webnovel

Wild Heart

Beatrix Luna Montecillo grew up as a privileged girl. Being the second child and only daughter of successful business tycoons, Bea is used to getting everything that she wants, with just a snap of her fingers. Sa kasamaang palad, Xander de Silva, whom she had a crush on since she was 10, is not someone she can get with just a flick of her fingers, dahil ang bestfriend ng nakatatandang kapatid niya simula pagkabata ay tila manhid at bulag sa kagandahan at charms niya. For the longest time, Bea was contented to have Xander around kahit pa isang nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. She kept her feelings for him secret until she learned that Xander was engaged to be married to Frances, ang girlfriend nito of 2 years. Frustrated and heartbroken by the news of Xander's engagement, she devised a childish and reckless plan upang maangkin ang binatang matagal na niyang minamahal: pipikutin niya ang binata bago pa nito mapakasalan si Frances! But will Xander ever learn to love her, let alone forgive her? Paano kung kailan siya na ang sumusuko sa pangarap na ibigin nito ay saka naman tila hindi siya gustong pakawalan ng binata? Will she be able to tame his wild heart?

aprilgraciawriter · Urban
Not enough ratings
48 Chs

Chapter Thirty Nine

"Doc, what's wrong with my husband? Why is he acting that way?" Tanong ni Beatrix sa doctor matapos nitong matignan si Xander. They were standing outside his hospital room.

"Mr. de Silva is suffering from Amnesia... marahil ay dahil sa trauma sa kanyang ulo dulot ng aksidente" mahinahong paliwanag ng manggagamot.

Tinutop ni Beatrix ang sentido "For how long... how long will he be like this?"

The doctor sighed "mahirap magsabi ng timeline, hija. For some, it could be a few weeks, others a few months, ang iba naman ay taon..."

"May gamot ho ba or treatments that we could do to bring back his memories?"

Banayad na umiling ang doctor. "The best course of action is to not force the patient to remember. Let it run its course, in due time ay magbabalik din ang ala-ala niya. Pero kung minsan, a powerful trigger such as an unforgettable event in the past could trigger his memories"

Matapos makapag pasalamat sa doktor ay muli siyang pumasok sa silid ng asawa. Xander's peacefully sleeping. Marahan siyang muling naupo sa silyang katabi ng kama nito. She lovingly gazed at his face and with slightly trembling fingers reached out to touch his cheek.

"I love you Xander... I will never leave you again, no matter what. Please hurry and remember me and Mico..." she whispered to him.

Ilang linggo pa ang inilagi ni Xander sa ospital bago ito tuluyang na discharge. Sa buong pagkakataong naroon ito ay halos doon na rin tumira si Beatrix. She cancelled and rescheduled all her work commitments dahil hindi niya ito gustong iwanan. Andrea was so mad at her dahil malaking problema raw ang ginagawa niya, mape-penalize kasi ang agency na nag ma-manage sa kanya. Inako naman niyang lahat ang mga kailangang bayaran, money is not an issue for her, ang mas mahalaga ay naroon siya sa tabi ng asawa.

Sa buong panahong naroroon siya ay kibuin-dili siya ni Xander. Mailap ito at parang ibang taong hindi niya kilala. She tried to be cautious and careful not to upset him or cause any shock sa kaisipan nitong alam niyang hindi pa estable ang kalagayan, kaya naman hindi pa rin niya alam kung paanong ipaaalam ditong mag asawa sila.

Ilang araw bago ito lumabas ng ospital ay dumalaw roon ang kanyang mga magulang pati ang kanyang kuya Zach. Laking gulat niya na natatandaan naman ni Xander ang mga ito, na para bang siya lamang ang isang taong tanging hindi maalala ng binata.

"Why are you always here? Wala ka bang trabaho? Magka ano-ano ba tayo?" Isang araw ay tanong nito sa kanya habang ihinahanda niya ang kakainin nito.

She patiently smiled at him "you will remember me someday, Xander" I will wait for that day. Mananatili ako sa tabi mo hanggang sa araw na bumalik ka na sa akin...

*******

"Mommy kelan ka po babalik?" Umiiyak na tanong ni Mico habang naglalagay siya ng damit sa maletang dadalhin pauwi bg San Gabriel.

Xander will be discharged tomorrow and the doctor recommended he return to his home in San Gabriel, makakasama raw sa kundisyon nito kung sa isang hindi pamilyar na lugar uuwi. This was actually against her plan, dahil ang buong akala pa naman niya ay maaari niyang doon muna pamalagiin ang asawa sa bahay niya sa Maynila.

Hinarap niya ang anak at masuyong pinahid ang luha nito sa mga pisngi "I will be here every weekend baby. I promise." Itinaas pa niya ang kanang kamay tanda ng panumpa.

