Someone's Pov
Saturday...
Abala ang lahat sa mansion ng mga Montero. Umaga palang ay hindi na mapakali si Madam kung ano ang gagawin upang maging maayos ang gaganaping kaarawan ng apo nya.
Sumapit ang gabi at unti unti ng napupuno ang garden ng mga Montero kung saan gaganapin ang kaarawan ni Eros.
Habang si Eros naman ay nanatiling nasa loob ng kwarto at hinihintay na sanay matapos na agad ang magdamag.
He never liked the party specially kung sya ang dahilan nito.
Ngunit alam niyang hindi lang ito tungkol sa kaarawan niya. He knows that his birthday party was just a cover for his grandma's true intentions. At yun ay ang makilala ang kilala at magaling na doctor na si Dr. Simon Snyder.
Hindi rin niya alam kung bakit ang sikat at respetadong doctor na ito ay nagawang paunlakan ang kanyang imbitasyon gayung hindi naman siya nito kilala.
"Are you okay?" Napalingon siya sa nagsalita.
"Yeah." Tipid niyang sagot saka tumingin sa labas ng terrace kung saan kita niya ang mga bisitang may sinasabi sa lipunan na halos kakilala ng kanyang lola.
Marahang pumulupot sa beywang niya ang kamay ng asawa.
Napangiti siya at iginiya ito sa harap niya saka niyakap mula likod.
"Hindi pa ba tayo bababa? Dumarami na ang mga bisita mo." Ani Denny.
"It's alright. Mas gusto kong ikaw nalang ang eentertain ko?" Nangingiting sagot niya at hinalikan ang asawa sa batok nito.
"You're such a tease." Natatawang suway sa kanya ni Denny.
Nagpatuloy siya sa paghalik dito ngunit bahagya siyang natigilan nang matahimik ito.
"Anything wrong honey?" Tanong niya rito.
"Nothing." Malungkot na sagot nito habang nakatingin sa ibaba.
Takang sinundan nya ito ng tingin at napabuntong hininga siya ng makita ang tinitingnan nito.
Nasa ibaba ang hipag niyang si Tracy at ang anak nitong si Trisha. Mukhang may gustong puntahan ang pamangkin niyang tatlong taong gulang ngunit ayaw itong payagan ng ina.
Masuyo niyang hinaplos ang magkabilang balikat ng asawa.
"I love you." Bulong niya rito upang maibsan ang iniisip nito.
Napangiti ng mapait ang asawa niya at mukhang nakuha nito ang nais niyang ipabatid.
"Let's go downstair?" Aya niya rito para hindi na ito malungkot pa.
Minsan ay nakakaramdam siya ng awa sa asawa dahil hindi nito kayang magbuntis. They've been married for five years pero hanggang ngayon ay wala parin silang anak. At nagiging dahilan narin ito upang maparanoid ang asawa niya at hindi maiwasang mainggit sa ibang may anak.
At ang isa pang mas nagpapabahala rito ay doctor ito. Nagagawa nitong gamutin ang ibang taong hindi magka anak subalit hindi nito kayang gamutin ang sarili.
Ngunit palagi niyang sinasabi rito na mahal niya ito may anak man sila o wala.
Sa kabilang kwarto naman ay nag aasaran na naman ang tatlong magkakaibigan dahil sa formal nilang mga suot.
"Grabe dude, ang gwapo ko talaga kapag nakatuxedo. Look!" Di makapaniwalang bulalas ni Cody habang nakatingin sa salamin.
"Tsh! Gwapo ka na nyan?" Asik sa kanya ni Drew na noon ay inaayos ang suot na necktie.
"Yabang naman nito. Pero sa tingin mo maraming darating na checks mamaya? Balita ko lahat ng mga business man at doctors na pupunta ay malamang na invited din ang mga anak nila." Excited na turan pa ni Cody.
"As if makakadiskarte ka naman." Nakairap na sagot ni Drew.
"What? Dude! Don't you know me? H'wag mo akong minamaliit pare dahil malakas ang charms ko." Mayabang na saad niya sa kaibigan.
