webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · Fantasy
Not enough ratings
77 Chs

Devil 67: Altered Memories

Someone's Pov

Hindi magkamayaw ang lahat ng doctor at nurse habang nasa ICU ang anak ng may-ari ng kanilang pinagtatrabahuhang ospital.

Ang lahat ay hindi parin makapaniwala sa nangyaring aksidente na muntik nang ikasawi ng bunsong anak ng mga Montero.

"Mabuti nalang nasa lugar din ng pangyayari si Doc Eros kaya naagapan si sir Zeroin." Anang isang nurse habang nagchecheck ng daily routine nito.

"Naku sinabi mo pa, alam mo bang halos mawindang kami kagabi nang isugod nya dito ang kapatid nya?" Hindi rin makamove-on na turan ng isa.

"Grabe, hindi parin ako makapaniwala, alam nyo ba na umiyak nga raw si Doc Eros dahil akala nya ay di na maliligtas ang kapatid nya?" Pagbibida naman ng isa.

"Talaga ba? Oh My G! Si Doc Eros? Aww...sana pala ako nalang ang sumamang sumundo sa kanila kagabi."

"Naku, kung ako man ang nandun baka napaiyak na rin ako. Hindi ko talaga maimagine na umiyak si Doc Eros. Parang madudurog ang puso ko!" Wika pa ng isa at umaktong nasasaktan habang nakahawak sa dibdib.

"Eh kung saktan ko kaya kayo!" Agad na natauhan ang lahat sa narinig.

Mabilis nila itong nilingon at atubiling bumati rito.

"Ngayon ang oras upang maging maliksi at alisto kayo dahil anak ng may-ari ng ospital na to ang VIP natin." Galit na turan ng kanilang head nurse.

"O-opo Head Nurse." Turan nila at mabilis na kumilos at nagtungo sa kanilang mga assigned job.

Napabuntong hininga naman ang head nurse saka bahagyang napailing nalang.

Umalis siya sa nurse station upang dalhin sa VIP room ang mga medicine na kailangan ng kanilang pasyente ngunit habang daan ay nakarinig siya ng ingay na nagmumula sa fire exit. Kaya naman marahan siyang lumapit dito at tiningnan ang nangyayari. Ngunit ilang sandali pa ay ang mahinang pagsigaw niya ang namutawi sa tahimik na pasilyo.

NAKAUPO at tulalang nakatingin lamang si Erhis sa natutulog na kapatid.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa nangyari dito.

Ang mga rebelasyon tungkol sa tunay nitong pagkatao ang syang naging dahilan ng pagkaka-aksidente nito.

Wala siyang masisi sa nangyari. Dahil lahat sila ay itinago rito ang tunay nitong katauhan. Ngunit gusto niyang mainis sa kanilang grandma dahil sa pagiging maselan nito. Hindi naman kasi mangyayari ang lahat ng iyon kung tinanggap na lamang nito ang pagbibigay respeto ng kapatid niya. Hindi na sana nauwi sa malagim na aksidente ang lahat.

Ngunit ayaw nya rin namang maramdaman ng grandma nya na ito ang may kasalanan lalo pa at nakaconfine narin ito dahil sa nangyari.

Bunso, patawarin mo sana si ate kung hinayaan kong mangyari sayo ito. Patawad kung hindi namin nasabi sayo agad ang lahat. Pero pagkatapos mong magising, pangako na babawi kami sayo. Kaya please, gumising kana Bunso.

Kahit hindi tayo totoong magkapatid. Para sakin ikaw parin ang bunso namin. At mahal na mahal kita.

Sunod na sunod na pagtulo ng luha ang namalisbis sa kanyang mga pisngi na mabilis naman niyang pinunasan.

Marahang pagdantay ng kamay sa kanyang balikat ang kanyang naramdaman at nang lingunin niya ito ay ang malungkot na mukha ni Eros ang kanyang nakita.

Tumayo siya at yumakap rito.