"Bakit ka po ba kasi aalis? Bakit po hindi ako kasama?" Nagmamaktol pa ring tanong ni Mico.

"Listen to me baby" hinimas niya ang mga braso nito "daddy's sick and mommy needs to take care of him. Kawawa naman si daddy, walang mag aalaga sa kanya kapag wala ako roon di ba?"

"Eh bakit po hindi na lang ako sama? Ayaw ba sakin ni daddy?"

"Oh no,no, baby. Daddy loves you okay?" She cupped his small face "kaya lang anak, hindi tayo maalala ni daddy ngayon because he's sick and mommy needs to take care of him para gumaling na siya at maalala na niya tayo"

Suminghot si Mico "when he gets better, will he remember me mommy?"

Beatrix nodded at her son reassuringly "sigurado! Kaya I need Mico to be brave right now. Huwag ng iiyak ha because you're breaking mommy's heart too..." niyakap niya ang anak at mahinang umiyak. She hates to be away from Mico but she can't leave Xander, lalo sa panahong kailangan siya nito.

"Don't cry na po mommy" kumalas sa pagkakayakap niya ang bata at tinignan siya. Pagkatapos ay tila isang matanda na ito nang pahirin din ang luha niya sa mga mata "Mico is brave po basta po uuwi ka every week ha" paniniguro nito.

She held up her right hand again, tanda ng pangangako.

Muli siyang niyakap ng anak "i love you mommy"

"And I love you more baby ko..." may luha pa rin sa mga mata niya ng halikan niya ang pisngi ng anak.

*******

"Why are you here?" Malamig na tanong ni Xander sa kanya ng makita siya nitong pumasok ng silid nito sa ospital. He's already dressed at may ilan na lamang inilalagay sa bag, mukhang handa na itong umalis.

"Ah eh.. hijo hindi ba at sinabi ko na sa iyo, si Bea muna ang magtitingin sa iyo pag uwi natin?" Ang ina ni Xander.

Sinipat siya ng binata mula ulo hanggang paa "nurse ka ba?"

"A-ako?" She pointed at herself

"May iba pa ba akong kausap?"

Damn! Nagka amnesia lang, lumevel up din ang sungit ni Mr. de Silva!

Napatango na lang siya "o-oo. Nurse nga ako. Your Inang hired me as your private nurse, so you have to listen to me" taas noo niyang sagot.

Saglit na umalis ng silid ang biyenan ni Beatrix upang kuhanin ang discharge papers ni Xander at ayusin ang bills. Naiwan silang dalawa sa silid.

Beatrix sat silently on the bed habang si Xander ay nanatiling nakasandig ang likod sa dingding hindi kalayuan sa kanya. Magka-krus ang mga braso nito sa dibdib habang nakatitig sa kanya.

"Why are you looking at me like that?"

"Sino ka ba talaga sa buhay ko, Beatrix?"

Napatingin siya kay Xander. Nakalimutan man siya nito pansamantala ay tila hindi nito nalimutang tawagin siya sa kanyang buong pangalan. He is the only person who always calls her by her full name.

"I'm your private nurse" she replied

Umiiling na umalis si Xander sa pagkakasandig sa dingding. He slowly walked towards her, stopping in front of her "something tells me you are not a nurse. Hindi ko alam kung sino ka talaga, pero hindi ako naniniwalang nurse ka" yumukod ito at ipinantay ang mukha sa kanya "whoever you are, I intend to find out..."

I'm your wife Xander. I'm the woman you love! Gusto niyang ihiyaw but she held her tongue, sa halip ay parang nabato-balani siyang nakatitig lamang sa guwapong mukha nito. She gulped when her gaze landed on his sensuous lips. God! How she missed kissing those lips already.

He flicked his fingers as if to bring her back to reality "hello?"

Disimulado niyang ipinilig ang ulo "sorry. May...may naisip lang ako" pagdadahilan niya.

*******

They arrived in San Gabriel quarter past 7 in the evening. Matapos makapag paalam ang mga magulang ni Xander ay nahahapo siyang umakyat ng silid. Hindi tulad ng dati ay sa kabilang silid siya nagtuloy. She looked around and couldn't believe this used to be Mico's room.Bago pa sila umuwi ay siya na mismo ang nakaisip na ipasinop ang silid ng anak, ganoon din ang ipatago ang mga bagay na may koneksyon sa kanilang dalawa pansamantala. Hindi niya nais na makasama sa kundisyon nito kung makikita ang mga iyon sa pag-uwi. Xander doesn't remember her nor Mico, imagine how shocked he would be coming home and realizing that he's not only married to someone he doesn't know, but also has a 5 year old son!

