webnovel

4th Chapter

Paolo's Point of View

Napagdesisyunan ko na mag unwind muna, problemadong-problemado ako dahil sa marriage na plano ni Lolo, pupunta ako sa usual tambayan namin ng mga kaibigan ko, at iyon ang bar na pinag-inuman din namin kagabi. Mabuti na lang ay may spare phone ako, ito ang ginamit ko para tawagan si Dominic at sunduin. Dumaan ako sa balkonahe ng kwarto ko para hindi mahuli ni Lolo, mahirap din naman ikuntsaba ang secretary niyang loyal.

Tulad ng plano, nandoon na nga si Dominic, wala ang dalawa, mabwibwisit lang ako kung nandito sila.

"Why did you call me, dude?"

"Sa bar tayo ng mga Mendoza, saka ko na ikwekwento," umupo ako sa passenger's seat, binuksan ang binta at ipinatong ang siko doon.

Kailangan kong mag-laro para mawala ang negativity sa katawan ko, and that game means, playing feelings.

When we arrived at the bar, umuugong ang tugtugin sa bawat sulok, may iba't ibang kulay ring umiikot sa buong paligid. It's too loud para roon mag-usap, kaya pumunta kami sa VIP room.

"Ipapa-fix na naman ako, dude, bago noh?" Pagbibiro ko, laging ito ang problema ko, sobrang bago.

Dahil hindi na kami bago sa bar na ito ang mismong naghahandle pa na si Niel ang naghatid sa amin ng inorder na special tequila.

Dala nito ang sampung baso ng tequila sa isang tray, mixed ito at specialty niya, hindi siya barista pero hilig niya ang mag-ganon.

"Salamat, pareng Niel!"

Nag-thumbs up ito. "No problem, Scott," lumabas na ito kaagad dahil mag-DDJ pa para sa mga nagpaparty.

"Bottom's up!" Maligayang sigaw ko at inom ng unang shot sa sampong baso sa lamesa. "I need to be high so I can forget the stupid thing I have done! May nakilala akong isang Dalagang Pilipina? Phew. There is no such thing anyway," tumawa ako at uminom ulit.

"Don't drink too much, baka mamaya sa Jolo ka na mapadpad. Ano ang plano mo?" Nakadalawang shot na ako pero si Dominic ay hindi pa rin kinikibo ang hawak na baso. Kung ihahalintulad sa isang bagay ang kaibigan kong si Dominic, wala ng iba kundi isa siyang yelo, bukod sa malamig na personality, matigas pa puso at walang napakalamig sa mundo.

Umubo muna ako bago maglitanya. Dalawang beses kong pinaasa ang kaibigan sa plano pero nagkibit balikat na lang ako. "Hindi ko rin alam, ikaw ba may plano ka?"

"Dude, bakit mo ipinasa sa akin? That's your problem, not mine," tulad ng expectation ko, wala ring dulot, kapag naman nandito ang dalawa, si Lance at Warren, puro kalokohan ang isasuggest nung mga 'yon. At mahirap na maraming makaalam ng maiisip kong plano. Hindi naman na wala akong tiwala sa mga kaibigan ko kundi dahil mas konti, mas maliit ang posibilidad na hindi mabuko.

"Umaasa lang ako, hindi naman masamang umasa, malay mo naman may pag-asa," napakunot lang si Dominic sa sinabi ko.

"I actually have a plan, would you mind if I tell you?" Nagpantig ang tenga ko at napangiti ako, minsan talaga masarap umasa kung iyong inaasahan mong mangyari ay matutupad. If you know it is worth assuming for, why not kept on assuming it?

Bilib na talaga ako sa cold-hearted kong kaibigang ito, silent but deadly kung mag-isip! This is the first time he come up with a plan, and I bet, it is not just a good but an amazing plan.

Ngayon na alam kong wala na akong dapat pang isipin, lumabas ako at sinabi ko kay Dominic na maglalaro lang. Bumuntong-hininga ang naiwan na si Dominic sa VIP room.

"Golden Margarita, pareng Niel," order ko at saka upo sa isang bakanteng upuan, pinagmamasdan ko lang ang mga nag-sasayawan sa dancefloor, wala pa akong target, pero hindi ko naman kailangang maghanap dahil panigurado may kusang lalapit.

The usual scenario was predicted, may umupo sa tabi ko at inalok ng kamay.