"Kuya, thank you for saving him! Thank you so much!" Aniyang lalong napaiyak. Kung di dahil dito ay baka hindi na nila nakitang buhay ang bunso nila.

Agad namang ginantihan ng yakap ni Eros ang kapatid at marahang hinagod ang buhok at likod nito.

"Ano ka ba, he's also my brother. Of course, I will do anything for him." Aniya na lalo lang nagpaiyak rito.

Masyado talagang mababaw ang luha ng kapatid niya.

"Ssshh.. Tahan na. Zeroin doesn't like to see you with swollen eyes. Baka isipin nya pa na pinaiyak kita." Aniyang bahagyang natawa.

Bahagya naman itong tumahan saka muling tumingin sa nakahigang kapatid.

Napabuntong hininga si Eros saka napatingin sa natutulog na si Zero.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Alam niya at natatandaan niya ang nangyari nang nagdaang gabi kung saan nakita niyang naaksidente ang kapatid at nagawa naman niya itong maagapan agad kaya nakaligtas ito sa kritikal na kondisyon.

Ngunit hindi mapanatag ang loob niya.

Parang may mali sa mga nangyari. Bakit may pakiramdam siya na hindi ganun ang nangyari?

Kaya naman hindi niya alam kung matutuwa sa katotohanang siya ang nakapagligtas sa kapatid o malulungkot dahil may pakiramdam siya na hindi naman talaga siya ang nakapagligtas dito.

Ngunit kung anuman ang totoong nangyari ay masaya narin siya na makitang hindi na ganun kadelikado ang lagay ni Zero at inalis na ito sa ICU na ngayon ay nasa VIP room na.

And as for his parents ay nasa kwarto ang mga ito ng kanilang grandma.

Naikwento na sa kanya ng kanyang ama kung ano ang nangyari na naging dahilan ng pagkakaaksidente ni Zero.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa nalaman. Alam niyang maselang tao ang grandma nila ngunit hindi niya aakalain na aabot sa ganito ang pagiging maselan nito.

Ayaw naman niyang magsalita pa dahil baka mas lumala pa ang sitwasyon.

Ilang sandali pa silang nakatayo roon ni Erhis at nakatingin kay Zero nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanilang ama.

Lumapit ito sa kanila at napatingin rin kay Zero.

"Dad, where's mom?" Tanong ni Eros sa ama.

"She's not feeling well. Edward took her home para makapagpahinga na siya." Sagot nito.

Bahagya siyang napaisip.

Nag-aalala rin siya sa kanyang ina dahil simula nang ilipat nila si Zero sa VIP room ay napansin na niyang balisa ito. Hindi lang niya ito matanong dahil alam niyang nag-aalala rin ito sa kapatid niya. Ngunit may pakiramdam siya na may ibang inaalala ang kanyang ina bukod sa nangyari kay Zero.

At ang isa pa niyang pinagtataka ay kung anong nangyari matapos niyang dalhin si Zero sa ospital.

Ang natatandaan lang kasi niya ay agad silang sinalubong ng mga nurse at doctor kagabi at pagkatapos niyon ay wala na siyang matandaan pa. Sinabi naman sa kanya ng kapwa doctor na nawalan siya ng malay matapos ang pangyayaring iyon ngunit hindi na nila pinaalam sa lahat at minabuti nalang daw ng mga ito na makapagpahinga siya dahil daw marahil sa shock at pagod.

Ngunit parang hindi niya kayang paniwalaan ang mga ito dahil may pakiramdam siya na hindi ganun ang nangyari. Subalit paano naman niya malalaman ang totoong nangyari kung wala siyang matandaan.

Napahawak siya sa kanyang sintido nang bahagyang sumakit iyon.

"Anak, are you okay?" May pag-aalalang tanong ng kanyang ama nang makita ang ginawa niya.

"Yeah dad. I think I'm just tired." Aniya.

