webnovel

It's the Script

<October 18>

HINDI KO mapigilang hindi humikab habang inaayusan ang buhok ko. Nakaka-antok lang talaga kapag may magaan na kamay na nagsusuklay sa buhok mo. Pero isa na rin siguro kung bakit ako inaantok ngayon dahil sobrang late na rin kasi ngayon.

Gusto ko nang matulog...

Natauhan ako nang bigla akong tawagin ni Alann. "Cassey"

Lumingon ako sa kanya na naka-ayos na. Hindi ko naman mapigilang hindi mapatawa sa itsura niya. Sinimangutan niya ako kaya umubo ako para patigilan ang sarili ko sa pagtawa. Kinuha ko ang inaabot niyang papel kung saan nakasulat ang script namin.

"They're really giving us a lot of exposure" komento ko habang binabasa ang script.

"Mukhang effective ang tactic nina Kurt at Marvin"

Ang tinutukoy niya ang pinag-usapan ng manager namin tungkol sa plano nila para sa amin. Gusto nilang ipush ang loveteam namin para mas makakuha at mas masolidify ang fanbase namin. Nagsimula kasi kaming magtrending matapos ang magazine shoot at nang malaman ng mga tao na nasa pareho kaming teleserye. Masyadong nagustuhan ng mga tao ang tambalan naming dalawa.

Noong una ay ayaw talaga ni Alann dahil na rin sa girlfriend niya. Ako rin naman ay ayoko makasira ng relasyon. But the management still decides to push it through.

Hindi na lang ako kumibo atsaka tumingin sa nag-ayos ng buhok ko nang matapos ito. "Salamat po"

Sabay kaming lumabas ni Alann sa tent atsaka lumapit kay Direk. Itinuro nito kung ano ang gagawin namin mamaya. Matapos kaming kausapin ay umupo muna kaming dalawa sa isa sa mga upuan habang naghihintay ng turn namin.

Si Alann ay patuloy na binabasa ang script niya dahil madami-dami rin itong sasabihin. Hindi na ako nagsubok magbasa dahil kabisado ko na ang linya naming lahat. Kaya naman pinanood ko na lang ang artista na umaarte ngayon.

Ginamit ko ang binti ko para maka-ngalumbaba. Habang pinapanood ko sila ay hindi ko namalayan na naluha na pala ako kung hindi lang ako tinapik ni Alann.

"Uy? Okay ka lang? Bigla-bigla ka na lang umiiyak diyan" sabi niya.

Mukhang hindi ko rin namalayan na wala na pala sa pinapanood ko ang atensyon ko, at sa ibang bagay na pala ang iniisip ko. This is not good. I should focus on work.

"Sorry. Naiisip ko lang 'yung script natin" pagdahilan ko.

Mukhang napaisip si Alann atsaka hinanap sa script niya kung saan banda ang nakaka-iyak na scene. Napangiti na lang ako habang umiiling sa kanya.

Tumayo ako atsaka iniwan na siya doon nang tawagin na kami ni Direk.

---

"What's wrong with you? Napapadalas ang pagiging lutang mo. Mabuti at hindi naapektuhan ang trabaho mo pero kapag ito nalaman ng nanay mo--" tumigil si kuya Marvin sa pagsesermon nang makita niya akong hindi nakikinig sa kanya.

Walang gana kong pinapanood ang mga nilalampasan naming buildings mula sa bintana. Bumuntong hininga siya atsaka binuksan na lang ang radio ng kotse para makinig ng music.

Sinubukan kong hindi magpakita ng ibang emosyon matapos kong maintindihan ang gustong sabihin ni kuya Marvin. It may looked like I was listening, pero sa liit lang naman ng kotse ay siyempre naririnig ko 'yun.

How should I interpret that?

Pinikit ko na lang ang mata ko para magkunwaring natutulog. Baka sakali kapag ginawa ko ito ay mapigilan kong mag-isip ng sarili kong pagkakaintindi sa sinabi niya.

Pagkauwi ko ay nagkulong ako sa kwarto atsaka itinuloy ang tulog ko.

Kinaumagahan, 11 AM na ako nagising. Naalala ko na may event nga pala sa school ngayon. Sayang at hindi ako p'wedeng makapunta.

Tumayo ako mula sa kama atsaka nag-ayos na dahil maya-maya lang ay susunduin na ako ni kuya Marvin. Pero habang nag-aayos ay biglang tumawag si Farelle gamit ang messenger.

"Hello?"

"Hindi ka talaga makakapunta? Andito na si Ronan" Tanong ni Farelle.

"Gusto ko nga sana kaso need kami sa set by 1 PM"

"Aww. Okay lang. Balitaan na lang kita sa ganap dito"

Napayuko ako habang nagkwe-kwento si Farelle. In-open niya rin ang face cam niya para makita ko kung sino mga kasama niya ngayon. Nandoon ang iba naming kaklase pati na rin si Ronan.

"Nakakaingit kayo. Gusto ko rin maranasan ang normal school life" bulong ko pero mukhang narinig nila ito.

Kita ko kung paano magtaas ng kilay si Divine atsaka paano mahinang tumawa si Farelle. "Kami nga dapat mainggit sa'yo eh. You're living the dream kaya"

Tumawa ako para sabayan sila. I expected this kind of reaction.

"Hindi naman" pabiro kong sabi.

Pero, am I really living the dream?

Naalala ko ang isa sa napanood ko na drama. Nakita ko kung paano mamuhay doon ang isang normal na empleyado at isang normal na estudyante.

Napahawak ako sa dibdib ko atsaka malalim na napaisip. I think, thats the kind of life I want.

"Oo kaya. Araw-araw niyong nakikita at nakakausap ang mga artista na hindi namin maisip na mapapansin kami. Tapos sa murang edad may buhay na kayo kaagad. I mean, nakakakuha na kayo ng sarili niyong pera gamit ang sarili niyong abilidad. Atsaka, ang boring kaya ng school life. Tamang hanap ka lang ng g'wapo at ng p'wedeng malandi, malas ka kapag wala kang mahanap. Eh kayo, napapaligiran na kayo ng mga blessed na mukha. Kahit saan kayo lumingon, aba may maganda at g'wapo!" mahabang sabi ni Farelle.

Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Gusto palang lumandi" komento ni Divine.

"Heh! Por que may jowa ka lang" pagdepensa ni Farelle sa sarili.

Napatingin ako sa orasan nang medyo mapahaba ang kwentuhan namin. "Uy, end ko na call. Darating na kasi si kuya Marvin niyan. Kwentuhan niyo na lang ako next time ulit" paalam ko bago ko inend ang call.

Nang mapatay ko ito ay huminga ako ng malalim atsaka nagfocus na lang sa dapat kong gawin. Sinubukan kong hindi isipin kung ano man ang gustong gumulo sa utak ko.

Haaa...

I don't like this.