Ngumiti ako, imbis na makipagshake hands, I kissed the girl's hand. "Hi, gorgeous, what is your name?" Ibinaba ko ang kamay ng babae pero patuloy ko pa rin itong hinahawakan habang nakasteady na nakapatong sa lamesa.

"You don't know me? I am Ambreen!" Masiglang suhestiyon ng babae, she's the next target, she is even my usual victim. Babaeng maarte, at siyang mismong nagpapahamak sa kaniyang sarili.

"Hulaan ko middle initial at apelido mo, is it "S. Mine"? Ambreen S. Mine?" Napakadali para sa akin ang paikutin ang mga babae, lalo pa at kung gusto na nito, it is easy for me to play someone's heart if we are both a player. Ang isa ay sanay na sa laro, habang ang isa ay walang kamalay-malay kung ano ang kahihinatnan nito.

May ngiting napinta sa labi ng babae.

"If you said I am yours, then you are mine now, tayo na?" Isang malaking ngiti rin ang ipinakita ko.

Tumango ako at inaya ang babae sa dancefloor, danced until we can. Bigla namang nag-iba ang ihip ng hangin, naging romantic ang song dahilan para tuluyan ko nang makuha ang puso ng babaeng kasama ko. I asked her to dance with me, nasa bewang ng babae ang dalawang kamay ko, habang ang kamay naman niya ay nakapulupo sa leeg ko.

"I like you, Andrei Paolo Scott," bulong nito, we are too close to each other to the point we can feel our breaths.

"I like you too..." I cutted my line off... I can't remember the girl's name! "-my girlfriend," nakahinga akong maluwag na isa akong mahusay na pafall kaya alam ko kung paano lusutan iyon.

*

Eloisa's Point of View

Hawak-hawak ang isang folder na mayroong information ko, binasa ko sa isip ang mga nakasulat.

Ramos, Eloi Samantha Hidalgo,

17 years old,

Female.

Naka-enrolled na ako sa isang logo na school na mayroong Craeven Academe na nakaukit. Isa itong school na kilala sa buong bansa, akademya na karamihan lamang ay mayayaman. Paano ko mapagtatagumpayan ang magkaroon ng normal na buhay kung napapaligiran ako ng mga richkids?

My course made me surprised, well, not really, ito rin naman ang course ko noon, it's not my choice but my grandfather's, I hate business, unfortunately, will hear business oftenly, baka nga lagi pa.

Mas mabuti na iyon, kaysa namang manatili ako sa US mag-isa roon, if that's the case, susundin ko na lang ang mga gusto ng aking Lolo.

The next day, I combed her hair and tilt it up, more like a pony tail, ang buhok kong nasa lebel ng balikat ay pumaitaas na sa level ng leeg ko. Wala akong kahit ano sa mukha, ang tanging ipinahid ko lamang ay moisturizer. Ito ang unang araw ng pagpasok ko sa naturingang school of elite, funny.

Higit trenta minuto kaming bumyahe bago makarating sa destinasyon, pinark ni kuya Ericson ang kotse sa parking lot ng school.

"You look awful, walang halong biro," sita ni kuya, daig pa talaga niya ang isang babae sa pagiging judgemental.

"I am just being me, kuya, okay?" tugon ko at kuha ng bag sa back seat.

Nakabusangot ang mukha ni kuya habang tinitingnan ako, nilalait siguro ako kasi npakabaduy ko raw, ang suot ko lang daw kasi ay skinny jeans at oversized t-shirt.

"Mukha kang lalaki. Look at your chest, it's flattened! Are you even wearing a bra?"

Sobra na talaga ang kapatid ko kung manlait pati dibdib ko pinapakialaman, flat din naman siya. "Kuya! Napaka sama mo, bahala ka nga dyan," lumabas na ako, bago sarhan ang pinto ng kotse ay may pahabol pa si kuya.

"Wear a padding at least!" Narindi na ako.

"I don't need a padding!" Sigaw kong pabalik bago tuluyang sarhan ang kotse.

Kumaway pa rin ako nang umalis na ang kotse nito, namiss ko ang asaran kasama ang kapatid ko, walang ganito sa America, siguro ay mayroon, ngunit iba kapag nakasama mo simula noong una ang makakakulitan mo.

Laking gulat ko nang mayroong nagsalita mula sa aking likod, may kotse pala rito na bukas ang bintana. "Ang ingay! Kung sino man iyong kausap mo, I will agree with him, you need one," tumawa ito ng malakas, akala ko ay tapos na ang panglalait pero may pahabol pa. "Anong gamit mo, band-aid?"