"Okay, you should take a rest too. Hindi biro ang ginawa mo kagabi kaya proud ako sayo. You did a great job son." Anito.

Bahagya siyang napangiti rito. Ngunit parang hindi siya masaya sa sinabi nito dahil feeling niya ay di niya deserve ang papuri nito. Subalit pinagwalang bahala na lamang niya iyon.

Ilang sandali pa ng magpaalam siya sa ama at kay Erhis na pupunta ng kanyang opisina.

Pagkalabas niya sa room ay nasalubong pa niya ang dalawang kaibigan ni Zero.

"Good morning po Doc Eros." Bati nang mga ito sa kanya.

Napatango naman siya rito at nginitian ang mga ito. Ngunit bahagya siyang natigilan nang mapatingin sa dalawang babaeng kasama ng mga ito.

"Ah, mga kaibigan din po sila ni Zero. Sya po si Shane, kapatid mo sya ni Dr. Gravalez at sya naman po si Jichell, pinsan po nila." Ani Drew na nahalata ang pagtataka sa mukha niya.

"Good morning po Doc Eros." Bati naman sa kanya ng tinawag na Shane.

"Good morning. So you're Dr. Gravalez's sister that he is talking about. And you're also Jack's friend right?" Aniya rito.

Bahagya itong natigilan saka atubiling napatango. Mukhang hindi nito alam na ilang beses nya na rin itong nakita na kasama ni Jack.

"Where is Jack? Did she know what happened to Zero?" Takang tanong niya.

Nagkatinginan ang dalawang babae sa tanong niya na bahagya niyang pinagtaka.

"Uhh..alam na po nya ang nangyari, ngunit hindi raw po nya kayang makita ang kalagayan ni Zero kaya hindi muna sya sumama samin." Paliwanag ni Shane.

Bahagya siyang napatango tango sa sinabi nito.

"Ganun ba, okay. I understand her. Sige na, pumasok na kayo sa loob." Nakangiting turan niya sa mga ito. Nagpaalam naman ang mga ito sa kanya at akmang tatalikod na sana siya sa mga ito nang muli siyang matigilan nang parang may kung anong nakita sa isa pang babae na kasama ng mga ito.

Napatingin siyang muli sa apat na papasok ng kwarto ni Zero particular sa huling babaeng kasama nila.

Mukha naman itong normal na dalagita lamang tulad ni Shane. Ngunit ewan ba niya kung bakit parang may nakita siyang kakaiba sa batang iyon.

Did I just imagine things? Or...

Is she a cyborg?

Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Hindi siya sigurado sa nakita ngunit parang eyeborg ang gamit ng batang iyon.

He saw her eyes changing it's color at nagulat siya nang makitang nagblink ang mga mata nito nang hindi pumipikit ang talukap nito. Which is nangyayari lamang sa mga taong gumagamit ng eyeborg.

Ngunit hindi na niya masyadong pinansin iyon dahil marami na namang mga taong gumagamit niyon ngayon. Pero kakaiba ang gamit nito dahil noon lang siya nakakita ng ganoong eyeborg.

Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad habang napapaisip. At nang makarating siya sa kanyang opisina ay muli siyang natigilan nang maalala si Dr. Gravalez.

Speaking of him. Didn't I saw him last night?

Natigilan siya nang tumunog ang cellphone niya at mabilis iyong kinuha. Bahagya siyang napahinga ng maluwag nang makita ang pangalan ng kanyang asawa sa screen. Hindi na niya ito natawagan simula kagabi dahil ayaw niyang mag-alala ito.

"Hey honey.." Bati niya rito.

"Hon..sniff.." Agad siyang naalarma nang marinig ang pag-iyak nito.

"What happened? Why are you crying? Where are you? Pupuntahan kita. Just wait for me." Puno ng pag-aalalang tanong niya at agad na kinuha ang susi ng kanyang sasakyan upang puntahan sana ito ngunit nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Honey...I'm p-pregnant..!"

--