webnovel

63rd Chapter

Paolo's Point of View

Sinabi sa akin ni Eadaion na malaki ang posibilidad na walang amnesia si Eloisa.

"Una, nang makita niya ako she looks very surprised, pangalawa, she don't care about my existence awhile ago, and lastly, she hates me, still hates me."

Napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi ni Ida, pano niya naman kasi nasabing wala itong amnesia dahil lang sa mga iyon, hindi ba?

My hands are on my pocket when I entered our department and as expected my colleagues welcomed me.

Nagitla ako nang bahagya sapagkat lahat sila ay sinalubong ako, wala naman akong kaclose sa kanila ni isa kaya nakakagulat na dahil lang kay Eadaion ito sila ngayon binabato ako ng mga tanong.

"Hindi mo naman sinabi kilala mo pala si Eadaion Lorenz!" wala naman kasing nagtanong.

"Ano mo si Ida, Scott?" ex-fiancé, okay? Ex-fiancé ko lang siya.

"Anong pinag-usapan niyo, teka, anong ginawa niyo?" what the heck? Wala kaming ginawa.

"May relasyon ba kayo?" wala dahil sila na ni Julian.

Pinilit ko silang lagpasan, may masasagot ba ako sa katanungan nila? Kung meron man hindi rin nila ako paniniwalaan, kung sabihin kong hindi naman nila tinanong kung kilala ko si Ida, may sasabihin at sasabihin pa rin sila, sabihin ko mang walang namamagitan sa amin, imposibleng maniwala sila, ipaglaban ko manh wala kaming ginawa, hindi pa rin sila maniniwala, lahat naman ng tao ay ang gusto lang paniwalaan ay ang gusto nilang paniwalaan, ano pang sense ng pagpapaliwanag ko. At kahit sabihin kong may boyfriend na si Ida, maniniwala ba sila? Hindi pa naman iyon alam ng sambayanan.

Tumahimik sila nang dumating si Mrs. Cruz kaya nakabalik ako ng mapayapa sa desk ko, agad kong idinukdok ang mukha ko sa desk, nakakapagod na agad ang araw na ito kahit wala pa sa kalahati, ang dami na agad naganap, pagkatapos pinagulo pa si Ida ang isipan ko, ano na lang ang gagawin ko mamayang gabi? Paniguradong hindi ako makakatulog nito dahil kay Eloisa.

Kung paano hindi sumagi sa isipan ko na wala siyang memorya nang nakaraan, nang malaman kong may amnesia siya hindi rin sumagi sa isipan ko na baka hindi iyon totoo, na baka sinabi niya lamang na may amnesia siya.

Sinabi na rin iyon sa akin ni Dominic, pero hindi ko parin lubos maintindihan kung ano ang rason para magpanggap si Eloisa na walang ala-ala.

"Ilang beses ko nang nakausap si Eloisa at noong makita ko ang pag-interview sa kaniya kanina, kita ko sa mata niyang hindi siya masaya, nagtataka ako na sa dami ng natatanggap niya ngayon hindi ba dapat ay masaya siya? Kaya sa tingin ko ay may sugat pa rin ang puso niya, dude, at ikaw lang ang pedeng magpahilom noon."

Hindi kaya... hindi kaya pinipilit niya pagalingin ang sarili niya? At upang makamtan iyon nagpapanggap siyang walang ala-ala, ganun ba iyon kasakit para alisin niya ang memories namin?

Napapikit ako, bakit ko pa ba tintanong kung ganun iyon kasakit kung halata naman nang sobrang sakit ng naranasan namin一lalo na niya, I even left her, not knowing it will hurt her more... and now I am regretting it, I regret I didn't chose her as well.

Lumipas ang dalawang linggo na naghahanda lamang kami para sa shooting ng advertisement ng bagong produkto ng kumpanya, dahil sa hectic na schedule madalas ay sa kumpanya na lang ako nakakatulog at hindi na nakakauwi kay Mama at Ace , buti nalamang at may resting place kami na malapit sa mini resting shop namin.

Marketing ang department namin, si Mrs. Cruz ang head at napaka strikto niyang team leader, gusto niya ay perpekto ang lahat, ang mga materyales na gagamitin para sa shooting, ang klarong details sa venue at sponsorship, organized na tao siya kahit na madalas mainit ang ulo.

