webnovel

Wild Blood

Nasa peligro ang buhay ng mga estudyante ng seksyon Euclid sa kamay ng gumagalang killer sa loob ng kanilang eskwelahan. Subalit napag-alaman nilang isa sa kanilang mga kaklase ang pumapatay. At wala silang maaaring gawin kung hindi ang unahan na matukoy at mapaslang ito, dahil baka maubos na lamang sila nito ng walang kalaban-laban. Mapapatay pa kaya nila ang naturang killer gayong hindi nila alam ang tunay na katauhan nito? Mapatay pa kaya nila ang puno't-dulo ng lahat? Pero paano kung hindi lang pala isang normal na patayan ang nagaganap sa loob ng paaralan nila? Paano kung matuklasan nila na nakasalalay pala ang kanilang mga buhay sa isang programa sa telebisyon?

IcyDominance · Horror
Not enough ratings
18 Chs

Land Mines

KINAUMAGAHAN. Hapong-hapo na mga estudyante ang isa-isang nagsilabasan sa kani-kanilang mga silid. Saglit na nagtama ang mga mata nina Chynna at Eliza, ngunit tinitigan lamang ni Eliza ang dalaga at saka pumunta pabalik sa silid upang gisingin si Rioka.

Samantala, si Hazel naman ay hindi mapakali sapagkat kanina niya pa hinahanap ang kanyang kamera. Sa katunayan, ayos lang naman sa kanyang mawala 'yon ngunit ang ikinahihinayang niya ay ang mga litrato na nakaimbak do'n.

Nang makitang papasok na si Eliza ay agad niya itong tinawag upang tanungin, "Eliza, may nakita ka bang ka-"

"Nothing," walang buhay na tugon ng dalaga at saka dumapa sa kanyang kama.

Napatahimik na lang ang dalaga sa inasal ni Eliza. Agad naman siyang lumapit kina Chynna at Andrea matapos siyang sinyasan ng mga ito na lumabas ng kanilang silid.

"So, anong gustong ninyong ulam ngayon?" tanong ni Chynna sa kanyang mga kaklase.

•••••

"ANG NAKAKATAKA lang talaga, bakit nawala ang bangkay nina Krystall at Vanessa do'n sa pinag-iwanan natin kahapon," ani Agustus. "Hindi nga lang ako sure kung baka pati 'yung katawan ni Katheria ay nawawala rin," dagdag pa niya at saka tumitig sa kawalan.

"Kahapon, 'di ba puno ng mga patay na katawan ng mga schoolmates natin 'tong oval? E bakit ngayon nawala silang lahat?" nagtatakang sambit ni Hugh sabay nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Maging ang kanyang mga kaklase ay gano'n din ang ginawa.

Matapos kasing kumain ng agahan ang buong magkaklase ay agad na silang dumiretso sa ilalim ng puno ng akasya na limang dekada nang nakatayo, malapit sa oval ng eskwelahan, sa pangunguna ng kanilang itinalagang presidente ng kanilang seksyon: si Winter-kapalit ni Vanessa.

"Paano kung may iba pang buhay bukod sa atin?" sambit ni Zaira matapos niyang itiklop ang kanyang hawak na kwaderno at pansamantala itong ilagay sa kanyang tabi, sa berdeng damuhan. "Na siyang dahilan upang mawala na parang bula 'yung lahat ng mga patay dito kahapon?"

"Posible pero I'm sure pinatay na lahat ng killer 'yung mga tao dito sa campus except us, kasi nga 'di ba may [wrath] siya sa atin?" untag ni Rioka sa kanyang mga kasama at saka bigla siyang tumayo upang pagpagan muna ang kanyang pantalon, matapos no'n ay umupo siya ulit sa bangkito.

Biglang binalot ng ilang segundong katahimikan ang ilalim ng puno ng akasya. Wari bang walang ibang nilalang na nasa lilim nito.

"Maitanong ko lang... ba't nagbabangayan na naman kayo Chynna, ni Eliza kagabi?" turan ni Hugh sabay nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.

Napailing ng ulo sina Chynna at Hazel.

"H-hindi. Hindi sila nag-away matapos no'ng ano—" saglit na napatigil si Hazel sa pagsasalita, pinipigilan na sabihin ang pagkamatay ni Katheria. "Ang ibig kong sabihin, 'y-yung kaguluhan kagabi sa kwarto... dahil 'yon sa killer."

"Ano?! How come? Buti na lang wala siyang pinatay sa inyo?" nag-aalalang sambit ni Lawrence habang nakatingin sa mga mata ni Hazel.