Inilatag niya ang pagod na katawan sa kama at tumitig sa puting kisame. She felt her eyes warming. Kahit pa maligaya siyang wala na sa panganib ang asawa ay hindi naman mapalagay ang isip at puso niya sa katotohanang hindi siya nito maalala. Hindi niya maiwasang matakot - paano kung matagalan bago bumalik ang memorya nito? Or worst, paano kung hindi na manumbalik ang ala-ala ni Xander? Magagawa kayang alalahanin ng puso nito na mahal siya nito?

She sighed. Hindi na niya muling susukuan at tatakasan ang pagmamahal niya para sa binata, hindi na siya maduduwag gaya noon. Kahit na magtagal o mahirapan pa siya sa sitwasyong ito, mananatili siya sa tabi ni Xander. She will make sure he feels how much she loves him.

Maaga siyang gumising kinabukasan upang maghanda ng agahan nilang dalawa. Nagulat pa siya ng datnan niya sa ibaba si Xander na mukhang nag gagayak upang mag jogging.

"Good morning!" masiglang bati niya rito.

Bahagya lamang siyang sinulayapan nito at ipinagpatuloy ang pag sisintas ng sapatos.

"Mag jo-jogging ka?"

"Yup" tumayo na ito at nilagpasan siya palabas ng pinto.

"Wait!" tawag niya. Xander looked irritated as he stopped upang lingunin siya.

"Sama ako"

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa  "plano mo ba akong buntutan palagi?"

"Hindi ah! masama na bang mag exercise?" she asked innocently

She heard him heave a sigh. "Bahala ka kung gusto mo ring mag jogging. I'm not waiting for you though" anito na muling tumalikod.

"Magsusuot lang ako ng rubber shoes. 2 minutes lang promise! Wait for me kasi baka may mga aso sa daan" pakiusap niya.

He turned around and gave her an incredioulous look. Umiiling siya nitong sinundan ng tingin nang patakbo siyang pumanhik sa silid upang magpalit ng rubber shoes.

Pagbaba niya ay wala na sa salas si Xander. She hurriedly put on her oversized shades and ran outside. Malamang ay hindi pa ito nakalalayo at aabutan pa niya.

Natanaw niya si Xander na nagsimula nang mag jogging, as she predicted, hindi pa ito gaanong nakalalayo.

"Xander!" she called ngunit hindi niya matiyak kung narinig siya nito.

She started running to catch up to him. Habol ni Beatrix ang hininga ng sa wakas ay abutan niya ito.

"I told you to wait for me" humihingal niyang sabi.

"Sinabi ko na sa'yong wala akong planong hintayin ka" matabang na tugon nito

"Aga aga ang sungit sungit" bulong niya sa sarili.

"What?"

"Wala po..."

"Do you really have to wear shades? Umagang umaga at kapuputok pa lang ng araw" kumento ni Xander na tila galit.

"Trip ko lang, bakit ba" Hindi niya masabi ritong ito na ang best disguise niya upang hindi siya makilala agad ng mga tao.

"Probinsya ito, Beatrix. Hindi kailangan ang mga kaartehang ganyan"

"Kaartehan?! Excuse me! Hindi ko 'to sinusuot para sa kaartehan lang saka -" hindi niya natapos ang sinasabi ng mula sa tapat ng isang bahay ay may isang malakas na kahol ang nanggaling.

"EEEEEKKK!" tili niya sabay yakap kay Xander. Sa takot niya ay nangunyapit talaga siya sa batok ng binata, halos kumarga na siya rito. "Oh my God! Please don't let it kill me!!!" bulalas niya habang mahigpit na nakakapit kay Xander at mariing nakapikit ang mata. She buried her face on his chest. Parang nararamdaman na niya na anumang oras ay may matatalim na ngiping sasayad sa binti niya. She shivered at the thought!

Nabugaw na ni Xander ang aso ay nanatili pa rin siyang nakakapit sa batok nito at nakasubsob sa dibdib ng binata. Medyo may phobia talaga siya sa aso dahil nakagat na siya noong bata siya, naalala niya, it was one of those summers na umuwi sila sa San Gabriel upang magbakasyon.

"Uhh, you can let go of me now. Wala na yung aso" si Xander. Both his hands were up on his sides na akala mo ba ay may nang hold-up dito.

"H-ha?" nagmulat siya ng mga mata at nakita ang mukha nitong nakatunghay sa kanya.

Damn it! She wanted to stay close to him like this forever! She stared at him mesmerized, agad rumehistro sa isip niya ang mga sandaling maalab pa siya nitong ginagawaran ng halik gamit ang malalambot na labing iyon.

"Are you having morning fantasies about me, Ms. Montecillo?" his lips twitched.

Napahiya si Beatrix na bumitaw mula sa pagkakayakap sa asawa at inayos ang sarili.

"S-sinabi ko na sa iyong takot ako sa aso eh!"