Pagkakaalam ko ay matagal na siya rito, si Mr. Hidalgo pa lang ang CEO ay nandito na siya bilang sekretarya nito, bilib ako kay Mrs. Cruz dahil loyal siya sa kumpanyang ito, isa lang ang masasabi ko, asset siya ng kumpanya kaya nakakagalak na kahit wala na ang dating CEO ay nandito pa rin siya.

"Nasan ka na?" bungad ni Joenel sa akin sa phone, katrabaho ko.

Isinukbit ko ang backpack na dala ko sa aking balikat, nagmano ako kay Mama saka nagpaalam sa kaniya.

"Paalis na, pre," mabilis akong tumakbo papunta ng parking lot para sumakay na sa kotse ko.

"'Ge, kita na lang sa resort, malayo-layo iyon kaya ingat," paalala niya sa akin, nagpasalamat ako saka pinatay ang tawag.

Binuksan ko ang makina ng kotse ko at saka humarurot paalis.

Alas cinco pa lang naman kaya palagay ko saktong alas otso ay nasa resort na ako.

Papunta ako ngayon sa venue ng pagshoshootingan ng advertisement, gaganapin ang shooting sa Moscow Salvo Resort sa Subic, kakabukas lamang nito 3 years ago at base sa mga litratong nakita ko ay napakaganda talaga nito, maaliwas, malinis at masarap sa mata.

Mag-isa lamang akong bumabyahe, ayoko namang makisabay sa mga katrabaho ko dahil sigurado akong sikip na sila, mahirap ipagsiksikan ang sarili.

Ngayon pa lang nag-iisip na ako ng ipapasalubong kay Mama at Ace, si Ace baka strawberry donuts na lang habang si Mama naman ay resort souvenier, tutal ayaw naman niya ng pagkain, ayon kasi sa kaniya mas gusto niya ng tangible na pasalubong na maitatago niya habang buhay.

Mag-sstay kami sa Moscow Salvo sa loob ng isang araw lamang, pagkatapos noon ay iwawrap up na agad, maikli lang naman ang flow ng advertisement.

Tatlong oras ang lumipas at nakarating na ako sa venue, nagpark ako at hinanap na sila, tinawagan ko naman ang katrabaho kong si Joenel para magtanong kung nasaan na sila.

Sinagot niya ito agad.

"Nasaan kayo?"

"Dito sa Pavilion, may pa-breakfast si Miss Sam, diretso ka na rito," aniya sa akin, saka patay ng tawag, busy ata sa pagkain.

Hinanap ko ang Pavilion at nakita ko naman iyon agad, may buffet at nandoon ang mga katrabaho ko na nakapila para kumuha ng breakfast, may mga mukha hindi pamilyar pero sigurado akong parte iyon ng production company na maghahandle ng shooting.

Itinaas ni Joenel ang kamay niya nang makita niya ako, siya lang ako medyo ka-close kong katrabaho, maliban sa pareho kaming lalaki ay napakabait nya.

Pinuntahan ko siya at binati, nakipag-fist bump siya bago ako pinapila. Napa buti talaga nung taong yun, pero hindi nya ako pinasingit.

Pumili ako, kumuha ng plate at kubyertos, puro pang-breakfast ang pagpipilian tulad ng eggs, sausage, bacon, fried rice, bread at may pa milk mountain pa, may cereal din, napangiti ako bigla. Sigurado akong si Eloisa ang may pakana nito.

May mga tables at chairs sa Pavilion, umupo ako sa lugar kung saan walang kumakain, hindi na ako sumama kay Joenel dahil puno na ang kanilang table.

Napabuntong-hininga ako pagkasandal sa upuan, ang ganda ng ambience ng Pavilion, kita kasi ang beach mula rito at ang ganda ng sikat ng araw, napangiti ako ng wala sa oras dahil napaka ganda ng view ng karagatan.

Wala pa rin si Eloisa... at hindi ko alam kung bakit hinihintay ko siya, kada subo ko ng kutsara ay tumitingin ako sa entrance ng Pavilion, bakit kaya wala pa siya?

Hindi ko talaga mapigilang umasa, umasa na pede pa kaming dalawa.

Tumingin ulit ako sa entrance habang umiinom ng tubig, may babaeng papasok na nakashades, at magara ang suot, may kasama syang lalaking naka-lagay ang kamay sa pocket at naka-formal attire.

Kumaway siya sa akin at binigyan ako ng ngiti. "Hi, Paolo!" napapikit ako sa pagtawag ni Ida sa akin, ayan na naman siya.

Nag-martsa siya papunta sa table ko, napakunot ako nang makita ko ang kasama niyang matipunong lalaki.