"Ang totoo n'yan Lawrence, muntikan nang masaksak no'ng killer 'yang si Chynna. Mabuti na lang at biglang lumapit itong si Macaraeg (apelyido ni Chynna) kay Hazel," utal ni Zaira sabay haplos sa braso ni Chynna, wari bang pinaparamdam nito na ramdam nito ang nararamdaman nitong takot.

"Is it true, Chynna?" tanong ni Winter sabay tumango naman ang dalaga bilang tugon. "Kung gano'n, posible na si Chynna na ang next victim niya."

"I don't think so." Biglang sabat ni Eliza. "How did she know that the killer is behind her? Even a scar didn't mark her neck. Only if... [kasabwat siya ng killer]."

"Ano? Kamuntikan na nga akong mamatay! Ako pa'ng pinag-sinususpetsahan mo!" Akma sanang tatayo si Chynna upang sabunutan si Eliza ngunit maagap naman siyang pinigilan ng kanyang mga katabi-sina Andrea at Eliza.

"Tsk. Tsk. Maybe you're just... uhm—" ani Eliza. "[guilty?]"

"Itigil niyo nga 'yan! Wala naman tayong ebidensya na magkasabwat talaga sila e! So just shut the fvck up!" Napatigil silang lahat sa kanilang mga ginagawa nang bigla na lamang sumigaw ng malakas si Xyryl. "Ingay-ingay ni'yo, mag-isip na lang kaya kayo ng plano kung pa'no tayo makakatakas sa impyernong ito!"

Sandali silang napatigil at saka nag-isip ng mga plano kung paano nila matatakasan ang killer.

Maya-maya...

"So, Mr. President. May naisip ka na bang plano on how we can escape our [inevitable death]?" utal ni Agustus-na siyang pangalawang presidente na ng kanilang klase, matapos siyang italaga ni Winter bilang bise nito.

"Actually, wala pa. It's better if tumingin-tingin muna tayo sa buong lugar at humanap ng daan palabas wherein hindi tayo mapapatay agad ng killer. I think the gate is the worst way for us to leave this place. Even if magsisigaw tayo ng tulong, wala rin namang makakahanap sa atin agad-agad dito. This academy is in a secluded place and that the nearest town is one hour if we're on a vehicle," mahabang pagsasalaysay ni Winter.

"That's true. Iba talaga 'pag inborn leader ka tapos honor student pa," biro pa ni Miko, sabay mahina namang tumawa ang ilan sa kanila, karamihan mga lalaki.

"And also, starting from now on, bawal na kayong humiwalay sa grupo. I've decided to divide the remaining students and that may isang naka-assign upang bantayan ang kanyang mga ka-grupo. Naisip ko nga na, [what if pagsamahin ng kwarto 'yung mga magkakagrupo], but I don't think all of you would agree to that," anunsyo sa kanila ni Winter at saka dahan-dahang tumayo. Kaagad naman siyang sinundan ng kanyang mga kaklase-matapos nitong maglakad patungo sa kabilang parte ng malawak na school oval, malapit sa gate ng naturang eskwelahan.

Kahit na natatakot at nag-aalinlangan, mas pinili na lamang nila na sundin ang mga tinuran ng binata. Nakumbinse kasi sila nito sa paniniwalang hindi sila mapapaslang ng gumagalang killer kung mananatili silang magkakasama.

•••••

NAPAHINTO si Winter sa paglalakad nang makita niya ang isang tarpaulin na may nakasulat na mga babalang . . .

[Don't go outside the premises

OR

You'll face the consequences. 💣]

Nanlumo si Zaira sa kanyang mga nabasa. Alam na agad niya na tama nga si Winter na hindi sila hahayaang makatakas ng killer, kung sa mismong gate sila dadaan. Hindi pa niya nakokompirma pero base sa kanyang naintindihan, may nakatanim na mga bomba sa labas o sa gilid ng gate ng paaralan, hindi nga lang niya alam kung saan talaga saktong nakabaon.

"L-land m-mines?" ani Eliza na gaya ni Zaira ay nanlulumo na rin.

"Demonyo talaga 'yung gagong 'yon! Anong akala niya sa'tin mga laruan lang niya? Fvck!" nanggagalaiting sigaw ni Xyryl habang nakakuyom ng mahigpit ang mga kamao nito.

"G-guys, calm down. I know malalampasan natin 'to," utal ni Hazel saka siya umupo sa kalapit na bench. Tinabihan naman siya nina Andrea at Chynna upang damayan.

