting was intended only for Xander, ni hindi niya pinansin ang babaeng katabi nito.

"Oh ,Hi Beatrix" ito lamang ang kaisa isang taong palagi ay tinatawag siya sa buong pangalan niya. He smiled at her "by the way, this is Frances, my girlfriend" he casually introduced.

Beatrix felt as if there was a bomb that exploded right in front of her! Girlfriend? Kailan pa ito nagka girlfriend? Wala namang nababanggit ang kuya Zach niya sa kanya tungkol sa kahit sinong babae sa buhay ni Xander!

"Hi..." tila nahihiyang bati ng babae.

Bea briefly looked at the woman. My God! Parang lola ang suot! Is this the kind of woman Xander likes? The woman's hair was tied in a pony tail, maganda rin naman ito kung tutuusin pero Diyos ko! Saang probinsya ba ito nanggaling? She secretly grimaced sa suot nitong bestida na may padding pa sa balikat at malalaking sunflower ang print!

Tatayo sana ito upang iabot ang kamay sa kanya but she ignored the woman at tuloy na naupo sa katapat na upuan ng mga ito. Tila napahiya ito at muli na lamang naupo.

"Have you ordered already?" She asked, again, just looking at Xander.

"Nope" sinenyasan ni Xander ang waiter na agad namang lumapit sa kanila.

"We'll have 2 cappuccinos and 1 iced caramel latte please" anito. Lihim na nagalak si Bea na kabisado pa rin ng binata ang paborito niyang orderin sa coffee house na iyon.

"So... why did you want to meet today?"

"I wanted to talk to you about something..." she paused and glanced at Frances "in private sana" hindi niya naiwasan ang bahagyang pag asim ng mukha.

"Oh" tila nagulat na wika ni Xander "kadarating lang kasi ni Frances from San Gabriel kaya isinama ko na siya dito. Anyway, bibisita naman kami mamayang gabi sa inyo, pwedeng mamaya mo na lang sabihin kung ano man ang sasabihin mo sa akin?"

"I guess so..." she replied "ano pa ba magagawa ko" she mumbled to herself

"Ano kamo?" Tanong ni Xander

"Wala. So Frances" baling niya sa babae, acknowledging her presence for the first time "what brought you to the city?" She said in an unfriendly tone.

"Ah, may importante lang akong sasabihin kay Xander"

Tumaas ang isang kilay ni Beatrix "important huh?"

Alanganing tinignan ni Frances si Xander, obviously feeling uncomfortable sa pakikitungo niya rito.

"Beatrix..." Xander looked at her with a warning in his voice

"What?" Painosente niyang pinandilatan ito

Napailing na lamang sa kanya si Xander "pagpasensyahan mo na si Beatrix, Frances. May pagka topakin talaga ang batang yan" he reached out for her head at bahagyang ginulo at tuktok niyon, just like he always does,na tila siya isang paslit.

Batang yan?! Nag echo sa tenga niya ang sinabi nito. Ouch! Talaga yatang trip siyang saktan ng binata ngayong araw na ito!

Iritado niyang tinabig ang kamay nito "I am no longer a kid, okay?!" Padabog siyang tumayo at isinukbit ang bag "I'll see you later then kung hindi naman pala kita makakausap ngayon". Tinalikuran niya ang mga ito without even saying goodbye.

*****

Nang gabing iyon, katulad ng sinabi ni Xander kanina ay naroon ito sa bahay nila. Matutuwa na sana siyang makasalo nila ito sa hapunan kung hindi lamang kasama nitong muli si Frances. Her mood instantly changed nang makita niyang magkatabi ang mga itong nakaupo sa dining.

She sat at her usual spot in their huge dining table, katabi ng kanyang kuya Zach. She carefully placed the cloth napkin on her lap.

"Mabuti naman hijo at nasaluhan mo kami sa hapunan ngayon gabi" wika ng kanyang ama habang naglalagay ng pagkain sa plato  "and I'm glad you brought a friend with you. Mas masarap kumain ng hapunan kapag maraming kasalo, hindi ba Laura?" Anang ama na ang tinutukoy ay ang mama niya

"Oo nga naman hijo. It's been almost a month since the last time you joined us for dinner. Malapit na nga akong magtampo" sagot naman ng mama niya

"Busy lang mang chiks yan ma" biro ng kanyang kuya Zach, sinabayan iyon ng tawa

"Zachary!" Saway ng mama niya "baka mamaya maniwala si Frances sa iyo"

"I'm just kidding, Frances" nakangising wika ng kuya niya kay Frances

"Nasabi mo kanina na mayroon kang mahalagang sasabihin tonight. Ano ba iyon hijo?" Si Laura ulit

"Ah opo tita" he paused a bit at inabot ang kamay ni Frances "gusto ko pong ipaalam na balak na po sana naming magpakasal ni Frances at-"

Malakas na kalansing ng nahulog na kubyertos sa plato ang nagphinto sa pagsasalita ni Xander, nabitawan kasi iyon ni Bea pagkarinig sa sinasabi nito.