"Ano?" Malumanay pa rin ang boses ko kahit nanggagalaiti na ako sa lalaki sa loob ng kotse, hindi ko ito makita, kalahati lamang ang nakabukas na bintana. Sinubukan kong ipasok ang kamay sa loob sa kasamaang palad, mabilis na nasara ito ng lalaki.

Hindi na ako naghysterical pa, wala nang rason para pansinin ko ang lalaking iyon, ayaw ko ng bad vibes, wala rin namang maiharap na mukha iyon.

Pumasok na lamang ako.

"Nakakairita!"

Upon entering the Academe, nakuha agad ng atensyon ko ang mga tao, they are all fancy. Ang layo ng suot ko sa mga suot nito, majority ay nakadress at high heels opposite of mine, I am just wearing my white sneakers.

Ngunit nang igala ko ang mata sa paligid my jaw dropped when I saw the entire beauty of Craeven Academe. Mas malawak ito kaysa sa Trinity School- ang pinag-aralan ko noong nasa New York pa- I was 15 that time and a grade 10 student, this campus is wider than my previous school but Harvard University is beyond beautiful. I was told to have an above average Intelligence Quotient, isa akong consistent honor since grade school, matalinong bata kaya naman hindi na dumaan pa sa Senior High kung saan nagexcel na ako sa kolehiyo at nag-aral na nga roon sa Harvard University ng 1st year college for a month.

Sa New York ako nakabased at ang si Lola last 2016, but my grandmother wanted to comeback to her hometown, and it is in Massachusetts. We moved at Massachusetts, at dahil malapit ang Harvard doon I studied there, pabor din naman ang si Lolo na sa Harvard ito mag-aral. Ngunit, recently lamang ay namaalam na si Lola, naiwan siya roon.

Maaga ang uwi ko ng dalawang linggo, kaya naman hindi pa gaanong ayos ang papers ko, I have to pass it in the Dean personally to finally attend my class, dalawang buwan nang nag-uumipisa ang klase and in that way, maaari akong makahingi ng hand-outs sa topic noong nakalipas na dalawang buwan.

*

Paolo's Point of View

Isang ring ng phone ang tumutunog, kinuha KO  sa bulsa ko, it's unregistered but I still answered it.

"What?" Badtrip na bungad ko sa tumawag, napa-sarap kasi ako ng puwesto sa kotse ni Dominic, kanina may maingay sa paligid pagkatapos ngayon ay istorbong call.

"Asan ka na!" Nailayo ko ito sa tenga, matinis kasi ang boses nito, isa lang naman ang kilala kong ganoon sumigaw at may guts na sigawan ako.

"Ano bang meron, Andrea?" Pabalik kong tanong rito, medyo may tama pa ako, hindi man ganon karami ang nainom ko, malakas lang talaga iyong nainom ko. Ginawa ko ng driver si Dominic, noong gabi kasi ay nagpahatid ako tapos kanina nagpasundo naman para pumasok.

Payag naman ito dahil alam na may kasalanan din kung bakit nagrounded ako. Siya rin kasi ang dapat magmamaneho noong isang beses na nag-bar kami, marami siyang nainom at nakatulog agad, dapat ay siya ang magmamaneho dahil obvious naman nang maglalasing kaming tatlo, pero nakapag-inom pa rin dahil sa problema kaya ang nagpumilit mag drive ay ako na dahilan kaya nabangga kami at bumagsak sa prisinto. I am glad matindi koneksyon ni Lolo sa polisya at hindi ako nakulong kahit sapat na edad namin para makulong.

"Baka naman nakakalimutan mong bise presidente ka ng club natin? Hoy, Scott, ilang beses na akong nagproxy sa'yo, ubod ka ng tamad!" Hindi ko talaga matagalan ang boses niya, parang laging naka-loudspeaker.

"Kaya mo na 'yan, may gagawin pa rin ako," may gagawin pa naman talaga ako, iyon ay matulog.

"May new transferee, you need to interview he-" pinatay ko na lamang ang tawag, bakit naman kasi kailangan pang iinterview ang mga estudyante for profiling sa club namin?

Nang ihome ko ang phone ko at icheck ang notification panel, the notification is full of messages from a user named Ambreen Buenavista, I frowned not knowing who the hell is the girl who continuously chatted me, not everyone could be that persistent, inoff ko na lamang ang phone ko at umidlip ulit.