Napamura ako sa isipan ko, si Julian?

Tiningnan ko ang mga tao sa paligid ko at lahat sila ay nakatingin sa akin sabay lipat noon kay Ida, ano bang trip nitong si Eadaion at pinangangalandakan na magkakilala kami?

"Hi, Paolo," ulit niya pa sabay upo sa vacant seat sa table na kinapwepwestuhan ko, napa-facepalm ako nang wala sa oras, I sighs as I looks at her . "O, bakit mukhang pinagsakluban ka ng langit at lupa?"

"Long time no see, Paolo," barakong bati ni Julian sa akin, binati ko siya pabalik, umupo siya sa tabi ni Ida, hindi ako makapaniwala, lalaking-lalaki na talaga ang asta niya ngayon, paano nangyari yon? Mas babae pa ito kay Andy at Eloisa noon.

"Anong ginagawa mo dito?" as far as I can do, I asked that silently.

Inalis niya ang kaniyang shades at tiningnan ako ng mabuti. "Gusto mo ba makuha pabalik si Eloisa?"

Anong binabalak nito?

"Answer me, asshole, do you want her back or nah?"

Without me knowing it, I nod.

"Good! Then, use me," napakunot ako sa sinabi niya.

"What?" tanong ko.

"Use me, okay lang naman sa honey bunch ko e. 'Diba, honey bunch?" tanong niya sa kaniyang katabi na si Julian.

"Oo naman noh, honey bunch," sagot nito.

Hindi ko alam kung dapat ba akong mabwiset dahil napakatamis ng dalawang ito, napangiti na lang ako ng wala sa oras. Sino hindi mabibigla na magkakagustuhan itong dalawang ito? Sa pagkakaalam ko rin ay nagsabunutan sila tapos ngayon, honey bunch na ang tawag nila sa isa't isa? Napaka mapaglaro talaga ng tadhana.

Pagkatapos ng breakfast ay dumating na si Eloisa at ang kaniyang secretary.

Tumayo ang lahat excluding Ida, pero napilit siya ni Julian..

"Hi, Miss Sam!" bati niya doon. Ngumiti lang si Eloisa at nilagpasan kami papunta ata siya sa director. "See? She still hates me, I can't believe her," paghihimutok ni Eadaion.

"Hayaan mo na, honey bunch, pero lalong mas gumanda si Eloisa ngayon," sambit ni Julian, sinamaan siya ng tingin ng girlfriend, lalaking-lalaki na din siya magsalita. Hindi talaga ako makapaniwala, parang wala na talaga yung feminine side niya. "Actually bet ko kasi make up niya," dagdag niya, this time mas malamya na ang boses, napakunot ako dahil ganun na ganun ang dati nyang pagsasalita.

"Julian!" sigaw ni Ida, dumagundong iyon sa buong Oavilion kaya napatingin ang mga tao, nanlaki ang mata niya at nagsorry naman agad sa kaniyang inasta. "Sorry po, sorry po."

Umupo na kaming lahat, nawala naman si Eloisa sa paningin ko, nasa venue na siguro siya ng pagshoshootingan.

"Honey bunch, I told you, ayokong nagagandahan ka sa iba at ayoko ring naiinggit ka sa ganda ng iba, gusto ko ako lang, you promise me that when you said you like me, remember? You said you are willing to be a guy, at least for me," it is a whisper but I can still hear it.

Does that mean Julian is still a gay? But I don't think he is.

Tumango siya at saka ngumiti kay Ida, napangiti rin siya, mukhang in love talaga sila sa isa't isa.

Pagpatak ng 10AM pumunta na kami sa venue, which is sa malaking cabin malapit sa beach, nandito ang mga equipments na gagamitin, ang production company at crew at pati mga kadepartment ko, may natanaw rin akong kwarto na nakalagay ang name ni Ida, may isa pa at ang pangalan na nakalagay ay Liam Parker, ayun siguro ang male lead para sa advertisement.

"May gagawin ka ba Scott?" tanong ni Mrs. Cruz sa akin, busangot ang kaniyang mukha, hindi ko alam kung ayun na talaga ang natural niyang expression o hindi, mabagal akong umiling. "Anong tinatanga mo? Tulungan mo ang production crew magdala ng mga gamit sa beach," aniya sa akin sabay turo sa mga production equipment, lumabas na siya.

Ito pala ang role ko rito, talaga buhat ng mga equipment.