"Bakit ka kasi nagpilit sumama?" balik tanong nito sa kanya at muling nagsimulang mag jogging.

Naiinis na nagbuga siya ng hangin bago muling tumakbo.

Pasalamat ka at mahal kita Xander de Silva!

*******

"So you're telling me that we were good friends?" pag uulit ni Xander sa sinabi niya. Kasalukuyan silang nananghalian.

Uminom muna siya ng tubig bago tumango "Yes. Hindi ko nga alam kung bakit hindi mo ako maalala samantalang sila Kuya Zach naman naaalala mo" aniyang may bahid ng pagtatampo. 

Ako lang talaga ang nalimutan mo sa dinami dami ng tao...

"And how exactly did we become close friends?" tumitig ito sa kanya, tila pinipilit arukin ang katotohanan sa sinabi niya "I don't think I'm the type who would be friends with a primadonna"

"Prima...Primadonna?!" nanlalaki ang matang ulit niya sa tinuran nito.

"Hindi ba?" muli itong sumubo ng pagkain.

Nagpupuyos ang kalooban niyang akmang muling susubo sana ng pagkain ng muling magsalita si Xander "Did Frances tell you anything on where she's going? I tried calling her earlier but I couldn't reach her"

Muntik na siyang maubo sa sinabi nito. He tried calling Frances?! Agad na bumangon ang panibugho sa dibdib niya and she had to remind herself that it was only because Xander still thinks Frances is his girlfriend. Sa kasalukuyang isip nito ay naka plaster na nakatakda na itong magpakasal sa dating nobya.

"B-bakit mo ba siya tinatawagan?" tanong niya sa maliit na tinig.

"I miss her" kaswal na sagot nito. He paused a bit before speaking again "...and it's just odd that she didn't even visit me in the hospital. Kung tutuusin ay siya dapat ang naritong nag aalaga sa akin...not you."

She gritted her teeth.

"Xander...you and Frances..." she inhaled and looked him in the eye "you and her are no longer together. Marami ng mga nangyari sa mga nakalipas na taon at matagal na kayong wala ni Frances."

Natigilan si Xander at tila nahulog sa malalim na pag-iisip.

"But we're supposed to get married already. Did she back out of the wedding?" kunot noong tanong nito.

"Halos anim na taon na ang nakararaan ng hindi matuloy ang kasal niyo, Xander" she said soflty.

Xander inhaled "All the more that I need to talk to her and find out why. Hindi si Frances ang tipo ng babaeng basta na lamang akong iiwan" muli itong sumubo ng pagkain.

Beatrix didn't say anything. Nasasaktan siya sa sinasabi ni Xander pero kailangan niya itong unawain dahil sa kalagayan nito. She knows Xander won't be saying these things kung hindi lamang dahil sa amnesia nito.

"D-do you think...you still l-love her?"

Nag angat ng paningin ang lalaki at tinignan siya habang marahang ngumunguya. "Ang sabi mo anim na taon na halos ang nakaraan...hindi ko masasagot ang tanong mo hanggang hindi ko siya muling nakakaharap at naliliwanagan ang lahat. I need to find out what happened"

Nilaro laro ni Beatrix ang pagkain sa pinggan. Nawalan na siya ng ganang kumain. She gulped, pinipilit ang sariling huwag maapektuhan ng mga sinasabi ni Xander.

She forced a smile "I'm 100% sure you were happy with the choice you made 6 years ago Xander. You fell in love with someone else at maligaya ka sa piling ng taong iyon..." makahulugang sabi niya.

Lalong nagsalubong ang kilay ni Xander "at sino naman ang taong iyon? Who's the woman you were saying I fell in love with? Nasaan siya?"

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Nais niyang sabihing siya ang babaeng iyon pero sa tingin niya ay hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi pa nagtatagal simula ng makalabas ng ospital si Xander at hindi pa ito nakababalik para sa check-up.

She softly grinned and gently shook her head "nevermind...in due time, maybe you'll remember her"

"Don't play mysterious with me Beatrix. Sabihin mo sakin kung ano ang alam mo" may babala sa tinig nito

Tumayo si Beatrix mula sa kinauupuan,bitbit ang plato. She can't continue with this conversation anymore.

Xander instantly grabbed her arm. His eyes surveyed her face, naroon pa rin ang galit sa mga mata nito "sino ka ba talaga Beatrix Montecillo? ano ba ang kaugnayan ko sa iyo?" humigpit ang mga daliri nito sa braso niya.

She bit her lower lip at hindi magawang salubungin ang tingin ng binata.

"Look at me damnit!"

She slowly raised her gaze to meet his eyes. Hindi niya maiwasan ang mag-init ang mga mata.

"Kahit konti ba hindi mo ako maalala? Am I that insignificant to you?"