"Baka naman isa lang 'to sa mga pakulo ng killer? Baka wala talagang bomba at masyado lang tayong nagiging imaginative?" puno ng kuryosidad na tanong ni Rioka.

"Hindi natin alam. Maliban na lang kung may sumubok na tumapak do'n sa mga land mines," ani Miko na tila ba nagbibiro.

"Kung 'di lang talaga sa mga punyetang..." sambit ni Xyryl. "guard na ito, edi sana hindi tayo masasangkot sa impyernong ito!" dagdag pa niya habang nanggigil at saka niya sinipa ang isang bangkay ng guwardya na nakaratay sa daan. Dahil sa kanyang ginawa ay naputol ang nabubulok na ulo ng guwardya. Tumilapon ang pugot na ulo nito na tila ba isang bola ng soccer sa labas ng gate. Matapos nito ay isang napakabilis at napakatinis na tunog ang kanilang narinig, at bigla na lamang may sumabog.

Napatakip sila lahat ng tainga. Maging si Xyryl ay biglang tumilapon sa kanyang kinatatayuan. Mabuti na lamang at hindi gaano kalakas ang naturang bomba, at hindi man lang siya nasugatan—maliban do'n sa mga galos na natamo niya matapos na sumayad ang kanyang siko sa magaspang na aspaltong daan ng paaralan. Mabilis naman siyang dinaluhan nina Hugh at Theo upang alalayan itong makatayo ngunit iwinakli lamang ng binata ang mga kamay ng dalawa na nakakapit sa kanyang braso.

"Guys, I think kailangan na nating bumalik sa dorm," ani Rixxtan na tila ba natataranta. "Baka p-patayin tayo lahat ng killer dito."

"Teka lang..." Sandaling tumayo si Andrea mula sa kanyang pagkakaupo sa isang bench. "Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" saad niya at saka dahan-dahang itinuro ng kanyang nanginginig na kanang hintuturo ang isang bagay na nasa bandang itaas ng isang bulletin board malapit sa isang puno ng akasya.

Ito ay isang LED Moving Message Display Board. Halos kulay dugo ang ilaw na pumapaloob sa naturang Display Board ngunit hindi naman ang kulay ng ilaw ang ikinatatakot ni Andrea. Ang labis na ikinanginginig ng kanyang buong kalamnan ay ang nakaukit na mga kataga dito...

["16 students remaining." ]

["Oh my God!"]

["Balak ba talaga nilang ubusin tayo?"]

["Paano na 'to?!"]

"[Mga demonyo sila!"]

"Guys calm down. I know may tulo—" saad ni Winter ngunit agad siyang pinigilan ni Rioka.

"Calm down?! Seriously Pres?! Unti-unti na nila tayong inuubos tapos sasabihin mong kumalma lang kami? I know this is kinda rude, but... " Pinakita ng dalaga ang kanyang kanyang kamay at nag-[fuck you sign] dahil sa inis. Hindi naman talaga ganito ang madalas na ipinapakitang ugali ni Rioka ngunit sa mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili kahit na pinipigilan siya ni Eliza. Humikbi na lamang siya nang humikbi habang inaalo siya ng kanyang kaibigan.

"Sorry Rioka kung na-offend ka sa mga sinabi ko pero bilang presidente ng klaseng ito, you all need to follow my rules," sambit ni Winter habang mariin na tinititigan ang mga mata ng kanyang mga kasamahan. Isang pares ng [inosenteng] mga mata ang kanyang nahagilap na mukhang nagagalak sa mga nangyayari. Sandali siyang nanlambot ngunit mas nanaig ang kanyang dedikasyon na protektahan ang kanyang mga nasasakupan.

"Gian, Vanessa, Krystall, Katheria. 1, 2, 3, 4," mahinang sambit ni Zaira habang nagbibilang sa kanyang mga daliri.

"Tama! Apat pa ang namatay sa nating mga classmates!" bulalas ni Agustus.

"So that means, posible na buhay pa si Mayumi? Buhay pa ang bestfriend namin ni Eliza?" masiglang utal ni Rioka at saka tumingin kay Eliza bago bumaling sa kanyang mga kaklase.

"Guys, find Mayumi. I'm sure buhay pa siya dahil 'di pa natin nakikita ang kanyang katawan," anunsyo ni Winter. "And Chynna, huwag kang humiwalay sa grupo."

Sandali niyang tinignan ulit ang gawi ng may-ari ng mga matang nakangisi sa kanya kanina. Nagitla siya nang magtagpo ang kanilang mga tinginan. Binasa nito ang kanyang manipis na labi habang marahan na hinahaplos ang nagsisimula na rin nitong tumubo na mga bigote.