Nang matulungan ko sa paglilipat ng equipment ang production crew hiningal ako, napaka bigat ng mga gamit nila at sasabihan ka pa nila na ingatan ang mga iyon dahil fragile at mamahalin, ang hirap ng sitwasyon ko.

Nasa beach kami ngayon at naghihintay na lang s pagdating ng main leads, hindi ganoong nakakapaso ang init, at nakakabilib na masarap ang simoy ng hangin, pagkatapos ang sarap pa sa tenga ng karagatan.

Pagdating ni Eadaion manager na niya ang kaniyang kasama, tapos nang mag-ayos ng props ang mga crew kaya pwede nang umpisahan ang shooting.

"Wait! Asan ang male lead?" napatingin kami sa director mula sa production company na inihire ng team leader namin, nakasuot siya ng tinted eye glasses, mataba, at medyo malamya.

Nagkatinginan ang lahat dahil mukhang walang may alam.

"Wala pa siya?" tanong ulit nito.

"Teka anong nangyayari?" Manager ni Ida ito.

Nagtataka na rin kami dahil wala ang presensya ng male lead, dapat ay nandito na siya kasama ang kaniyang Manager pero wala pa siya.

"Si Liam Parker ang kapartner ko, right? Manager Rhea, call his manager, you have his number," maarteng sagot ni Eadaion, naglakad siya papunta sa tent at umupo doon, mukhang hindi siya bothered s nangyayari.

"Scott, anong nangyayari?" tanong ni Mrs. Cruz sa akin.

"Hindi ko po alam."

"Anong hindi mo al一" napatigil siya sa pagsasalita dahil sa sigaw ni Aba, kakarating niya lang at mukhang galing sa pagtakbo, hinahabol kasi niya ang kaniyang hininga.

"Mrs. Cruz..." huminga siya ng malalim. "Hindi raw po makakarating si Liam Parker."

"What?!" sabay-sabay na tanong ni Mrs. Cruz at Manager ni Ida.

"Puno ang schedule ni Eadaion today pero naglaan pa rin siya ng time dito pagkatapos wala pala ang male lead?" mataray na sambit ni Manager Rhea.

"For your information Manager Rhea this is not our fault."

Itinaas ni Manager Rhea ang kaniyang kilala. "Oo hindi niyo kasalanan pero may pagkukulang pa rin kayo."

"Excuse me?"

"Dapat一" she cutted off, Eloisa suddenly appeared.

"What is happening here?" natahimik ang dalawa, inicross ni Eloisa ang arms niya, pinapayungan siya ng kanyang secretary ngayon. "So, walang magsasabi sa akin? Napaka lakas ng boses niyo to the point na rinig na rinig sa Cabin, now you don't want me to know the reason of your commotion?" kita ko ang paglunok nila, maski ako ay napalunok rin, nakakaintimidate siya ngayon sa totoo lang.

May biglang tumawa at lumapit kay Eloisa, it's the Director. "Miss Sam, kalma, this is just a simple matter, hindi kasi makakarating ang male lead pero we will fix this, pede rin namang alisin na lang ang scene na kasama niya ang kapartner niya."

"What? Remove her partner? No, Director Bonilla, Eadaion's character will not be fulfilled without the male's character," explain niya.

"I see! Then, maghahanap na lang kami ng new cast."

"The question is, makakahanap pa ba kayo?" tanong niya. "Hindi lahat ng lalaki ay may chemistry kapag kasama si Miss Eadaion Lorenz," sambit niya.

"Don't worry makaka一" napatigil ang Director nang magkatama ang mata naman, bakit siya nakatingin sa akin. "Actually, may nakita na ako Miss Sam."

"Who?"

Tinuro ako ng Director.

"Siya, that guy in white polo shirt," napakunot ako, anong nangyayari? "Unang kita ko pa lang sa kaniya, sa tingin ko ay may chemistry sila ni Miss Eadaion, what do you think, Miss Sam?" tanong niya kay Eloisa.

Tumakbo ang director papunta sa tent ni Ida at hinigit iyon papunta sa amin, pinagtabi pa kaming dalawa.

Putangina? Anong nangyayari?

Nag-iba ang itsura ni Eloisa, hindi ko mabasa kung galit ba siya or hindi.

Tumango siya. "You are right, now that they are next to each other, I couldn't agree more that they do have a chemistry, director," biglang kumirot ang puso ko, wala sa itsura niya ang pagkaselos, mukhang hindi na talaga ako naalala ng mahal ko.