webnovel

When He Changed (TAGALOG)

Paano kung may isang tao na di nakikita ang halaga mo? WRITTEN IN TAGALOG Copyright All rights reserved 2021

JaneDounut · Teen
Not enough ratings
20 Chs

Intimidating eyes

C4. Intimidating eyes

"MARIE! SAYO!" Si Stacey.

Lakas na ni Spike ni Marie ang bola. Siya na lang ang last hope namin para manalo. Kung mahina niyang ni-spike ito, paniguradong talo kami kasi malapit lang sa net ang mga kalaban. At kung malakas naman siyang tumira, it's either manalo o matalo. Kaya sana alam niya kung saan tumira kasi sa kanya nalang kami magtitiwala. Sana manalo kami. Sana manalo kami. Please Lord...

Napa hiyaw kaming lahat pati na ang nanunuod dahil nanalo kami! Yehey!

Tatalon talon kaming nag high five at yumakap na mga ka-teammates ko. Napaiyak narin si Marie dahil siguro, hindi siya makapaniwala sa nangyari. Ngumiti ako at niyakap si Marie at bineso siya.

"Salamat sissy." Bati ni Justine.

"Hahaha enebe!" Nagpakipot pa ang feelingera. Sabay pa kaming napairap ni Justine.

"Mash-up! Mash-up! Mash-up!" Cheer yan ng mga supporters namin. Mash-up ang pangalan ng grupo namin. Hindi ko nga alam kung bakit yan ang pangalan. Tanungin niyo na lang si author.

"Talo na naman." Narinig namin ang ibang school na nasa bleachers. Parang disappointed sila sa naging resulta. Syempre, sino ba namang hindi madi-disappoint pag natalo ang school niyo sa laro diba?

Umupo ako sa bleachers at ngumingiti nalang sa mga bati ng mga ka-schoolmates ko.

"Congrats!" Tumango ako.

"Ang galing ng laro! Sana kayo ulit manalo." I gave the girl a genuine smile. Hindi naman sa pagmamayabang, pero palagi kaming nanalo pag may laro sa ibang school. Like ngayon, natalo namin ang CDC High. Magaling naman sila, pero SABI nga NILA, MAS magaling daw kami maglaro. May iba kasi kaming strategy pag naglalaro. Hindi rin nababasa minsan ng mga kalaban ang mga galawan namin kaya nga ang tawag nila samin is 'Beastly Players'.

"Oh ito tubig." Tinanggap ko ang binigay ni Cris sa'kin. "Salamat." Ngumiti ako at ininom ito.

"By the way," umupo siya sa bakanteng katabi ko. "I heared, galit sa inyo ang CDC."

"Nahh." I lazily swift my hand and looked up to the the other group. Nakita ko ang masasama nilang tingin samin, di naman nagpapatalo ang ka-teammates ko. Ginantihan rin.

"Sanay na kami. Hayaan mo na." Pagpapatuloy ko.

"And..." Pabitin ni Cris.

Umirap ako at nagtaas kilay. "And?"

His intimidating eyes looked over me. Isa rin ito sa mga kinahahangaan ko sa kanya, lahat natatakot pag ganito na ang mukha ni Cris. Bagay sa kanya ang maging presidente ng skwelahang ito, kasi napapasunod niya ang mga estudyante sa isang tingin niya lang. Di ko nga alam kung bakit ba sila natatakot? Saan? Sa mata niyang may deep meaning? O sa mukha niyang pangit? Pero in my case, di ako takot. Kilala ko na kasi siya at syempre, panalo namin ngayon nu! Dapat masaya!

"Hoy?" Nagpa-kurapkurap siya. Umiling-iling rin at sabay sabing, "Nevermind."

"Luh?! Ano ba kasi yun pangit?" Hinabol ko siya ng tingin ng tumayo ito at naglakad. Napatingin rin dito ang dalawa kong kaibigan. They gave me looks na nagtatanong kung anong nangyari, I just shrugged it off and kumuha ng piattos para kumain.

Ito namang mga kaibigan ko, nakakita lang ng pagkain, tumakbo sila agad sakin.

I sighed, hindi ko na sila matakasan.