webnovel

Chapter 10

Hindi niya alam kung anong isasagot dito ng may maisip siya..

"May ipis! May ipis sa dibdib mo!" Hindi niya alam kung bakit pero naisip nyang itili iyon para makaiwas sa pang aasar nito.

"Fuck! Fuck shit! asan? Asan? Shooo.. shooo.." nagulat siya ng bigla itong tumalon sa kama at namumutlang pinapagpag ng kamay ang sarili hindi pa nakontento at nag pagulong gulong pa sa kama hangang sa mahulog ito sa ibaba ng kama malapit sa kinatatayuan nya.

Ang lakas ng tawa nya habang pinanood ito na parang retarded na nag dadarang dahil lamang sa ipis.

Bigla naman itong tumigil ng marinig ang pag tawa niya saka dinampot ang unan na kasama nitong nalaglag at ibinato sa kanya.

"You!! You are such a bitch!!" Sigaw nito sakanya na agad namang tumayo at galit na nilapitan siya saka hinablot ang kanyang braso naniningkit ang mga mata nito at pulang pula ang tenga at mukha. Patuloy parin siya sa pag tawa dahil hindi niya talaga mapigilan.

sa laki ng katawan nito hindi mo aakalaing takot ito sa ipis.

"Stop laughing!" Bulyaw nito.

"I can't.." naiiyak na siya kakatawa "do you know what you look like?..you look lik- uummpp."

Hindi na niya naituloy ang sasabin ng marahas na hinawakan nito ang mag kabila niyang pisngi at sinibasib ng halik. Mulagat siya sa sobrang gulat kaya di napigilan ang reflexes niya hinawakan niya ang isang kamay nito at mabilis ang mga kilos na pinilipit iyon at itinumba ito ng padapa sa sahig habang nakadagan ang isang paa nya sa likod nito at ang kamay naman niya ay pinipilipit ang kaliwang kamay nito napadaing ito ng malakas.

Isang malakas na singhap ang sabay na nag palingon sakanila sa pintuan nakatayo doon si Nanang Bini habang nasa likod nito ang driver na halatang nagulat din sa ayos nilang mag asawa. Agad niya itong binitawan.

"Ahm minamasahe ko lang ho siya" mabilis na sansala niya.

"Anong minamasahe eh hal-" nanlaki Ang mga mata niya kaya mabilis niya itong niyuko upang takpan ang bibig nito ayaw naman nyang makarating sa magulang nito na minamaltrato niya ito gayong maganda ang pakikitungo sakanya ng mga magulang nito.

"Lambingan lang ho" pinandilatan niya ang asawa "nilalambing lang naman kita, diba Nicko?" sabay ngiti ng matamis dito.

Natigilan naman ito at parang nag ningning ang mga mata naramdaman niya pa na dinilaan nito ang palad niya pero di parin niya inalis ang pag kakatakip sa bibig nito dahil baka mag sumbong nanaman.

'Kadiri talaga tong lalaki na to! Argh!'

"Ay eh nakabukas kc areng pinto kaya tumuloy na kame. Sa susunod ay mag lo-lock nga layo ng pinto, kuu mga bata kayo" anito sakanila na may nanunudyong ngiti pati ang driver na nasa likuran nito ay nangingiti din at pigil ang pag tawa "Are ang inyong mga malate, bukas ko na aayusin para makapag lambingan na kayo" nanunudyong sabi pa ng matanda.

Ngumiti na lang sya at agad na umayos ng tayo ng lumabas na ang mga ito sa kwarto.

"Di ko alam karinyong brutal pala ang gusto mo Misis" nakakalokong sabi nito na tumagilid ng higa sa sahig at idinantay ang siko saka hinilig ang ulo sa palad nito. Ngiting ngiti ito sakanya habang tumataas taas pa ang kilay.

Sa sobrang inis niya ay sisipain nya sana ito sa sikmura pero mabilis na nasapo nito ang paa nya bahagya pa nitong nililis ang laylayan ng gown niya saka sinilip ang loob "Uy hulaan ko kulay ng panty mo" nakakalokong pang aasar pa nito mabilis naman niyang binawi ang paa at malakas na binatukan ito sa ulo.

"Bastos!" asik niya saka nag mamadaling tinungo ang banyo.

Dinig niya pa ang malakas na pag tawa nito bago niya malakas na isinara ang pinto ng banyo.

A/N: YOU CAN READ THE FOLLOWING CHAPTER ON DREAME APP AT MY DREAME ACCOUNT @RAWRA1441 THIS IS ALREADY COMPLETED.