Napailing nalang si Drew dito saka nilingon si Zero na nagsusuot ng sapatos.
"Ba't ang tahimik ng isang yan?" Takang tanong niya kay Cody.
Agad namang napatingin si Cody kay Zee na noon ay mukhang occupied parin ang isip.
"Eh kasi nga, hindi raw makakapunta si Angel dahil may sakit." Sagot nito.
"Really? Kelan pa?" Takang tanong niya.
Nagkibit balikat lang si Dy. Ngunit napaisip si Drew dahil kakakita nya lang sa post ni Ashley kanina at sinabing pupunta ito sa party ni Doc Eros dahil isa ring doctor ang ama nito.
And he knows that Ashley and Angel are inseparable.
Napabuntong hininga nalang siya at napaupo sa tabi ni Zero habang hinihintay itong matapos.
Natigilan sila nang may kumatok sa pinto at pumasok si Erhis.
Bahagya pa silang napatulala ni Cody sa itsura nito. Napatayo siya nang lumapit ito.
Aaminin niyang minsan ay di niya maisawang magblush kapag nakakausap ang magandang kapatid ni Zero.
"Hey guys, wow! Kayo ba talaga yan?" Manghang bati nito sa kanila.
"Ehhehe...hi ate Erhis." Nahihiyang bati ni Cody na namumula at halatang nagpapacute.
"Oh! Cody, when did you grew up? Can't you just stay cute forever?" Ani Ate Erhis at pinisil sa pisngi si Cody. At mukhang natulala naman ang gago at sobrang pinamulahan.
Pfft! Hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito.
"And you look gorgeous Andrew. Wow! Binata na talaga kayo!" Anito na bahagyang pinagpag ang balikat niya.
Nahihiyang ngumiti lang siya dito.
"You look beautiful too Ate Erhis." Ganting compliment niya rito na bahagya nitong kinapula.
"Oh, thank you! Sa tingin mo ba magkakaboyfriend na ako ngayong gabi?" Biro pa nito sa sa kanya.
"Ah.."
"I'm just kidding." Natatawang putol nito sa sasabihin niya saka bumaling kay Zero na noon ay parang hindi parin sila nakikita.
"And wow! Are you really my brother?" Puri nito sa kapatid at sinipat sipat ito ng tingin.
"If I were a girl I'll be truely asking you out!" Nagniningning ang mga matang wika nito.
"What are you saying? You are a girl Erhis." Walang ganang sagot naman ni Zero.
"Oh! Really? See, pati ang kasarian ko nalimutan ko dahil sa kagwapuhan mo."
"Oh shut up!" Irap ni Zero.
"Why so grumpy, lil bro? Hmm?" Panunuyo ni Ate Erhis at hinaplos haplos ang mukha ng kapatid.
"Erhis, stop it masisira ang buhok ko." Suway naman ni Zero.
Natawa siya ng bahagya sa mga ito. Maya maya ay bumulong sa kanya si Cody.
"Sana ako nalang si Zero sa mga oras na ito pare. Para ako nalang ang sinasabihan nya ng gwapo at ako nalang ang hinahaplos nya at-!"
"Gusto mong makababa ng maaga? Malapit lang ang terrace pwede kitang ihagis!" Putol niya rito para matigil na ito sa kakapantasya nito sa kapatid ng kaibigan nila.
"Ang KJ mo talaga dre! Selos ka na naman kaagad eh." Reklamo nito.
"Sira ulo ka talaga! Lumayo ka nga sakin!" Mahinang asik niya rito upang di sila marinig ni Erhis.
"Yes sweetie. Ikaw lang naman ang para sakin eh!" Malanding asar pa nito sa kanya kaya naman inambaan niya ito ng suntok pero mabilis naman itong lumayo at kunwaring lumapit kina Zero.
Napailing nalang siya dito at bahagyang natawa.
"Okay guys, ilang minuto nalang magsisimula na ang party kaya bumaba na kayo okay?" Nakangiting wika ni Ate Erhis saka nagpaalam na.