What? What did he just say? Kasal? Magpapakasal na ito? She tried to hide it but her hands shook, her face turned pale. Parang gusto niyang himatayin sa narinig. No! This can't be happening!

"Are you okay, hija?" Tanong ng mama niya

Marahas siyang tumayo sa kinauupuan, uncaring kahit pa mahalata ng mga ito ang reaksyon niya, mas mabuti na ito kaysa makita nila ang mga luhang gustong gusto nang kumawala mula sa mga mata.

"Wala lang ho akong ganang kumain. I'll head upstairs" mabilis siyang tumalikod at halos patakbong tinungo ang silid.

Nagkatinginan sina Emilio at Laura sa inasal ng kanilang unica hija. Si Xander ay nanatiling tahimik.

Sa kanyang kuwarto ay ibinaon niya ang mukha sa unan at doon malayang umiyak. Her heart is breaking into a million pieces.

"I hate you Xander!" She said crying.

Maya maya ay tumahan siya sa pag iyak at naupo sa kama. Isang plano ang nabuo sa isip. She clenched her fists "akin ka lang Xander. You belong with me..." she said in a determined voice.

****

Tatlong katok ang narinig niya sa kanyang pintuan. Agad niyang muling pinunasan ang mga luha sa mga mata at inayos ang sarili.

"pasok" she said

"Beatrix..." tawag sa kanya ng isang pamilyar na tinig.

Her body stiffened hearing Xander's voice. Ano ang ginagawa nito sa kanyang silid? Bakit pa siya pinuntahan nito?

"what are you doing here?" she answered back, without looking at him

"what's going on? are you mad at me?" naupo ito sa kanyang tabi

"w-wala! there's nothing wrong!" tumayo siya upang lumabas ng silid ngunit mabilis na naagapan nito ang kanyang kamay

"ano ba ang problema?" kalmadong tanong nito

Marahas niyang nilingon ito "ano'ng problema?"  her voice cracked, ang mga mata niya ay nag init "hindi mo talaga alam kung ano ang problema, Xander?" may pait ang salitang namutawi sa kanyang mga labi

Xander sighed "Beatrix, ano ba ang nagawa ko? why are you acting like this?"

Binawi niya ang braso mula rito "yes, hindi mo alam kung ano ang nagawa mo, dahil manhid ka! manhid ka, Xander!" she shouted at him, her tears fell.

Shit! Hindi niya talaga gustong makita nitong umiiyak siya.

Xander's mouth opened as if to say something only to close it again.

"can't you see what's wrong? can't you see what you're doing to me?"

"Beatrix, please..." may pagsusumamo ang tinig nito. Hindi masiguro ni Bea kung sakit ba ang nasalamin niyang nakiraan sa mga mata nito. Isinuklay nito ang mga daliri sa buhok at tumingala sa kisame bago muling nagsalita.

"whatever it is you're feeling for me...mawawala rin iyan" seryoso siyang tinignan nito at hinawakan ang magkabilang balikat niya "hindi ako ang lalaking nababagay sa iyo"

"so you know?" she chuckled mockingly

"listen Beatrix... para na kitang kapatid at-"

"ayokong maging kapatid mo for God's sake!" muling naglandas ang mga luha sa kanyang pisngi. She reached out for his hand "hindi ba ako maganda, Xander? can't you see me as a woman?"

Malalim ang buntong hiningang ginawa ng binata "I'm sorry Beatrix...but I am getting married"

"but why?" she knows her question does not make any sense right now but she couldn't help asking "why Xander? do you...l-love her?"

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Xander "hindi na mahalaga kung ano man ang dahilan ko, but I will marry her" his voice was full of conviction that Bea felt like she was going to die from the pain.

"but do you love her? do you love Frances? if not then why don't you give me a chance?" umiiyak pa rin niyang tanong.

She reached out for him at walang sabing inilapit ang katawan sa binata upang yakapin ito. Sa taas nitong 6'2" ay sa dibdib lamang ng binata umabot ang kanyang mukha. She buried her face onto his chest. She could hear his heartbeat for the first time and secretly wished that it was her it was beating for.

"if you don't love her, why don't you give me a chance Xander? I've loved you since I was ten...there was no one else but you...ikaw lang" lakas loob niyang  pagtatapat dito. It felt as if a ton of weight was freed from her chest, ang gaan pala sa pakiramdam na masabi dito ang matagal ng nilalaman ng kanyang puso.

"I love her" Xander said in a flat tone.

Natigilan si Bea. Parang binibiyak ang puso niya sa sakit mula sa narinig.

Marahan siyang inilayo ng binata sa dibdib nito "mahal ko si Frances" anito, those piercing black eyes were staring at hers without hesitation

She took a few steps backward upang tuluyang ilayo ang sarili dito. She bit her lower lip from sobbing, nagyuko siya ng ulo.

"Beatrix-"

"leave me alone..." it was almost a whisper

"please..." akmang lalapit ito sa kanya

"I said leave me alone!" galit na hiyaw niya rito, as she pointed towards the direction of the door.

Xander stared at her for a few more minutes bago ito humakbang patungo sa pintuan.

Bea grabbed a pillow and threw it at the door as soon as it was shut closed "bastard! I hate you!"