"Shit dude! Ang puso ko natutunaw!" Eksaheradong turan ni Dy nang makalabas si Erhis.
Takang napatingin naman sa kanya si Zero at binato ito ng pillow.
"Pinagpantasyahan mo na naman ang kapatid ko! Gusto mong tunawin kita?" Asik dito ni Zero.
"Anu ba guys! Ba't ba galit na galit kayo? Tao lang din naman ako at marunong magmahal. Kasalan ko bang mahalin ko si Ate Crush?" Himig nagtatampong saad nito.
"Kapag hindi ka tumigil ika-crash ko yang mukha mo sa sahig!" Asik naman ni Zee.
"Pero mas mahal ko kayo syempre. Hehe!" Mukhang tangang bawi ni Dy sa sinabi nito.
"Bumaba na nga tayo baka tayo pa ang maging high light ng gabi." Naiiling na turan nalang ni Drew.
"Papa Drew, alalayan mo ako." Habol pa ni Cody.
"F*ck off Dy!" Asik niya rito ngunit tinawanan lang siya nito.
--
Zero's Pov
Nailing nalang ako sa dalawang kolokoy saka sumunod na sa mga ito.
Nang makababa kami sa hagdan ay pansin agad namin ang mga kilalang tao na nakikipag usap kina Madam at Kuya Eros.
This is pure business. Kaya naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Kuya Eros ng party.
Naiiling na bulong ko sa isip.
Nahagip din ng mga mata ko si Kuya Eric na umuwi kahapon kasama ang asawa nito na nakikipag usap din sa mga importanting tao na kilala ng mga ito.
"Tara na?" Aya ko sa dalawa upang pumunta sa garden kung saan ang center ng party.
Ngunit napatigil ako nang may humila sa pantalon ko na muntik ko pang ikasigaw. Agad akong napabaling dito subalit wala akong nakita at nang tumingin ako sa baba ay nagulat pa ako nang makita si Trisha.
"Hey Baby Trish!" Nakangiting bati ko rito at agad itong binuhat.
Tatlong taong gulang lang ito na anak ni Edward.
"Tito food." Cute na turan nito.
"What?" Medyo naguluhang tanong ko. Hindi parin kasi ito masyadong nakakapagsalita ng tuwid kahit 3yrs old na ito.
"Gusto nya raw kumain ng food dude." Sagot naman ni Cody na lumapit samin.
"Hello little crush, gusto mo ba kay tito cutie?" Nakangiting bati niya kay Trish habang nakaabang ang mga kamay upang kunin ito at bago pa ako makahuma ay agad na sumama sa kanya ang pamangkin ko.
"Hayst! Epal ka talaga dude no? Kanina ang kapatid ko ngayon naman ang pamangkin ko?" Asik ko sa kanya.
"Ganun talaga kapag gwapo pare, sabi naman sa inyo habulin ako ng checks eh." Mayabang na sagot niya.
"Baka gusto mo ring tawaging crush si Madam okay lang sakin." Hamon ko sa kanya.
"Pwede rin. Granny crush!" Aniyang natatawa at binirahan ng alis.
"Baliw talaga!" Naiiling na sabi ko nalang at inakbayan si Drew na noon ay natatawa lang din at sumunod sa baliw naming kaibigan na lahat na yata ng member ng pamilya ko ay crush nya.
Pagdating sa table namin ay naabutan naming pinapakain na ni Cody si Trisha habang nasa tabi din naman ang kararating lang din na ina nito na si Ate Tracy.
"Hey Ate Trace." Bati ko sa kanya.
"Oh Zero." Aniya at nakipag beso sakin. Close kami ni Ate Tracy dahil madalas niya akong ipagtanggol kay Edward.
"Naku, pasensya na kayo sa pamangkin mo, kanina pa ako di mapakali sa kakulitan nyan at halos nalibot na namin ang buong garden dahil ayaw pumirmi sa isang tabi." Aniya.
"It's okay Ate Trace, kami ng bahala kay little crush." Sagot naman ni Cody.
"Tsh! Tigas talaga ng mukha mo dre, proud ka pa talagang tawaging crush ang pamangkin ko sa harap ng mama nya!" Turan ko.
"So what dude? Proud naman talaga akong crush ko si Trish eh. Malay mo balang araw maging pamangkin mo pala ako, diba mommy Trace?" Pacute na sagot naman ng kumag.
"Anak ng! Baboy ka talaga dre!" Turan ko at kunwa'y binatukan siya.
"Puro talaga kayo kalokohan." Natatawang saad lang ni Ate Tracy. Sanay na naman kasi sya kay Cody.
"Cubby.." Ani Trish.
"Ano daw?" Takang tanong ko.
"Nakita mo na? Tinawag nya akong Hubby dude!" Ang laki ng tawang sagot ni Cody.
"What? Pinagsasasabi mo?" Di makapaniwalang tanong ko at lumapit kay Trsih saka lumuhod upang magpantay kami nito.
"Baby Trish, say tito Zero." Sabi ko sa cute na baby namin.
"Tito Z.zz.." Yun lang ang nababanggit nya.
"Little crush, say Hubby." Agaw naman ni Cody.
"Cubby!" Malakas na sagot naman ni Trish.
Malakas na napatawa naman sila dahil dun. Kung may makakapansin lang samin ay baka mapagkamalan na kaming mga baliw sa pakikipag paligsahan kay Trish.
"Baby Trish, say Tito Zee." Hindi ako nagpaawat.
Natsu!
Ngunit napatigil ako nang marinig ang tawag na iyon.
Salamander?
"Tito Zz.." Sagot ni Trish na hindi parin masabi ang pangalan ko.
"Kita mo na, hindi ka nya kilala dude!" Pang aasar ni Cody ngunit inismiran ko lang sya.
"Baby Trish say Tito.." Natsu!
"...Natsu?" Bigla kong nabanggit nang muli kong marinig ang tawag na iyon ni Jack.
"Tito, Atsuu!" Malakas na sagot naman ni Trish kaya bahagya kaming natigilan.
"Atssuu!" Ulit ni Trish at kasabay ng pagbunghalit ng tawa ng dalawang kolokoy maging si Ate Tracy ay natawa din.
"What? No, baby Trish, not Natsu. Tito Zee. Say Tito Zee."
"Atssuu! Atsuu!" Ngunit waring wala ng narinig si Trish at paulit ulit na niyang binigkas ang Atsu.
Atsu!? Ang sama namang pakinggan baby Trish.😭
Ilang sandali pa akong nakipagtalo kay Trish nang biglang umingay ang paligid dahil mukhang may importanteng bisitang dumating.
Sabay sabay kaming napatayo at napatingin sa harap habang kinuha na naman ni Ate Tracy si Baby Trish upang ipasok na sa loob.
May ilang taong dumating at waring napapalibutan ng mga body guard. Marahil ay ito na ang sikat na doctor na sinasabi ni Madam. At hindi nga ako nagkamali dahil masaya itong sinalubong ni Madam at halos kulang nalang ay halikan niya ang mga paa nito sa sobrang pag asikaso rito.
Napaismid ako at akmang tatalikod nang may mahagip ako ng tingin sa likod ng mga abalang tao.
Parang nag slowmo ang paligid ko nang maglakad siya ng marahan at nang umangat siya ng tingin ay saktong nagtama ang aming mga mata.
What the...
I can't explain how beautiful she is.
Pakiramdam ko ay biglang nawala ang mga tao sa paligid ko at tanging sya lang ang nakikita ko.
Kung hindi lang dahil sa mga purple niyang mata ay di ko makikilala kung sino siya.
She's wearing a long black fitted gown with high slit in her side. She's covering a fur coat na lalong nagpaganda sa suot niya.
"F*cked! I think I have a new crush dude!" Ani Cody na waring natulala din.
"Back off, she's mine!" Mabilis kong asik sa kanya ngunit agad din akong natigilan nang marelized ang sinabi.
What the hell am I saying??
--